Heto si Flora Amor, nakikipag-uunahan sa pagsakay ng bus nang umagang 'yon. Kanina pa siyang alas-syete sa tapat ng 7/11 sa highway ng Imus pero alas otso na'y 'di pa siya nakakasakay. Day off niya ngayon at may usapan sila ni Elaine na magkikita sa sinasabi nitong FOL BUILDERS INC., kung saan ito mag-aapply bilang construction research analyst. Ini-search niya sa google ang lugar. Malapit lang pala 'yon sa MOA, hindi siya mahihirapang hanapin ang lugar na 'yon.
Pero ano'ng gagawin niya kung hanggang mamaya ay 'di pa rin siya makasakay ng bus? Maliban kasi sa madalang ang bus ngayon papuntang manila, punuan pa sa loob na halos 'di mapasukan ng karayum ang bawat pagitan ng tao sa sobrang sikip. 'Di pa man siya nakakarating, laspag na ang beauty niya pag gano'n. Subalit wala siyang magagawa, hindi siya pwedeng umarte. Kasalanan din naman niya kung bakit siya naiinitin ngayon sa pag-aabang ng bus. Hindi kasi siya pumayag na ihatid ng kanyang kuya Ricky. Lakas-loob pa niyang sinabing okay lang siya, na kaya niya mag-commute. Heto ngayon, mahapdi na sa balat ang sikat ng araw alas otso pa lang nang umaga.
Kinuha niya sa sling bag ang dalang sunglasses at isinuot iyon upang kahit papano'y maprotektahan ang kanyang mga mata mula sa sikat ng araw at alikabok sa daan.
Sinipat niya uli ang suot na relo. 8:15AM na. Ang usapan nila'y alas dyes sila magkikita sa venue.
Sa dami ng kasama niyang nag-aabang ng bus, maisingit kaya niya ang maliit na katawan sa loob ng sasakyan sakaling may pumarada nang bus?
Ilang minuto pa ang dumaan at may dalawang bus na paparating. Nakipagsabayan siya sa pagtakbo palapit sa bus ngunit puno agad ang dalawang 'yon, 'di pa man siya nakakalapit.
Napabuntung-hiningang tumayo uli siya sa gilid ng kalsada kasama ng ilang nag-aabang nang mula sa mismong likuran ay may nagsalita.
"Okay. Na-flat-an ako dito sa may Imus sa tapat ng Puregold. Kunin mo ang kotse ko. Okay, magko-commute ako."
Sarap pakinggan ng boses nito na tila musika sa kanyang pandinig, parang DJ sa isang FM radio station. Hindi niya maiwasang lumingon at sulyapan ito, and saw a man with a sunglasses as well. That glance became a stare, then she saw his mouth wide opened as if surprised, if not frightened.
Pero muli siyang humarap sa daan nang marinig ang busina ng bus.
Tumakbo siya habang mahigpit ang pagkakahawak sa bitbit na folder, hindi pwedeng hindi siya makasakay ngayon kahit makipagsiksikan pa siya sa loob. Ang bilis ng kanyang takbo para lang makapasok sa kakaunti pa lang ang sakay na bus. Then somebody pushed her slightly para makapasok siya agad sa loob at makaupo sa bakante pang upuan sa may gitna.
"Woooh!" naibulalas niya nang nasa loob na ng bus sa sobrang tuwa. Hindi lang siya nakapasok, nakaupo pa siya sa bakanteng upuan.
Agad niyang kinuha ang phone at ini-chat ang kaibigan pero maya-maya lang ay tumatawag na ito.
"'Asan ka na?" tanong agad sa kanya.
"Kasasakay ko lang ng bus. Hirap kasi makasakay samin. Baka matrapik ako. Kita na lang tayo sa FOL BUILDERS," an'ya saka pinatay na ang phone at tumingin sa labas ng sasakyan.
Dismayado siyang napa--"Ouch traffic."
Sa isip ay kinalkula na ang oras ng kanyang dating sa pag-aaplayang kumpanya ng kaibigan. Sana makahabol pa ito at makapasa sa interview.
Napansin niyang huminto ang bus. May sumakay na buntis at sa banda niya tumayo. Nagdalawang-isip pa siya kung tatayo o hindi, sa huli'y pinili niyang tumayo at ibigay ang upuan sa babae. She smiled at her. Sarap ng kanyang pakiramdam sa ngiti na 'yon, meaning na-appreciate nito ang ginawa niya kaya't napangiti na rin siya. Who cares kung nakatayo siya, okay lang.
Pero ang puso niya bakit parang sumubra naman ata sa tuwa na tila kinikilig sa 'di niya mawaring dahilan? Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya naramdaman ang gano'n. Lakas ng kabog ng kanyang diddib and it even beat faster when he glanced at the man behind him na tila kanina pa nakatitig sa kanya. Gusto niyang tanggalin ang suot na sunglasses pero nagpigil siya saka nagtatakang tumalikod dito.
Biglang nagpreno ang driver ng bus dahilan para mapasubsob ang mukha ng lalaki sa ulo niya at mapahawak ito sa kanyang tyan preventing her to bump into the other passenger in front of her.
"Ano'ng shampoo mo?"
"Palmolive pink."
A piece of forgotten memories flashed back into her mind on that very moment.
Biglang sumakit ang kanyang dibdib kasabay ng pamamanhid ng kanyang ulo.
Kaninong mga boses ang narinig niyang 'yon?
Nasapo niya ang noo.
Agad na kumawala ang lalaki sa pagkakahawak sa t'yan niya na tila biglang napaso.
Buti na lang, huminto ang sasakyan at tumayo ang katabi ng buntis na pinaupo niya kaya't agad siyang umupo at nagtatakang muling sinulyapan ang lalaking naka-sunglasses. Sino ito, bakit gano'n na lang ang epekto sa kanya? At kaninong mga boses ang biglang umalingawngaw sa kanyang isip kanina?
Naguguluhan siya ngunit ayaw niyang mag-isip dahil sumasakit ang kanyang ulo 'pag pinipilit isipin ang bagay na 'yon.
'Relax, Flora Amor.' saway niya sa sarili. Hindi siya pwedeng magpadala sa nararamdaman at may mahalaga pa siyang pupuntahan. Hindi pwedeng masayang ang pagod niya sa paggawa ng resume ng kaibigan.
It was a very long trip, naisip niya, hanggang sa bumaba siya sa Edsa at sumakay uli ng jeep papunta sa address ng kumpanyang pupuntahan.
"Amor..."
"Huh?"
Ayo'n na naman. Kumabog na naman bigla ang kanyang dibdib pagkarinig ng boses na 'yon. Si Devon lang ang tumatawag ng gano'n 'pag naglalambing ito at may gusto hingin sa kanya. Pero maliban sa bata'y wala pa siyang naalalang may tumawag nang gano'n sa kanya.
Tumingin siya sa labas ng jeep na sinasakyan ngunit wala siyang nakitang nakakakilala sa kanya doon.
"Flor, kanina pa kita hinihintay." Salubong agad ng kaibigan sa lobby pagkapasok pa lang niya sa building ng pag-aaplayan nito.
"O, ibigay mo na agad ang resume mo." Mabilis niyang iniabot ang hawak na sliding folder saka tila pagod na naupo sa malapit na bench kasama ng iba pang nag-aapply. Teka lang, aalis din siya do'n 'pag nakapagpahinga na.
Nang maibigay na ang folder sa isang employee na naro'n ay naupo na rin ang kaibigan sa tabi niya.
"Sana pumasa ka," an'ya rito.
"Sana nga. Kailangan ko talaga ang trabahong 'to kasi malaki daw ang sahod dito, above minimum basta maganda ang performance mo," susog nito.
Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.
Naghintay sila ng ilan pang minuto bago natawag ang pangalan ng kaibigan.
Nanlalamig ang mga kamay nitong tumayo at pumasok sa isang kwarto. Siya nama'y tumayo na at nagtungo sa waiting area saka umupo sa malambot na sofang naroon.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina.
Why did she felt that way as if she was with the person she adored way back then? Sino? 'Yong lalaking nakasunglasses? Ni hindi nga niya kilala at seguradong 'di rin siya nito kilala.
"I've been looking for you for three days but I never expect na dito kita makikita."
"Ayyy hinampak ka!" Napatayo siya sa sobrang gulat nang magsalita ang kung sino sa kanyang likuran.
"It's you again!" bulalas niya nang bumaling rito at masino ang lalaking lumapit sa kanya sa labas ng MOA.
Sinusundan ba siya nito? Pa'no nito nalamang ando'n siya sa lugar na 'yon?
Tumayo siya bigla nang umupo ito sa kanyang tabi.
"I'm not gonna hurt you. Not anymore," maagap nitong sambit.
"Hey, stop following me. I told you I don't know you. And even if you're really my ex, magmove-on ka na kasi I've already forgotten about that past," naiinis niyang turan.
Tumayo ito at humarap sa kanya, nakakunot-noo.
"So, pinatawad mo na ako?"
Nablangko ang kanyang isip. Ano'ng sasabihin niya para tumigil ito sa pagsunod sa kanya.
"Uhmm, yes!" alanganin niyang sagot. " Kaya move-on ka na."
"So, 'di ka na galit sakin?"
"Ha? Ahh---oo pero kung--kung kukulitin mo ako uli, ipapupulis na kita," pautal utal niyang sagot at mabilis na lumayo bago pa ito nakalapit nang tuluyan sa kanya.
"Amor...you've changed a lot."
"Huh?"
Agad niyang nilingon ang palibot. Narinig na naman niya ang boses na 'yun na para bang napakalapit lang nito sa kanya dahilan upang manindig ang kanyang balahibo. Minumulto ba siya? Bakit hanggang dito'y naririnig iyon?
"Flor!"
Napaharap siya sa tumawag na kaibigan. Nagmamadali itong lumapit sa kanya.
"Gumawa ka din pala ng resume?"
"Hindi ah!"
"Merun. Pinapupunta ka na nga sa loob para interview-hin.m," kumpirma ng kaibigan.
"Ha? Ba't naman ako mag-aapply eh 'di ko nga alam kung ano'ng work ba 'yong inaplayan mo," giit niya.
"Merun nga. Andun sa ilalim ng folder na binigay mo sa'kin. 'Di ko na nakuha kasi 'di ko rin naman alam na gumawa ka rin pala ng resume," giit din nito.
"Flora Amor Salvador!" malakas na tawag ng isang employee sa kanyang pangalan.
"Segurado ka ba Elaine? Hindi ko alam. Resume mo lang ang ginawa ko kagabi bago ako natulog," 'di makapaniwalang paniniyak niya.
Napakaimposible 'yon. Resume lang nito ang ginawa niya kagabi, tapos ay natulog na siya.
"Flora Amor Salvador!" muling tawag sa kanyang pangalan.
"Puntahan mo na lang. Malay mo dalawa tayong matanggap," ani Elaine kaya't napilitan siyang pumasok sa loob ng opisina para magpa-interview.
"So, you're Flora Amor Salvador?" anang interviewer nang makaupo na siya sa silyang naruon paharap dito.
"Yes po pero honestly po hindi po ako nag-aapply. Sinamahan ko lang po ang kaibigan ko rito," maagap niyang sagot.
Pero tila walang narinig ang babaeng interviewer at matagal na pinasadahan ng tingin ang hawak nitong bond paper saka iniharap sa kanya.
"So, this isn't you?"
Napatayo siya sa pagkagulat nang makita ang sariling picture sa resume. Nakalagay doon pati pangalan niya at contact number.
Sinong gumawa no'n? Maniniwala ba sa kanya ang babaeng ito 'pag iginiit niyang 'di talaga siya ang gumawa niyon samantalang mismong picture niya, pangalan at contact number ang nakalagay sa resume, to think na iba ang laman ng resume sa ginawa niya kagabi?
Nalilito siyang muling umupo.
"So you're a commerce graduate from Imus Cavite?" tanong uli ng kausap.
Pati 'yon nasa resume? 'Di talaga siya makapaniwala.
"Y-yes po."
"If we hire you, what will you contribute to this company?"
"Honestly po, I don't know," sagot niya.
"So, why should we hire you if you're not even interested in this field of work?"
"'Yon na nga po ma'am. 'Wag niyo po akong tatanggapin. Honestly I don't even know what research analyst means."
Tumawa ang interviewer.
"Throughout these years, this is my first time meeting an applicant like you. Imbes magpaimpress, inida-down ang sarili."
Hindi siya sumagot hanggang sa marinig niyang sinabi nitong "You can go."
Nagmamadali siyang lumabas ng office at hinanap ang kaibigan sa mga aplikanteng naroon.
"Elaine, uuwi na lang ako. Kailangan ko pa kasing sunduin ang anak ko sa school," pagdadahilan niya.
"Teka, antayin lang natin ang resulta."
Muling nagtawag ang empleyado sa harap sa mga aplikante for final interview at unang natawag ang pangalan ng kaibigan.
Naghintay siya nang matagal sa labas hanggang sa lumabas ang kaibigan at mangiyak-ngiyak na lumapit sa kanya.
"Tatawagan na lang daw nila ako."
Meaning, hindi ito pumasa.
"Ha? Bakit? Maganda naman ang resume mo ah."
Sunod na tinawag ang kanyang pangalan. Atubili siyang pumasok uli sa opisina ng interviewer.
"You'll start your training tomorrow."
"Ha?"
"Ayaw mo ba?"
"Pero ma'am, hindi po talaga ako nag-aapply. 'Yong kaibigan ko na lang po ang ipalit niyo sa'kin," sagot niya saka binirahan ng alis.
Speechless siya paglabas ng office. Pa'no niya sasabihin sa kaibigang magsisimula na siya bukas? No, tama lang ang sinabi niya. Hindi siya babalik sa lugar na 'yon.
"Natanggap ka?" usisa agad nito.
"Pero tinanggihan ko. Sinabi kong ikaw na lang ang ipalit sakin," maagap niyang sagot.
Napaluha ito sa narinig at agad na tumakbo palayo sa kanya.
Ano'ng ginawa niya? Bakit nagkagano'n ang lahat? Wala talaga siyang maunawaan sa nangyari? Kasalanan ba niya kung siya ang natanggap imbes na ang kaibigan? Pero sinabi naman niya sa nag-interview na 'di siya nag-aapply, bakit siya pa rin ang natanggap?
Nanlulumong napaupo siya sa malapit na bench. Kasalanan ba niya ang lahat?