webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
36 Chs

Chapter 11

Gus

"Gus, come over here," tawag sa akin ni Mommy. I was watching my favorite movie when she called me.

"What is it, Mom?" Lapit ko sa kanila ni Daddy. It's Saturday morning and they're having their tea time.

"Birthday ngayon ng Tita Gwyneth mo. And they're inviting us now. Get ready and wear your swimming attire."

"Swimming attire?"

"Yeah. We're going to a pool party."  Birthday ng Mommy ni baby ngayon? Magkikita na naman kami mamaya. Yehey!!! Excited na ako!

But wait, paano si Chan?

"Ah, Mom?"

"Yes?"

"Anong oras ang party?"

"Ten o'clock sharp. Tayo tayo lang daw ang bisita kaya we need to be there."

"My friend, Chan, papunta na siya ngayon dito, Mom. Tinuturuan niya kasi akong mag-gitara para sa school namin. Is it okay na hahabol na lang ako sa inyo?" Nagtinginan muna sila ni Daddy bago ako sinagot.

"Hindi pwede. Kailangan sabay tayong pumunta r'on."

"Nakakahiya naman kay Chan. On the way na raw siya."

"Why don't you invite him to come over? Isama na lang natin siya."

"What?"

"Yeah. You're Tita won't mind for sure," ani Daddy.

"Nakakahiya naman, Daddy."

"I'll call her. Para matahimik ka na," sabi ni Mommy. Napangiti ako. Actually, okay lang naman kung isasama namin si Chan. Ang hindi okay kasi they didn't expect him. So good thing na tatawagan ni Mommy si Tita to inform na isasama namin ang kaibigan ko.

"Okay lang daw. Hindi na raw dapat pinagpaalam. Itong batang 'to talaga. Mabait ang mga Tita at Tito mo. Kaya next time huwag kang mag-alangan, baby. Okay?" Tumango lang ako at nangingiti. My Mommy always called me baby. And here I am, mayroon na ring tinatawag na baby. So ironic!

Nine thirty dumating si Chan sa bahay. And we are preparing ourselves to attend the pool party. Ayaw pa sanang pumayag ni Chan ngunit pinilit siya nina Mom at Dad.

I am wearing my red two-piece swimsuit under my white t-shirt and short shorts. While Chan is on his black t-shirt and khaki shorts. Hindi raw siya nakapagprepare.

We were talking while on our way to my baby's house. Habang nag-uusap kami ay hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang magiging reaksyon ng baby n'ya kung makita nito na kasama n'ya si Chan.

Noong pumunta ako sa kanila akala ko nagseselos siya kay Chan pero todo tanggi naman ang mokong. Naisip ko tuloy kung paano kaya kung pagselosin ko s'ya. Kakasabwatin ko si Chan para malaman ko kung may gusto na ba siya sa akin. Pero parang nakakahiya naman kay Chan kung gagawin ko 'yon. Pagtatawanan lang ako nito panigurado. Tutuksuhing patay na patay kay Hector kahit totoo naman.

"We're here!" untag ni Daddy sa amin. Papasok na kami sa mansion nina Hector. Excited na rin akong makita siya.

"Nadia and Mark is already here. Nauna na pala sila sa atin," tuwang-tuwa na sabi ni Mommy.

Sinalubong kami ng isang katulong at inihatid sa likod bahay. Nasa likod pala ng bahay nila ang napakalaking swimming pool. Pagkarating namin ay agad kong hinanap ang baby ko. Subalit hindi ko siya makita.

"Finally! Nakarating rin kayo," masayang bungad sa amin ni Tita Gwyneth.

"Happy Birthday, Gwyn," ani Mommy sabay abot ng malaking regalo. Ngayon ko lang napansin na may regalo pa lang bitbit si Mommy. Abala na kasi ako sa kakahanap sa baby ko. Niyakap ni Mommy si Tita.

"Happy Birthday!" bati rin ni Daddy kay Tita.

"Thank you!" Lumapit ako kay Tita.

"Happy Birthday po, Tita!" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you, beautiful. And is this the young man your Mom's talking about?"

"Opo, Tita."

"Happy Birthday, ma'am," bati ni Chan.

"Thank you! Napakagwapo pala ng kaibigan mo, hija. Magkaibigan lang talaga kayo?"

"Naku, opo. Magkaklase at magkaibigan lang po kami."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Po?"

"Ah, wala. Hehehe. Siya sige, pumunta na tayo sa mesa at kumain." Lumapit si Tita kay Mommy at sumunod naman kami sa kanya. Sinalubong kami ng yakap nina Tita Nadia, Tito Mark at Tito Andre. Ipinakilala ko rin sa kanilang lahat si Chan.

Pina-upo kami ni Tita sa isang mesa na naroroon.

"Ikaw na ang bahala sa kaibigan mo, hija ha? Kumain lang kayo nang kumain. Feel at home," nakangiting sabi ni Tita.

"Sure, Tita."

"Thank you po," ani naman ni Chan.

"No problem. Sige maiwan ko na muna kayo." Iniwan na kami ni Tita at pumunta na sa mesa nina Mommy.

"Nahihiya ako," turan ni Chan na ikinatawa ko ng bahagya.

"Wala kang dapat ikahiya. Mababait naman sila."

"Mukha nga."

"Matalik na magkaibigan sina Mommy, Tita Nadia na Mommy ni Marky at si Tita Gwyneth na Mommy ni Hector."

"What? As in Hector na pinapangarap mo?"

"Uhuh. Kamakailan ko lang rin nalaman na magkaibigan pala ang mga magulang namin ni Hector," ani ko.

"Really. What a small world, huh?"

"Oo nga eh."

"Gus!" Lumingon ako nang marinig ko ang boses ni Marky. At biglang nabuhay ang katawang lupa ko nang makita kong kasunod niya ang baby ko. Wearing nothing but only his swimming trunks.

'Oh heaven..'

"Here comes your dream," mapanuksong bulong ni Chan malapit sa tenga ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanila nang makita kong nakatingin siya sa'kin. Muli akong humarap kay Chan. Nginitian ko siya dahil kinikilig ako sa nakita ko.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Marky nang makalapit sila sa amin.

"Ngayon lang," sagot ko.

"Nickolas! Hi, pare! Mabuti nakasama ka."

"Hello. Oo pinilit ako nito, eh," wika ni Chan na tinapik pa ako sa balikat. Umupo sa tabi ni Chan si Marky. Apat lang ang upuang nakapalibot sa mesa kaya naman walang choice ang baby ko kundi umupo sa tabi ko.

"Hi, babe." Mahina kong bati sa kanya baka marinig ako ng parents ko.

As usual, dinedma lang ang beauty ko. Pero hindi ako tumigil. Kinausap ko pa rin siya.

"Anong ginagawa mo?" I asked him.

"Can't you see I'm busy?" Abala siya sa cellphone niya. Ni hindi man lang ako tiningnan.

"Nagsusuplado ka na naman, babe," wika ko kahit na nasaktan ako sa ginawi niya.

"Gus, let's eat?" Tawag pansin sa'kin ni Chan. Nagugutom na rin ako.

"Sure. Let's go?" Tumayo ako at sumama sa kanya.

"Hindi maganda ang mood ng pangarap mo, ah."

"Ganyan na talaga 'yan. Laging wala sa mood kapag ako ang kaharap. Sanay na ako," ani ko na sumasandok ng pagkain.

"Hindi ka nasasaktan?"

"Nasasaktan syempre. Tao ako, noh. Madali akong masaktan pero binabalewala ko lang." Nilagyan ko ng fish at chicken fillet ang pinggan ni Chan.

"You should try this. Masarap 'to." Nilagyan ko rin siya ng kare-kare.

"What's this?" aniyang nakatitig sa kare-kare at bagoong na nilagay ko sa pinggan niya.

"Kare kare ang tawag d'yan. Ngayon ka lang ba makakakain n'yan?"

"Yeah. Hindi nagluluto ang katulong namin nito."

"Ganoon ba?" Tumango siya. "Ngayon makakatikim ka na nito. It's Hec's favorite."

"Kaya pala masarap sa panlasa mo kasi paborito ng pangarap mo," nakangising sabi niya.

"Uy! Masarap nga 'to. Hehehe. Eto tikman mo." Sumandok ako ng kare kare gamit ang kutsara ko at nilagyan ko ng bagoong. Iniumang ko ang kutsara sa bibig niya. Inilapit ko pa sa bibig niya kasi umatras siya na para bang nandidiri.

"Open your mouth, Channing bebe!" Natatawa kong tukso sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang ibuka ang bibig niya at kainin ang kare kare.

Natawa ako ng malakas nang makita ko ang nalukot niyang mukha. Dahil sa kaartehan narumihan tuloy ang gilid ng labi niya.

"Hahaha! Ang arte mo!" sabi ko. Pinahid ko ang kare kare na sumagi sa gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki ko. Nakita kong natigilan si Chan nang dumampi ang kamay ko sa labi niya. Pero tinawanan ko lang siya.

"Will you please shut up?!" Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang galit na tinig mula sa likuran ko. "Ang lakas ng tawa mo para kang hindi babae!"

Anong problema nito? Ang baby ko ang nalingunan ko ngunit hindi ko na nakita ang mukha niya. Pumasok na ito sa loob ng bahay nila.

"Nagalit ang pangarap mo."

"Hayaan mo na 'yon. Palagi naman siyang galit sa'kin." Hindi na siya umimik pa. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa nangyari. Kaya naman konti lang ang kinuha kong pagkain.

Nang matapos si Chan ay sabay na rin kaming bumalik sa mesa. Wala na si Marky nang makabalik kami. Nang ilibot ko ang aking tingin nakita ko siyang lumalangoy na sa pool ng mag-isa.

"Masaya ang pamilyang mayroon ka, Gus. Mapalad ka kasi palaging nand'yan ang mga magulang mo." Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang basagin ni Chan ang katahimikan.

"Palagi bang wala ang mga magulang mo?" It was not my intention to ask him that pero kusa na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon. "It's okay kung ayaw mong sagutin."

"No. It's okay. Yeah, palagi silang wala sa bahay. Wala akong kapatid. Ako lang ang anak nila pero napakahirap maki-amot sa kanilang atensyon." Nalungkot ako ng marinig iyon. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata nang sabihin iyon.

"Puro katulong lang ang kasama ko sa bahay. Nakakalungkot." I did not expect him to open up. Kaya nagulat ako.

"Wala ka rin bang kaibigan?" Gusto ko sanang magtanong kung anong ginagawa ng mga magulang niya sa England subalit naunahan ako ng hiya.

"Mayroon. Nasa Davao sila. Ikaw nga lang ang babae na naging kaibigan ko."

"Bakit naman? Kaibigan mo na rin ang mga kaibigan ko."

"What I mean is ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan."

"So bestfriends na tayo ngayon?" sabi ko.

"Kung okay lang sa'yo." Naaawa ako sa kanya. Mula ng malaman ko ang tungkol sa sinabi niya. But looking at him physically hindi nakakaawa ang hitsura niya at hindi mapapansin na may pinagdadaanan siya.

"Why not? Besides tinuturuan mo pa ako mag-gitara kaya best friends na tayo."

"Napipilitan?"

"Hindi!" Nagtawanan kami. "Hindi lang naman ikaw ang lalaking friend ko kung sakasakali. Si Marky, kaibigan ko rin s'ya."

"I know." Nabitin ang sasabihin ko nang mapadako ang tingin ko sa may bukana ng garden. I saw my baby entering with a pretty girl beside him.

Natigilan ako. Maganda ang babaeng kasama niya. She's only wearing a white two-piece swimsuit kaya kitang kita ang magandang hubog ng katawan nito. Agad na may bumara sa lalamunan ko pagkakita sa kanila.

"Here." Inabutan ako ng tubig ni Chan. Ewan  kung bakit niya ginawa 'yon. Kinuha ko ang tubig at agad na ininom.

'Putsa! Ang sikip ng dibdib ko!'

"Marian! I'm glad you came!" Sinalubong ni Tita Gwyneth ang babaeng kasama ni Hec.

"OMG, Tita! I'm so sorry late na ako." Niyakap nito si Tita. Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya.

"Stop staring at them. Halatang nagseselos ka," wika na Chan. Tiningnan ko siya na abala sa pagkain.

"Halata ba?"

"Yup, very clear. Kumain ka na lang."

"Nasasaktan ako," mahina ang boses ko ng sabihin ko 'yon.

"Obviously. Kaya siguro ganoon ang trato ng pangarap mo sa'yo. Nakikita kasi niyang nasasaktan ka sa tuwing may kasama o lumalapit sa kanya na ibang babae."

"What do you mean?"

"Ewan. Pero sa tingin ko he still treated you that way kasi alam niyang hindi magbabago ang nararamdaman mo sa kanya. Na mamahalin mo pa rin siya kahit sinasaktan ka niya emotionally. Baka nga pinapaselos ka lang niya through that girl na kasama niya."

"Naguguluhan ako, Chan."

"Wag mo na munang isipin 'yan. Kumain ka na lang muna. Baka kasi hindi ma absorb ng utak mo ang sinasabi ko kasi gutom ka."

"Because I am in pain."

"Pain in the stomach kasi gutom ka."

"Nakakainis ka na," himutok ko. Napipikon na ako sa kanya.

"Hehehe. Binibiro ka lang. Pikon ka talaga." Muli akong tumingin sa gawi nila Hector kanina. Ngunit wala na sila roon.

"If you're looking for them, nasa likod mo sila. So don't turn around kasi siguradong magdurugo 'yang puso mo."

At ako namang matigas ang ulo, lumingon pa rin. Nasa buffet sila at sinasandokan ni Hector ng pagkain ang pinggan ng babaeng kasama niya. Pamilyar ang eksenang 'yon. Natural kasi ganoon rin ang ginawa ko kanina kay Chan.

'Gaya-gaya ang lintik!'

Halos mabali ang leeg ko ng biglang tumingin si Hector sa'kin.

'Buwesit!'