webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · สมัยใหม่
Not enough ratings
129 Chs

THE BET...(The Twins)

"Hey bro, how long are we going to stay here?"

untag ni Fred sa katahimikan habang nasa loob sila ng sasakyan ni Lemark. Nakatingin ito sa huli through rearview mirror.

"It's been an hour since we came here," aburidong wika ni Jay-ar sa likod ng driver's seat.

Salubong na ang kilay ng binata habang nakatingin sa labas ng SM CITY Fairview.

"Easy bro, Lira told me, she would come. Natraffic lang daw siya," sagot nito.

"Whoa bro, nakikinita ko na ang pagkatalo mo sa pustahan," panunudyo ni Dix sa kaibigang katabi sa driver's seat.

They made a bet na kapag sumama ang bagong jowa ni Lemark dito ngayon at makuha nito ang babae, they will enthrone him as their master and the ultimate playboy of the year. At sa bahay ni Fred sila magsi-celebrate, taya silang apat sa gastos at magbibigay pa sila ng tig-five thousand sa binata. Subalit 'pag natalo ito, magbibigay ito ng 50k sa barkada.

Gano'n sila maglaro, nagpupustahan once a year kung sino ang tatawaging master playboy of the year. Kukuha sila ng jowa at kapag nakuha nila ang virginity, ang barkadang gumawa n'on ang tatawagin nilang master.

To them, a game is just a game, no hard feelings. Wala silang pakialam sa mga babaeng pinaglalaruan nila. Kasalanan ng mga ito bakit pumapatol sa kanila.

Call it cruel but they were just men who wanted to have fun with girls. Besides, once a year lang nila ito ginagawa bilang katuwaan.

"Pre, after 20 minutes na wala pa 'yong girl, talo ka na sa pustahan. That was our deal," paalala ni Albert, isa sa mga barkada nila na sa likuran ni Dix nakaupo katabi ni Fred.

'Di nakatiis si Lemark at tumawag ito sa jowa.

After some words...

"Then let's break up!" sigaw nito sa kabilang linya, halos itapon na ang hawak na iPhone sa inis.

"Booo! You lose!" Kantyawan ang buong barkada.

Pinagpapawisang iniabot ni Lemark ang ATM card kay Dix.

"Woohhh! Let's call it a party after this!" Tumatawang ipinakita ni Dix sa lahat ang ATM card ng kaibigan.

Tawanan ang magbabarkada liban kay Lemark.

"No hard feelings bro. A bet is a bet." Tinapik-tapik niya sa balikat ang katabi na may halong panunudyo.

Sinabayan naman ito ng tatlo pa.

"Hey, why don't we make another bet? " suhestyon bigla ni Lemark maya-maya.

"Since, natalo ako at wala pang nanalo sa'tin, why don't we give Dix a try?" Nakangisi itong tumingin sa kanya.

Tumawa siya bilang sagot.

"Cool!" susug ng tatlo saka nag high-five.

"Okay, cool," pakaswal niyang pagsang-ayon.

"See that exit there?" ani Lemark, itinuro ang entrance-exit ng Mall sa harapan.

Nagsunuran ng tingin ang tatlo.

"I'll count up to ten, after that, kung sino ang unang lumabas na babae sa exit ay 'yon ang liligawan ni Dix at ikakama after a week."

"Pre, pa'no kung matanda na ang unang lumabas d'yan?" birong wika ni Fred.

Nagtawanan ang lahat.

"Pano kung pilay?" ani Jay-ar.

Lalong napalakas ang tawanan ng lahat.

Then the countdown began.

"4...3...2...1. Start! "

Nagtinginan agad ang lahat sa exit ng Mall. Halos walang kumukurap sa kanila habang nakatitig doon. Ang ilan sa Kanila'y pigil ang pagtawa, ang ilan ay curious.

At si Dix, he was excited and nervous at the same time. Ngayon niya lang 'to naramdaman.

Then, a girl went out of the wide door.

"Whoooaaa! " bulalas ng apat pagkakita sa lumabas...liban kay Dix.

He became overwhelmed with emotions. He never felt this kind of feelings in his entire life.

"Jackpot bro. It's a college girl!" pilantik ni Lemark sabay yakap nang mahigpit sa kanya.

"Congrats bro, do your best," nakangisi nitong panunudyo.

Alanganin siyang ngumiti. No, he must quit. He was just a playboy, not a very bad guy. Why was he feeling indifferent now? What was with the girl that made him so nervous?

"Hey, look. Parang may problema si girl," pansin ni Fred.

"Guys, give me three months," wika niya sabay bukas ng pinto at bumaba agad sa sasakyan papunta sa babaeng naging pustahan nila.

"What?! Three months?" di-makapaniwalang bulalas ni Lemark, taas ang mga kilay na tumingin sa tatlong awang din ang mga labi sa tinuran ng binata.

Nang makabawi'y sabay-sabay na nagtawanan.

Bago lumapit ay kinuha muna niya sa bulsa ng pantalon ang iPhone saka lihim na kinunan ng picture ang nakayukong dalaga habang naglalakad, saka siya uli nagpatuloy sa paghakbang nang biglang tumunog ang kanyang phone.

'Dixal is calling...' ang nakasaad sa screen.

Nagtaka siya, bakit biglang tumawag ang kanyang kakambal?

"Hey, bro? What's up?"

"I'm warning you. Don't mess up with my property!" matigas na wika nito sa nagbabantang boses, saka biglang nag-end call.

Umarko agad ang kilay niya.

'What property?' tanong niya sa sarili.

Natigilan siya bigla, pilit inunawa ang sinabi ng kakambal, nang biglang bumunggo sa kanya ang babaeng naging pustahan nila.

"Ouch!" anang babae saka tumingala sa kanya.

Kunut-noong tinitigan niya ang dalaga sa harapan.

'This is what he calls his property?' bulalas niya sa isip.

-------

Nagulat pa si Flora Amor nang bumunggo ang katawan sa isang bagay. Nang tumingala siya'y nakita niya ang lalaking nakakunut-noo.

"Sorry po. 'Di ko sinasadya." Pahiyang lumayo siya agad dito.

"Hey!"

Napahinto siya sa paglalakad saka nilingon ang lalaki.

"Do I know you? You look familiar." Nakakunot-noo pa rin ito habang papalapit sa kanya.

Humarap siya uli rito at tinitigan itong mabuti saka umiling nang mabilis.

"Then I'm Dix," nakangiti na nang makahulugan sabay lahad ng kamay nito.

"Para next time na magkita tayo, kilala mo na ako."

Nalilitong tumitig siya sa lalaki. Ang akala niya kanina'y galit ito dahil 'di siya tumitingin sa nilalakaran. Sa dami ng iniisip, wala siya sa sarili habang naglalakad. Pero ngayo'y nakangiti na ito't nagpakilala pa. Sinipat niya ang huli mula ulo hanggang paa. 'Di siya marunong mag-describe ng tao pero sa tingin niya 'di naman ito masama.

Hindi siya sumagot, ni hindi ngumiti.

"Flor!"

Biglang napabaling ang tingin niya sa tumawag. Tumatakbo si Anton habang palapit sa kanya mula sa loob ng mall.

Agad siya nitong inakbayan at dinala palablik sa loob habang palingon-lingon sa estrangherong lalaki.

"Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap sa loob," anang binata, halata ang sobrang pag-aalala sa kanya.

Naisubsob niya ang ulo sa balikat nito habang naglalakad palapit kay Mariel na panay kaway sa kanila sa may food court. Kanina pa siya naghahanap sa dalawa at pabalik-palik sa mga pintuan ng mall pero hindi niya makita ang mga ito kaya siya lumabas at binalak na sanang umuwi nang mabunggo niya 'yong lalaki.

Dix. Paulit-ulit na sumasagi sa kanya ang pangalan nito.

"Beshie, okay ka lang ba?" Niyakap siya agad ni Mariel pagkalapit niya saka pinaupo sa bakanteng upuan sa tapat ng isang lamesa.

"Beshie, ang hirap pala ng walang phone. 'Di ko kayo makontak ni Anton," mangiyak-ngiyak niyang saad habang nakapangalumbaba sa lamesa.

"Ba't 'di ka kasi magpabili sa mga magulang mo kahit mumurahin lang. Meron naman 2k lang," suhestiyon nito.

"Isang buwan na naming baon 'yon ng mga kapatid ko, Beshie. Kita mo nga't trenta lang baon ko araw araw." Lalo siyang nalungkot sa sinabi.

Pabuntung-hiningang inaliw niya ang mga mata sa pagmamasid sa paligid. Nakaramdam siya agad ng gutom pagkakita sa mga babaeng kumakain sa katabi nilang lamesa.

Noon lang niya napansin si Anton na panay lingon sa pinanggalingan nila kanina.

Sinulyapan niya ang dakong tinitingnan nito. Sa dami ng taong nagpaparoot parito'y 'di niya matukoy kung saan ito derektang nakatingin.

"Beshie, nagugutom na ako. Kumain muna tayo. May baon naman ako dito," aniya sabay tanggal ng backpack sa likuran saka inilapag sa lamesa.

"Sa Mang Inasal tayo kakain, Beshie," baling agad ni Anton sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay at inalalayan siyang tumayo papunta sa Mang Inasal. Nakasunod naman sa kanila si Mariel na panay kalikot sa phone at panay selfie habang naglalakad.

"Beshie, pa'no mo nalamang ando'n ako sa labas kanina?" pakaswal niyang tanong habang patingin-tingin sa mga tinda sa paligid.

"Ha? Ah-- nakita ko ang likuran mo habang palabas ka ng mall."

Biglang natuon ang paningin ng dalaga sa nakatalikod na lalaking papasok sa Mang Inasal kaya 'di niya nahalatang nag-i stammer si Anton habang nagsasalita.

Ang lalaking 'yon. Parang pamilyar sa kanya. Ang tindig nito, ang hubog ng katawan. Para pa ngang naaamoy niya ang pabango nito samantalang ilang metro ang layo nito sa kanila.

Nagulat siya nang bahagya itong lumingon sa dako nila at napasulyap sa kanya.

Ito nga! Ito nga 'yong lalaking nabunggo niya kanina! Pumasok pala ito sa loob.

Bigla siyang naasiwa at bumitaw sa pagkakahawak ng kaibigan sa kanyang kamay saka sumabay kay Mariel sa likuran na nang tignan niya ay napangiti nang bahagya.

"Beshie pic tayo," anito.

"Ayuko nga," sagot niya sabay hagikhik.

Humagikhik rin ito.

Si Anton na ang umorder ng pagkain nila habang sila'y sa labas ng Mang Inasal naghintay.

Lihim niyang hinanap ang kinaroroonan ng lalaking nabangga kanina. At nang makita'y biglang tumibok nang mabilis ang dibdib niya.

Then he saw her and stared back at her na parang matagal na siya nitong kilala.

"Amor, come closer."

Napaawang ang labi niya. Narinig ba niya itong tumawag sa kanya?

Ang pagkakaalala niya, hindi siya nagpakilala sa lalaking 'yon. Pero bakit alam nito ang pangalan niya?

O baka naman nalipasan lang siya ng gutom kaya kung ano-ano ang naririnig niya.

----------

DIXAL kept on staring back at her. Tila nababasa niya ang iniisip ng dalagang nakatitig sa kanya.

"Since when did you fall for that little girl?" panunudyo ng kanyang project manager nang sulyapan nito ang taong tinititigan niya.

Binawi niya ang tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Ang alam ko pre, kahapon mo lang 'yan nakita sa labas ng kotse ko," patuloy nito. "Pero bantay sarado ka na agad sa kanya. Nagsisi tuloy ako kung bakit nakaidlip ako kahapon. Nalaman ko sana ang dahilan kung bakit nahumaling ka agad d'yan." Patuloy lang ito sa pagkain habang nagsasalita.

Pigil ang ngiti niyang kumaway sa isang waiter.

"Extra rice please!"

Tumingin si Lemuel sa kanya, nagtataka.

"Madami ka pa kanin ah," pansin nito.

"Para sa'yo 'yon nang tumigil ka kakadaldal,' sagot niya.

But at the back of his mind, paulit-ulit na bumabalik ang nangyari kahapon. The way she brushed her hair, those cute little face while she put powder on it, the way she bit her lips and made them red and the way she curled her lips to kiss her reflection not knowing that he tried to kiss her behind the tinted glass but unintentionally opened the door of that damn car.

All he knew, she was just cute. And being fond of seeing her had nothing to do with love.

What is love anyway?

Ang alam lang niya, curious siya kung bakit may dalawang lalaking nakasunod dito.

'Yon ang gusto niyang alamin.

But falling for her? He never fall for someone before. And he would never fall for her.

'But why do you keep calling her name if you're not into her?'

Napatigil siya sa naisip.

"Oh, shut up," he murmured.

"Hey, I'm not talking anymore," sabad ng kaibigan.

"Just eat!" utos niya rito.

Nang muli siyang bumaling sa labas ay wala na ang dalaga.

He suddenly felt frustrated.

Nope. Ayaw niyang aminin sa sarili.

He was not into her. He was just curious why two men were following her hanggang sa labas ng bahay nito.

Curiousity or fear that something might happen to her?

Natigilan siya at hinanap ng paningin ang dalaga.

"Hey, guys!"

Sa halip na si Amor ay si Veronica ang tumabad sa kanyang harapan. Kababata niya ito and his secretary.

Agad itong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng binata at ininom ang kanyang pineapple juice.

"Sensya na na-traffic ako," anitong nakatingin sa kanya.

"Ah," tipid niyang sagot.

"Kakain ka ba?" patay-malisyang tanong ni Lemuel sa dalaga habang inuubos 'yong tirang pork barbeque sa plato.

"Nope! Diet ako," sagot ng babaeng kay Dixal nakangiti.

Dumampot siya ng tissue at habang nagpapahid ng bibig, hinagod niya ng tingin ang buong paligid. Ukupado lahat ang mga lamesa sa loob pero 'di niya nakita si Amor.

"Amor," he whispered.

Nagiging mannerism na ata niya ang pagtawag sa pangalan nito.

"I saw Dix outside. I thought he was you." untag ni Veron sa katahimikang biglang namayani sa kanila.

Salubong ang kilay na bumaling siya sa kababata habang sa isip ay nagtataka kung anong kalokohan na naman ang ginawa ng kakambal at bakit kinuhanan nito ng pic si Amor.

Dix was a playboy type. Halos lahat ata ng kaklase nilang babae sa college noon ay naging girlfriend nito.

Amor was not an attractive girl, she was just a typical pinay. Nothing interesting about her, pero bakit biglang lumapit dito si Dix? He must know later pag-uwi niya. And he must erase those pics of her from his brother's phone.