By: RyanTime
Minsan, naiinis tayo sa sarili natin dahil tayo mismo ang humahadlang sa ano mang nararamdaman natin, kesyo ganyan, kesyo bawal. Hindi natin alam na dini-deprived na natin ang sarili natin sa kaligayahan na dapat nating nararamdaman.
Marahil takot tayong tanggapin kung anong tunay natin na pagkatao dahil na din sa lipunan nating mapanghusga at sa pamilya natin na ayaw nating ma-disappoint.
Pero hanggang kelan tayo magtatago? Hanggang kelan natin pipigilan na lumigaya?
Sa lahat ng tanong nayan, tanging sarili lang natin ang makakasagot.
---
9:30 AM na pala, ayon sa oras na naka rehistro sa phone ko.
Ansarap ng tulog ko, wala naman akong naramdamang hangover. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi sa birthday party ni mama.
Naalala ko bigla na sa foam pala ako natulog, sinilip ko ang kama ko ay tulog na tulog pa din ang dalawang kulugo na si Paul at Don.
Biglang sumagi sa isip ko si Jake. Wala na siya sa tabi ko. Pero ramdam ko pa din ang ginawa niya sa aking pagyakap kagabi habang sinasabi niya na "SANA MISS MO DIN AKO." Ramdam ko ang lungkot at pananabik niya sa mga salitang yun. Tila naging lullaby sa pandinig ko ang mga salitang yun at ang init ng yakap niya na lumukob sa pagkatao ko. Ang ganda tuloy ng umaga ko. Napangiti na lang ako.
Araw ng linggo kaya wala kaming pasok mag pipinsan. Muli kong sinulyapan ang dalawang kulugo na himbing na himbing na natutulog. Nagko-contest pa sa paghilik at tulo laway pa. Natawa tuloy ako at naisip na kunan ng picture at maipost sa facebook o kaya pang blocked mail sa kanila. Hahaha.
Nasan kaya si Jake. Wala naman siyang pasok ah. 'hmmm baka nasa jowa na naman niya' sabi ng isip ko. Nainis tuloy ako sa isiping yun.
Nagbihis na lang ako at dali daling bumaba para umihi. Nakarinig ako ng ingay sa kusina. Baka si mama yun, naghahanda ng kakainin namin.
Nang marating ko ang kusina, nagulat ako at si Jake pala ang nagluluto. Nasamyo ko ang amoy ng sinangag at sunny side-up na itlog at nakaramdam tuloy ako ng gutom. May nakita din akong fresh juice sa dining table at may nakahain na dalawang bakanteng plato.
Nakatalikod siya sa akin noon. Kaya alam kong hindi niya ako napansin. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa toilet para hindi niya ako maramdaman. Kaso bigla siyang lumingon sa akin. Napahinto tuloy ako, mistula akong pusa na napahinto sa paghakbang at tumingin sa kanya.
"Good morning KUYA!" nakangiti siya. Hayss! ang guwapo talaga. Gumanda tuloy lalo ang umaga ko. Pero siyempre ayokong magpahalata kaya hindi ako sumagot. Tinuloy ko ang paglakad patungo sa toilet.
"Kuya nagluto ako para sa ating dalawa." nakangiti pa din siya. "Sabi ni tita magsisimba lang daw siya at tayo na daw muna bahalang magluto ng pagkain natin, sabay na tayong kumain ha.' nakangiti pa din siya.
Tuloy-tuloy lang ako hanggang makapasok ng banyo. Agad kong isinara.
'Makakasabay ko siyang kumain? At dalawa lang kami? Nagluto siya para sa aming dalawa lang?' sabi ng isip ko. Kinabahan tuloy ako bigla na kinilig. Hindi ko alam kong papansinin ko na ba siya or itutuloy ko ang pag-iinarte. 'Ah bahala na!'
Pagkalabas ko ng banyo, tinawag niya ako.
"Kuya! Kain na tayo." pagtawag niya sa akin.
Tumango lang ako saka lumapit sa mesa. Nakapwesto na din siya at nakatingin sa akin. Nakangiti pa din si Kupal.
Umupo na ako ng hindi siya nililingon. Nagsimula na akong sumubo saka siya nag salita.
"Sorry kagabi." pagsisimula niya. Pinagmasdan ko siya, blangko lang ang ekspresyon niya.
"Ok." hindi ko pa din siya nililingon.
Tahimik
"H-hindi ka ba pupunta kay Gelic?" pautal kong sambit sa kanya na nakatingin lang ako sa kinakain ko. Ayoko muna siyang tingnan.
"Hindi kuya." ramdam kong tumingin siya sakin. "P-pwede ba dito na muna ako tumambay?" tanong niya na mejo nag-aalangan.
"Okay lang" sagot ko. "Nanjan naman sila Paul at Don." dugtong ko.
"Ibig kong sabihin. P-pwede ba kitang maka bonding?" nag-aalangan niyang sambit.
Mejo nabilaukan ako kaya dali-dali akong nagsalin ng juice sa baso at agad na ininom. Tiningnan ko siya.
"B-bakit?" yun lang kasi naisip kong isagot sa kanya.
"K-kasi n-namimi...." napansin ko ang pag-aalangan niya at pinutol ko kaagad. Alam ko na kasi yung sasabihin niya. At ayokong makita niyang harap-harapan ang magiging reaksyon ko kapag itinuloy niya pa ang sasabihin niya.
"A-Aalis ako ngayon eh. May lakad ako." saka tumiingin sa kanya. Wala naman talaga akong lakad. Di ko lang talaga kasi alam kong anong sasabihin ko. Nagsimula tuloy akong mag-isip kong saan ako pupunta.
Nakita kong parang tumamlay ang itsura niya. Naawa na naman ako. Gusto ko naman sana talagang magbonding kami. Pero... marami kasing pero sa isip ko.
"H-hanggang kelan ba tayo ganito kuya?" na sense kong may pagsusumamo sa boses niya. Malungkot ang mga mata niya.
"Kung tungkol eto sa sinabi mo kagabi." tiningnan ko siya. "Wala naman akong matandaang reason para iwasan kita. Kinakausap naman kita diba?." pagpapatuloy ko. 'weh di nga?' sabi ng isip ko. "Hindi ba ikaw nga yong hindi nagpaparamdam? Ilang taon mo nga akong iniiwasan diba?." binaliktad ko ang sitwasyon. Ako naman talaga yung umiiwas sa kanya. Yun lang kasi naisip kong maidadahilan.
"Hindi naman ako iiwas kung hindi mo ako iniiwasan." sagot niya. Malungkot pa din ang mga mata niya.
"Umiiwas ba ako?"
"Oo, ni hindi mo na nga ako tinitingnan. Ni halos di mo nga ako kausapin. May mga times na pag nakikita mo akong lalapit sayo, nararamdaman kong umiiwas ka. Kuya, kung tungkol eto sa nangyari sa atin...." pinutol ko ulit yung sasabihin niya. Ayoko pag-usapan kasi.
"Wag mo ng ituloy. Nakaraan na yon."
"Yun ba ang dahilan, kaya mo ako iniiwasan?" dugtong niya
Hindi ako umiimik.
"Look. Hindi naman natin kelangan gawin yun. Pasensya na kung makulit ako. Gusto lang naman kita makasama eh. Pero umiiwas ka na." nangingilid na yung luha niya. Tila nagsasabi ang mga mata niyang, 'miss na miss na kita'.
"Sorry.." yung lang nasabi ko.
"Sorry saan kuya?"
"Kung u-umiiwas ako."
Nakita kong mejo na relieve siya.
"Iiwasan mo pa din ba ako?" tanong niya..
"Hindi na. Baka..., baka hindi na. Sorry ulit."
Ngumiti siya at itinuloy ang pagsubo. Ngumiti nalang din ako.
"Thank you kuya." nakangiti pa din siya. "Alam mo bang madami akong iku-kwento sayo." na excite siyang sabihin yun.
Naalala ko tuloy yung dating kami. Ganyan na ganyan siya ka excited pag nagku-kwento. Kahit walang namang kwenta yung iku-kwento niya.
Sabi ko nalang na, saka na lang ikwento kasi nga aalis ako (daw). Okay lang naman daw. Ramdam ko pa din yung saya niya kasi kinakausap ko na ulit siya. Sabi niya hihintayin niya nalang daw ako hanggang makabalik ng bahay.
Nagbihis na ako at nag-iisip kung saan pupunta. Naisip kong kontakin si Jona. ka fling ko. Shota-shotaan. Inaya ko nalang siyang manood ng sine at syempre after ng sine ay alam na. hehe
Masayang masaya ako kasi okay na ulit kami ni Jake. Naisip kong bigyan nalang ng chance at ibalik ang closeness namin.
Hindi pa tapos ang palabas pero parang gusto ko ng umuwi. Kasi alam kong may Jake na naghihintay sa akin. Kaya nung pagkatapos ng palabas ay kaagad akong nagpaalam kay Jona. Alam ko disappointed siya kasi dati sa tuwing aayain ko siyang lumabas ay magtatalik kami pagkatapos. Parang wala kasi akong gana makipag sex sa kanya. Mas na excite ako na makikita ko si Jake pag uwi ko.
Mejo dapit-hapon na din nang dumating ako. Pagka doorbell na pagka doorbell ko pa lang ay agad na bumukas ang gate at bumungad ang nakangiting Jake na puro guhit ng uling ang mukha. Mukhang masayang masaya na dumating na ako.
"Anong nangyari sa mukha mo at parang naghilamos ng uling?" tawang tawa ako sa mukha nya. May idea akong nag unggoy-ungguyan na naman tong mga to. Ganto kasi ginagawa namin magpipinsan pag wala kaming ibang maisip na gawin.
"Pakana ni Paul." sagot nya sabay tawa.
Natawa lang din ako. "Naunggoy ka nila no?" tawang tawa pa din ako. Tumango nalang siya at tumatawa pa din.
"Ang aga mo ata kuya." Sinabayan ng ngiting hanggang tenga
"Naexcite lang ako makita ka ulit." biro ko sa kanya. Nailang tuloy ako bigla.
"Oyy! Miss niya kaagad ako." pang-aasar niya.
"Tanga! biro lang." pagbawi ko sabay tipid na tawa. Nakaktuwa at mejo okay na nga kami.
"Okay lang yun! Kasi ako,.. m-miss kita!" Nakangiti siya pero naramdaman kong nailang siya ng konti.
Kinilig ako bigla haha, lakas makababae. Kahit puro uling ang mukha niya ay bakas pa din ang kakisigan niya. Tumuloy na kami sa loob ng bahay.
Nakita kong naglalaro ng barahang unggoy-ungguyan ang dalawang kulugo (Paul at Don). Natawa ako sa itsura nila, halos wala ng mapaglagyan ng uling. Nakita ko pa sa gilid nila yung ilang pirasong uling na ginamit nila.
"Kuya sali ka dito." sambit ng dalawang kulugo.
Sumunod naman ako.
Puno tawa ang bumalot sa buong bahay sa tuwing may natatalo. Buti nalang di ganun kadami ang nasa mukha ko. Tuwang tuwa din si mama na pinagmamasdan kami. Hanggang maya-maya'y nag aya na siyang kumain.
Masaya-masaya kaming sabay-sabay kumain. Asaran at biruan. Nakikisali din si mama.
"Ryan anak, mukhang okay na kayo ni Jake ah." pang-aasar niya na palipat-lipat ang nakakalokong tingin sa amin ni Jake.
"Oo nga tita. Parang LQ kasi sila dati eh." dugtong ni Paul na nakakaloko din ang tingin.
"Okay naman kami ah, diba Jake." tumingin ako kay Jake.
"Opo tita. Lovers na ulit kami." sabay tawa.
Natapos ang kainan namin ng puro tawa at kulitan. Alam kong napapansin ni mama dati na iniiwasan ko si Jake. Minsan kasi tinatanong niya ako bakit hindi na dumadalaw si Jake. Sabi ko nalang na baka busy. Kwela din naman si mama. Paborito niya din kasi si Jake dahil sa ubod ng lambing nito.
Naghanda na kami para matulog. Alas dose na din kasi. Doon na ulit natulog ang dalawang kulugo at si Jake. May dala naman na daw silang uniform para sa school kinabukasan.
"Hoy kayong dalawa" patukoy ko sa dalawang kulugo."umalis kayo jan sa kama ko. Sa lapag kayo matutulog."
Padabog na nilatag ng dalawa yung extra foam. Kahit papaano ay sinusunod naman nila ako. Ako kasi ang panganay na lalake sa lahat ng magpipinsan.
"Maghohoneymoon ata yung dalawa Don." pabulong na sabi ni Paul kay Don.
Tumawa lang yung huli.
"Narinig ko yun. Pabulong-bulong ka pang nalalaman diyan"
Tawanan ulit. Nagkatinginan lang kami ni Jake. Naexcite tuloy ako.
Pumuwesto na kami sa kanya kanyang higaan. Yung dalawa sa lapag at kami naman ni Jake sa kama.
Biglang nag ring ang phone ni Jake at agad sinagot saka lumabas saglit ng kwarto. Alam ko si Gelic yun. Nakaramdam na naman ako ng selos. Tinopak na naman tuloy ako.
Nang nakabalik na si Jake at nakita kong ngiting-ngiti. Naisip ko kung ano kaya pinag-usapan ng dalawa at ngiting-ngiti ito. Haysss. Nagseselos na naman ako.
Napansin ata ni Jake na wala na naman ako sa mood. Tumalikod kasi ako sa kanya nung akmang kakausapin niya ako.
Bigla kong naramdaman ang yakap niya. Ang sarap na naman sa pakiramdam, pero umiwas ako. Tinanggal ko pagkakayakap niya.
"Bakit kuya?" bulong niya. Pansin niya sigurong iritable ako dahil mejo malakas ang pagkakahawi ko ng kamay niya.
"Wala, matulog na tayo." malamig kong sambit.
Hindi na din siya nangulit. Inisip niya siguro na ayokong yakapin niya ako. Pero ang totoo gusto kong yakapin niya ako. Nagseselos lang talaga ako at nawala na ako sa mood. Excited pa naman ako kanina.
Nakatalikod lang ako sa kanya. Nagpupuyos na naman ang dibdib ko sa selos. Di ko naman kelangan magselos. Di ko lang talaga maiwasan.
Naramdaman kong parang gusto niya akong kausapin. Tinatawag niya kasi ako. Nagtutulog-tulugan nalang ako hanggang sa tuluyang nakatulog.