webnovel

Gangster Jann (Cali White Gang)

Jannmr · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
18 Chs

Chapter 15 A Stranger In The Night

Jann's Pov

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Pagkatapos ko ginarahe ang aking Porsche pumasok na agad ako sa aking kwarto. Umupo muna ako vanity table, binaba ang aking bagpack. Huminga ng malalim. Tinignan ko ang repleksyon ng aking mukha sa salamin ng ilang segundo.

Tok tok tok..

Nagmumuni-muni ako dito tapos may asungot. Tsk. Ibig kong sabihin may kumakatok.

"Its open, come in." Pahintulot ko sa kumakatok. Binuksan nya agad ang pintuan.

Hi baby." Nakangiting bati sa akin ng kapatid ko habang naglalakad papasok sa kwarto ko. "Alam ko kararating mo lang. Kumain ka na ba?!"

"Hindi pa, pero busog pa ako."

"Ah I see, naistorbo ba kita?" Nagtanong ka pa.

"Yes you are." Pagtataray ko.

"Ang bilis naman ng sagot mo hehe."

"You just ruin my moment. What is it?" Pinaliitan ko sya ng mata.

"Tutal naistorbo na kita, pwede ba mag usap tayo?"

"About what?" Pagtataka ko.

"Basta, tara sa rooftop deck? May tanduay ice ako dito, kung gusto mo lang. Tapos may pulutan din ako." Kamot ulong sabi ni Collin.

What's up?! Hmm mukhang pinaghandaan mo ito ah?!" Taas kilay na sabi ko sa kanya.

Naglakad na kami papuntang rooftop deck. Tapos nakaakbay sa akin si Collin. Bale ako yung nasa left side, sya naman sa right side ng corridor, kung left hand nya yung nasa balikat ko.

"Alam kong hindi tayo lumaking magkasama.." Pakumpas-kumpas pa sa ere sng kanyang kanan na kamay. "Pero halos araw-araw naman tayong nag-uusap sa fb messenger kasama sila Mama at Papa di ba?! Pero gusto ko lang makapagbonding sa little sister ko. Different parin yung kasama ka physically. Ayaw kong magmukha tayong strangers dito sa loob ng ating bahay.

"Anong nakain mo?! Sweet ng kapatid ko ah?! Samantalang pagdinadalaw nyo ko sa Amerika palagi mo akong pinagtritripan. Mamamatay ka na ba Collin?!"

Grabe sya oh?! Namiss ko lang ang kapatid ko. Nag-iba yung tingin ko sayo nung malaman ko yung ibang pagkatao mo baby. Parang hindi na nga bagay tawaging baby eh." Ngising sabi nya sa akin. "Napagtanto ko na hindi pala natin ganun kakilala ang isa't isa."

"Tsss.. Sooo what do you want to talk about?"

"Ahh..." Nakatingala sya parang nag-iisip kung ano ba ang magandang pag-uusapan namin.. Hmm parang wala syang maisip.. This would be..

"Boyfriend?! Meron ba?!"

"Tsss boyfriend? Wala."

"Manliligaw?!" Andito na kami ngayon sa rooftop deck. Sitting pretty sa bench. Umiinom with pulutan. Nakaharap sa swimming pool. Parang gusto ko tuloy magswimming? Hmmm..

"Hmm.." I rolled my eyes.

"The answer is meron. Tama noh?!"

I just nod.

"Paano naman sila manligaw sayo? Kwento ka naman baby oh?! Para sa akin kasi nakakatakot kang ligawan. Haha don't get me wrong haha.."

"Babae ka ba?!" Tiningnan ko sya ng ilang segundo, mula ulo hanggang paa. "Nagiging intrigera ka eh."

"Haist. Please? Gusto ko lang naman na mas makilala ang kapatid ko na astig."

"Tssss oki. Paano ko ba sisimulan? Hmm.. Marami nga siguro nagkakainteres sa akin pero may munting palabas ako bago sila makapanligaw sa akin."

"Ano naman kaya yun?!"

"Hmm, friendly match, more of sparring for me.. para narin ako nagtre-training kasi. At nasisiyahan ako."

"Huh?! Hindi ko gets baby.." Napakunot noo na lamang si Collin.

"Nakikipagsuntukan ako sa loob ng ring tsss slowpoke! Kapag natalo nila ako pwede na sila manligaw pero kapag ako nanalo basted na."

"Wow ha!" Tapos piningot nya ang ilong ko.

"Collin, stop!" Tapos inalis ko ang mga daliri nya sa ilong ko.

"Hahaha ang kyut mo kasi baby.. ayos yung naisip mo ah. Hula ko kahit isa walang nanalo sayo." He smirked.

"Yeah. No one beat me. No one can beat me. Kaya alam mo na."

"Haha yabang nito, ayaw mo ba magkaboyfriend? Maranasan magmahal?"

"For what? Para masaktan? Hindi ako interesado kuya." Pagkasabi ko nun tumitig ako sa kanya. Seryosong tingin. "Kayo lang sapat na sa akin Collin. I could not ask for more than that."

"Haist wag ka nga magsalita ng patapos baby, darating yan tiyak ko yan sayo, magpustahan pa tayo. Haha." Pagbibiro ni Collin.

"Ahhh so ang lovelife ko pala ay parang pangpustahan lang?"

"Haha syempre joke lang. Kung meron man manligaw sayo dadaan muna sa aking kilatis. Hehe."

"Tsss kung makakapasa sayo malamang sa akin hindi. Haha." Pabiro ko narin.

"Pero seryoso baby, kikilatisin ko muna."

"Edi wow! Haha.."

"Serious talk. Ehem." Tumikhim sya. "Can we talk about your world?" I stared at him blankly. I know na dito papunta ang usapan namin. I know too that curious sya sa pagiging gangster ko.

"I can.." I paused. "But not the whole thing.

Ayaw ko may mapahamak isa sa inyo. As I always say, less knowledge, less danger." Seryosong sabi ko.

"Of course, I know you will never allow it. Gusto ko lang malaman paano ka naging gangster. Yun lang."

"Yun lang? Bolahin mo na sila wag lang ako Collin. An answer to one question can results to many more questions, Collin."

Haha bilib na talaga ako sayo. Eh basta kung ano lang yung pwede mo i-share sa akin, okay na ako dun."

"Isang taon na ako naninirahan sa Amerika nun Collin, pauwi na ako sa bahay galing school, naglalakad ako sa isang eskinita pero may humarang sa daraanan ko pauwi, hindi lang isa kundi marami Collin.." Nakikinig lang sya sa kwento ko. Tutok na tutok. Makikita mo sa mga mata nya na nag-aalala sya para sa akin. "Sigaw ako ng sigaw nun, akala ko wala na talagang tutulong sa akin, pero may grupo ng mga batang lalake na tumulong sa akin pero may kasama silang may edad na lalake, they helped me Collin, sipa at suntukan sila, nanood lang ako. Hanggang sa natalo yung mga kalaban. Hinatid nila ako pauwi. Kinabukasan binalikan nila ako, mula noon sila na palagi ang kasama ko. Pagkatapos nagkainteres ako matuto ng ginagawa nila kasi nakikita ko kapag natre-training sila. Yung matandang lalake na kasama nila lider at teacher pala nila yun, sya ang nagturo sa kanila at sa akin sa lahat ng bagay na natutunan ko ngayon.

"Nung ready na kami, sumabak na kami sa pakikipaglaban. Hanggang sa kami ang naging rank 1. Namatay na yung teacher namin, mali, pinatay sya. Hanggang ngayon hindi pa namin alam kung sino ang may sala nun. Hinahanap parin namin ang may sala. Sampu kaming nasa grupo, siyam ang lalake ako ang pangsampu at nag iisang babae. At ako ang lider, hindi lang dahil ako ang babae kundi ako narin ang mas magaling sa kanila. Papetiks petiks lang kasi sila dati, nung nagfriendly match kami natalo ko silang lahat kaya ako ang mas malakas. At ako ang naging lider. So may gusto ka pang malaman?!"

"Hahaha hamboga nimo uy! Mao na akong igsoon. (Ang hambog mo ah! Yan ang kapatid ko.)" Nagthumbs up lang sya pagkatapos. "Ano ba hilig mong ginagawa?!"

"Tsss anong magagawa ko kung mas magaling lang talaga ako sa kanila?!" Then I smirked at Collin. "Mga ginagawa ko?! Motocross racing or car racing. Dyan din ako nagkakapera maliban sa mga binibigay sa akin nina Mama. Aaminin ko ilegal na karera yun pero malaki nakukuha kong pera dyan. Kumakanta din ako sa isang sikat na bar tuwing gabi.

"Wow!!!" Amazed na amazed sya sa mga ibang kwento ko pa.

"Okay tong tanduay ice ah pati pulutan mo."

"Syempre, para mas masarap usapan natin, di ba?!"

"Yeah, you are right. Thanks to this Collin." Tapos nagkayakapan kami. This is the few moments we have as siblings. Kaya sila ang weakness ko. Sa labanan namin ng gang, I am ruthless, no room for sincerity, no room for pity, and you can't be nice. Time is a traitor. Kapag naging mabait ka aabusuhin ka, lolokohin ka, gagamitin ka at kapag wala ka nang pakinabang sa kanila after they get some of what you have they will left you with nothing in hand, throw you like a garbage. First thing first, never trust anyone, put your self first next is your gang mates. Most of all never let anyone see your weakness or show them what is your weakness because they will use it against you. If that thing happen to you, that would be the end of you. Focus, alert and paying attention to every small details is a must. Kahit gaano kaliit yun importante parin.

That is how the life of being a part of gangsta world.

"Masaya ako na nagkabonding tayo. Nag-uusap ng ganito." Sabi ni Collin.

"Me too." Tapos ngumiti lang ako sa kanya.

"Sorry pahabol ko na tanong ano nga pala name ng gang nyo?!"

"The Cali White Gang."

"Bakit Cali White Gang?"

"Ang totoo nung ako na ang lider pinalitan lang namin ang pangalan, ginawa kong Cali White kasi nasa California kami lahat nakatira, eh ang beach dun, white beach, and lahat kami mahilig sa beach, so yun."

"Ahh okay. Nice name naman, ang totoo, mabait ang tunog ng name pero kabaliktaran pala."

"Ubos na ang tanduay ice natin, pati pulutan. Siguro dapat magpahinga na tayo, may pasok pa bukas at saka simula na nang training nyo. Tara baba na tayo?!"

"Alam mo tama ka baby girl, sige tara."

Bumaba na kami mula sa rooftop deck. Mukhang tinamaan na tong si Collin sa alak na inimom namin. Tsss tig-tatatlong bote lang naman ang ininom namin pero hindi na deretso ang lakad haha. Inalalayan ko na lang sya maglakad, nilagay ko ang isang braso nya sa leeg ko tapos yung isang kamay ko pinulupot ko sa bewang nya. Napatingin ako sa labas ng bintana. May naaaninag akong anino ng tao at motor? Anong ginagawa ng isang motor dito sa ganitong lugar? I mean this is an exclusive subdivision, you can't enter here unless you're a residence. Eh bakanteng lote ang magkabilaang lupa dito. Hindi lang yun nasa dulong bahagi na ng subdivision ang kinatitirikan ng bahay namin. Ibig sabihin bahay nga namin ang sadya nito. Sino naman kayo to? Anong sadya nya? Shit!

"Collin, Collin.."

"Why baby?!" Lashing na nga! Langya! Ikaw pa ang nalasing sa ating dalawa.

"I think someone is surveiling our house."

"What?!"

"Aish, slowpoke! Ang sabi ko may nagmamasid sa bahay natin. Bababa ako. Titignan ko kung sino yun. Stay here."

"Baby girl, sasama ako.."

"Aish bahala ka.." Tumingin ulit ako sa may bintana pero nakikita ko na paalis na yung stranghero. "Shit! Paalis na sya.."

Mabilis akong bumaba ng hagdan halos tumakbo na ako makarating lang sa gate.. Shit. Shit. Shit. Nung nasa may gate na ako. Nakalampas na ang nakasakay sa motor.

"Did you really do your job?! Fuck! Nakita nyo ba yung dumaang motor? Nagmamasid sya sa bahay namin! Nung nasa second floor ako nakita kong nakatutok dun ang paningin nya.." Nakakainit ng ulo! Fuck! Shit!

"Sorry po miss, hindi po namin napansin yung motor."

"Pwes mula ngayon, siguraduhin nyong maging alerto."

"Tama na yan baby.."

"Tama na? Are you that stupid to say enough, paano kung may dalang baril yun? Tapos enough? They are the security guard here so they betta do their job.."

"Haist, wag mo idaan sa init ng ulo, alam ko nag-aalala ka pero kalma lang baby."

"Anong kalma - kalma ka dyan! Fuck! Paano kung manganib ang buhay nila Mama!?"  Singhal ko kay Collin.

"I-sekreto nyo na lang muna tong nangyari ngayon, ayaw kong ma-paranoid si Mama." Sabi ko sa mga guards.

Collin, Gusto ko palagyan ng mga CCTV ang mga poste na malapit o nakapaligid sa bahay I want a CCTV na hindi noticeable." Baling ko kay Collin.

"Cge, magpapakabit tayo ng mga CCTV kapag nakaalis na sila Papa bukas." 

Tinignan ko ng matalim ang mga guards. Darn, they are useless! Umalis na kami sa guardhouse. Pumasok na kami ni Collin sa loob. Pumanhik pataas ng hagdan.

"Don't you dare tell this to Mama and Papa. Ayaw ko lang mag-alala sila okay?! Stressed na sila sa trabaho, tapos pagdating dito sa bahay stress parin sila? I cannot allow that Collin.." Anas ko.

"Pero, at least aware sila.."

"Aware sila?! Mapaparanoid lang sila Collin. May edad na sila , paano pa nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili? And those guards here are fucking useless. Ganito naisip ko kumuha tayo ng mga body guards pero sekreto lang sila babantayan. Okay na ba yun?! I will monitor them too. Kukuha tayo ng bodyguards na marunong sa martial arts.

"Okay. Okay." Pag sang-ayon nalang ni Collin.

"And keep my secrets, secret Collin. Mapapahamak ka kapag may nakaalam. Madami akong kalaban Collin. Pero the brighter side of it, they don't know me." I smiled at him.

"What do you mean?"

Huminga muna ako ng malalim. "Queen ang tawag sa akin ng grupo ko, pero pag sa labanan, ako si Uno. I am famous of those names Collin. You see this tats in my pinky finger?!"

"Yes." Nakatinging sabi ni Collin.

"UNO right?!"

"Yes."

"Never tell anyone about this tats, besides Cali White, ikaw lang unang pinagsabihan  ko nito." Nakatitig ako nung sinabi ko yun sa kanya.

"Sus, syempre, kapatid kita, hindi mangyayaring ipahamak kita. I love you sis."

"Tsss too mushy Collin, gross!" Tapos tumawa lang kami ng tumawa.

"Shhh Tama na ang tawa, baka magising sila. Hahaha.." Si Collin.

"Sira tumatawa ka rin naman oh."

Napatigil kami sa entrada ng aming kwarto. Good night Collin. Thanks for tonight big bro.

"Good night Heavenly." Ngumiti lang kami sa isa't isa. Tapos sabay na naming binuksan ang pintuan ng kwarto namin pero nauna nang nakapasok si Collin. Matapos ng ilang segundo pumasok narin ako, napatingin pa kasi ako sa bintana. Inalala ko yung estranghero kanina. Hindi maalis sa isip ko kung sino sya? Sino ba sya? Haist! Pinapagulo nya ang isip ko.

Nagquick bath lang ako past twelve midnight na din kasi eh, antok na ako sobra, nawala ata yung tama ng alak na ininom namin ni Collin. Humiga agad ako sa kama ko pagkatapos ko magbihis. Patay na yung ilaw at bukas naman ang aircon. Pinikit ko ang aking mga mata. I still can't erase the things happened earlier, I am worried about the safety of my family. Paano kung may nakakilala sa akin?! P'ano kung madamay pamilya ko ng dahil sa akin. I will never ever forgive myself if something bad happens to them. Haistt. Fuck this life. I am so fucked up. But I know I can get away this. Makakaya ko, namin to.

To be continued..