webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

TRYING TO BE THE MEDIATOR

"O, ano'ng nangyari? Bakit andito ka? Nasa ospital na ba si balae kaya ka muna umuwi?" gulat na usisa ni Aling Nancy sa anak nang makita siyang dere-deretso sa kanyang kwarto.

Subalit napanganga na lang ito at 'di nakapagsalita nang 'di niya pansinin.

Lalo itong nagulat nang nagmamadaling pumasok si Dixal sa loob ng bahay.

"O, andito ka din? Nagising ka na pala? Kelan ka nagising? Bakit wala man lang kayong sinasabi sa'kin?" sunud-sunod na tanong nito.

Hindi ito sumagot, nagmano lang sa byenan at dumeretso na rin sa kwarto ng asawa ngunit nakasara na ang pinto niyon.

"Amor! Let's talk. Let me explain," anito habang kumakatok.

"Huh? Ano'ng nangyayari?" sobrang pagtatakang tanong ni Aling Nancy sa sarili.

Wala man lang pumapansin dito sa dalawang dumating.

"Amor, please open the door. Let's talk about this, huh? Amor!" tawag ni Dixal subalit wala pa ring sagot mula sa loob.

"Ma, do you have an extra key?" baling na nito sa byenan.

"Ano? Tagalugin mo at wala akong maintindihan," anang ginang.

"May susi po ba kayo sa pinto?" tanong nito, tinagalog na.

"Teka nga muna, bakit ba, ha? Ano ba'ng nangyari? Ang alam ko ay nasa ospital kayong dalawa at nasa coma ka. Ngayon naman, nag-aaway na kayo agad. Ano ba'ng nangyari?" patuloy nito sa pag-uusisa.

Napabuntunghininga si Dixal at bahagyang napasuntok sa saradong pinto.

"Naaalala na niya ang lahat, Ma. Madami siyang inaakusa sa'kin pero wala akong alam sa mga 'yon. Ang sabi niya peke raw ang kasal namin at ginawa ko raw siyang pustahan. I don't really understand, Ma. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya," kwento ng manugang.

Nakanganga namang nakikinig ang ginang subalit tila wala ring maunawaan sa naririnig.

Pagkuwa'y ito naman ang kumatok sa pintuan.

"Flor! Ano ba'ng sinasabi nitong si Dixal? Pinagbibintangan mo raw siyang ginawa kang pustahan tsaka peke daw ang kasal niyo. Wala siyang maunawaan," kaswal lang na hiyaw ng ina sa nasa loob.

"Tell him to go to hell! He's a liar!" sigaw niya mula sa loob.

"O ayan, narinig mo ang sagot. Go to hell daw," pasimple nitong baling kay Dixal ngunit nang maunawaan ang sinabi niya'y biglang tumaas ang boses nito.

"Aba't hinampak kang bata ka, ba't ka nagmunura?" sigaw nito sa kanya.

"Mahanap ko nga ang susi ng kwarto niyang bruhang 'yan. Talagang nalilito na ako sa inyo ha? Pag ako nagalit, dalawa ko kayong palalayasin rito!" sigaw uli nito.

Nang mahanap ang susi ng pinto ay agad nitong iniharang ang katawan sa pinto nang di makapasok si Dixal.

"Hep! Hep! Alam kong mahina ka pa at 'yang babaeng 'yan eh sobra ang bunganga kung magalit, baka mastress ka kaya d'yan ka lang muna," paliwanag nito saka isinara ang pinto at inilock.

Walang nagawa si Dixal kundi maghintay sa labas.

"Anak, ano ba'ng problema? Kanina lang pagtawag ko sayo, nag-aalala ka pa sa asawa mo. Ngayon naman, galit na galit ka na. Minura mo pa siya. Ano bang kasalanan niya?" mahinahong usisa ng ina.

Subalit nagpatuloy lang siya sa pag-iyak habang nakasubsob ang mukha sa unan at nakadapa sa kama.

Hinagod nito ang kanyang likod.

"Anak, bente singko ka na, hindi ka na bata. Tsaka may asawa't anak ka na. Ang pangit lang pakinggan na pinagsasalitaan mo ang asawa mo ng di maganda gayung sabi niya, wala naman daw siyang ginawang masama sayo."

Saka na siya nag-angat ng mukha.

"Anong wala? Sinungaling yan, Ma. Pinagpustahan nila ako ng mga kaibigan niya para lang makuha ang pagkababae ko at di totoong kasal kami. Sabi ng lolo niya, peke daw ang kasal namin." sumbong niya sa ina, pagkatapos ay muli niyang isinubsob ang mukha sa unan at muling umiyak.

Agad nagpantig ang tenga ng ina.

"Aba't siraulo pala ang lalaking to! Kunwari lang palang mabait pero ang sama pala ng ugali." gigil na sambit nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto saka inusig si Dixal.

"Sinungaling ka pala eh. Ano'ng sinasabi ng anak ko na pinagpustahan niyo daw siya ng mga kaibigan mo at hindi raw totoo ang kasal niyo sabi ng lolo mo, peke daw yun?" sigaw nito sa lalaki.

"Ma, please listen to me. Wala akong alam sa sinasabi niya. Believe me, Ma. Totoo po ang kasal namin. Hindi peke yun. Maniwala kayo sakin. Wala akong ginawa kundi mahalin ang anak niyo. Siya lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko." mangiyak ngiyak na paliwanag ni Dixal.

Ramdam naman din yun ng ginang kaya agad itong naawa sa manugang.

Tinapik nito ang balikat ng huli.

"Wag kang mag-alala, kakausapin ko uli si Flor, baka sakali lumambot ang puso sayo at maniwalang wala kang alam sa mga akusa niya." anito't lumambot na rin ang boses saka isinara na uli ang pinto at lumapit sa kanya saka muling hinagod ang kanyang likod.

"Anak, wala naman daw siyang alam sa mga sinasabi mo. Hindi naman daw yun totoo at lalong hindi raw peke ang kasal niyo. Kawawa naman yung asawa mo eh kagigising lang niyan mula sa coma tapos aawayin mo agad. Di mo man lang pinalampas ng isang linggo bago mo inaway."pangungumbinsi nito sa kanya.

Nag-angat na uli siya ng mukha.

"Sino bang anak niyo, Ma?"anya

"Syempre ikaw."

"Eh ba't siya ang pinaniniwalaan mo? Narinig mo na bang nagsinungaling ako sa inyo? Di ba hindi pa naman. Wag kang maniniwal jan, Ma. Alam na niyang si Elaine ang nag-iispiya sa kompanya niya pero itinago pa rin niya yun sakin. Kung di sumugod dun si Beshie, di ko malalamang si Elaine pala ang dahilan kung bakit kami nadisgrasya noon." sumbong na naman niya.

Nagalit na naman ang ina at nagmamartsang lumapit sa pinto at padabog na binuksan iyon.

"Sinungaling ka pala talaga eh!" sigaw nito kay Dixal.

"Bakit di mo sinabi agad kay Flor na matagal mo nang alam na si Elaine pala ang ispiya sa kompanya mo. Hinayaan mo pang sa iba niya malaman ang lahat." sumbat nito sa manugang.

"Ma, i didn't mean to do that. Alam kong magclose sila ni Elaine. Baka masaktan lang siya pag nalaman niyang isang ispiya ang matalik niyang kaibigan." paliwanag na uli nito sa kanya.

Tumango-tango ang byenan.

"Sabagay, may point ka din. Kaya pala mabigat ang loob ko sa babaeng yun, may sungay pala sa ulo." sang-ayon nito.

"Hayaan mo, ipapaliwanag ko sa anak ko nang maunawaan niya." tinapik uli nito ang balikat ng lalaki saka muling bumalik sa kanya.

Ganun na uli ang ginawa.

"Anak baka naman pwedeng pag-usapan niyo nang maayos to. Kaawaan mo ang asawa mo, kagigising lang niyan mula sa coma at kalalabas lang niyan sa ospital tapos gaganyanin mo."

Galit na namang nag-angat siya ng mukha.

"Kanino ka ba talaga kumakampi, Ma. Ako ang anak mo, dapat ako ang pinapanigan mo." Sermon niya rito.

"Hayyy! Maloloka ako sa inyong dalawa. Kayo na nga lang ang mag-usap, mga hinampak kayo! Nirarayuma na ako kakaparuo't parito sa inyo."

Nagmamadali itong tumayo at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa pinto at binuksan iyon saka hinila papasok si Dixal.

"O ayan mag-usap kayong dalawa jan! Wag kayong lalabas hangga't di kayo nagkakaayos." sigaw nito't ikinandado sa labas ang pintuan.