webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

THE TALKATIVE AND THE SMART

UNANG araw ng summer job ni Flora Amor. Ito din ang araw ng alis ni Dixal, kung saan ito pupunta, walang sinabi ang binata sa kanya.

Hapon na nang ihatid siya nito kahapon at simula no'n wala na silang kumunikasyong dalawa.

"Ma, alis na ako!" paalam niya sa ina pagkatapos tingnan ang malaki nilang orasan na nakasabit sa dingding ng kanilang kwarto.

"Ingat ka!" sagot nito mula sa silid habang nagpapadede sa bunsong anak.

Magkahalong lungkot at excitement ang nararamdaman niya ng mga sandaling 'yon. Isipin lang na tatlong araw niyang 'di makikita ang nobyo, sobrang lungkot na niya. Sa kabilang banda, excited siyang magsimulang magtrabaho. Ibig sabihin magkakapera na siya. Makakatulong na siya sa ina sa paghahanap-buhay para sa kanilang lahat.

Abot-tenga ang ngiti niya nang maisip ang bagay na 'yon.

Palabas pa lang siya ng kanto nang mapansin ang isang sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.

'Teka, nakita ko na to ah!'

Pasimple niyang nilapitan ang sasakyan. Nakita na niya ang kotseng 'yon pero di niya maalala kung saan at kung kelan.

Bahagya pa siyang nagulat nang bumukas ang isang pinto at iniluwa do'n ang isang gwapong lalaking sa hula niya'y limang taon ang agwat kay Dixal. Naka T-shirt itong blue, pantalong maong at adidas na sapatos.

"Sir?" sambit niya nang makilala ang lalaki.

Ito 'yong boss ni Dixal!

"At least you have a good memory," anang lalaki.

"Huh?"

Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nahiya siya sa ginawa nito't pasimpleng niyakap ang sarili.

"Nagsusumigaw talaga sayo ang kasimplehan."

'Huh? Ano daw?'

Nagtataka ma'y nagawa pa rin niyang ngumiti bilang paggalang.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" lakas loob niyang tanong.

"What do you think?" seryoso ang mukha nito.

Napataas ang isa niyang kilay. Wala siyang maisip na dahilan.

Humalukipkip ang binata habang salubong din ang magkabilang kilay na kakatitig sa kanya.

"If not because of Dixal, I don't think na pupunta ako rito just to stare at your innocent face," anitong may halong pang-iinsulto.

Namula ang pisngi niya. Gan'to ba magsalita ang mga mayayamang boss sa trabaho?

Gan'to din ba magsalita ang magiging amo niya?

"Ah sir, okay lang po ako. Hindi niyo na kailangang magpunta rito para dalawin ako." Kahit na napahiya'y nagawa pa rin niyang ngumiti at kausapin ito nang maayos saka siya dumeretso ng lakad at lumampas dito.

"Do you know where you're going?"

Napahinto siya. Saan nga pala siya pupunta?

Ah sa trabaho.

Napangiwi siya nang may maalala. Ba't 'di niya naitanong sa binata kahapon kung saan 'yong office ng inaplayan niya?

Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki at nang sumagi sa isip kung bakit pinapunta ito ni Dixal ay pinakawalan niya ang isang matamis na ngiti saka lumapit dito.

"Ihahatid niyo po ba ako sa work, Sir?" curious pa niyang tanong.

Umarko ang kilay ng kausap at dismayadong pinaikot ang mga mata.

'Huh? Bakla ba to?'

Hindi na siya kumibo nang papasukin siya nito sa loob ng sasakyan.

"Ano ba'ng nakita sa'yo ni Dixal? Malibang tatanga-tanga ka at natural ang ganda mo, wala nang makikitang kakaiba sayo,"

walang paligoy-ligoy nitong wika habang nagmamaneho.

Namula siya agad, nainsulto sa sinabi nito. Tanga ba talaga siya?

"Kailangan po bang may kakaiba sa'kin para magustuhan niya ako?" 'Di niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon sa amo ng binata.

"Natural! May-ari ng--" umubo ito bigla.

"Kahit na tanga ka, 'wag mong ipapahalata 'yon sa iba. Dapat confident ka sa sarili mo. Alam mo dapat ang ginagawa mo." Umiba na ang tono ng pananalita nito.

Gusto na niyang maluha sa upuan. Kailangan ba talagang ipagdiinan nitong tanga siya?

Hindi siya umimik.

"Pagkakita mo pa lang sakin, dapat alam mo nang ihahatid kita kasi 'di mo naman alam kung saan ang office ni Ybeth. Pero kasi tanga ka, matagal bago mo naisip ang bagay na 'yon."

Hindi niya alam alam kung nananadya ba ang lalaki o concern lang sa kanya. Ang alam niya, kanina pa niya gustong humagulhol ng iyak sa sobrang hiya.

"If you have already decided to be with Dixal, then you should be smart enough. You must know everything about him. But if you haven't decided yet, you still have time to quit. For sure, magiging roller coaster lang ang buhay mo with Dixal."

Lalong hindi siya umimik. Wala siyang maunawaan sa mga sinasabi nito. Ni hindi niya alam kung may lihim itong galit sa kanya o talagang gano'n lang itong magsalita, prangka, walang preno ang bibig. Daig pa nito ang mama niya kakadaldal.

Tsaka ba't nito nasabing magiging roller coaster lang ang buhay niya kay Dixal? knowing Dixal, ito ang pinakamapagmahal na lalaking nakilala niya. Kahit si Anton lang ang kaibigan niyang lalaki pero mas mabait si Dixal kay Anton.

"Saang lupalop ka ng mundo nanggaling at wala kang cellphone man lang?"

Nagpantig ang tainga niya. Pati ba 'yon hahalungkatin ng lalaking ito?

"Will you just shut up!"

Napanganga siya sa lumabas sa kanyang bibig. Sininghalan niya 'yong mismong boss ni Dixal! Bigla siyang nakaramdam ng takot nang salubong ang mga kilay na sumulyap ito sa kanya.

Iniiwas niya agad ang paningin, kunwari may tinitingnan siya sa labas ng kotse. Ano'ng gagawin niya? Baka patalsikin nito sa trabaho ang nobyo sa galit sa kanya. Pa'no kung palabasin siya ng kotse nito? Seguradong maliligaw siya. Bahay-eskwelahan lang ang pinupuntahan niyang lugar. Maliban duon, wala na siyang alam sa pasikot-sikot sa lugar na 'yon.

Pero imbes na magalit, bigla itong humalakhak, bagay na ikinagulat niya. May saltik ba ang lalaki?

"There you are!" wika nito habang pasulyap-sulyap sa kanya.

"Marunong ka rin naman palang magalit eh." Umiba na naman ang tono ng salita nito.

'Di niya mapigil pasadahan ito ng tingin at titigan ang mukha nang nakataas ang dalawang kilay.

May multiple personality ba ang lalaking ito, o 'di kaya saltik? Imbes magalit sa kanya, ba't natuwa pa sa sinabi niya?

"Now I know what makes you different from others." Biglang sumeryoso ang boses nito.

Ano daw? She's different from others? Ilan ba 'yong others na 'yon?

Nang tumahimik ito'y namayani naman ang sobrang katahimikan. Lalo siyang naasiwa sa kinauupuan.

Buti na lang huminto na ang kotse maya-maya. Agad siyang lumabas at hindi na hinintay na pagbuksan siya ng kasama. Muli siyang napasulyap dito nang biglang may sumagi sa isip.

Ang galing naman ni Dixal kung napapakiusapan nito ang amo at nahihingan ng pabor.

Sumalubong agad ang amo niya sa labas ng pinto ng maliit na establishment saka yumakap sa kasama niyang lalaki.

'Huh? Ano ang relasyon ng dalawa?

"Asawa ko," anang babae nang masulyapan siyang nakakunot-noo at mahulaan ang nasa isip niya.

Pumasok sila sa loob. Liban sa kanilang tatlo, wala nang iba pang naroon.

"Ano po'ng gagawin ko, Ma'am?" tanong niya agad pagkapasok pa lang sa office ng amo.

Binigyan siya nito ng dalawang papel.

"Fill-up-an mo muna tong application forms saka mo ibalik sakin," anito.

Kinuha niya ang application forms at naghanap ng mauupuan.

"Take this pen," sabay abot ng hawak na ballpen at lumabas na ng opisina at pinuntahan ang asawa nitong nagpaiwan sa labas ng office.

Wala sa hinagap niyang mag-asawa pala ang dalawa. Ang akala niya'y bakla 'yong lalaki sa daldal nitong magsalita at ang amo nama'y ex-girlfriend ni Dixal dahil tinawag nitong "honey" kahapon ang nobyo.

Nang pumasok ang amo'y tapos na siyang magfill-up at iniabot niya 'yon dito.

"Hmm. So, you're name is Flora Amor Salvador?"

"Opo ma'am"

"Ahh--" tumango lang ito saka lumapit sa mesa at kinuha ang apat na folder at ibinigay sa kanya.

"Come," anito pagkuwan at itinuro sa kanya ang pwesto niyang mesa sa mismong labas ng opisina nito.

"Ito ang table mo. And'yan 'yog gagamitin mong computer. 8 hours lang ang work mo. So dapat within 8 hours, tapos na ang trabaho mo for the day. 'Di ako nagpapa over-time." paliwanag nito.

Habang nakatunganga sa babae'y kino- compute na niya sa isip ang 8 hours. 7AM siya pumasok, makakauwi siya nang alas tres nang hapon.

"Kailangang magaling ka sa muti-tasking. Ayuko nang naka-focus ka lang sa isang bagay. Lahat ng calls para sakin, ikaw muna ang sasagot, saka mo ipo-forward sakin. 'Yong mga files na ipapasa sakin, i-review mo muna saka mo ibigay sa'kin. This is just a small agency. Kaya kunti lang tayo. Pero dapat smart ka sa trabaho, ayuko nang tatanga-tanga."

Napangiwi siya nang marinig ang huling sinabi nito. Bakit ba tila apekatado siya sa salitang 'yon?

"Ang mga kasama mo, matatagal na sila sa work, so pwedeng sa kanila ka magtanong if merun kang 'di maintindihan lalo 'pag wala ako. And those folders, i-encode mo lahat 'yan sa computer mo. Did you get me?"

Tumango siya agad sabay ngiti.

'Ano daw?'

Sa dami ng sinabi nito, 'yong tanga lang ang rumihestro sa isip niya at 'yong i-encode lahat ng nasa folders.

"So everything is clear?"

Tumango siya uli pagkuwa'y napayuko nang nakangiwi. Ano ba'ng mga sinabi nito? Hindi niya maisaulo lahat.

Pag-angat niya ng mukha, wala na ang among babae, nakapasok na sa loob ng office nito. 'Yong mukha ng madaldal na lalaki ang tumambad sa kanyang harapan. Namula agad ang kanyang pisngi nang mapansing nanunuri ang titig nito sa kanya habang nakahalukipkip siyang pinagmamasdan.

"Did you get all of those?" ulit pa nito.

Napangisi siya.

"Hindi po." Napalitan bigla ng lungkot ang mukha.

"Tanga ka pala, ba't ka tumango?" bulalas nito.

"Sshhhh! Sir naman," saway niya.

"Alam mo pagsagot sa tawag?" ungkat nito.

Napangisi uli siya sabay iling.

Dismayado na namang nagsalubong ang dalawang kilay nito.

"Pa'no po ba?" curious niyang tanong dito nang pabulong.

Alam niyang naiinis ang amo ni Dixal ay kung bakit tinuruan pa rin siya nito't detalyadong ini-demonstrate sa kanya kung papaanong sagutin ang tawag sa land-line at iforward ang tawag sa amo.

Nang makuha niya agad ang mga itinuro nito'y pinakawalan niya ang isang matamis na ngiti.

"Salamat po sir ha? Galing niyo."

Umupo siya agad at binuklat ang isang folder. Saka ini-encode sa computer ang nasa unang pahina.

Ang lalaki naman ang napatanga nang makitang gano'n siya kabilis magtype. Napalunok ito, isang beses, dalawang beses lalo na nang pumakli siya sa pangalawang pahina.

"Tapos na 'yon?" 'di makapaniwalang tanong nito.

Tumango siya, saka nagsimula uling magtype.

Nakanganga pa itong umalis at pumasok sa loob ng opisina ng asawa.

"Oy, early siya," narinig niyang wika ng kadarating lang na katrabaho. Lumapit ito sa kanya.

"Good morning po Ma'am," bati niya, itinigil muna ang ginagawa.

"Ate Xyrel na lang," anang babae. Medyo chubby ito at mas matangkad siya nang kunti kumpara rito. Sa tantiya niya'y nasa early twenties na ang babae.

"What's your name pala?"

"Flora Amor po."

"Oh, sounds unique."

"Makaluma," sabad ng babaeng pinalitan niya na noo'y kadarating lang.

'Lakas naman ng pandinig nito.'

Ngiti lang ang isinagot niya saka itinuloy ang ginagawa.

"Sige, work ka lang ha? 'Pag may kailangan ka, pwede mo akong tanungin. Magkalapit lang tayo ng table. D'yan lang ako oh," magiliw nitong wika saka itinuro ang pwesto.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro nito sabay tango pagkuwan.

"Girl, saan mo ba nahalungkat 'yang name mo? Millennial na tayo pero 'yong name mo pang Rizal pa," anang babaeng pinalitan niya.

Hindi siya sumagot pero ngumiti rito nang sulyapan niya. Sa katapat niyang lamesa ito naupo.

Nakairap na naman ito tulad ng ginawa kahapon.

Kahit pang Lapu-lapu pa ang name niya, wala siyang pakialam. Sabi nga ni Dixal, ganda ng pangalan niya. Siya nga raw ang Flower of love nito. Napangiti siya sa naisip. Kahit ano pang sabihin nila, 'di siya papatol. Ang mahalaga sa ngayon, may trabaho siya at magkakapera siya. 'Yong ibang bagay, wala siyang pakialam.

"Ahem!"

Napatingala siya sa may-ari ng boses na 'yon.

'Yong asawa ng amo niya, nakatingin sa kanya.

Ngumisi siya rito.

Magkasalubong na kilay ang isinagot nito bago lumabas ng opisina.