webnovel

Fool, Frail Heart [ Tagalog ]

She used to be the dugyot at parang kulang sa paligo before. That was five years ago. Kaya nga wala siyang napala sa crush na crush niyang campus heartthrob dati na si Stephen Stonward. On that certain day she confessed her feelings towards him but all that she got was embarrassment and rejection sa gitna ng maraming matang nagmamasid sa kanila. She got judged big time. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring yun to the point that she even decided to follow her parents who is currently residing in States by that time. Stephen was her first love, though he's just loving him from afar. But he's also the first man who broke her fragile heart. After five years, she came back to the Philippines. She's no longer the ugly duckling Shania before. Meet the gorgeous 21 year old Shania Lorraine Gomez. Who still have a resentment towards her ex-crush. She came back to take her revenge. Napakababaw man kung iisipin, pero yun ang nais niya. Gusto niyang ipaghigante ang sakit at pagdurusang naranasan niya sa loob ng higit limang taon. Gagawa siya ng bitag na siguradong mahuhuli niya si Stephen. Isang bitag na kapag nahuli niya ang lalaki ay hahayaan niya lang itong makatakas na may baong sakit at pagdurusa. Ngunit pano kung mismo siya na gumawa ng bitag ay mahulog rin sa matinik at malalim na butas nito? What if her plan backfires in the middle of the process? Kakayanin niya bang umahon sa pagkakahulog ng hindi mangangapa at magdurusa? Kakayanin niya bang isantabi ang pagmamahal na unti-unting nabubuhay sa puso niya para lang maisakatuparan ang paghihiganteng ninanais niya? Kakayanin niya ba? O susuko na lang siya?

FebruaPiscium · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
15 Chs

CHAPTER SEVEN [ Part 2]

Nakita niya ang todong pamumula ng pisngi ng dalaga at tila ba nagsi-sink in pa sa utak nito ang nangyari.

Kung kaya't bago pa man ito matauhan sa kalokohang ginawa niya ay binigyan niya muna ito ng isang halik sa noo, bago kumaripas ng takbo palabas sa unit ni Shania.

Dang! The great Stephen Stonward, just stole a kiss from a girl! He want to praise himself for a new record he got.

A kiss stealer.

Kadalasan kasi mga babae ang lumalapit sa kanya, initiating a kiss. Not him. Never in his life, he kissed the girl first. He lets them do it first, before responding.

Never in his life too, he did steal a kiss from a girl. Maybe once, but that was before, a few years ago. And now, he just did it again to a girl he just knew for months!

'A kiss stealer? Doesn't sounds bad at all!'

Parang baliw na nakapamulsang nangingiti, at napapakagat-labing pumasok si Stephen sa unit niya. Nakalimutan niyang nandun pala ang kaibigan niya na ngayon ay nagtataka at sinusuri kung nasa tamang huwisyo pa ba siya.

Shania's  POV

What the pakeningshit did just happened?!!! Did he...did he really kiss me? On the lips? My ex-crush just kissed me on the lips? I mean.... Stephen. Shocks?

What's with bringing up that ex-crush thingy Shania? But heck! He kissed me.

Yung ayaw magpaawat na tibok ng puso ko sa tuwing nandyan siya at yung parang...ay basta! Alam ko problema to. I need to tell this to my bruhang bestfriend. Kailangan kong humingi ng rescue habang maaga pa, bago pa mahuli ang lahat.

I won't let my plans to be ruined. Dahil lang sa lintik na halik na yun, nagulo na ang isipan ko.

Nagpunta ako sa sala at hinanap ang phone ko. Dito ko lang yun iniwan kaninang umaga eh. Napapakamot ako sa buhok ko nang makitang wala ito sa  mesa katabi ng remote sa tv. Dito ko lang yun inilapag kanina, sigurado ako. Baka naman nasa kwarto, nadala ko dun.

Papanhik na sana ako sa hagdanan para umakyat nang mahagilap ng mata ko yung saksakan malapit sa tv. And, viola! Nandun lang pala yung cellphone ko, nakacharge. Teka nga, sino nagcharge nito? Baka ako lang naman, nakalimutan ko lang.

In-on ko ang mobile data ng phone ko at inopen ang messenger. Hindi ko pa alam ang wifi password sa building na'to, matanong nga kay manong guard next time.

Chineck ko kung active ba yung bruha kong bestfriend at hindi nga ako nagkamali. Panigurado may kachat na naman itong pakistano, tapos kapag hinihingian siya ng sexy pic atsaka pa niya aawayin at mumurahin ng patagalog para daw hindi maintindihan. Hahaha! Bruha talaga!

I tap her profile to start a conversation.

BruhangPatricia

JUL 19 AT 1:45 PM

                                                         Bruha?

Yes, Gaga?

 

             

               

  I have to tell you something, importante.

How important is that, para laanan ko ng mahiwagang oras ko? Aber? Busy ako, gaga.(◠‿◕)

                     Mas importante pa to kesa dyan sa mga porn videos sa phone mo.

On the way na. Daldal nitong gagang to. Walang laglagan, Gaga. Kahiya ka! At wala akong p*rn videos sa phone, sa laptop marami. Hahahhah! Gusto mo send ko sayo?

                               Nak ng? Solohin mo yang kalibugan mo bruha. Ayokong mahawa sa kalaswaan ng utak mo! ಠ_ಠ

Geh. Kelangan ko pa bang magkaroon ng copy sa phone ko, tas send ko sayo via shareit? O yung laptop ko na lang dadalhin ko? Handa mo na lang USB mo, medyo marami-rami rin to. Hahahhah!!!

Sineen ko lang yung huling chat niya. Ambastos talaga ng bibig ng babaeng to. Juicecolored!

Habang naghihintay ako sa pagdating ng bruha ay naghanda muna ako ng pwedeng pang-meryenda namin. Tiyak, mahabaang daldalan ang magaganap mamaya. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nakapag-usap since naging busy siya masyado these past few days sa company nila. Ewan ko ba, parang sinadya ata ni Tito na pahirapan ang unica iha niya. Hahaha!

Sumilip muna ako sa peephole to check kung si Patricia na ba ang nasa labas at nag-door bell. Mahirap na.

Yung bruha nga kaya pinagbuksan ko na. Agad ko siyang sinalubong ng yakap pagkapasok niya na tinugon niya rin. Namiss ko tong bruhang ito.

We both let go from the hug, at sabay na nagtungo sa sala atsaka magkatabing umupo sa sofa.

"Gaga, nasaan na yung USB mo?" Napataas yung kilay ko sa tanong niya.

"Ha?" Aanhin naman niya yung USB ko?

"I thought gusto mong magkaroon ng copy sa mga VIDEOS ko? Kaya, akin na." Nakangisi niyang turan at inilahad pa ang palad sa harap ko.

Anong videos? Ay, anak ng tatay niya si Patricia!!!

"Arayy ko naman gaga! Ikaw na nga itong tinutulungan eh! Para naman may sapat kang kaalaman kapagka nagse--" Binatukan ko nga siya ng maalala ko kung anong videos yung tinutukoy niya.

"Umayos ka kasi! Bruha ka! Ang dumi talaga ng isip mo! Solohin mo yang mga VIDEOS mo dyan."

"Eto naman. Syempre joke time lang yun. May tatapusin pa akong office works eh, that's why I brought my laptop with me. But, if ever you'll change your mine, you know. For some s*xual learnings na din. Bahala ka, baka ibalik ka ng magiging asawa mo sa mga magulang mo dahil kulang ka sa kaalaman. That will be a great embarrassment, gurl." Naiiling niyang pagpapaliwanag while opening her laptop.

Kita mo na tong babaeng to. Apaka talaga!

"So, gaano ba kaIMPORTANTE yang sasabihin mo Gaga?" She ask while she's typing something on her laptop.

Napaseryoso ako bigla nang maalala ko kung bakit ko nga ba pinapunta itong bruha kong bestfriend dito.

"It's about Stephen and me. Lately kasi parang napapadalas na yung pagpunta niya rito. Tapos------"

"Oh my gulay! Don't tell me nagjugjugan na kayo? Diyos ko Shania, akala ko ba inosente kang bata? Bakit ka bumigay agad? Pero....anong feeling?"

Anong jugjugan pinagsasabi ng bruhang ito? Pero yung feeling?

"Masaya ka ba?"

"Oo."

Everytime na makita ko yung mga ngiti niya, kapag may binibigay siyang rose, sa bawat pagpunta niya rito, at kapag kasama ko siya.

"Masarap ba?"

"Oo." Masarap siyang magluto.

"Masakit ba?"

"Oo." Nung naumpog yung noo ko sa noo niya.

"Pakshit ka gaga! Naunahan mo pa ako! Akala ko ba nakamoved-on ka na? Dalawang buwan pa lang ang lumipas since nakita mo siya ulit. Tapos, nagsi-sex na pala--- Arayyy naman!" Binatukan ko nga, anong nagsisex pinagsasabi niya? Ang bastos talaga!

"Walang ganung nangyari, okay? Bruha ka! Never! Not in my wildest dreams! Kadiri ka talaga!"

"Wala pa ba? Sabi mo nga masarap at masakit, diba? Tsaka, anong sabi mo? Not in your wildest dreams? Ay, naku, gaga, baka nga si Stephen lang yung nasa mga wild dreams mo gabi-gabi. Ayaw mo lang aminin." Naka-smirk na Saad ng bruha.

Yan ang problema kapag masyadong green minded ang kausap mo.

"Lilinawin ko bruha ha? At ng maintindihan at maipasok mo dyan sa kokote mong puro kalibugan." Tinanguan niya lang naman ako.

Kaya nagsimula na akong magpaliwanag sa kanya. I told her everything. Yung halos araw-araw na pagpunta ni Stephen dito para makikain kuno at yung mga parosas niya. Tapos yung mga pahalik-halik niya sa noo ko. At yung kanina, yung hinalikan niya ako sa labi. I mean yung pagnakaw niya ng halik sa akin kanina.

Eto namang gaga kong bestfriend, impit pang tumitili. Kesyo, kinikilig raw siya, ewan ko sa kanya.

"Hindi bale ng wala pang jugjugan, basta ba may halikan na. Ayos na yun." Binatukan ko nga siya ulit, para matigil na yung bibig niya.

"Pero bruha, I'm confused. Alam ko sa sarili ko na wala na, moved on na ako. Sa loob ng ilang taong nasa States ako, wala na akong balita sa kanya. Hindi na rin ako nag-abala pang makibalita tungkol sa buhay niya, kahit nga icheck ang social status niya ay hindi ko ginawa. Naging epektibo naman kasi hindi ko na siya naiisip palage, nakalimutan ko na yung feelings na meron ako for him before. Nakamoved-on na ako. But now? Damn! Para akong nagkaroon ng sudden doubt sa sarili ko." Mahaba kong litanya while fiddling my fingers.

"What feelings ba do you have for him, sa ngayon?" Seryosong tanong ni Patricia.

What feelings do I have for him?

"Whenever he's around or whenever he's smiling at me, my heart goes wild. Kapag tinititigan niya ako, nahahawakan, o kaya kapag hinahalikan niya ako sa noo, para akong natatae na ewan. Basta, yun bang parang kinikiliti yung puso ko at para ring may nagsisiliparang paru-paro sa tiyan ko. Ganun." Nakayuko at sinsiro kong sagot.

Natahimik ng ilang segundo si Patricia, kaya napatingin na ako sa kanya nung nagsalita siya.

"You know what gaga. Minsan kasi magkaiba ang sinasabi ng puso natin sa pinaniniwalaan ng isip natin. Kumbaga hindi sila nagkakasundo, ganun. Minsan sinasabi ng isip natin na wag na, awat na, suko ka na. Pero yung sinisigaw ng puso natin ay ayos lang, ipagpapatuloy ko pa, lalaban pa ako, kakapit pa ako. May panahon talaga na magkaiba sila ng sinasabi, magkaiba sila ng pinaniniwalaan. At nasa tao mismo ang desisyon kung alin sa dalawa ang paniniwalaan niya, ang isip ba o ang puso niya."

"Ang gulo naman nun." Komento ko.

"Sa sitwasyon mo ngayon, magulo talaga. Sinasabi ng isip mo na hindi na ako makikibalita tungkol sa kanya, hindi ko na siya iisipin pa, hindi ko na siya gusto. At yun ang pinaniniwalaan mo, kaya ka buong tapang na bumalik dito. Kasi akala mo wala na. Gaga, alam mo, hindi naman kasi ganun kadaling maglaho ang pagmamahal mo sa isang tao. Akala mo hindi mo na siya gusto o mahal, pero ang totoo niyan ay natutulog lang pala yung pagmamahal mo sa kanya. Kumbaga, naghihintay lang siyang magising ulit at magpatuloy."

Yung limang taong paglayo ko at pagpilit ko sa sarili kong kalimutan siya ay wala pa ring kwenta kung ganun.

"You know what, gaga. I can't give you a definite answer about sa kung bakit ka naguguluhan ngayong nandyan na siya. Ikaw lang ang makakasagot niyan in time. But first, ibalance mo muna ng maayos yang isip at puso mo. Then choose, kung saan ba ang mas matimbang sa kanila. Test yourself my dear bestie. Take risks."

"Pero diba, nakakatakot magrisk?" I ask.

"Alam mo yung pagtake ng risk, para ka lang niyang sumubok mag-paraglide. Hindi ka takot sa heights, takot kang mahulog. Hindi ka takot lumipad, takot kang mawalan ng kontrol kung sakaling may mangyaring hindi mo inaasahan kapag nasa himpapawid ka na. Takot kang mamatay. Pero ganun pa man, kailangan mo pa ring subukan. Para kapag nahulog ka, malalaman mo ring hindi naman pala ganun kalala ang sasapitin mo katulad ng mga inaasahan mo. Kailangan mo munang maramdaman yung impact ng lupa sa katawan mo, bago mo sabihing sobrang sakit pala nito. Kailangan mo pa ring maramdaman yung pagtulo ng luha sa pisnge mo, hindi para iparating sayong mahina ka, kundi para ipakita at iparamdam sayong matapang ka kasi sumubok ka. Hindi mo naman kasi magawang mahanap yung kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sayong isipan kung hindi mo susubukan." Seryoso at tagos sa puso niyang pahayag.

I give her tight warming hug after ng sinabi niya. She's really good at this. Giving advices. Kahit papaano ay medyo nalinawan naman ako. Thank God, she's my bestfriend.

But, should I take a risk?