Chapter 1
Nagliliwanag na ang kalangitan at nakasilip na ang araw sa tuktok ng bubong ng katabi naming bahay. Medyo malayo sa siyudad at may mga puno pa naman sa paligid ngunit halos tabi-tabi na ang mga kabahayan.
Nakaharap sa silangan ang bintana ng kusina namin kaya't tanaw namin ang araw tuwing sumisikat ito. At mas mataas ang apartment building na nirerentahan namin kaysa sa katabi naming mga bahay kaya kahit paano ay nakikita pa namin ang kalangitan mula sa aming bintana.
I opened our window and I instantly felt the cool breeze on my face. This is what I love in Baguio. Malamig pa rin ang klema, lalo kapag ganito kaaga, kahit summer na. May mga panahong mainit pero hindi kasing init kapag nasa low lands ka.
"Amery!!!"
Nagulat ako nang bigla kong marinig ang tili ng best friend ko mula sa kwarto niya. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong pinggan na laman ang kahahango kong pritong hotdogs.
Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil hindi naman basta-basta titili si Nica ng ganoon na walang kakaibang dahilan kaya ibinaba ko kaagad ang hawak ko sa mesa at napatakbo ako papunta sa pintuang tatlong metro lang naman ang layo mula sa aking kinatatayuan.
"Bes? Are you okay?" agad kong tanong pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto sa kwarto ni Nica.
Naabutan ko siyang nakahawak ng cell phone at nakangiting nakatingin sa screen nito.
"Check mo cp mo bilis!" she urged me as soon as she noticed my presence. "Tinawagan ako ng Venus Drug Store. Natanggap daw ako!" she happily said and excitement is very obvious in her voice.
Napangiti naman ako ng todo at nakalimutan ko na kaagad ang pag-aalalang naramdaman ko lang kanina.
"Wow! Congrats, Bes!" Nilapitan ko siya at niyakap. "Sabi ko na nga ba makukuha ka talaga riyan eh. Kailan ka raw mag-i-start?"
"Pwede na raw bukas, Bes, basta makumpleto ko na lahat ng requirements. Ito nga at pinadala nila 'yong list via text message."
"That's good," kumento ko. "Kung gusto mo samahan kitang maglakad niyan para makumpleto mo na agad, wala naman akong gagawin ngayon eh."
"Anong samahan? Sabay na tayo kamo, Bes. I'm sure naman pareho tayong matatanggap doon. Kung tutuusin mas sigurado pa nga akong ikaw ang matatanggap eh."
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Nica. "Thanks, Bes, pero imposibleng matanggap ako sa VDS."
Umismid siya at sinabing, "What are you talking about, Bes? Kung ako nga natanggap, ikaw pa kaya. Malayong mas mataas kaya ang mga grades mo kaysa sa akin. Lalo na sa board exam result. Ang lamang ko lang siguro sa'yo ay nauna akong nag-apply. Pero for sure hindi naman 'yon ang basehan sa pagkuha ng magiging employees nila."
Bago pa ako makasagot ay bigla kaming may narinig na tumunog na ringtone ng cell phone mula sa labas ng kwarto kaya natigilan kami pareho.
Kinapa ko ang aking bulsa at napagtantong wala ang aking cell phone rito. "That must be mine," sabi ko kay Nica at naglakad ako agad palabas ng kwarto upang kunin ang aking cell phone.
"Sagutin mo agad, Bes!" pahabol na sabi ni Nica. "I'm sure, VDS na 'yan."
Sinagot ko nga agad ang tawag nang mahawakan ko ang cell phone ko. May nagpakilalang isang head pharmacist at nag-usap kami. Pagkatapos naming mag-usap ay biglang nagsalita si Nica sa likuran ko. "Ano, Bes? Kukuha ka na rin ng requirements 'no?"
Napabuntong hininga ako bago humarap sa kanya. Nginitian ko siya at saka sinabing, "Oo. Sasabay na nga akong lalabas sa'yo mamaya, Bes, pero..."
"Yeeeh!" biglang tili niya kaya natigilan ako. "See! I told yah!" masiglang sabi niya. "Hindi na natin kailangang lumipat ng tirahan nito kasi malapit lang tayo sa VDS. Ang saya, 'di ba?"
Abot tainga ang kanyang ngiti kaya't hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo nang hindi siya madidismaya.
Muli akong napabuntong hininga. "Um..." I cleared my throat. "Ano kasi, Bes... Hindi ako natanggap sa VDS. I mean, hindi talaga ako pwedeng matanggap sa VDS."
"Huh?" Confusion was suddenly written all over her face. "Anong sinasabi mo, Bes?"
"Hindi ako nakapag-apply sa VDS, Bes, kaya imposibleng matanggap ako doon. Hindi ako umabot sa deadline ng application period nila kaya sa San Jose Pharmacy na ako nag-apply," maikling paliwanag ko.
"S-seryoso ba 'yan, Bes?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. "Nanghinayang din naman ako, Bes, na hindi ako umabot sa deadline. Pero sabi naman nila pwede raw nilang tanggapin ang application ko, 'yon nga lang i-e-evaluate na raw ako para sa ibang branch na nasa ibang probinsiya. Ayoko namang lumayo pa rito, Bes, kaya nag-apply na lang ako sa ibang botika."
"What?" aniya, nanlalaki ang kanyang mga mata. "You really are serious!"
Nagkibit balikat ako. "Yep. Bakit, feeling mo ba, ginu-good time kita?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Wait lang, Bes." Itinaas niya ang isa niyang kamay na nakaharap sa akin ang palad. "Eh sino 'yong tumawag sa'yo kanina?"
"Tinawagan ako ng head pharmacist ng SJP," sagot ko. "Pinapatawag niya ako for an interview."
Mahaba-habang paliwanagan ang ginawa ko bago ako tinantanan ni Nica sa pagtatanong. Pero ayos lang naman, isa pa sanay na ako sa kanya. Ganoon talaga siya. Matanong.
Sa totoo lang ay nakakahinayang naman talaga na hindi kami magkasama ni Nica sa isang kumpanya. Pero di bale na, dahil magkasama naman na kami sa apartment ngayon, hindi katulad noong college kami.
Dati ay magkaklase nga kami sa lahat ng subjects pero ang kasama ko naman sa boarding house ay iyong malditang anak ni Tita Celia.
Mabuti na lang at noong naka-graduate na ako ay pinayagan na ako ni Tita Celia na tumira sa kung saan ko gusto, basta raw bahala na akong magbayad sa renta at ibang mga bills ko. Kaya mula noon ay si Nica na ang kasam ko sa apartment.
Pareho kaming namasukan sa maliit na botika bilang pharmacy aid habang nag-re-review kami for our board exam. Ilang buwan na rin kami sa kasalukuyang apartment na tinitirhan namin.
Noong nakapasa naman kami sa board exam namin ay nanatili pa rin kami sa parehong apartment habang naghihintay naman sa resulta ng application namin sa trabaho.
"Baka late na akong makakauwi mamaya, Bes, ah," ani Nica bago kami lumabas ng apartment. "Medyo marami akong aasikasuhin today eh."
"Sige lang, Bes," sagot ko. "Pero just in case maaga akong matapos sa interview ko, i-te-text na lang kita mamaya at magkita na lang tayo para may kasama ka sa mga lakad mo."
"Naku, Bes, magpahinga ka na lang after ng interview mo. Ayos lang ako."
Magkaibang taxi ang sinakyan namin ni Nica. Pupunta siya sa mga dapat niyang puntahan para ayusin at kumpletuhin ang mga requirements niya para sa employment niya sa VDG at ako naman ay dumiretso sa botika ng SJP, kung saan naroon ang kanilang main office, para sa aking interview.
Mabilis lang natapos ang interview ko. Actually parang nagkwentuhan nga lang kami ng head pharmacist tapos sinabi na niya na tanggap na raw ako at pwede na akong magsimula kinabukasan.
Ni wala na nga rin siyang hiningi sa akin na kung anu-anong mga dokumento. Sapat na raw ang lahat ng dokumentong naipasa ko sa kanila. Mabuti na lang at ganoon dahil hindi na ako nahirapan.
Ang problema ko na lang ngayon ay ang layo ng tinitirhan namin ni Nica rito sa pagtra-trabahuan ko. Samantalang kung doon sana ako nakapasok sa VDS ay maglalakad lang ako sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi sa apartment namin.
"Congratulation, Ms. Riviera! See you tomorrow?" sabi ni Ms. Alvarez, ang head paharmacist ng SJP, at sinamahan pa akong lumabas sa kanyang opisina.
"Thank you, ma'am!" sagot ko. "Sige po, ma'am, see you po tomorrow."
Lumabas ako ng botika at naramdaman ko kaagad ang lamig sa labas kaya naisip kong bumili muna ng kape sa isang coffee shop na hindi naman masyadong malayo sa botika.
Paglabas ko ng coffee shop ay napahinto ako sandali sa tapat dahil may napansin akong karatulang nakakabit sa isang pintuang nasa tabi mismo ng shop. May nakalagay na "Apartment Units For Rent. Please inquire inside..." sa karatula.
Tiningnan ko ang kabuuan ng gusaling kinaroroonan ng coffee shop at ng pintuang kinabitan ng karatula. It's a newly constructed four-storey building. Nasa ground floor ang coffee shop at ang katabi nitong pintuan na may karatula. Mukhang ang pintuang ito ang nagsisilbing daan papunta sa itaas na bahagi ng gusali.
Bigla kong naisip na maganda sana kung dito kami nakatira ni Nica dahil napakalapit lang sa SJP pero unfair naman kay Nica kung lilipat kami rito dahil siya naman ang mapapalayo sa VDS.
Wala naman sa option ko na humiwalay ng tirahan sa best friend ko kaya hindi ko na tinangkang pumasok pa sa loob ng pinto para lang mag-inquire.
Bago ako umalis ay biglang bumukas ang pinto at napatingin ako sa lalaking lumabas mula rito. Parang nanigas ang buong katawan ko at tila naipako ang aking paningin sa kanya.
Napahinto rin ang lalaki at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung nabigla lang ba siya na nakita ako o na-weirdo-han lang siya sa tingin ko kaya hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at nanatili ring nakatingin sa akin.
Hindi ko siya personal na kilala pero sigurado akong nakita ko na siya sa kung saan. Inisip kong mabuti at halos malaglag ang panga ko nang maalala ko nga kung saan ko siya nakita.
Mukhang siya iyong lalaki na biglang nagpakita sa vision ko noong inilapit ko sa dibdib ko iyong mahiwagang holen na regalo sa akin ni Papa, limang taon na ang nakakaraan.
Napalunok ako nang naglakad siya ng dahan-dahan papalapit sa akin. Naalala ko tuloy ang nangyari noon na tila isang panaginip. Hindi naman siya nakasuot ng asul na pormal na damit ngayon at wala siyang gintong korona sa ulo tulad nang nakita ko noon. Nakasuot siya ngayon ng black hoodie jacket at black denim na pantalon.
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanghina ang aking mga tuhod nang malapit na siya sa aking harapan.
Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang tumitig sa napakagwapo niyang mukha. He has a fair complexion. He got a clean cut silky black hair and thin red lips. Matangos din ang kantang ilong at mapupungay ang mga mata. He looked perfect.
Naisip ko na baka lumuhod din siya sa harap ko katulad ng ipinakitang vision ng holen sa akin noong sixteen years old ako. So I glanced sideways to quickly see if there were other people around us. Baka pagtawanan lang kasi kami ng mga tao kung sakaling gawin man niya iyon.
Tumingin muli ako sa lalaki at huminto siya sa mismong harapan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi na ako makapaghintay na ipakita niya sa akin ang matamis niyang ngiti na nakita ko noon sa isang malapanaginip na tagpong ginawa ng isang mahiwagang holen sa aking isipan.