webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · ย้อนยุค
เรตติ้งไม่พอ
24 Chs

Kabanata I (Thalia)

[Kabanata 1]

"

That you were Romeo, you were throwing pebbles

And my daddy said, "stay away from Juliet"

And I was crying on the staircase

Begging you, please, don't go

And I said

Romeo, take me somewhere we can be alone

I'll be waiting, all that's left to do is run

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story, baby just say yes"

"CUT!" sigaw ng isang matandang instructor ditto sa theater.

"Jusko naman, Ms. Thalia Hermosa! Ano ba naman, ilang beses natin i-rerehearse to?! Pang lima na to oh!"

Sermon niya sa akin, siya nga pala si Mrs. Ocampo. Hindi naming alam ang buong pangalan niya dahil, hindi din naman niya sinasabi sa amin.

"Oohh!/Woaah!" Pang bubuyo naman ng mga kasama ko sa theater.

Tumingin naman ako sa bestfriend ko, si Reigiena Macaraeg. Nakatingin lang din siya saakin at inaawat ang mga pagbubuyo.

"Sorry po." Ayon nalang talaga ang tanging nasabi ko.

"Thalia, hija. Kinuha kita na bida dahil may tiwala ako sa iyo. Nagyon, kung emotions lang ay hindi mo pa maibigay, baka tanggalin kita! Musical to hija hindi mo lang ito concert!"

Sermon naman ni Mrs. Ocampo.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya na iyon at dahil na din sa kahihiyan.

Sa totoo lang, tama naman talaga lahat ng sinabi ni Mrs. Ocampo. Paano ko naman kase magagawa ng tama ang required na emotion sa musical na ito kung ako mismo, hindi alam ang pakiramdam non.

"I'll do my best po this time, I'm ready na po." Agad naman ako pumwesto sa blocking ko at iniayos ang aking sarili.

"No! It's already 11 p.m. Pagod na ako, pack-up guys! See you all again tomorrow."

Agad naman nag ayos na ang mga kasamahan ko at handing handa ng umuwi.

Napatingin naman din sa akin si Mrs. Ocampo.

"For you Thalia, I am expecting you to do better tomorrow ok?"

Napatango-tango na lang ako. Kailangan ko mapatunayan sa kanya na hindi siya nagkamali sa pagpili sa akin.

"Best!" Napatingin ako sa likod at nakita ko si Reigiena na tumatakbo papalapit sa akin.

"Best anong nangyari? Ano sabi ni Mrs. Bruha sayo?" Tanong niya, last year lang kami nagkasama, pero hindi naman sa tagal na panahon nasusukat ang pagiging magkaibigan na matalik ng isang tao.

"Wala naman, sabi lang niya na dapat daw magawa ko na nang maayos bukas." Kinakabahan na nga ako ngayon palang actually.

"Hay nako, ikaw din kase eh. Subukan mo kaya manood ng mga drama, magbasa ka ng libro, o kaya naman ay makinig ka ng love songs. Madali lang naman kase yung pinapagawa sayo, kayang kaya mo yan. Ikaw pa ba?" Sabi niya sa akin ng nakangiti, sabay tapik niya sa balikat ko. Napangiti nalang din naman ako, siguro nga tama siya. Siguro ay kailangan ko iyon gawin ng paulit ulit, para makuha ko ang tamang emotions na required sa musical play na ito.

"Oh ano pa ang hinihintay mo? Tara na, baka gabihin nanaman lalo tayosa daanan niyan."

Pag aya niya sa akin, agad naming kinuha ang mga gamit namin at umalis na sa theater nang tumatawa. Matagal tagal na paghahantay nanaman ng bus ito.

**

1:53 a.m.

Grabe, 45 minutes na paghahantay sa bus tapos halos 1 hour na biyahe.

Nang makarating ako sa bahay madilim na ito. Agad ko nang kinuha ang susi sa bag ko at pumasok na ng bahay.

"AAAAHHHH!" aatakihin na ako sa puso!

"Ma? Mama naman, ano ba iyang itsura mo? At ano ba iyang nasa mukha mo? Para ka naman multo niyan!"

Grabe talaga yung takot ko, makakita ka ba naman ng babae naka bestida ng puti, buhaghag ang buhok, at may kung ano na nakatakip sa mukha na palakad lakad sa gitna ng dilim. Nakakatakot ah!

"Ano ba naman yan Thalia, baka magising ang tatay mo at mga kapatid mo." Mahinahon niya na sermon.

"At etong nasa mukha ko ba kamo? Mud face mask ang tawag dito anak, bigay ni ate mo. Alam mo naman na dapat maganda lagi ang mama mo para sa paningin ni papa."

Hindi ko naman alam kung dapat ba ako matuwa kase kahit papaano e naalagaan niya ang sarili niya, o mandidiri ba ako dahil sa sinabi niya na para daw kay papa. Nako po, ang laswa laswa talaga.

Tinalikuran na ako ni mama para bumalik na sa kwarto nila, may pa kanta kanta pa habang may hawak na baso ng tubig. Napailing nalang ako.

Pumunta na din ako sa kwarto ko.

Kulay pink ang pintura nito, may kama sa gitna, side table na may lamp, pahabang upuan sa tabi ng bintana. Sa bintana naman may maliliit na cactus, sa tapat naman ng kama ko ay may study table.

Umupo ako sa study table ko, medyo malawak, may desk lamp, may tatlo na maliit na klase ng bonsa sa taas, pinagawa ko pa yung patungan na yon. May mga libro at iba pang gamit ko, pero sa pinaka gilid ay ang maliit na copy ng family picture namin. Kinuha ko iyon at tinignan.

Si papa sa left side nakatayo, si kuya Edison ang panganay, si ate Loraine na pangalawa, si mama, sa harap naman nila ay ang mga nakaupo, si Leo, ako sa gitna, at si Lea na kakambal ni Leo.

Kahit na anong pagod ko sa school at sa rehearsal ng musical na malapit na naming i-play, nawawala lahat kapag nakikita ko ang picture namin.

Tumayo na ako at nagpalit na ng pangtulog. Pagka higa ko sa kama, saglit pa akong tumulala sa kisame para mag muni muni.

Bukas kailangan magawa ko na ng maayos ang role ko, ang pagkawala ng role ko ay siya din pagkawala ng chance ko para makagraduate ng may honor.

Pumikit na ako para matulog, at bago pa man ako mahimbing, ang tanging nasa isip ko lang ay ang role ko at paano ko gagawin yon nang maayos, para maisalba ang role ko bukas at ang opportunity ko.

Thalia, believe in yourself. Magagawa mo lahat ng ito bukas ng maayos.

Credits:

Song: Love Story

Singer: Taylor Swift