"Ano yon?!" Pumasok sa kwarto sila Mama at nagising ang aking mga pinsan. Nagulat rin sila sa nakita nila. Isang patay na pusa ang nakasabit sa Bintana.
"Ayos lang ba kayo?" Nagaaalalang sabi sa amin ni Papa. Bumangon na kami at umalis muna sa kwarto, si Papa na daw ang bahala sa Pusa. Tinawag niya si Tito ang ama ni Angeline upang tulungan siya. Bago ako lumabas ng kwarto binaling ko ang tingin ko sa pusa.
May nakasulat sa katawan nito. Pero diko alam kung ano ito dahil iba ang letra o kaya nakasulat ito ibang lengwahe. Umupo muna kami upang kumalma, Dahil nakakatrauma ang pangyayari na ito.
"Diba yun yong pusa na nahulog kagabi" Saas ni Janel.
"Hila hila yun nung bata" Sabi ko habang inaala ang mga nangyari kagabi.
"Hindi kaya yung bata ang may pakana nun" Sabi ni Ate Grace.
Nilinis namin ang kwarto dahil may mga dugo na nagkalat dahil sa pusa. Tiniklop namin ang mga pinaghigaan.
"Dun muna kayo matulog sa mga pinsan mo, baka kung ano ano naman ang isabit nila diyan" Sabi ni Mama habang nililinis namin ang kwarto. Tango na lamang ang sagot namin.
"Hanapin kaya natin yung bata" Saad ni Aj pero diko alam masama pakiramdam ko sa mga nangyayari.
"Mas ligtas kung hayaan na lang natin" Saad ni Kin.
"Baka may sayad lang yun sa Utak" Dagdag pa niya. Tama ang sabi niya mas maganda kung hahayaan na lang natin siya.
Bumaba kami para kumain. Medyo nanginginig ang aking katawan dahil patuloy ko itong naalala. Umalis ulit sila Papa at Mama may pupuntahan daw silang importante kaya dun daw muna kami sa mga pinsan ko.
Naka bukod ng bahay sila Ate Grace, Ate Gladys, Janel, Kin at Aj. Katulad kila Angeline di na Rin sila kasya tsaka wala na kasing mga magulang si Janel at Kin.
"Wala pang kalahating araw pagod na ako" Sabi ni Angeline at humiga sa Sofa. Di ganon kalaki bahay nila pero sakto lang ito para sa kanila. Napagisipan namin na matulog sa iisang kwarto.
"Tara muna gumala, para marelax tayo" Sabi ni Ate Gladys. Umuwi muna kami sa bahay para magbihis.
"Aray!" Biglang may matigas na bagay ang nalaglag sa ulo ko. Ito yung baraha na nilaro namin kagabi, Binalik ko ito ng may nahulog na libro.
"Ano to?" Bubuklatin ko sana ang libro ng biglang tumawag sila Ate Grace para umalis na. Nilagay ko ito sa Cabinet kasama ng baraha.
"Tara na" Sumakay kami sa Kotse ni Angeline, syempre siya na rin ang magmamaneho. Huminto kami sa isang mall. Una naming pinuntahan ang isang restaurant.
"Ito po ang menu Ma'am" Sabi ng isa sa staff at binigay sa amin ang menu. Pumili na kami ng kakainin at Dessert para mamaya.
Nag jock em poy kami kung sino magbabayad ng mga kakainin, At ayun na nga ako ang natalo. Lagi na lang.
Dumating na ang order namin at kumain na kami hinanda ko na ang wallet ko para sa bill. Habang kumakain isang bata ang pumunta sa table namin. Nagulat kami kung sino ito.
"Zagan"
"Zagan"
"Zagan"
"Zagan"
Patuloy nitong sambit medyo natatakot na kami. Isang Staff ang Lumapit sa bata upang paalisin ito.
"Pasyensa na po kayo" Humingi ng paumanhin ang isang Staff na lumapit sa bata.
"Ayos lang" Sambit ni Aj. Pagkatapos namin kumain binigay na sa amin ang bill at syempre ako natalo ako na ang magbabayad. Nag ikot ikot na kami naghiwalay kami, si Aj,Janel at Kin may titignan daw siguro sa mga Bike na naman yung tatlo na yon kaya kaming apat pumunta dito sa Book Store.
Simula pa nun gusto ko ng magbasa lagi akong binibilan nila mama ng mga libro. Lalo na Yung mga horror at mysteries, Favorite ko ang mga ganung genre.
May time rin na nagkukulong ako sa kwarto ko para magbasa. Biglang nag ring ang aking cell phone, Chineck ko kung sino ito at si Janel anng tumatawag.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Si Kin!"
"Si Kin nahimatay!" Naalarma ako sa sinabi niya kaya. Sinabi ko ito sa tatlo kong kasama at hinanap namin sila sa Mall. Natagpuan namin sila sa isang Bike shop.
Tumulong na rin ang ibang Staff, sabi ng isang staff bigla na lang daw siyang nawalang ng malay. Buti na lang at tumawag sila kaagad ng ambulansya.
Sumunod kami sa Hospital habang nasa daan tinawagan ko sila Mama. Sabi nila di daw sila aabot kaya tinawagan nila si Tito.
Pinapakalma namin si Janel, magkapatid sila silang dalawa na lang din ang magkasama. Nandiyan sa isa't isa.
Dumating na si Tito siya na rin ang kumausap sa doctor.
"Di naman daw malala yung kalagayan niya baka dahil lang sa Stress" Sabi ni Tito. Nagbantay sila samantala kaming dalawa ni Aj bumili ng makakain.
"Paulit ulit niyang sinasabi yung Zagan" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Aj.
"Tapos bigla siyang nawalan ng malay" Dagdag pa niya.
"Baka natrauma lang siya sa pangyayari" Sabi ko upang mapagaan loob niya. Bumalik kami sa Room ng nadatnan namin na nagkakagulo ang mga nurse.
"Bigla daw bumaba ang pulso niya" Sabi ni Ate Grace. Tinignan ko si Janel kung ano ang kaniyang lagay. Umiiyak at nanginginig na siya sa nangyayari kay Kin.
Naging normal na ang pulso niya, Kinuhanan siya ng dugo upang iexamine. Pamaya maya pa pumunta ang Isang doctor.
"Wala naman kaming nakitang mali sa katawan niya kaya di namin maexplain kung ano ang nangyari sa kaniya"
"For now hayaan muna natin siya makapag pahinga"
Lumalalim na ang gabi, kaya napagplanuhan namin na magsalitan sa pagbabantay.
_____________________
Follow me on twitter for more updates
@missviolet1025