webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · ย้อนยุค
เรตติ้งไม่พอ
24 Chs

Kabanata 16 (Ang Paglalakbay)

[Kabanata 16]

Pilit akong nagpupumiglas sa mga kawal na ngayon ay hawak hawak ang aking mga braso.

Ipinag utos ni Favian na ako'y dakpin nang akin siyang sampalin. Ako raw ay lapastangan.

"Hindi niyo maaaring gawin sa akin ito, isa akong reyna!" Pagmamatigas ko.

"Reyna ka sa kahiraan niyo, pero dito hindi!" Ani ng isa sa mga kawal na may hawak sa akin.

"Hindi pa nga kayo kasal e." sagot naman ng isa pa.

Hindi na ako nagsalita dahil lalo lamang ako naiinis sa kanila. Habang pakaladkad nila akong hinihila sa pasilyo, nakita ko na unti-unting dumarami ang tao sa labas.

Nang makarating kami sa bulwagan ng kastilyo aynabigla ako sa nakita ko. Si Lolita at ang lalaki na itinuturo nilang pumana sa akin ay kapwa naka luhod sa gitna ng bulwagan at nakagapos.

"A-ano ito?" nanghihina ko na tanong. Hindi ako sinagot ng mga kawal, sa halip ay idiniretso nila ako sa trono at sapilitang iniupo sa tabi ni Favian.

Hibdi ako sinagot ni Favian, sa halip ay diretso lang siya nakatingin sa akin. "Huwag mo na tangkain pigilan, ipapahiya mo lang ang sarili mo."

Wala ako gumawa kundi ang maupo at tingnan si Lolita. Ramdam ko ang takot sa bawat tingin niya sa aking mata.

"LOLITA! Cyndriah, tulungan mo ang kaibigan natin pakiusap!" Rinig ko na pagsusumamo ni Irithel.

Gusto ko siyang tulungan, pero alam ko na hindi makakapayag si Favian. Gagawa at gagawa siya ng paraan para ako ay pigilan.

"Ang dalawang tao na ito ay nagtaksil sa korona! Ang babae ay nagsilbing espiya ng Reyna para malaman nila ang bawat kilos nito, at nang makahanap ng tiyempo, kaniya naman sinabi sa lalaki na nasasakdal ang lahat at humanap ng tamang oras upang patayin ang mahal na Reyna ng Gremoiah. Ngunit siya ay nasawi sa kanlang plano."

Lahat ay napasinghap sa gulat, maging ako.

"Hindi totoo yan, matalik na kaibigan ko si Lolita." Ani ko kay Favian.

Hindi ko man siya nakasama ng matagal, alam ko at ramdam ko na totoo lahat ng pinakita niya.

"Paano ka naman nakasisiguro?" Tanong ni Favian.

Maya maya pa ay may inilabas ang kawal na nasa bandang gilid.

"Kamahalan, ito po ang palaso na tumama kay Reyna Cyndriah noong kayo ay nagsasanay." Ibinigay niya ito kay Favian. Tiniognan ko ito, mahaba ang palaso at kulay pula ang dulo. Nandoon din pa ang bahid ng aking dugo, halatang hindi nilinis upang gamitin na ebidensiya.

Saglit na pinagmasdan ni Favian ang palaso bago siya tumayo at hinarap ang lahat.

"Malinaw na ang dalawang nasasakdal ay taksil sa kaharian." Bigkas ni Favian.

Sa pagkakataong ito, gusto ko makita si Hadrian.

Si Hadrian na sa tuwing nasa tabi ko ay nagiging maayos ang lahat.

Si Hadrian na sa tuwing nasa panganib ay laging handa akong protektahan.

Pero ngayon, ni anino niya ay hindi ko makita matapos siyang ipadakip ng hari na kaniyang kapatid.

"Patayin!" Sigaw ng madla.

"Bilang hari ng nasasakupan kong kaharian ng Karshmar at mapapangasawa ng Reyna ng Gremoiah." Panimula niya.

"Ipinag uutos ko..." saglit siyang huminto habang ang lahat ay naghahantay ng kaniyang sasabihin.

"...na pugutan ng ulo ang dalawang taksil." Tila huminto ang tibok ng puso ko ng marinig ang kaniyang sinabi.

Narinig ko rin ang malakas na pagsigaw ni Irithel ng pangalan ni Lolita. Maging ang paghihinagpis ni Lolita ay umalingawngaw sa bulwagan.

Tila na istatwa naman ako nang may nakita akong isang tao na nakakulay itim, maging ang kaniyang mukha ay natatakpan ng itim na tela. May hawak itong matalim na bagay na animo'y gamit ni kamatayan.

Ramdam ang tensiyon at hinagpis sa buong bulwagan. Pumusisyon ang tao sa likod ng lalaking nasasakdal na nasa tabi ni Lolita.

Walang reaksiyon ang lalaki at para bang handang handa na siya sa kaniyang sasapitin.

Hindi nagtagal ay itinaas na ng taong nasa itim na kasuotan ang malaking patalim na hawak niya at iwinasiwas ito pababa, rinig ang hangin na animo'y nahiwa at ang pagtama nito sa kahoy.

Kasabay nito ay ang pagsinghap ng lahat, pagkatulala ko at panginginig ng aking katawan.

Kitang kita ko kung paano humiwalay ang ulo ng lalaki sa katawan niya.

Nakakapanlamig at nakakapanghina ng katawan. Napatingin ako ngayon kay Lolita na ngayon ay balisa at nakatulala sa kawalan. Alam niya na siya na ang isusunod.

Nakapatong ang leeg ni Lolita sa kahoy kung saan napugutan ng ulo ang lalaki. Hindi na siya humahagulgol ng malakas tulad kanina, sa halip ay diretso lang siya na nakatingin sa akin at malalim ang mata.

Kung simusumpa man niya ako sa ngayon, tatanggapin ko.

Diretso akong tumingin sa kaniya at nangungusap gamit ang mata. Sana ay mapatawad niya ako dahil wala akong magawa upang mailigtas siya.

Wala akong magawa para pigilan ang kamatayan niya.

Sa isang iglap ay muling ibinagsak ng lalaking naka itim ang kaniyang malaking patalim at muling tumunog ang kahoy.

Kasabay nito ay ang paghiwalay ng ulo ni Lolita sa kaniyang katawan, gumulong ito at huminto sa harapn ko. Ang mukha niya ay nakaharap sa akin. Unti-unting umikot ang paningin ko atsaka dumilim ang buong paligin.

-

Nagising ako sa aking kwarto, tahimik at parang walang nangyari sa paligid. Napahimas ako sa ulo ko na bahagyang sumasakit.

Inikot ko ang paningin ko pero wala akong ibang nakita bukod sa lalaking nakatayo sa harap ng bintana. Lumingon sa akin ang lalaki, para naman gusto ko ulit bumalik sa pagkakatulog nang makita kung sino iyo.

"Umalis ka na rito Favian, gusto kong mapag-isa." Sabi ka sa pa utos na paraan.

Hindi naman siya natinag at naglakad pa rin siya palapit sa akin.

Mas ikinagulat ko ng siya ay naupo sa aking tabi at yumakap ng mahigpit at umiyak.

Alam ko na hindi ko dapat siya pansinin dahil masama ang loob ko sa kaniya, pero hindi ko maiwasan na kaawaan siya.

"Patawad, patawad."umiiyak niyang sabi.

Hindi pa rin ako gumagalaw, ni yakapin man lang siya pabalik ay hindi ko ginawa.

" A-alam ko na labis kang masasaktan, pero k-kailangan kong gawin ang nararapat para sa hustisya. " Sabi niya pa.

Doon ay hindi ko na napigilan na itulak siya papalayo sa akin.

"Hustisya? Nasaan banda ang hustisya doon? Dahil lang ba sa palaso? Yun na ba ang napakatibay mo na ebidensiya para ipapugot ang ulo nila?!" Galit na tanong ko.

"Sana ipinaubaya mo nalang sa akin, kasi buhay ko naman yon e. At si Lolita ay taga Gremoiah, tao ko siya at hindi sa'yo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Alam kong napataas ang boses ko pero wala akong pakialam, kasaby 'non ay ang pagbagsak ulit ng luha ko.

" Umalis ka na lang, ayaw kita makita! " Utos ko.

Hindi ko pa rin siya tinitignan, naramdaman ko nalang na umalis na siya sa tabi ko. Ni isang sulyap ay hindi ko ginawa hanggang sa marinig ko ang pinto na bumukas at sumara.

Marahil ay nakalabas na siya kaya unti-unti kong itinaas ang ulo ko.

Ayoko na rito.

Masakit man ng bahagya ang ulo ay agad akong tumayo. Kinuha ko ang aking balabal para ibalot ito sa akin, kumuha rin ako nglampara.

Bahala na kung paano, pero hahanapin ko sina Irithel at Hadrian.

Hindi pa man ako nakakaalis ay biglang bumukas ang pinto, banugas ang mga paa ko at hindi makalingon. Kamatayan ko na rin ba?

"Cyndriah, hija." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Ginoong Sero. Agad akong humarap sa kaniya, ngunit hindi na ako nakapagsalita pa dahil muli siyang nagsalita.

"Umalis na rito ang kaibigan mo na si Irithel, hindi ko alam kung saan siya pupunta, sinabihan ko siya na huwag munang unuwi sa Gremoiah dahil delikado." Natikhom naman ang bibig ko nang malaman ko iyon, iniwan na ako ni Irithel ang natitira kong kaibigan rito.

Hindi ko napigilan na umiyak ulit.

" Huwag kang umiyak hija, ipinaaabot niya ito sa'yo. " Sabi niya at ibinigay ang isang papel na may bahid ng kulay pula na likido, hindi ko alam kung tinta o dugo.

"Kung ako sayo ay mamaya ko na iyan babasahin. Cyndriah, hija. Nakikiusap ako, iligtas mo si Hadrian. Itakas mo na siya, magpakalayo layo kayo." Sabi muli niya.

Mabilis pa sa alas-cuatro ko siyang nilingon nang marinig ko ang pangalan ni Hadrian.

"S-si Hadrian po? Nasaan po siya?" Kinakabahang tanong ko.

"Nasa bilanguaan siya at pinahihirapan. Pakiramdam ko ay nanganganib siya, kaya nakikiusap ako sayo. Ilayo mo na siya rito. Matanda na ako, narating ko na ang punto ng buhay ko na maaari na akong bumitiw." Nangingilid ang mga luha ni Ginoong Sero habang nagsasalita.

" Nangako ako sa dating hari, ang ama nina Hadrian na proprotektahan ko ang pangalawa niyang anak dahil batid niya na mahihirapan ito sa buhay. Kaya pakiusap, pagtatakpan ko kayo hanggang kaya ko, ipagtatanggol ko kayo hanggang kamatayan ko. Ilayo mo na siya. " Pakiusap niya atsaka biglang lumuhod sa aking harapan.

Agad ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat atsaka inalalayan tumayo. Hindi na ako magdadalawang isip, para kay Hadrian gagawin ko ang lahat.

"Ituro niyo po ang daan papunta kay Hadrian, gagawin ko ang lahat para sakaniya." diretso kong sabi.

Nasilayan ko naman ang ngiti sa labi niya at nagmadali siya lumakad paounta sa pintuan ng sikretong lagusan. Ang lagusan na minsan na rin namin tinahak ni Hadrian.

May halong kaba habang tinatahak namin ang pasilyo papunta sa 'dungeon', hindi matigil ang kalilingon ko sa likod dahil baka may makasunod. Hindi rin matigil ang pag darasal ko na sana makarating kami kay Hadrian ng ligtas at lalong lalo na na sana ay abutan pa namin na buhay si Hadrian.

Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang dulo ng pasilyong tinatahak namin.

"Hindi na kita masasamahan. Akyatin mo ang hagdan na iyan, kumaliwa ka at sa pinakadulo ay nandoon si Hadrian. Heto ang susi sa selda niya. Inihanda ko na rin ang kabayo ninyo sa labas. Mag iingat kayo, hija."Ani ni ginoong Sero. Tumango naman ako bilang pag sagot.

Nag umpisa na ako humakbang. Bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang pag lalim ng hininga ko. Naalala ko noong una akong nakapasok dito sa 'dungeon' Maalinsangang amoy galing sa mga dugo ng bihag. Ang mga dain nila ng dahil sa sakit at hirap nila sa bilangguan.

Iniisip ko palang, parang hindi ko na kaya makita si Hadrian sa ganoong estado. Pero kailangan kong maging matatav para sakaniya.

Nang marating ko ang dulo ay agad kong tinignan ang bawat selda, sa huling selda ay naroon ang taong hinahanap ko. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya, parang gusto kong bumigay nang makita kong puno ng dugo si Hadrian.

"H-Hadrian." Nanghihinang pagtawag ko sa kaniya, hindi siya tumingin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha ko na ang susing bigay ni Ginoong Sero para buksan ang selda.

Nang mabuksan ko ito, mabilis akong tumakbo papunta kay Hadrian at tinignan kung may pulso pa siya. Sa ganitong pagkakataon hindi ako dapat panghinaan ng loon, sa awa ng diyos ay malakas pa ang pulso niya. Siguro pagod lang siya sa paghihurap na ginawa sa kaniya.

"Hadrian." Muli ko ulit siya tinawag at tibapik tapik ang kaniyang pisngi.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang makita kong pilit niyang binubuksan ang mata niya, "C-Cyndriah." Sapat na ang narinig ko. Sapat ng marinig ko na tawagin niya ang pangalan ko para lalong maging malakas.

"I-Itatakas kita rito, maglalakbay tayo kung saan hindi nila tayo makikita." Hindi ko na hinintay pa na siya ay mag salita. Inilagay ko ang kaniyang braso aa aking balikat at inalalayan siyang tumayo.

Mas mabigat siya sa akin kaya naman medyo nahirapan akong akayin siya maglakad. Naka ilang beses din kaming tumuba sa lapag bago namin marating ang labas.

May pagkakataon na gusto sumuko ni Hadrian at iwanan ko na raw siya pero hindi ako pumayag. Hanggang kamatayan sasamahan ko siya.

Agad kong hinanap kung nasaan ang sinasabi ni Ginoong Sero na kabayo. Nang matanaw ko ito, inakay ko ulit si Hadrian. Malaking pagsubok sa akin kung paano siya maisasakay dahil sa bigat niya, pero laking gulat ko ng maramdaman siya na pinipilit buhatin ang kaniyang katawan.

Nang makasakay na siya ay sumunod na ako at sumakay sa likuran niya, hindi ako marunong magpatakbo ng kabayo kaya bahala na.

Naramdaman ko na hinawan ni Hadrian ang magkabilang kamay ko, hinang hina man ay nakaya niya pa rin paandarin ang kabayo, nakakaya niya pa rin alalayan ako.

Ako ang nagpapatakbo ng kabayo ngayon habang inaalalayan ako ni Hadrian mula sa harap. Nakayuko na siya at nanghihina pero hindi niya binibitawan abg dalawang kamay ko at nagsilbi ko itong gabay.

"S-sabi ko na nga ba, d-dapat ay tinuruan na kita noon pa." matapos non ay mahina at pilit siyang tumawa.

"Ewan ko sayo, ganiyan na nga itsura mo nagawa mo pa ako pagtawanan." Muli siyang natawa ng mahina kahit nahihirapan.

Doon ay lalo niya akong napabilib. Walang duda kung bakit ako nahulog sa kaniya.

Kasalukuyan namin tinatahak ang madilim na kagubatan, walang kasiguraduhan kung saan kami dadalhin ng kabayo. Walang may alam kung saan kami sisikatan ng araw kinabukasan.

Pero kahit saan man humantong ang paglalakbay na ito, alam ko na magiging maayos ang lahat. Basta't magkasama kami ni Hadrian, kakayanin namin ang lahat. Alam ko, alam ng puso ko.