webnovel

FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION)

[R18] STORY WITH MATURE/EXPLICIT CONTENT: "A-Alam ko pagod ka na, magpahinga ka na, mahal na mahal kita, palagi mong tatandaan iyan," sa kabila ng tila bigik na nakabara sa lalamunan ko ay pinilit ko parin na sambitin ang mga salitang iyon na alam kong matagal nang gustong marinig mula sa akin ng asawa ko, dahil katulad nga ng sinabi ko, pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. Nang maramdaman ko ang mainit na likidong pumatak sa noo ko kasunod ng mainit na labing dumampi rin doon ay lalo akong napaiyak. "Simula bukas kailangan ko na maging matapang ka, tatagan mo ang loob mo, lalo na kung pagkagising mo ay nakapikit parin ang mga mata ko," pagpapatuloy na habilin ni Daniel.  Hindi ako nagdilat ng mata pero nagpatuloy ako sa tahimik na pag-iyak. "Hanggang sa muli nating pagkikita, sweetheart, Ara, mahal ko," si Daniel na muli kong naramdaman na hinalikan ako sa noo. Noon ako nagdilat ng paningin saka ko sinalubong ang maiitim niyang mga mata. Bigla ay parang nakita ko ang lahat ng sinabi niya, na muli kaming magkikita at kahit kailan ay hindi na magkakahiwalay pa. "Hanggang sa muli, mahal ko," sagot ko bago ko itinaas ang aking ulo saka siya siniil ng isang mainit na halik, sa pinakahuling pagkakataon.

JessicaAdamsPhr · สมัยใหม่
Not enough ratings
53 Chs

CHAPTER 14 “BEFRIENDING HIM”

"BAKA gusto mong bumaba muna para maipakilala kita sa mga magulang ko?" ang mga salitang kusang nanulas mula sa mga labi ni Ara matapos itigil ni Daniel sa harapan ng bahay nila ang kotse nito.

"Talaga? Ipapakilala mo ako sa parents mo?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Daniel sa kaniya.

Natawa ng mahina si Ara sa nakita niyang naging reaksyon ni Daniel sa sinabi niyang iyon. Habang ang magandang kislap sa mga mata nito ay hindi niya maitatanggi na naghatid ng kakaibang kaligayahan sa kaniyang puso sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan.

"Oo naman, sa ginawa mo palang kanina, sa tingin ko more than enough na iyon para tanggapin ko ang pakikipagkaibigan mo at kalimutan na ang kung anumang hindi maganda na naging simula nating dalawa," totoo iyon sa loob niya at lihim niyang binati ang kaniyang sarili dahil nagawa niyang i-deliver ang mga salitang iyon sa isang maayos at normal na tono. Ibig sabihin, hindi halata na kinakabahan siya.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Daniel dahil sa sinabi niyang iyon at aminado siya na nasiyahan siya nang makita ang magandang pagkakangiting iyon sa kaniya ng binata. Masaya siya dahil nakita niyang napasaya niya ito nang dahil sa isang simpleng dahilan lang at hindi kayang pasinungalingan ni Ara ang katotohanan na iyon sa kaniyang sarili.

"What do you think? Hindi ka ba nagmamadali? Is it okay?" ang muli ay magkakasunod na tanong ng dalaga.

Noon magkakasunod na tumango si Daniel habang nangingislap ang mga mata dahil sa obvious na kaligayahang nararamdaman nito nang mga sandaling iyon.

"Hindi naman ako nagmamadali kaya okay naman iyon," sagot nitong kinalas ang suot na seatbelt saka pinatay ang engine ng sasakyan.

Sa gate palang ay masaya nang sinalubong si Ara ng bunsong kapatid na si Anthony. Nakangiti itong yumakap sa kaniya pero mabilis ring kumawala nang mamataan si Daniel na noon ay nakatayo sa kaniyang likuran.

"Ate, may boyfriend ka na?" ang curious at tila ba hindi makapaniwalang tanong ng bunso niyang kapatid sa kaniya.

"Ha? Naku wala! Si Daniel iyan, kaibigan ko," pagtutuwid niya sa maling pag-aakala ng nakababatang kapatid. "Si nanay at si tatay?" ang dugtong niyang tanong.

"Nasa loob, kanina ka pa nga namin hinihintay, nagugutom na kaya ako," sa huli ay reklamo pa ni Anthony.

Hindi napigilan ni Ara ang matawa ng mahina sa sinabing iyon ng kapatid niya. "Ikaw talaga, oo nga pala, Daniel ito ang bunsong kapatid namin ni Bella, si Anthony. Anthony siya si Daniel, kaibigan ko," pagpapakilala pa niya sa dalawa.

Noon mabilis na inilahad ni Daniel ang kamay nito sa kapatid niya na tinanggap naman ni Anthony ng walang pag-aatubili.

"Tara na sa loob, nagugutom na talaga ako Ate, bakit ba ang late mong nauwi ngayon?" reklamo parin ni Anthony na nagpatinuna na sa pagpasok.

Noon naiiling habang natatawang sinundan lang ng tingin ni Ara ang bunso niyang kapatid. Pagkatapos ay tiningala si Daniel na katulad niya ang nakangiti rin. "Halika na?"

"Okay," sagot ng binata sa pag-anyaya niya.

*****

HINDI maikakaila ni Daniel na nang mga sandaling iyon ay unti-unti nang pinapasok ng paru-paro ang kaniyang tiyan. Normal lang siguro ang kabahan. Oo nagkaroon na siya ng nobya noong nasa probinsya pa sila, pero dahil nga hindi naman siya ipinakilala ni Lilet sa mga magulang at pamilya nito ay masasabi niyang ito ang unang pagkakataon na nakadalaw siya sa bahay ng babaeng nagugustuhan niya. At ito rin ang unang beses na makikilala niya ang magulang ng babaeng nagugustuhan niya.

"Nay? Tay?" si Ara nang nasa sala na sila.

Simple lang ang loob ng tahanan nina Ara, pero maayos iyon at malinis. Hindi na siya nagtaka, iyong idea lang na may sariling basahan na ginagamit ang dalaga sa library tuwing nagpupunas ito ay palatandaan nang pinalaki talaga ito sa kaayusan ng mga magulang nito. Isa sa mga katangian na para sa kaniya ay kailangang taglayin ng isang babae.

"Oh, nariyan ka na pala?" ang isang ginang na kasunod ang isang lalaking sa tingin niya ay mga magulang ng dalaga. "may kasama ka pala?" kaagad rin na napako sa kaniya ang paningin ng nanay ni Ara.

"Oo nga pala, nay, tay, si Daniel po, kaibigan ko. Anak po siya nung nakabili sa mansyon nina Mrs. Gonzales," pagbibigay alam pa ng dalaga.

Tumango-tango ang mga magulang ng dalaga pero gayunpaman ay hindi nakaligtas sa paningin ng binata ang mga katanungang nababanaag niya sa mata ng mga ito. Mabuti nalang at mabilis na nagawang ipaliwanag ni Ara ang lahat sa mga ito.

"Naku maraming salamat hijo, kung hindi ka dumating baka kung ano nang nangyari sa batang ito," ang ama ni Ara na ipinakilala sa kaniya ng dalaga sa pangalang Anselmo.

"Oo nga, ang mabuti pa tutal gabi narin lang, dito ka na maghapunan. Pasasalamat narin namin dahil sa ginawa mong pagsagip sa anak namin kanina sa tiyak na kapahamakan," dugtong pa ni Susan ang ina naman ni Ara.

"Ah, naku hindi na po, nakakahiya naman. Inihatid ko lang talaga si Ara to make sure na okay siyang makakauwi," totoo iyon, nahihiya talaga siya at iyon ang dahilan kaya parang wala siyang lakas ng loob na tanggapin ang paanyaya ng mga magulang ng babaeng kung tutuusin ay gusto naman talaga niyang ligawan.

"Pumayag ka na, masarap magluto si nanay, siguradong mabubusog ka," si Ara iyon na tinapik pa siya ng mahina sa kaniyang braso.

Napuno ng kaligayahan ang puso ni Daniel sa ginawing pagtapik na iyon sa kaniya ni Ara. Pakiramdam niya, katulad ng sinabi nito sa kaniya at sa ginawa nitong pagpapakilala sa kaniya sa mga magulang nito ay walang hindi magandang nangyari sa kanila. Pakiramdam niya totoong magkaibigan na sila katulad ng sinabi nito sa pamilya nito.

Naging masaya ang hapunan na iyon at katulad ng sinabi ni Ara, napakasarap ngang magluto ng nanay nito kaya naparami ng husto ang kain niya.

Sa sala terrace siya niyaya ni Ara pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Nakapagpalit na ito noon ng simpleng walking shorts at tshirt. Kahit ano yata ang ipasuot mo kay Ara, kahit damitan mo ito ng basahan ay lulutang parin ang angkin at natural nitong ganda at kaputian.

"Gusto mo ba ng kape?" ang mabait nitong tanong sa kaniya nang maupo ito sa plastic na upuan na katapat ng okupado niya.

Magkakasunod munang umiling si Daniel bago nagbuka ng bibig saka nagsalita. "Baka hindi ako makatulog," aniyan sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. "Pero salamat. By the way, sinabi mo sa akin kanina na may isa ka pang kapatid na babae? Hindi ninyo siya kasama dito?"

Umiling si Ara saka siya nginitian. "Nasa probinsya siya kasama ng Lolo at Lola namin, si Bella, kakambal ko," anitong nanatili ang magandang ngiti sa mga labi.

"May kakambal ka? Wow?" ang amazed niyang tanong.

Tumango si Ara. "Oo, siguro sa mga susunod na araw maikukwento ko ang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa akin bilang kaibigan mo."

Parang hinaplos ng pakpak ng ibon ang puso ni Daniel sa narinig niyang sinabing iyon ni Ara. Ngayon sigurado na siya, ito na nga ang simula ng lahat. Totoo ngang ang lahat ng nangyayari mabuti man o hindi ay may magandang dahilan.

"Oo nga pala, bago ko makalimutang itanong, iyong kanina---?"

Hindi na pinatapos pa ni Daniel ang ibang gustong sabihin ni Ara dahil alam na niya kung ano iyon.

"Gusto mo ba ng honest na sagot?" tanong-sagot niya sa dalaga.

Alam naman kasi niya na itatanong nito sa kaniya kung anong ginagawa niya sa tindahan kanina.

Tumango lang si Ara.

Nakangiting tumayo si Daniel. "Sinundan kita," sagot niya saka malagkit na tinitigan ang dalaga kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pamumula ng mukha nito. "paano mauuna na ako, salamat sa dinner," aniya pang kinindatan si Ara na noon ay natitigilang nakatingala sa kanya.

Siguro dahil sa amusement na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang sariling kindatan ang dalaga kalakip ang isang pilyong ngiti na kabisado na niyang siyang kahinaan nito. At hindi nga siya nagkamali. Noon mabilis na umabot hanggang sa tainga ni Ara ang kanina ay pamumula lamang ng mukha nito.

Bukas ang ilaw sa terrace kaya naman kitang-kita niya ang lahat ng iyon.

"Aalis na ako, see you tomorrow," ang amuse pa niyang paalam na naging dahilan naman ng biglang pagtayo ng dalaga mula sa kinauupuan nito.

"S-Sige," ang sagot lang ni Ara na nanatiling nakasunod ang paningin sa kaniya.