webnovel

Chapter 9

kc pov

"naghahanap po ba kayo ng trabahador?"tanong ko kay manong na nagbabantay ng tindahan mga nasa edad 30.

ngumiti siya sabay sinabing"oo iho,kailangan ko ng makakatulong sa pag-tanim at pag-ani ng mga gulay at prutas,lalong lalo na sa pag-kausap sa customer".

ayaw ko talagang makipag-usap sa customer,pero wala na akong pagpipilian ito na ang huling trabaho"mamasukan po ako,puwedi po ba".

"oo naman kung gusto mo,magsimula ka na ngayon,mag bantay muna tayo dito sa tindahan,malapit nang mag-tanghali siguradong magiging busy na naman nito"tugon niya.

"maari ko bang maitanong ang pangalan niyo"

"mang andok nalang ang itawag mo,ikaw naman iho anong pangalan mo"nakangiting sagot niya.

"kc po"

"halika kc samahan mo akong magbantay"

masayahin ang itsura ng matanda para bang napakagaan ng buhay sa aura na inilalabas niya.

tumayo kaming dalawa ni mang andok sa harap ng tindahan.

ilang minuto lang ay pinagpawisan  ako at medyo nainip.

sigh! ano ba itong napasok ko.

kailangan kong tiisin to para kumita ng pera,upang mabili ang card.

napansin ito ni manong"masyado kang tense iho,easy ka lang sa buhay wag mung problemahin ang lahat,pasensiya ka na napansin ko kasing nakababa ang bou mung katawan,lalong-lalo na balikat na para kang binagsakan ng langit at lupa sa bigat ng iyong problema".

nangigil ako"ano bang pakielam mo"nasabi ko ng hindi nag-iisip.

"pasensiya na iho,,pero hindi magbabago kung ano man ang dinadala mo,kung patuloy na ganyan ang inaasal mo,lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo"mahinahong nagbibigay ng payo.

hindi ako nagtrabaho dito para matutong mag-relax,tinikom ko ang bibig ko at hindi sumagot kailangan ko talaga ang trabahog ito.

hindi na ako kumibo sa matanda,hangang umabot ng tanghalian.

isa-isang naglabasan ang mga tao sa halos sira-sirang mga bahayan.

sobrang naging busy nang paligid.

sa pagkakataong iyon nakangiti lang at nakikipagkwentuhan si mang andok habang nagbebenta.

"bili na kayo kaibigan bagsak presyo na lahat para lang sa inyo"napansin kung napaka-bagsak presyo ng paninda ni mang andok,kumpara sa mga nakita ko kanina habang naghahanap ako ng trabaho.

"oo naman andok papakyawin ko lahat yan,pasalamat nga ako sa paninda mo nabubuhay ko ang pamilya ko,gamit lang ang kakarampot na suweldo ko sa paghahanap ng ore sa mga dungeon"mukhang napakurim at puno ng pawis at putik ang mamimili dahil sa pagod.

lumapit sa akin ang ilang kababaihan"magkano isa nito pogi"tanong nila at parang hindi sila pumunta dito para lang bumili na kina-iirita ko.

"50 isa,bilisan mung bumili marami pang nakapila!!"ayaw ko talaga sa babae.

"ano bayan masungit tatanda kang binata niyan"

mas gusto ko iyon"bibili ka ba o hindi!!"irita na ako,gusto kung sumweldo ng malaki ngayon kaya wag mung sasayangin ang oras ko.

"kc wag ganyan,relax ka lang gusto lang nilang makipag-kaibigan ,take it easy subukan mung mag act ng kalmado"palala ni andok.

baka paalisin na ako sa trabaho,tinikom ko ang bibig ko at sinubukang maging kalmado.

sinubukan kung e-approach sila ng maayos.

"ano pong gusto niyo"sabay pilit na ngiti.

"ano bayan nakakatakot ka namang ngumiti"sambit ng bibile.

kagat ngiping"bibili kaba o pagtitripan ang ngiti ko"pinipilit ko nalang tiisin ang gigil ko.

"nakakatakot ka naman binibiro ka lang"

matapos ang tanghalian naubos ang benta ni mang andok.

naglabas ako ng malakas na"HAAAAAAAAAAAAAAYY sa wakaw natapos din".

"good job bata,mukhang napakarami kung nabenta ngayon dahil sa tulong mo,ang hiling ko lang sana ay matuto kang ngumiti at makisalamuha,pero ayos narin ito nasasayahan ang mga custumer sa pag bibiro sayo"

buysit nagmukha pa tuloy akong bagong attraction ng tindahan niya.

"aaminin ko kc,may itsura ka matangos ang ilong mo maganda ang hubog ng mukha mo,kaso pinabayaan mo na ang sarili mo,naglalim na ang maganda mata mo,puno na ito ng eye bags,ang daming peklat ng mukha mo,kung mag-aayos ka lang dudumugin ang tindahan ko at magkakaroon ka ng maraming chicks hehehe"paliwanag niyang pabiro.

"wag niyo nga akong paki-elaman,hayaan niyo kong gawin ang gusto ko,sa totoo lang wala naman talaga akong paki-elam sa iba,kaya bakit pa ako mag-aayos,as long na magagawa kung maka-uwi at mabuhay mag-isa thats all thats matter"

"hahaha boy sana magbago ka,opano tayo na at kailangan pa nating asikasuhin ang bukirin"utos niya at mabilis ko siyang sinundan.

habang naglalakad kaagad ko siyang tinanong"manong kumikita paba kayo sa sobrang bagsak presyong paninda niyo".

"sa katotohanan, sobrang konti lang ng kinikita ko,pero hindi ito tungkol sa pera"sagot niya.

"puwedi bang dumaan muna tayo sa isang bahay bago umuwi,meron lang akong idedeliver"dag-dag niya.

pumunta kami sa harap ng isang napakalaki at gandang bahay.

"isang noble ang nakatira dito ang pangalan niya ay crusch"

pinindot na ni manong ang door bell at lumabas ang isang babae na halos kasing edad ni manong.

"ikaw pala andok,kamusta"magandang bati ng babae.

makikita sa mukha ni manong na gustong-gusto niya ang babae.

pinagpawisan si manong at napalitan ng kaba at hiya.

"eto na pala yung pinadedeliver mo crusch"utal-utal si manong.

"salamat andok nasanay na paman din akong araw-araw na makakain ng gulay,o eto na ang bayad"cheerfull na sagot ng babae.

"its on the house na iyan"nag pause ng koonti si manong at parang inisip ang isasagot,nag muster ng courage sabay mahinang"ang ganda mo ngayon,o,,pano paalam"ang awkward naming umalis.

"mag-ingat kayo"paalam ng babae.

huminga ng malalim si dok at bigla nang kumalma.

halatang malalim ang tama niya,ano ba ang dahilan kung bakit ganoon ang kanyang inaasta.

better to leave it,may mga sarili akong problem na kailangang ayusin.

"ngayon masasabi ko nang kumpleto araw ko hehehe"iba na ang ngiti ni manong habang nag deday-dream.

its none of my bussiness.

lumabas kami ng kapital at dumiretso sa mga bukirin na pumapalibot sa labas nito.

makikitang maraming magsasaka at binabati nila si manong habang naglalakad.

pagdating sa bahay niya"kumain muna tayo,siguradong hating gabi na tayo matatapos mamaya,kaya mag-ipon tayo ng enerhiya".

dumiretso kami sa hapag kainan at linantakan ko ang lahat ng putaheng inihanda ni manong.

ok lang ang lasa ng putahe sapat para mabusog ako.

"sinusubukan ko palang test yang natikman mo,bukas susubukan kung ibenta yan,anong masasabi mo masarap ba"

"ayos lang ang lasa manong"wala naman akong pakielam kumita man ito o hindi bastat sumweldo ako.

tapos kumain.

"oras ng itanim ang mga ingredients"utos ni manong.

paulit-ulit ipinagmamalaki ni manong ang luto niya.

"ayos diba ngayon oras ng magtanim,siguradong magugustuhan din ako ni crusch,oras na natikman niya ang bago kung putahe hehehe"

iba rin palang magmahal ang isang ito.

at dumiretso na kami sa bukirin.

"gamitin mo itong mga farm tools para tabasin,sungkitin anihin ang mga nasa bukirin"utos niya.

boung magdamag kung ginawa iyon,nabilad ang relo sa araw ng isang boung hapon,umabot kami ng hating gabi bago natapos,halos mabanat,mag-manhid ang katawan ko.

hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko,kukunin ko nalang ang unang suweldo ko bukas ,sabay maghahanap muli ng trabaho,ayaw ko na ito sobrang hirap.

kinagabihan hinawakan ni manong ang balikat ko"mukhang nagkakaroon ka na ng muscle at laman,dadag-dag ito sa pagiging gandang lalake mo nito,oras na pinagpatuloy mo ang healthy living na yan,haay nako,ako ng na-eexite sa dami ng chicks na makukuha mo hehehe"tuwang-tuwang nangangarap si manong.

"layuan niyo nga ako,wala akong balak magka-chicks,pang gulo lang sa buhay ang babae,nakaka-iritang responsibilidad lang ang mai-bibigay nila sayo"

"hehehe hindi mo masasabi iyan boy oras na nagkagusto ka na"

"di na darating ang oras na iyon"sabay akong natulog sa inis.

andok pov

napansin kung nakatulog na si kc.

mapapansing nag-improve ang napakababa niyang stamina,strength at power,good job boy.

masaya ako para sa iyo,dahil di ka na madaling maapi ng masamang mundo ito,kahit isa ka lang magicless tulad ko.

nararamdaman kung napakalaki ng galit,takot at sakit na naramdaman mo sa iba,kaya mo pilit na sinarado ang sarili mo at lumayo dahil ayaw mung masaktan.

nakikita kung gusto munang sumuko.

tulad mo ganyan din ako dati,walang pangarap o pinanghahawakan isang taong sumuko sa lahat.

umupo ako sa harap ng bintana at nagpahangin sa simoy ng preskong bukurin habang nakikitang unti-unting tumaas ang buwan.

oras na tinangkilik ang putaheng gawa ko magiging pantay-pantay narin ang tingin satin,magkakaroon narin tayu ng respeto at reputation,wala ng magicless ang aapihin.

higit sa lahat,magkakaroon narin ako ng lakas ng loob na maligawan ka crusch.

kc pov

bigla nalang akong ginising ni manong ng alas singko.

oras ng sabihin sa kanya na aalis na ako sa walang kuwentang trabaho na ito.

"manong gusto ko ng uma,,"di ko pa nasasabi.

maganang napakabilis sumagot ni manong,nakangiting energetic"gising na iho isang magandang bagong umaga ang ating natatanaw,kumain kana marami pa tayong magagawa, dont let yesterday bring you down,eto nga pala ang una mung suweldo,binigyan ko narin yan ng dag-dag,dahil sa effort mo hehehe"sabay ini-abot ang suweldo ko at halatang di ma-contain ang energy at ngiti niya parang kiti-kiti.

"isa pa meron akong regalo sayo,dahil ikaw ang una kung tauhan, sana tumagal kapa dito"sabay binigyan ako ng mga damit na pinaglumaan niya.

ok narin ito dahil sira-sira na ang nag-iisa kung damit,sabay akong nagpalit at nagmukha akong taga-mundong ito,matapos suotin ang damit niya.

hindi narin masama,siguro kunting tiis pa malaki naman pasahod eh.

konti nalang magkakaipon na ako at malalaman ko rin ang information paano maka-uwi.

"bilis-bilis masarap ang inihain ko"

kaagad akong tumayo at kumain.

Matapos nun nangawit ang bou kung katawan sa pag-tanim ng prutas at palay.

pero sa kabila ng lahat mapapansin kung ito ang una kung excercise na ginawa sa napakaraming taon.

mamaya-maya pa ay inutusan na ako ng manong"bumili ka muna ng mga gagamitin natin doon sa kapital,pagbalik mo may luto na akong masarap na pagkain,kunin mo yung pera dun sa kuwarto ko".

pag-pasok ko sa kuwarto nakita ko ang isang malaking painting ni crusch.

ano ba yan,iisipin ko nalang na hindi ko ito nakita.

dinalian ang utos para makabalik at mapagpatuloy ang trabaho ko.

habang naglalakad napangiti ako,inaamin ko napakabait ni manong ,kahit papaano nawawala ang mga problema dahil sa kanya.

andok pov

nandito na sila ayaw kung makita ni kc ito.

sa harap ng napakaraming malalaking katawan na bodyguard nandoon ang pandak at matabang noble.

na gustong kunin ang lupain ko"hoy hoy hoy andok ayaw mo parin bang isuko ang bukirin mung ito,halos araw araw nakitang pinabubog-bog para lang pumirma" sabay hampas ng baston sa mukha ko.

sa mundong ito ang mga katulad kung magicless walang karapatang magkaroon ng opinion o kumontra,ang tangi lang naming magagawa ay manahimik at hayaan,dahil kung sinong mapera at may kapangyarihan siya ang nasa itaas.

kaya pinipilit kung pataasin ang pera at reputation ko para hindi na maapi ang mga tulad namin.

nangigil at dinuraan ako sa mukha"mga tauhan bugbugin niyo siya hangang di niya pinipirmahan ang kontrata,matagal ko ng gustong gawing brothel itong lupa niya,para tumaas lalo ang reputation ko sa lalong madaling panahon at lalagyan ng napakaraming magagandang slaves mula sa iba-ibang race na pagsasawaan ko at ibebenta"utos nito sabay hit-hit ng mamahaling sigarilyo.

lumapit na ang mga tauhan ng noble at kakastiguhin na ako.

"ayaw mo pa talagang sumuko no tangapin mo ito"sabay suntok at tadyak sa pagmumukha ko.

sabay suntok na ikinatumba ko.

kc pov

nang makabalik ako nakita kung nakahandusay at duguan si manong.

sira-sira ang mga pananim na palay at mga prutas sa kanyang bukirin.

tulad ng nangyari noon kay dok,naulit na naman ngayon,bakit ba patuloy nangyayari ito!!.

"anong nangyari dito manong"nangigil ang bou kung katawan habang nakikita si manong na napakaraming dugo't pasa.

"ikaw pala boy,pakikuha mo nga yung gamot sa lamesa"sabi niyang halos naghihingalo.

kaagad kung tinakbo ang gamot at nakita ko na iyon din ang ibinigay saakin ng guild lady.

"ito na po manong"

mabilis niya itong ininom at naayos ang mga bali niyang buto.

sinubukang niyang tumayo hirap na hirap sa sakit ng bug-bog na kanyang natamo.

"umupo muna kayo manong"sabay inalalayang siyang maka-upo.

huminga siya ng malalim.

"ano po bang nagyari bat kayo nagkaganito,sinong may gawa nito sa inyo!!"

"kinukuha ng mga noble ang lupaing ito"hirap-hirap na sagot niya umuubo ng dugo.

"sa inyo ang lupang ito manong,wala silang karapatang kunin at kastiguhin kayo"

he faintly smile"Yun Ang patakaran sa mundong ito".

sinuntok ko ang lupa,kahit ba naman sa mundong ito patuloy na tinatapakan ang mga mahihina.

nawala na ang lahat sakin dahil sa pang-aapi,lahat kaibigan,kagustuhan,saya at ang pangarap,si dok at pati narin ang makasama ang pamilya ko.

hindi ba ako iiwanan ng problema,sakit at pag-subok,simple lang naman ang gusto ko mabuhay mag-isang payapa,ganon ba talaga kahirap makamit iyon.

sabay pinagsusuntok ang lupa dahil sa galit" walang kuwenta ,kahit anong gawin namin ha!!!"sigaw ko na puno ng galit na emosyon.

"huminahon ka lang kc,tulad nga ng sinabi ko walang mangyayari kung patuloy ka lang magagalit sa sarili mo,lalo ka lang masasaktan,hayaan mo na ang lahat"sambit niya kahit hirap na hirap,napaka-kalamado at aliwalas parin ang mukha,dahil sa nakaka-inspire niyang ngiti.

"ayos lang ang lahat kc,hindi ko pipirmahan ang papel hangang natitiis ko ito,hindi nila makukuha ang lupa saakin"

"kaya tiniis mung bugbugin ka"dahil iyon nalang ang tanging paraan para maprotektahan ang kanyang lupa.

yumuko siya.

"bakit niyo ba ginagawa ang lahat para lang protektahan ang lupang ito!!"

"dahil nung unang araw na makita ko ang babaeng  nagpatibok sa puso ko,ginusto kung mapansin niya ako but im just a loser who dont aspire to become someone,ano ang makikita niya saakin"sincere na sagot niya.

bumuhos ang luha sa mata niya.

"Kaya Naisipan kung magluto at magtayo ng tindahan,sa pagkakatong iyon ang unang araw na may nakakain ng mga niluto ko,napasaya ako ng mga ngiting naibigay nito,naramdaman kung ang tulad kung talunan ay makapagbibigay ng saya sa iba,kahit walang akong mahika,alam kung kahit anong gawin ko hindi ko na mababago ang tingin saatin,pero ayaw kung isuko ang natitira kung pangarap,dahil ito nalang ang natitirang meron ako na maipagmamalaki ko sa kanya"

kitang-kita ang expresion niya na he's longing for something"i couldnt be a noble or someone else na maipagmamalaki niya, but i could be the hardworking farmer who brings joy to everyone, by that maybe,,even just maybe,she could love someone trying to be the best version of themselve's".

huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili.

"minsan kailangan din nating sumuko,maaalis lahat ng sakit at poot oras na ginawa mo iyon,katangahan lang ang paghabol sa pangarap na hindi matutupad ikaw Lang ang magsisisi said bandang huli"sagot ko habang naalala nangyare Kay dok.

"siguro nga tama ka,siguro nga isa lang akong matandang tanga na hindi kayang tangapin ang realidad,hinahabol ang isang bagay na hindi ma-abot,pero ayaw Kung sumuko"dag-dag niya.

"May pag-asa pa kung kikita ako ng maraming pera at reputation para panigan ako ng batas"

"paano mangyayare iyon"

"para magawa iyon,kailangan bumili at tankilikin ng mga mayayamang noble at aristocrat ang pagkain ko,gagawaran nila na ako ng reputation at hindi na maapi,bago pa muling bumalik ang noble na bubugbog saakin"

kaya pala todo bigay kayo sa negosyo niyo,pero nakita kung nangyari na ito kay dok dati.

ayaw ko nang maging parte muli nun.

aalis na ako dito pasensiya na pero hindi ko gustong makita na maulit ang dati.

inihatid ko siya sa kanyang kuwarto.

para ipagpahinga siya,sabay naglakad na ako papalayo.

"Suko na ako,paalam"maghahanap nalang muli ako ng trabaho kaysa muli pang masaksihan ito.

aaminin ko hindi ganoon kasarap ang luto niyo,sabay alis pero narinig ni manong na tumunog ang tiyan ko,dahil sa gutom di pa pala ako kumakain.

"bago ka umalis may inihain ako,kumain ka muna"sinubukan niyang matulog at itinago saakin ang kanyang kalungkutan.

"susubukan ko,magpahinga kayo at magpagaling,ingat"

di na sana ako kakain dahil napakabigat at lungkot ng nararamdaman ko.pero sobra na talaga ang gutom ko.

matapos tikman Ang pagkain,nabigla ako ng malamang hindi siya sumuko para pasarapin ang lasa.

ramdam mo ang pagmamahal dito.

nahulagan ng pagkain ang damit ko,at medyo natigilan ng pinunasan ko ito at medyo umaliwalas ang bigat na nararamdaman ko dahil ko ng masilayan sa regalong ito, hindi ito kagandahan pero dama mo how much care ang ibinigay sa pag-gawa nito.

ramdam mo ang init ng damit na ito para bang isang yakap ng magulang.

siya ang unang tumangap saakin sa mundong ito,ang taong maituturing kung isang kaibigan.

Medyo napangiti ako at na guilty sa desisyon ko kanina.

sabay akong bumalik sa kuwarto ni manong.

"pasensiya na manong sa mga nasabi ko,humihingi ako ng tawad,puwedi paba akong magpatuloy"

napangiti siya"oo naman tangap ka parin".

"salamat sa pagtangap"smiled with relief.

chapter end