Naalimpungatan si Flora Amor nang gumalaw ang medyo mainit na bagay kung saan nakasubsob ang kanyang mukha. Nang akmang gusto niyong kumawala ay agad niyang iniunat ang kamay at kinabig iyon, muling sumubsob doon.
"Spoiled girl, I just wanna pee," nangingiting usal ni Dixal.
Agad pumasok sa inaantok pa niyang utak na hindi pala unan ang kanyang yakap-yakap kundi katawan ni Dixal. Dahan-dahan niyang binuksan ang isang mata upang tingnan ang asawa ngunit agad din siya pumikit nang makitang nakangiti itong nakatitig sa kanya.
Ito naman ang kusang yumakap sa kanya at ipinatong ang binti sa kanyang beywang nang mapansing inaantok pa talaga siya, nagising lang nang gumalaw ito.
Naramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang noo.
"Just can't let you sleep alone, sweetie. Mahal na mahal ko ang asawa kong 'to," anas nitong dahan-dahang ipinikit ang mga mata para matulog, wari bang noon lang ito makakatulog.
Lihim siyang napangiti at gumanti ng yakap. Ang sarap ng gan'to, wala siyang ibang iniisip kundi ang maramdaman ang mahigpit na yakap at halik nito habang magkatabi silang natutulog.
Wala na siyang maihihiling pa sa asawa niya. Siya na seguro ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.
Subalit nang maalalang gusto nitong gumamit ng banyo ay siya na ang kusang tumulak rito nang bahagya.
"Ang init, sweetie. Layo ka kunti," an'ya saka tumalikod rito.
Ito nama'y nagmamadaling bumangon at nagpuntang CR. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik agad ito't muli siyang kinabig at niyakap nang mahigpit saka hinila ang naibabang kumot para 'di pasukin ng lamig ang hubad niyang katawan. Subalit nang maramdamang panay ang galaw niya'y bumangon ito't hinanap ang kanyang nighties saka siya dinamitan.
Doon na siya dumilat.
"Dixal, why are you so good to me?" tanong niya
Bahagya pang kumunot ang noo nito nang malamang gising pala siya, nagtutulugtulugan lang ngunit sinuotan pa rin siya ng damit. Nang matapos ay muli siyang isiniksik sa mga bisig nito at muling hinalikan ang kanyang noo.
"I just want to spoil you nang 'di mo na naman ako iwanan," pabiro nitong sagot saka ipinikit ang mga mata.
Ngiti lang isinagot niya ngunit lalo pang isiniksik ang katawan sa katawan nito. Pa'no niya iiwan ang gan'tong klaseng lalaki kung ganto siya pagsilbihan, ito pa mismo ang nagdadamit sa kanya? Marahil nga nakialam ang lolo nito noon kaya napilitan siyang lumayo rito lalo na't masamang tao pala ang matandang 'yon. Baka natakot siya noon o tinakot ng huli.
Ah, wala na siyang pakialam sa nakaraan. Ang mahalaga sa kanya ay ang ngayon at ang kanilang hinaharap.
Muli siyang pumikit at nakatulog nang may ngiti sa mga labi habang ang isang palad ay nakalapat sa pisngi nito.
--------
BOSES NI DIXAL HABANG nakikipag usap kay Lemuel ang nanggising sa kanya.
"Embezzlement and their being accomplices for doing crimes to destroy the company are enough to put them to jail. Hindi lang basta pera ang pinag-uusaan dito, Lemuel. It's one-eight of the total net income of the company, around 500 million pesos," anang lalaki sa kaibigan habang nakaupo sa gilid ng kama at nakadikit sa tenga nito ang phone.
Nagdilat siya ng mga mata, awtomatikong napako ang tingin sa asawang naka office attire na.
Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito, 'yong mag-amang Veron at Mr. Edmund Villaberde. Nakita na seguro nito ang mga nadownload niya sa USB.
Hanggang ngayon, 'di pa rin siya makapaniwalang magagawa 'yon ng mag-ama gayong batay sa asawa ay loyal ang dalawa sa kompanya.
500 million ang nanakaw na salapi ng dalawa at iniligay sa kalabang kompanya para maging isa sa mga shareholders doon. Hindi niya alam kung ano'ng kaso ang pwedeng isampa sa gano'ng sitwasyon? Ground na ba 'yon ng embezzlement o mas matindi pa roon?
Hahayaan niya si Dixal na siyang magbigay ng leksyon sa mag-ama.
Ngayon niya nauunawaan kung bakit hindi pa nag-eexpand and kompanya kahit malaki ang net income niyon kumpara sa ibang mga construction companies. Dahil malaki ang nawawalang pera at ngayon lang natuklasan kung sino ang magnanakaw. Marahil ay saka lang napansin nang lumaki na ang perang nawawala o gusto lang bigyan ng pagkakataon ni Dixal na magbago pa ang sangkot sa pagnanakaw? Isa pa'y ang pinaghihinalaan nito'y ang ama ni Shelda kaya walang nakakalap na mabigat na ebidensya.
Umuga ang kama nang bumangon siya at yumakap sa likuran ng asawa. Agad naman nitong hinaplos ang kanyang buhok.
"Good morning sweetie," bulong nito, bahagyang inilayo sa tenga ang mobile.
"Inform everyone for an emergency meeting. Ikaw na ang bahala sa agenda," utos nito sa kaibigan saka agad na pinatay ang mobile, pagkuwa'y lumingon at hinalikan ang kanyang ulo.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa, inaantay kitang magising. Pero nagluto na akong lasagna," sagot nito't pumihit paharap sa kanya nang maramdamang lumuwang ang yakap niya rito.
Lumuhod siya sa ibabaw ng kama pero halatang tinatamad pa ring tumayo.
"May meeting ako ngayon, Amor. Ipapaalam ko sa mga shareholders na ikaw ang ipapalit kong finance director," wika nito habang mataman siyang tinititigan.
Napamulagat siya sa narinig.
"Finance director?! Dixal, mataas nang posisyon 'yon para sakin," tutol niya.
Napangiti ang lalaki.
"O gusto mong maging full time housewife?" nanunudyo na naman nitong wika.
"Sa tingin ko, bagay sakin maging finance director," bigla niyang bawi at nagmamadaling bumaba sa kama, dumiretso sa shower cubicle.
Mahinang tumawa ang lalaki habang habol siya ng tingin hanggang sa loob ng shower.
"Dixal, ihanda mo na ang pamasok ko!" sigaw niya mula sa loob.
"Done, sweetie. Kanina pa!" ganti nitong hiyaw.
Isang hagikhik lang ang isinagot niya. Sino ba ang mag-aakalang ang big boss ng lahat ay pinagsisilbihan siya na isang hamak na empleyado lang ng kompanya nito? Syempre espesyal na empleyado dahil siya ang asawa.
Muli siyang napahagikhik sa naisip.
-------
PINAGKAGULUHAN ng mga reporter ang buong building ng FOL BUILDERS INC. nang kumalat sa internet ang pagnanakaw na ginawa ng mag-amang Edmund at Veron Villaberde sa kompanya at ang perang ninakaw ang ginamit para maging shareholder si Edmund villaberde sa kalabang kompanya.
Nagkagulo pati ang mga empleyado sa loob ng building at kanya-kanya ng pwesto ang mga 'to para magtsismisan sa bawat department na pinagtatrabahuan, lalo na't ang mga superior ng mga ito'y nasa conference room para sa emergency meeting tungkol sa kumalat na issue ng kompanya.
Subalit ang mag-amang Edmund at Veron ay matapang pa ring nagpunta sa FOL BUILDERS para um-attend ng emergency meeting.
Sa labas pa ng parking area ipinarada ng mga 'to ang ginamit na sasakyan dahilan para dumugin iyon ng nag-aabang na mga reporter sa labas ng building.
Unang lumabas ng sasakyan ang ama ni Veron, nakangiti pa habang papasok sa loob. Sumunod ang nakataas agad ang kilay na si Veron at mala-modeling naglakad papasok ng gusali.
"Miss, Villaberde, ga'no katotoo ang paratang ni MR. Amorillo sa inyo na nagnakaw kayo ng 500 million pesos sa kompanya niya?" salubong agad ng isang reporter sa babae hanggang sa palibutan na ito ng madaming reporter na halos lahat ay iisa lang ang Tinatanong.
Hindi sumagot ang babae, dere-deretsong naglakad papasok saka tinawag ang guwardiya at inutusang 'wag papasukin sa loob ang mga reporter na nakasunod dito.
Ang ama naman nito'y tila mahinahon lang na humarap sa camera upang pagbigyan ang mga reporter na nakapalibot dito at ito pa ang kusang huminto sa tapat mismo ng pinto ng gusali para sumagot sa mga katanungan.
"Mr. Villaberde, totoo ho bang ginamit niyo ang posisyon ng anak niyo sa FOL BUILDERS INC. para makapagnakaw ng 500 million sa kompany at ang perang 'yon mismo ang ginamit mo para maging shareholder sa JC CONSTRUCTION COMPANY?" tanong ng isang reporter sa ginoo.
"Walang katotohanan 'yan. Kaya nga ako andito para linawin ang lahat ng 'yan sa pamangkin kong si Dixal. Wala siyang basehan sa kanyang akusa sakin. Pero may tiwala ako sa kanyang hindi niya 'yon gagawin sa'kin. Gawa-gawa lang 'yan ng mga taong gustong sumira sa relasyon naming dalawa,"
sagot nitong 'di inaalis ang ngiti sa mga labi.
"May alam po ba kayo kung sino ang naninira sa inyo?" tanong ng isa pang reporter.
"Isa si Mr. Donald Randall doon dahil gusto niyang ipilit ang anak niyang ipakasal kay Dixal pero ang anak ko ang mahal ng may-ari ng FOL BUILDERS kaya gumagawa siya ng lahat ng paraan para siraan ako," matapang na sagot nito.
"Pa! Come inside!" tawag ni Veron sa ama. Saka lang ito pumasok sa loob ng gusali.
Nagsunuran ang mga reporter ngunit hanggang sa mismong pinto lang ang mga 'to, hindi na pinapasok sa loob. Gayunma'y merun pa ring pumuslit na ilan at walang nagawa ang guwardiya para pigilan ang mga ito. Ang iba'y sa parking area sa loob ng building naghintay at gumamit ng elevator para makapasok sa loob ng building.