Iniupo ng babae si Devon sa ibabaw ng isang settee na nang maramdaman ng batang malambot ang kinauupuan ay ginawa iyong kama at duon tumihaya ng higa saka ginawang unan ang cushion na naruon.
Si Flora Amor naman ay inayos ang pagkakahiga ng bata para di mahulog saka bumaling sa guard at staff ng AirAsia.
"Maraming salamat po sa inyo." anya sa dalawang kapwa nakangiti sa kanya.
"Welcome po Ma'am. Pupuntahan na lang po namin kayo pag kailangan niyo na pong umalis." anang staff sa kanya saka lumabas ng kwarto ang dalawa.
Nang maisara na ang pinto saka naman siya nanghihinang napaupo sa sofa sa may paanan ng anak. Kanina pa niya pinipigilang pumatak ang mga luha habang naaalala ang nakita sa loob ng opisina. Gusto niyang piliting palakasin ang sarili para sa anak niya at sa ipinagbubuntis pero ngayon pa lang pinanghihinaan na siya ng loob. Ngayon pa lang gusto na niyang humagulhol ng iyak.
Nasanay na siyang nasa tabi si Dixal at inaalagaan siya, na kahit nasa trabaho ito'y mas gusto nitong kausap siya at inaalam kung anong ginagawa niya.
Naang maalala ang mga lumipas na kasama si Dixal ay bigla na lang namalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata na tila ba wala nang katapusan yun sa pagpatak.
Thinking of those happy and sweet memories, parang biglang bumigat ang kanyang didbidb sa balak na paglayo na uli sa lalaki and some what ifs' appeared to her confused mind. What if, magtiis siya sa piling ni Dixal? What if hindi na lang siya lumayo at makipag-usap muna siya sa lalaki kung totoo nga ang narinig niyang buntis si Shelda at kung ito talaga ang ama? Kung totoo man, what if suportahan na lang nila yung bata o di kaya ampunin na lang nila? What if di naman pala totoong si Dixal ang ama ng dinadala ni Shelda? Impit siyang napaiyak sa naisip. Hanggang sa di niya na namamalayang dumaan ang maraming minuto sa kaiisip at impit na pag-iyak habang tinitimbang ang lahat.
Hanggang sa bumukas ang pinto ng kwartong iyon at pumasok dun ang staff ng AirAsia kasama ang guard na nagdala sa kanila duon.
"Ma'am, andito na po yung chopper na sasakyan niyo papuntang Bicol." saad ng babaeng nakauniporme.
Agad niyang pinahid ang mga luha sa mga mata at tipid na ngumiti sa babae.
"Okay po. Salamat." anya saka ginising si Devon na ilang beses nang pabaling-baling sa hinihigaan.
"Anak, let's go." yaya niya sa anak na tuluyan nang nagising nang masilayan ang kanyang mukha.
"Mommy, what time is it po?" usisa ng batang ilang beses na kumurap bago naititig sa kanya ang mga mata.
Sinipat niya ang suot na wristwatch, past 11Am na pala.
"Past 11 na. Bakit?" sagot niya sabay tanong rito. "Nagugutom ka na ba?"
Umiling ito saka ngumiti at nauna nang tumayo at naglakad papunta sa may pinto saka lumingon sa kanya.
"Let's go to Novaliches Mommy. Daddy is waiting for us there." anang bata ngunit nang mapansing namumugto ang kanyang mga mata ay agad itong bumalik sa kanya.
"Where are your make-up Mommy? Bakit po nawala ang make-up niyo? Magpaganda muna po kayo bago lumabas." payo nito.
Kumunot bigla ang kanyang noo. Dati itinago pa nito ang kanyang mga cosmetics dahil ayaw nitong nagpapaganda siya. Ngayon naman ito pa ang nagsabing magmake-up muna siya bago lumabas?
Nalilito ma'y sumunod pa rin siya sa bata. Baka nga pumangit siyang tignan dahil sa kaiiyak kanina.
Kinuha niya ang kanyang make-up kit at nagsimulang pagandahin na uli ang mukha habang tinitignan ang sarili sa maliit na salaming hawak. Nang mapansing namumugto ang mga mata niya'y naglagay siya ng fake eyelashes at naglagay ng concealer saka kinapalan ang make-up sa may bandang ilalim ng mata.
Ang tatlo nama'y nagpakangiti lang habang nakamasid sa kanya.
Nang matapos ay kung bakit bigla siyang naexcite sa di malamang dahilan.
"Ma'am, naghihintay na po ang sasakyan niyo." muling wika ng staff ng AirAsia.
"Ah okay. Sige po, lalabas na kami." anya saka ibinalik sa sling bag ang ginamit na mga cosmetics saka tumayo na hawak ang kamay ng anak. Binitbit naman ng guard ang kanyang maleta at ang staff ay nauna nang lumabas para igiya sila papuntang chopper.
Pagkalabas lang ng kwarto ay napansin agad niya ang mga tao sa may hallway na sa kanya nagpakatingin at sa tila nagsisiksikang mga tao sa loob ng waiting area ng terminal 4. Ukupado ang lahat ng mga upuang naruon ngunit dumaan lang sila sa lugar na yun at dumiretso sa nakabukas na pinto palabas ng terminal papunta sa chopper na kanyang sasakyan.
"Amor--" hindi pa man sila nakakalabas sa maluwang na pinto ay narinig na niya ang boses ng asawa. Dahil duo'y awtomatiko siyang napalingon sa pinaggalingan ng boses na yun.
"Dixal!" hiyaw ng kanyang isip, noon lang sumagi ang katanungang, paano kung pag umalis silang mag-ina ay tuluyan na siyang klimutan ni Dixal at di na siya nito hanapin dahil pagod na ring umunawa sa kanya, tutal ay naruon naman si Shelda na kayang maghintay rito kahit gano pa katagal na paghihintay?
"Dixal--" biglang lumabas sa kanyang bibig at mangiyak-ngiyak na sinuyod ng tingin ang buong paligid, subalit walang Dixal siyang nakita.
"Ma'am, this way po please." pukaw sa kanya ng staff ng AirAsia at iginiya ang nakabukas na pinto sa kanilang harapan.
Napahigpit ang kapit niya sa kamay ng anak na ang tamis ng ngit sa kanya na parang may kung anong kumikiliti rito.
Buti pa si Devon, walang ginawa kundi ngumiti lang simula nang gisingin niya, walang kamalay-malay na iiwan nila ang Daddy nito.
Ilang beses siyang nagdalawang-beses na humakbang palabas ng pinto. Paano kung sa paglabas niya ng pintong yun, tuluyan na niyang di makita si Dixal? Pano siyang mabubuhay kung wala ang kanyang mahal na asawa na sa kabila ng pagiging childish at immature niya'y paulit-ulit pa ring umuunawa sa kanya? Pano kung nagkamali lang siya ng nakita kanina?
Subalit mas nakinig siya sa sinasabi ng kanyang isip na di siya dapat magtiwala uli sa lalaki, sinungaling ito at manloloko. Lolokohin lang din siya tulad ng ginawa nito noon.
Nagsimula siyang humakbang palabas ng pinto papunta sa sinasabing chopper ng babae. Ngunit nasa kalagitnaan na sila papunta sa chopper nang mapabungisngis ito.
"Bakit ang saya mo ngayon?" yumukod na siya't tinanong ang bata habang naglalakad sila.
"Look at the sky, Mommy. Kanina lang po, mainit sa labas. Ngayon po para nang uulan, makulimlim ang langit. Does it mean we are blessed today?" anang bata.
"Kunut-noong tumingala siya sa langit. Tulad ng sinabi nito, bigla ngang kumulimlim ang kalangitan habang naglalakad sila papunta sa chopper na tila ba ayaw ng langit na maarawan sila habang nasa labas. Pero yung blessing na sinasabi ni Devon, di niya yun magets.
"Ayan po Ma'am ang chopper na sasakyan niyo papuntang Bicol." anang babae hindi pa man sila nakakalapit sa sinasabi nitong chopper ngunit nakikita na niya iyon sa malayuan.
Pinagmasdan niyang mabuti ang chopper.
"Navy blue ang kulay niyon, isa sa mga paboritong kulay ni Dixal, ngunit kapansin pansin ang tila mga bulaklak na nakadikit sa may pinto niyon.
"Amor! Saan ka na naman pupunta? Iiwan mo na naman ba ako? I wont let you leave this time, Amor."
Nabitiwan niya ang kamay ng anak sa pagkagulat kasabay ng pagpatak ng masaganang luha sa mga mata.
"Dixal!" bulalas niya.
Narito si Dixal? Alam nitong aalis na naman siya? Pano nitong nalaman ang kanyang pag-alis? Sinusundan ba siya ng kanyang asawa?
Inikot niya ng tingin ang buong paligid. Ramdam niyang nasa paligid lang ito.
"Amor, why can't you give yourself to me selflessly?" ayun na naman ito, ramdam niya ang lungkot sa boses ng lalaki.
'No! No! Hindi ako aalis. Hindi ka namin iiwan. Hindi kita iiwan.' gusto niyang isigaw yun sa lalaki habang hinahanap ito ng paningin.
"Mommy, go look for Daddy." nakangiting tumingala sa kanya ang anak.
"You can hear his voice too?" gulat niyang tanong sa bata.
Tumango ito, ang tamis ng ngiti sa kanya na halatang mapapabungisngis na naman saka itinuro ang papalapit na shuttle bus.
Sinundan niya ng tingin ang bus na itinuro ng anak. Ngayon lang siya nakakita ng ganung bus, kaya wala siyang alam kung sadya bang natatakpan ng kulay dilaw na kurtina ang bus na yun o nilagyan lang yun para sa espesyal na okasyon. Pero ang alam niya, maliban sa peach, iyon ang favorite niyang kulay.
Kinarga niya ang anak habang inaantay ang shuttle bus na makalapit sa kanila. Habang palapit iyo'y wala namang tigil ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Ramdam nga niyang nasa loob niyon si Dixal. Kung paano nitong nalamang nandun sila sa lugar na yun ay di na nakapagtataka yun.
Ang mahalaga ngayon ay sinundan sila ng asawa.
Ngunit huminto lang ang sasakyan sa tapat nila, walang lumabas na Dixal. Kaya wala siyang choice kundi pumasok karga ang anak at hanapin ang lalaki sa loob ng bus.
Nang makapasok na sa loob, nagpababa si Devon at kusang naglakad sa hulihan ng shuttle bus saka sumampa sa hulihang upuan at nakangiti siyang kinawayan.
Susunod na sana siya sa anak nang bigla na lang may humawak sa kanyang kamay mula sa likuran.
Awtomatiko siyang napalingon sa pamilyar na palad na yun at nang humarap sa may-ari niyon ay biglang nagrigudon ang kanyang puso sa bilis ng pintig niyon.
"D-dixal--" hindi halos lumabas ang mga salitang yun sa kanyang bibig.
She stared at him with awe and amazement sa suot nitong black tuxedo na lalong nagpagwapo rito.
Hindi siya nito pinayagang magsalita pa dahil agad nitong hinuli ang kanyang mga labi na noo'y bahagyang nakabuka sa pagkamangha pagkakita sa gwapong lalaki na lalo yatang gumwapo nang mga sandaling yun, sabay kabig ng kanyang beywang padikit sa katawan nito.
Agad napalis sa kanyang isipan ang lahat ng hinanakit rito, ni ang balak na pag-alis ay di man lang bumalik sa kanyang gunita, ni ang bungisngis ng anak ay di na niya narinig pa. Ang lahat ng atensyon niya ay napukos kay Dixal at sa makapanindig balahibo nitong halik na nang marahan siyang mapaungol ay lalo itong nagwala at lalong humigpit ang kapit sa kanyang beywang saka siya ini-french kiss dahilan upang agad mag-init ang kanyang buong katawan at magdemand pa lalo ng matagal na halik, ni di niya namalayang napakapit na siya sa batok nito at gumanti ng halik, mas maalab kesa sa ginagawa nito.
Tila tumigil sa pag-inog ang mundo sa ginagawa nila na para bang sila lang dalawa ang nag-eexist duon, wala ang kanilang anak na humahagikhik habang nakatalikod at hinahawi ang kurtina sa likuran ng shuttle bus at kinakawayan ang dalawang lola nito sa labas ng bus na kinikilig habang nanonood sa eksena ng mag-asawa sa loob.
"Yang bruha talagang yan, ggggrrrrr! Buti na lang di pa kami nakakalampas sa EDSA nang tumawag si Dixal para papuntahin kami rito. Anlaki tuloy ng nagastos ng manugang ko, ipasara ba naman ang buong terminal 4 para lang macorner ang pasaway kong anak." Gigil na wik ni Aling Nancy sa balae nitong kinikilig habang nanonood sa palabas sa loob ng bus dahil sa hinawi ng apo ang kurtinang nakatabing sa transparent na salamin niyon.
"Hay naku, balae. Bata pa kasi yang manugang ko. Pasasaan ba't magmamature din yan pag umabot na ng trenta. Hehehe. Kita mo nga't isang lambing lang ni Dixal eh kumagat agad. Ibig sabihin, di niya kayang mawala sa anak ko. Hayaan na natin silang mamuhay ng sila na lang tutal ay may anak na sila at merun pang susunod na apo natin. Dapat na natin silang hayaang magsarili nang magmature na si Flor at di na nakadepende lagi sayo o sa asawa niya." sagot naman ni Ginang Adele.
"Hayyy, tama ka jan, Balae. Dapat na nga seguro silang bumukod pagkatapos nito. Panahon na seguro para humiwalay sakin ang anak ko nang matuto na siya sa buhay." malungkot na sambit ni Aling Nancy pagkuwa'y humikbi saka, maya-maya'y sumisinghot na.
"Ang aking panganay, malalayo na sakin. Parang di ko kaya balae. Tsaka ang apo ko. Ayukong mawalay sa apo ko." pumipiyok nitong sambit sabay punas ng luha gamit ang hawak na panyo.
Napagaya na rin si Ginang Adele, napapasinghot na rin.
"Sa palagay ko Balae, kailangan ko nang mag-stay sa pinas at makitira kina Dixal sa bahay niya. Duon na lang kaya tayo tumira Balae nang makita natin sila araw-araw."
Lalong napalakas ang ngawa ni Aling Nancy. Hindi nito pwedeng gawin yun dahil marami pa itong mga anak na nagsisipag-aral, tsaka may pinapagawa itong bahay sa Laguna upang maging permanenteng tirahan ng Salvador Family na ang FOL BUILDERS INC. ang nakakontratang gagawa.
KUNG DI PA SILA KAPWA Mapupugto na ang paghinga ay di pa sila maghihiwalay sa ginagawa. Unang bumitaw si Flora Amor at ilang beses na nag-akyat baba ang dibdib upang sumagap ng hangin habang si Dixal naman ay ganun din ang ginawa ngunit hindi inalis ang pagkakatitig sa mga labi ng asawa at hindi rin inaalis ang kamay sa kanyang beywang.
"Amor, don't leave me again, please. Stay with me forever."pakiusap ng lalaki na kung hindi nito pansing abot-abot ang kanyang paghinga'y baka muli siya nitong hinalikan.
Hinampas niya ito sa balikat at natalim na tinitigan.
"Di ba't ikaw ang may balak iwan ako? Gusto mo ngang panagutan ang ipinagbubuntis ni Shelda." nakaismid niyang sagot.
"What? She has nothing to do with me, Amor. Nakiusap lang siyang kausapin ko si Dix para panagutan nito ang ipinagbubuntis niya kaya sabi ko wala na akong magagawa kung ayaw talaga ni Dix na panindigan ang ginawa sa kanya." agad na paliwanag nito.
Lumukso ang kanyang puso sa tuwa. So hindi totoong ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Shelda? Nagkamali pala siya ng hinala kanina? Wala palang saysay ang pag-aalsa balutan niya ngayon?
"Totoo?" paniniyak pa rin niya, mariin itong tinitigan.
Mabilis itong tumango.
"Ano pa bang kailangan kong gawin Amor para patunayan sayong ikaw ang pinakammahal ko? Na di kita magagawang lokohin at palitan?" aburido na nitong tanong sa kanya nang mapansing alanganin pa rin siyang paniwalaan ang sagot nito.
"Pakasalan mo ako ngayon." biglang lumabas sa kanyang bibig.
Natigilan ang lalaki.
"Right now?" di makapaniwalang balik-tanong nito.
Tumango siya.
Napabuntunghininga ito.
Agad siyang nakaramdam ng lungkot. Pabiro lang talaga yun, di seryoso pero nang mapansin niyang tila nanlumo ito'y nakaramdam siya ng frustration at kumawala sa pagkakayakap nito.
"I'm not serious about it, Dixal. Kalimutan mo na yun." anya.
Hindi naman talaga yun mahalaga. Wala naman talaga siyang pakialam kahit hindi siya ipakilala nito sa mga tao bilang asawa nito. Pero bakit siya nasasaktan ngayon dahil lang sa napabuntunghininga ito?
Hinawakan siya ng asawa sa magkabilang kamay saka hinalikan sa kanyang noo at seryosong tumitig sa kanya.
"I love you Amor. I will give you everything that i have even the most imposible thing that you want me to do right now. As long as you promise me that you'll never leave me again." madamdamin nitong usal sa kanya.
"Mahal naman kita eh. Pero di ko lang talaga mapigilang magselos pag kasama mo si Shelda lalo na nang makita ko kayo kanina. Sa kanya lang naman talaga ako nakakaramdam ng ganto." humihikbi niyang pag-amin.
Kinabig siya agad ng asawa saka muling niyakap.
"My poor little bride. Hindi mo lang alam ganu kaespesyal ang inihanda ko para sayo ngayong araw tapos malalaman kong nandito ka na agad sa lugar na to. You've almost ruined my gift." nangingiting sambit nito.
"Ano naman kayang gift?" pigil ang ngiting usisa niya.
Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at sinenyasan ang anak sa likuran na lumapit sa kanila.
Lumapit nga ang bata na noo'y nakaupo na uling nakamasid sa kanila. Humawak agad ito sa kamay ng bawat isa sa kanila at nagpatiunang bumaba ng bus.
Magkasabay silang bumaba ni Dixal. Nang makababa na nang tuluyan ang bata ay saka naman ito bumitaw sa pagkakahawak sa kanila at tumakbo palayo.
"Hey Devon, saan ka pu--?"
Subalit siya rin ang natigilan nang makita ang buong kapaligiran saka awang ang bibig na bumaling kay Dixal, nagtatanong ang mga mata.
Isang ngiti lang ang unang sagot ng lalaki.
"You like it?"
Walang salitang lumabas sa kanyang bibig, basta lang siyang napaiyak sabay tingkayad at pulupot ng mga kamay sa balikat ng lalaki at niyakap itong mahigpit.
"This is the kind of press conference that i wanted to give you. A wedding." anang lalaki.