Natapos na rin sa wakas ang shift nila sa araw na ito. "Hay, grabe, shit. Nakakapagod" sigaw ni Kira sa sarili. Sa araw-araw naginawa ng Dios ay ni minsan hindi niya pinangarap kausapin itong mga Amerikano tungkol sa mga problema nila. Ayaw niya ang makipagtalo sa mga taong ito na madalas ay napakahirap umintindi ng mga salitang "hindi pwede" kahit gandahan mo pa ang spiel ng iyong pananalita at magbigay ka pa ng mga napakagandang option, o kaya'y lunurin mo sila ng sandamakmak na "sorry" at empathy statements lubhang mahirap ang pagbibigay ng good customer service sa kanila. Konting problema tawag, kunting mali reklamo. "Hindi ko maintindihan ang ugali ng mga kano, minsan mabait, madalas salbahi, bastos at mainitin ang ulo." paglalarawan ni Kira sa mga Amerikanong araw-araw na nakakausap. Kung may ibang oportunidad lang sanang meron dito sa Pilipinas na makapagbibigay ng sahod na makakatapat sa sahod na nakukuha niya sa pagcacall center ay mas gugustohin pa niyang magwalis ng kalsada kaysa makausap ang mga Amerikanong ito. Masakit mang isipin ngunit tiis ganda lang muna si Kira at mahirap ang maghanap ng trabaho sa mga panahong ito.
Mabilis na lumabas si Kira sa production floor ang bahagi ng building kung saan sila nagcacalls, agad siyang pumunta sa locker niya, excited siya sa lakad nila ni Adrian, hindi siya nag expect na yayayain siya nito para makipag bonding at magkantahan. Masaya siya tungkol dito. Pagdating sa kanyang locker ay nag ayus si Kira ng kanyang sarili, nanalamin, nagsuklay, gusto niya maging presentable ang sarili, pinagmasdan niya ang kanyang maamong mukha sa salamin. Lubhang kaakit akit at maganda si Kira, maputi, chinita, masasabi mong bagay siya sa mga gwapong lalaki kagaya ni Adrian.
"Oh, are you ready" wika ni Adrian na kakarating lang sa may locker area. Nasa likod lamang ng locker niya ang pwesto ng locker ng lalaki. "Yes" tugon ni Kira sa tanong ni Adrian. "I'll wait for you sa labas ng building" pabulong na sabi ni Adrian. "Okay" sagot ni kira.
Mabilis na naglakad si Kira at sumakay ng elevator. Pinindot niya ang ground floor button at mukhang kailangan niya pangmaghitay ng lima hanggang walong minuto dahil panay pasok at labas ng mga tao sa bawat palapag ng building nila, nasa 20th floor pa siya galing at marami-raming palapag pa ang kailangan niyang daanan. At panay tingin niya sa relong suot, ayaw niyang paghintayin si Adrian. Ayaw niyang may pinapahintay na tao. Lalong lalo na at si Adrian ito.
Excited na bumaba si Kira sa elevator dating nito sa ground floor. Agad siyang lumabas ng building at hinanap si Adrian. Paikot-ikot ang kanyang tingin sa paligid naghahanap, inaasam na makita ang lalaking dahilan ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Kira" tawag ni Adrian. Nasa tabi ng halamanan ang lalaki sakay ng kanyang motor na kasya lamang sa dalawang katao. Agad na naglakad patungo roon si kira. Mabilis ang kanyang mga hakbang papunta kay Adrian, sing bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Pinagmamasdan niya ang binata habang naglalakad siya papunta rito. Nakasakay ito sa motorsiklo ang dalawang paa nito ay nasa lupa, matikas, astig at pormang badboy ito, napakagwapo talaga ni Adrian ang lakas ng appeal nito kay Kira. Napabuntong hininga ang dalaga ng marating niya ang kinaroroonan ni Adrian, dahil na rin sa pagod at sa kabang nararamdaman niya sa tuwing napapalapit sa lalaki.
"Oh tara, angkas ka na at isuot mo itong helmet". wika ni Adrian. "Hindi ako sanay sumakay ng motor". sabay angkas ni Kira sa motorsiklong iyon. Sa unang pagkakataon ay nahawakan niya ang balikat ng binata, animo'y bakal ito, matigas, malapad, dagdag pa ang bangong nililikha ng suot nitong jacket, napagmasdan niya din ang maputi nitong leeg ang linis ng gupit ng buhok nito. Parang napakasarap yakapin at maging boyfriend si Adrian.
"Kapit ka lang huh, at malayo-layo pa ang biyahe natin, may alam akong lugar namagugustohan mo". Sabay tunog ng makina ng motorsiklo at ikot ng mga gulong nito. Mas lalong napahawak si Kira ng mahigpit kay Adrian, nilipat niya ang kanyang mga kamay sa baywang nito, may kung anung enerhiyang dumaloy sa kanyang mga kamay papunta sa kanyang utak at puso. Napaka ganda ng katawan ng binata wala siyang nakapang taba, matikas ang pangangatawan nito. Ang lalaking kanyang panaginip ay di niya labis maisip na aangkas siya sa likod ng motorsiklo nito. Gusto niya itong yakapin kinakabahan siya sa pagkakaangkas sa motorsiklo ngunit mas kinakabahan siyang si Adrian ang nagmamaniho, kinakabahan siyang isipin na magkalapit ang kanilang katawan at halos niyayakap niya na ang binata masiguro lamang na hindi siya mahuhulog sa motor.
Mainit na ang sikat ng araw habang nasa gitna ng kalsada sina Kira at Adrian. Paminsan-minsan silang humihinto sa mga traffic lights na nadadaanan nila, hinihintay ang go signal upang magpatuloy sa byahe. Unti-unti na ring umiinit ang hampas ng hangin sa mga braso ni Kira siguro ay dahil sa sikat ng araw.
"Malayo pa ba tayo". tanong ni Kira kay Adrian. "Malapit na". sagot ng binata dito.