webnovel

Gaze at the Empyrean and say, Hi!

Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer from Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full of dreams and perseverance that will change his perspective in life. But destiny is so mischievous. Do you think their relationship will survive?

Luminous_Stellar · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
38 Chs

Chapter 25

Ngayon ang binyag ng anak ni Mica, buti nalang at day-off ko kaya magagawa kong umattend.

Pagkagising ko ng 10:00 am, naligo na agad ako dahil 11:00 ang start ng binyag. Tinanghali akong magising dahil pinagpuyatan ko kagabi gawin 'yong overall look ng building para sa bago naming project.

Matapos kong maligo ay agad akong nag bihis.

I'm just wearing a black high waist pencil cut ending above the knee, white casual long sleeve blouse, I paired it with black sandals and black sling bag.

Hindi na 'ko nag abala na kumain dahil baka malate ako. Nag madali na ako at sumakay ng tricycle.

Pagkadating ko ng simbahan ay nando'n na silang lahat. Agad kong pinuntahan si Mica dahil hawak-hawak niya si baby Faira.

"Hi baby Faira antaba-taba mo na, para kang marshmallow ang cute-cute mo!" Biglang ngumisi si Faira.

"Ba't ngayon ka lang?" Masungit na tanong ni Mica.

"Puyat ako, nakipag late night talks lang naman ako sa mechanical pen at tracing paper."

"New project?" She raised her eyebrow.

"Oo, tara na sa loob." Aya ko.

Nagsimula ng binyagan si baby Faira pagkadating ng pari,  sinindihan namin ang aming mga kandila. Iyak siya ng iyak habang binibinyagan.

Matapos siyang binyagan, kinuhanan ng litrato bawat ninong at ninang.

Habang karga ko si baby Faira at kinukuhanan kami ng picture ng photographer, mayroon akong nakitang lalaki ngunit agad itong tumalikod at naglakad paalis, pinagmasdan ko ang kanyang likod habang naglalakad papalayo dahil magkaparehas sila ng hubog nang katawan ni Rigel. Natauhan naman ako ng sigawan ako ni Mica.

"Kc tumingin ka sa camera! Sino ba tinitignan mo?"

Agad naman akong ngumiti at humarap sa camera. Pinagsawalang bahala ko nalang ang aking nakita. Baka dahil lang 'yon sa gutom, hindi pa kasi ako kumakain ng almusal.

Dumiretso na kami sa reception pagkatapos, sumabay ako kay Dax at Casper dahil wala pa 'kong kotse.

"Kc wala ka pa ding boyfriend?" Dax asked.

"Dax wala ka pa ding girlfriend?" Balik kong tanong sakaniya.

"Siyempre wala, chix madami. Itong nanahimik dito may girlfriend na."

Tahimik lang si Casper habang nagmamaneho.

"Ba't 'di mo sinama Casper? Hindi mo man lang ba kami ipapakilala?" I asked him.

"Ikaw lang naman 'di nakakakilala Kc, hayaan mo papakilala kita sa susunod." He smiled at me.

"Kilala mo girlfriend niya Dax?"

Takang tanong ko.

"Malamang, pinsan ko girlfriend niyang mokong na 'yan eh. Ayon 'yung babaeng sumigaw dati sa bar na gustong iuwi vocalist natin."

"Yung babaeng lasing na sumigaw? Andaya niyo naman!" Nagtatampo kong sabi.

"Gusto mo papuntahin natin mamaya sa bar? Mayroong after party mamaya 'diba?" Tanong ni Casper.

"Oo pre, sa Pitcher's Perfect." Dax replied.

"Punta ka Kc ah? Para makilala mo si Nixie." Casper let out a smile.

Masaya 'ko dahil nakahanap na si Casper ng babaeng para sakaniya. 'Yung taong susuklian ang pagmamahal niya.

I believe in God's perfect timing.

Nakarating na kami sa venue, napakaraming tao dahil ando'n din 'yung mga business partner ng tatay ni Mica.

Masaya ko para sa mga kaibigan ko dahil may mga tao ng nagpapasaya sakanila. Si Dax kaya, kailan?

Kumain lang kami at pagkatapos, nagpaalam na kaming umuwi.

"Migs, Mica una na kami ah?" Paalam ni Dax.

"Mamayang gabi pre ah?" Paalala ni Migs.

"Oo pupunta kami 'di ka namin bibiguin pagdating sa inuman." Malokong sabi ni Dax.

Napakasiraulo naming ninong at ninang dahil nag eat and run lang kami. Hinatid ako ni Casper sa bahay dahil ang hassle kung magta-tricycle pa daw ako.

"Pasok ka sa loob, Casper." Aya ko sakaniya.

"Hindi na Kc, may pupuntahan pa 'ko, see you later. Sunduin ka ba namin?" Tanong niya.

"Huwag na nakakahiya naman."

"Nahiya pa, sige text kita mamaya." Nakangiting sabi niya.

"Sige thank you sa paghatid, ingat."

"Sige una na ko Kc." He waved her hand.

Pumasok na 'ko sa loob ng bahay namin. Walang tao dito, dahil nasa grocery store namin si mama at Jillian, si kuya naman inaasikaso 'yung isang branch ng grocery.

Inabala ko ang aking sarili para matapos ko na 'yung ginagawa kong building, para sa bago naming project. Ngunit bigla nanamang sumagi sa aking isipan 'yung lalaking nakita ko kanina.

Posible bang umuwi na siya? Handa na ba 'kong harapin ulit siya?

Nang matapos ko ang mga ginagawa, nagpasyahan ko na matulog muna. Inalarm ko nalang ang aking cellphone para magising ako.

Ngunit hanggang sa pagtulog ko ay sinusundan ako ng mga ala-ala naming dalawa. Kaya kahit na hindi pa tumutunog ang alarm ko ay nagising na agad ako.

Alas-singko palang pala. Pagkababa ko naandito na si Mama, Jillian at Xyrius.

Nagluto ako ng makakain namin para mamayang dinner.

"Ma kamusta negosyo natin?"

"Ayos naman anak, nakakatuwa nga dahil palaki nang palaki ang kinikita natin." Sagot ni mama.

"Ma 'yung ipon ko, ibibili ko munang kotse. Sunod naman bibili ako ng lupang tatayuan ng bago nating bahay."

"Talaga ate?" Tuwang-tuwa na tanong ni Jillian.

"Oo kaya kapag wala kang pasok tulungan mo si mama o kaya bantayan mo si bunso kasi big girl ka na."

"Oo naman ate." Kumindat pa siya matapos niyang sabihin 'yon.

Naglinis muna 'ko ng bahay dahil hindi na namin nalilinisan 'to, dahil busy kami pare-pareho. Pagkatapos, kumain na kami ng dumating si kuya.

"Kuya gusto mong sumama sa bar?" I asked him.

"Anong mayroon?"

"May after party sila Migs sa bar, kasi binyag ng anak nila kanina ni Mica, panget naman daw uminom ng umaga."

"Sa susunod nalang pagod ako eh." Nakangiti niyang sabi.

"Sige kuya."

"Kc mag iingat ah?" Paalala ni mama.

"Opo ma."

Pagkatapos kong kumain ay naligo na 'ko. Nag suot lang ako ng black halter dress, pinatungan ko ito ng denim jacket at nagsuot ng white sneakers. Maya-maya ay tumunog na ang aking cellphone.

From Casper:

Nasa labas na kami.

Pagkabasa ko ng text ni Casper ay nagmadali akong lumabas. Nakita ko ang itim niyang kotse, kinatok ko ang bintana sa shot gun door. Nagulat ako ng buksan ng magandang babae ang pinto ng kotse.

"Hi good evening." Bati ko sakaniya.

"Hello good evening gorgeous Lady, I'm Nixie Santos." She offered her hand.

Inabot ko naman ito upang makipagkamay. "Kc Fernandez, nice meeting you."

"Let's go?" She said.

"Yeah, dito nalang ako sa back seat." Nakangiti kong sabi.

"Casper si Dax?" Tanong ko pagkapasok sa loob.

"Nauna na, alam mo naman 'yon pag sinabing bar atat na atat, dahil chix agad hanap."

"Ah, ilang years na kayo Nixie?" Nahihiya kong tanong.

"I think 1 year and 2 months."

"Tagal niyo na pala. Ba't ngayon mo lang siya pinakilala Casper?"

"Masyado kang busy sa work mo."

"Hahaha sabi ko nga." I laughed.

Ilang minuto lang, nakarating na kami sa Pitcher's Perfect. Tagal ko ding 'di nakapunta dito.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa taas dahil nireserve ni Migs ang buong second floor.

Dumiretso kami sa couch naming magkakaibigan ando'n na si Dax, si Migs naman ay umiikot para kamustahin ang mga bisita nila.

"Kc iinom ka? Uminom ka naman tanda-tanda mo na 'di ka pa din nakakaranas uminom?" Dax said, trying to convince me.

"Tanda lang, pag tanda-tanda lola na 'yun. Ayoko uminom walang mag aalaga sa 'kin pag nalasing ako."

"Andito kami 'wag kang mag-alala 'di ka naman namin pababayaan." Dax said.

Andaming tao halos mapuno ang second floor dahil halos lahat ng invited ay mga batch mates namin sa HTIU.

"Kc!" Sigaw ni Mica.

"Oh andito ka din? Sinong nagbabantay kay Faira?" Takang tanong ko.

"Iniwan muna namin sa mama ni Migs, ngayon lang naman. Namiss ko din kasing magparty, kaya dapat uminom ka ah?"

"Soft drinks nga 'di ko iniinom, alak pa kaya?" I smirked.

"Guys ayaw uminom ni Kc oh?" Paawang sabi ni Mica.

"Inom ka munang 10 shots ng Jager dapat sunod-sunod ah? Iinom ako pag uminom ka  promise."

"Kc gusto mo ba 'kong malasing, para masundan agad si

Faira?"

"Depende sainyong dalawa, kung malibog kayo pareho." I chuckles.

"Sige iinom ako, basta uminom ka." Mica smiled at me.

Dax poured the Jager in the shot glass.

"1!" Ininom ito ni Mica.

Nag salin ulit si Dax hanggang sa makasampong lagok si Mica. Pagkatapos ay uminom siya ng Red bull.

"Kc ano? Ikaw naman letse ka 'wag kang madaya!"

Nagsalin naman si Dax ng para sa 'kin.

Ininom ko naman ang binigay ni Dax.

"Punyemas ka Mica! Ayoko nito." Ngunit nilunok ko pa din dahil anlayo ng CR.

Inabutan naman ako ni Mica ng parang juice na may orange at cherry na galing sa waiter.

"Here." Abot niya sa 'kin akala ko juice.

"Ano 'to Mica?"

"Tequila sunrise, masarap 'yan! Pero mas masarap ako, 'diba Migs?" Kumindat siya kay Migs.

Nakailang baso ako ng tequila sunrise dahil bigay nang bigay sila Dax at Mica dahil ayon lang naman daw ang iniinom ko, I feel a little bit dizzy. Maya-maya lang ay inaya ako ni Mica para pumunta sa baba, dahil gusto niya daw makiparty sa dance floor sinundan naman kami ni Migs dahil lasing na si Mica.

Hinatak ako ni Mica hanggang sa mapunta kami sa dance floor. My vision was blurry maybe because I take a lot of shots continuosly. Tinuruan ako ni Mica kung pa'no sumayaw dahil hindi ako marunong, ngunit hindi ako nag eenjoy dahil ang crowded. Umalis muna 'ko dahil mas lalo akong nahilo doon sa dance floor, tinawag ko si Migs para puntahan si Mica.

Nahihilo na talaga ko, kaya agad akong natumba ng mabangga ako ng isang lalaki. He hold my waist to support my weight.

"Cassiopeia?" Tanong niya.

I was staring at him for too long because my vision was so blurry that's why I closed my eyes again.

Hindi ko maaninag ang muka niya dahil madilim sa pwesto namin at tanging disco lights lang ang nagbibigay ilaw. Pero 'di ako pwedeng magkamali dahil siya lang naman ang kaisa-isang taong tumatawag sa 'kin s sa ganoong pangalan ko.

"Cass are you okay?" He asked worriedly.

"Layuan mo nga 'ko, okay lang ako! Kaya ko sarili ko."

Hindi niya ko nilayuan ng itulak ko siya sa halip ay binuhat niya ko na parang bagong kasal.

"Sa'n mo ba 'ko dadalhin Rigel? Aalis-alis ka tapos bigla kang babalik?"

Binaba niya ko sa bench, ng makalabas kami sa bar.

"Are you drunk?"

"A-ano sa tingin mo?" I rolled my eyes.

"You're drunk Cass."

"Umalis ka na nga Rigel, Iniwan mo na 'ko 'diba? Ba't bumalik ka pa?"

"Cass I left because you never asked me to stay."

"You should stay because you want too, not because I asked you. You said you're always be here by my side, pero noong panahong nawala si Lola kailangang-kailangan kita no'n Rigel, pero wala ka. Asa'n ka nung panahong kailangan kita? Wala 'diba? mas pinili mong iwan ako. Sinundan pa kita sa airport, umaasa kong ando'n ka pa, nagmukha akong tanga kakahanap, pero wala na 'kong Rigel na nakita miski anino. Kaya pwede ba? Umalis ka nalang ulit. At 'wag na 'wag ka ng babalik!" Nainis ako, kumukulo ang dugo sakaniya, 'di ko din mapigilan ang bunganga ko dahil siguro sa alak 'to.

I'm blaming the alcohol for being like this.

"I left because my mom needs treatment, she's ill Cass. And you're not the only one who lose someone you love, I also lose my mom. My mom d-died because of cancer. I'm so l-lost that moment, because I only have myself that time. I felt so lonely, and mom already confessed before she died that I'm just an adopted child. She adopted me since when I was a little." His tears started to fall.

"What? Your just an adopted child?" My eyes widened, when I realized what he just said.

He nod.

"I'm sorry Rigel. Sobrang selfish ko, hindi ko man lang naisip na may dahilan ka kung bakit bigla kang umalis, napakaselfish kong tao, hindi man lang kita naisip. I'm sorry I was blinded." I let out a sighed.

"I already forgave you Cass. I hope you'll forgive me too, for leaving you, without biding good bye."

Kinabukasan nagising ako sa napakaraming text na natanggap ko galing sa mga kaibiga ko. Lahat ng text nila ay puro tanong kung nasaan ba 'ko.

Kaya naman agad akong nagchat sa gc naming magkakaibigan.

Kc: Guys sorry 'di na 'ko nakapag paalam kagabi, umuwi na 'ko agad kasi ansakit ng ulo ko. Sorry nag-alala pa kayo.

Mica: Ikaw na babae ka! Alalang-alala kami sayo kagabi. Nawala kalasingan ko noong malaman kong nawawala ka.

Dax: Hanep Kc 'kala ko inuwi ka na ng mga tao sa bar.

Casper: okay ka lang Kc? Nakauwi ka bang safe?

Migs: kalma guys nakauwi siya ng ligtas, nakapagchat na nga.

Kc: Sorry guys.

Matapos naming mag usap ni Rigel kagabi hinatid niya 'ko sa bahay namin dahil nahihilo na 'ko.

Nag asikaso na 'ko para pumasok sa trabaho. Kailangan kong pumunta sa site ngayon para i-check 'yung project kung may progress na ba.

Pagkadating ko sa site, busy ang mga construction worker. Buti naman at may pag babago dahil onti nalang malapit ng matapos 'to.

Lumipas ang ilang linggo mas lalo kong naging busy dahil nadagdagan nanaman ang project ko.

Nakaipon na 'ko ng pera kaya naman bumili na 'ko ng sarili kong kotse. Hindi masyadong mahal ang binili ko dahil 'di ko naman kailangan ng kotseng maganda para ipangrampa.

Simula ng mag kita kami ni Rigel noong gabing 'yon. Hindi ko pa siya nakikita ulit dahil sa sobrang busy ko.

Sobrang sising-sisi ako dahil sa nangyari. Nakipaghiwalay ako sakanya dahil akala ko magkapatid kami sa ama pero hindi pala.

Nasayang ang pinagsamahan naming dalawa, nasayang ang apat na taong relasyon namin dahil sa maling akala.

My minds dwell on the past, the film reels of our failed relationship who both hurt us. I used to play those memories over and over again in my mind. I wish I had said the things, I wish I had done differently.

You couldn't erase the past. You couldn't even change it. But life will offer opportunities to make things right.

__________________________________