webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

THOSE OLD YET SWEET MEMORIES

Alas Nwebe na nang gabi ngunit nasa kasarapan pa rin ng tulog si Flora Amor.

Di na mapakali si Aling Nancy at ayaw namang pumayag ni Dixal na tumayo mula sa pagkakaluhod sa labas ng bahay. Naruon din sa labas ang bata, gabi na pero nagbabasa pa rin ng ilang patong na libro. Hindi naman pansin ng dalawa ang oras dahil naaaliw ang mga ito sa kabubuklat ng mga libro ni Devon na bili ng Pappy nito. Ang kinababahala ni Aling Nancy, makulimlim ang kalangitan. Pag naabutan ng ulan ang mag-ama sa labas, seguradong magkakasakit ang mga to.

Nakaisip ito ng paraan para maawa ang anak sa manugang.

Nagmamadali itong lumabas ng bahay at lumuhod paharap sa bata.

"Magaling kang umarte baby ko, di ba?" wika nito.

"Bakit po?" maang na tanong ng bata.

"Ma, okay lang po ako rito." sabad ni Dixal.

" Tumahimik ka lang jan. Nakupo, mapapatay ako ni Balae pag may mangyaring masama sayo." pigil nito sa manugang saka bumaling sa apo.

"Umiyak ka ng malakas baby para magising ang Mommy mo. Para makapasok na kayo ni Daddy mo sa loob ng bahay." utos nito sa bata sabay paliwanag.

Tumango naman ito.

"Dalhin niyo po muna ang mga books ko sa loob, Mama. Baka po kasi mabasa dito pag umulan na." pakiusap nito.

Nagmamadali namang hinakot ng ginang ang mga libro.

Pati yung niluluhuran ng dalawa ay tinanggal na rin at ipinasok sa loob ng tindahan.

Nagsimulang bumulyahaw ng iyak si Devon.

Naalimpungatan si Flora Amor sa bulyahaw na yun ng isang bata.

Nang makilala ang boses ng anak ay agad siyang napabangon nang wala sa oras, dahilan upang sumakit ang kanyang ulo, o dahil yun sa kaiiyak niya kanina.

Nagtanggal muna siya ng dumi sa mata bago binuksan ang pinto at dumungaw duon.

"Ma! Bakit umiiyak si Devon? Asan ba ang batang yun?" usisa niya sa inang may hawak na tissue at nagpapahid ng luha sa mga mata.

"Tinatanong mo pang hinampak ka!" singhal nito sa kanya.

"Ayun sa labas, nakaluhod din kasama ng Daddy niya! Pag nagkasakit ang apo ko, talagang lalayas ako rito!" umiiyak nitong hiyaw sa kanya.

Sandali siyang natigilan, saka lang niya naalalang pinaluhod niya pala si Dixal ng dalawang linggo sa sobrang galit niya rito kanina.

"Sino ba kasing may sabing lumuhod din siya dun?" iritadong sagot niya sa ina at mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya ng bahay.

Hindi pa siya nakakatatlong hakbang mula sa pinto ay pumatak na ang malalaking butil ng ulan.

Ni hindi niya sinulyapan man lang si Dixal at agad nang binuhat ang bata saka dinala sa loob.

"Careful Amor." nag-aalala pa ring wika ni Dixal sa asawang galit pa rin.

Lalong bumulyahaw ng iyak si Devon hanggang sa ipasok niya sa loob ng kwarto.

"Ba't ka nakaluhod dun?" nasinghalan na niya ang anak sa pagiging pasaway nito.

"Mama, si Mommy sinisigawan ako! Waaaaahhhh!" lalo pang lumakas ang iyak nito.

Sumugod na ang lola sa loob ng kwarto.

"Ang baby ko. Asan ang masakit sayo baby ko?" naluluhang usisa nito sa bata saka pairap siyang sinulyapan.

"Pag itong baby ko nagkasakit sa ginagawa mong hinampak ka, talagang lalayasan ko kayo!" banta na nito sa kanya.

"Bakit ba kasi hinayaan niyo siyang lumuhod dun?" paninisi pa niya sa ina.

"Aba'y bruha ka, natural na lumuhod yan dun at di magpapigil eh ama lang naman niya yung kawawang nakaluhod dun mula pa kaninang hapon at ina lang naman niya ang walang pusong nag-utos sa masunurin niyang ama." pasigaw nitong sagot sa kanya.

Napahalukipkip lang siya.

"Di mo ba naririnig ang malakas na buhos ng ulan na yan? Flor, kagagaling lang ng asawa mo sa ospital, kagigising lang kanina at kalalabas lang ngayong araw. Ikaw kaya ng paluhurin ko dun magdamag, ha? Pag ikaw maldita ka, hindi umayos sa ugali mo, palalayasin kita sa pamamahay ko!" pananakot na nito sa kanya.

Natahimik siya. Sa totoo lang kinakabahan na rin siya para kay Dixal. Baka kung mapano nga ito dun lalo't malakas ang buhos ng ulan.

"Waaaaahhhhhh!!! Ang Daddy ko! Gusto kong magpunta sa Daddy kooo!!!!" Higit pang lumakas ang ngawa ng bata, nabibingi na siya sa ingay nito.

"Oo na. Oo na! Tumahimik ka na riyan at papapasukin ko na ang sinungaling mong ama!" pasinghal na naman niyang wika sa anak.

Nang makalabas na siya'y nag high five ang maglola at mahinang naghagikhikan saka kinarga ng ginang ang apo palabas ng kwarto.

"Akina tong baby ko at sa kwarto ko patutulugin. Pag ito nagkasakit sa kagagawan mo, humanda ka sakin hinampak ka!" sigaw nito sa kanya sa labas ng bahay.

Gigil niyang tiningnan nang matalim si Dixal habang nakaluhod sa tapat ng pinto.

"Ano, magsasanto ka ba't di ka pa tumatayo jan?" pasigaw niyang wika rito.

"Amor, I couldn't move my legs." anang lalaki at biglang nasapo ang noo.

Bigla siyang kinabahan. Masama na ba ang pakirmdam nito? Hindi na ito makatayo? Ilang oras na ba kasi itong nakaluhod dun? May sugat na ba ang mga tuhod ng lalaki? Bakit kasi sineryoso nito ang sinabi niya?

Ngunit di siya nagpahalatang nag-aalala para rito.

"Ang arte-arte mo! Tumayo ka nga jan!"hiyaw niya pero sa isip ay gusto na niya itong lapitan kahit maulanan pa siya at alalayan papasok.

"Don't come near me!" inuubo nitong sambit saka nagpilit na makatayo na kung hindi ito nakahawak sa pader ng bahay ay paneguradong natumba na ito.

Muntik na siyang mapasigaw sa kaba na baka bumagsak nga ito bigla.

Ano ba kasing pumasok sa kukuti niya ba't niya nasabing lumuhod ito sa labas? Bakit naman kasi ito sumunod?

Hindi na siya nakatiis at pagalit na kinabig nito ang braso at iniakbay niya sa kanyang balikat saka ito inalalayang makapasok.

"Mabigat ako Amor, baka kung makapano ka pa." tila nanghihina nitong sambit.

"Ang arte-arte mo. Luluhod-luhod ka jan, di mo naman pala kayang tumayo."Paasik niyang sagot ngunit sa puso'y awang-awa sa lalaki lalo na nang maramdaman niyang basa na ang buong katawan nito.

"I just want to follow your order. Ganun kita kamahal, Amor." anito sa mahinang boses.

Gusto na niyang maiyak nang mga sandaling yun. Bakit ba kay lambot ng puso niya para sa lalaking to na kahit andaming kasalanang nagawa sa kanya ay di niya magawang magalit rito nang matagal?

"Tumahimik ka na nga!" singhal niya.

Tumahimik naman ito.

Nang makapasok sa kwarto niya'y nagpilit pa rin itong tumayong mag-isa at umupo sa silya sa harap ng kanyang work table.

Siya nama'y naghanap ng pamalit nitong damit. Mabuti na lang andun pa sa kabinet yung damit na isinuot nito noon pati brief kaya yun na ang ibinigay niya rito.

"O magbihis ka. Mamaya pag nagkasakit ka, ipakulong pa ako ng pamilya mo. Sabihing pinapabayaan lang kita. Madamay pa pati pamilya ko." pangungunsensya niya.

Tipid na ngumiti ang lalaki at akmang tatayo nang bigla itong mapahawak sa gilid ng mesa.

"Dixal!" hiyaw niya.

Duon na siya napahikbi at niyakap ito.

"Ano ba kasing pumasok jan sa utak mo ba't lumuhod ka sa labas? Aarte-arte ka tas di mo naman pala kaya. Nagpaulan ka pa." humihikbi niyang sermon rito.

Gumanti ito ng yakap sa kanya.

"Gusto ko lang maramdaman mong nagsisisi ako sa pagsisinungaling ko sayo noon kaya mo ako iniwan." usal nito.

Ilang beses niya itong hinampas sa likod sa inis niya.

"Let me change my clothes, Amor." anito't bahagyang lumayo sa kanya saka kinuha ang damit na inilagay nito sa ibabaw ng mesa ngunit napakapit na uli ito sa gilid ng mesa kaya pinaupo na lang niya ito at siya na ang nagpalit ng damit sa asawa.

"Amor, I'm sorry." anito maya-maya. "I'm sorry kasi di ko sinabi sayong may kakambal pala ako. Pero maniwala ka saking hindi peke ang kasal natin." paliwanag nito.

"Kalimutan mo na nga yun." bara niya Habang isinusuot dito ang bagong damit.

Pantalon naman nito ang kanyang tinanggal, pagkatapos ay saka niya ito pinatayo nang makahiga na sa kama at duon na lang iya ito tinanggalan ng brief.

"Amor..." tawag na uli nito.

"O--?"

"I love you." usal na uli nito.

"I hate you!" pasinghal niyang sagot.

Mahina itong tumawa.

At nang tuluyan na niya itong mapalitan ng damit ay saka naman nito hinablot ang kanyang kamay at inihiga siya sa kama saka nito itinukod ang magkabilang kamay sa tabi ng magkabila niyang braso nang di siya makabangon.

"I love you, Amor." muli nitong usal habang titig na titig sa kanya.

"Hindi ka na magsisinungaling sakin?"balik-tanong niya.

Umiling ito.

"Bakit niyo ako ginawang pustahan ng mga kaibigan mo?" tanong niya.

Matagal itong tumitig sa kanya.

"It wasn't me, Amor. It was Dix. Inamin niya yun sakin kanina."pag-amin nito.

Napakunut-noo siya.

"Kilala na ako ni Dix noon pa?" taka niyang tanong.

"Maybe. When I followed you to SM Fairview, nakita ko si Dix na palapit sayo kaya tinawagan ko agad siya. Sabi ko 'Don't touch my property.'"kwento nito.

Napanganga siya. Naalala niya ang tagpong yun. Si Dix pala yun?

Hinampas niya ang braso nito.

"Bagay ba ako na pwede mong ariin? Brusko!" pairap niyang sambit.

Tumawa ito nang malakas saka nahiga sa tabi niya at iniangat ang kanyang ulo pagkuwa'y ipinailalim ang braso nito para gawin niyang unan.

Siya nama'y kinikilig na sumiksik sa katawan nito at ikinapit ang braso sa leeg nito.

"Dixal, pano mo ako nakilala?" curious niyang tanong.

Nangingiti itong humalik sa kanyang noo.

"You were that inocent girl who stole my heart the moment i saw you. I could still remember the way you brushed your hair, your cute little face while you put powder on it, the way you bit your lips to make them red and the way you curled your lips to kiss your reflection on the mirror of Lemuel's car."

Napabangon siya sa pagkagulat.

"I-ikaw yung lalaki dun sa sasakyan?" bulalas niya.

Napatawa ito nang malakas at muli siyang kinabig pahiga.

"Sa una ayukong amining mahal agad kita. Pero di ko mapigilan ang sarili kong sundan ka hanggang ayuko nang mawala ka sa paningin ko. Then i stole your first kiss." patuloy nito sa pagkukwento.

Panay ang hagikhik niya habang nakikinig.

Maya-maya'y bumangon ito, itinukod ang braso sa kama saka tumagilid paharap sa kanya.

"Amor, i really love you. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganto. Honestly, wala akong ibang babaeng tinitigan maliban sayo." malambing nitong usal sa kanya saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya at marahan siyang siniil ng halik.

Gumanti naman siya ng halik ngunit nang maglikot na ang kamay nito'y bahagya niya itong itinulak.

"Merun ako Dixal."

"What?"

Nagtaka siya sa naging ekspresyon ng mukha nito na tila ayaw maniwala.

"Merun nga ako, kanina lang. Kaya pala sumasakit ang puson ko kanina, magkakarun pala ako ngayon." giit niya at itinulak na ito nang makabangon siya.

Di makaimik ang lalaki, sa mukha ay nakalarawan ang pagtataka.

"Sandali lang, magpapalit ako ng napkin." paalam niya.

Pagkapasok sa loob ng CR ay nagtanggal siya agad ng napkin.

"Huh?" takang pinagmasdan niyang mabuti ang dugong nasa napkin.

Kanina pa siya merun, dapat malakas na yun sa unang araw pa lang niya, bakit parang di man lang yun nadagdagan na dati naman nakakaapat siyang napkin sa isang araw lang?

Huminto ba ang mens niya? Bakit kunti lang ang lumabas?

Kahit nagtataka'y naglagay pa rin siya nang panibago baka mamaya malakas na yun.

Paglabas niya ng banyo, nakapikit na ang lalaki't maayos nang nakahiga.

Kaya tumabi na lang siya't hinila ang kumot paitaas.

Saka naman ito nagdilat ng mata at pumatong sa kanya.

Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito.

"Akala ko ba tulog ka na."

"Amor, dalawang linggo akong walang lakas. Pagbigyan mo ako ngayon please." anas nito saka sinimulan na siyang halikan sa leeg.

"Merun nga ako." giit niya.

"It's just a false alarm." giit din nito at hindi na siya pinagsalita pa, siniil na siya ng halik at agad naglakbya ang kamay nito sa kanyang katawan.