webnovel

Falling with a Bartender (GL) [Filipino]

"At kanino 'yang damit na 'yan ha miss? Sa bwisit bang waitress na 'yan? Ayaw ko niyan, baka saan pa galing 'yan. 'Di bale na lang," bwisit na bwisit at nandidiri kong sabi kay dumb waitress habang tinuturo ang isa pang walang hiyang waitress. "Ang arte naman. Akala mo naman maganda." "What? May sinasabi ka ba stupid waitress?" mataray kong tanong dito dahil bumubulong-bulong pa ito na ikinainis ko ulit. Posible kayang may mabuong pangmatagalan kung sa bar mismo ang lahat ay pansamantala lamang?

DamienSelene · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
47 Chs

Chapter 35

Kinabukasan ay nagising si Kale sa isang malambot na ibabaw. Mainit pa rin ang kanyang pakiramdam kaya sa halip na bumangon ay sumubsob lamang siya rito dahil sa mabangong amoy na nagmumula sa kanyang kinahihigaan. Hindi niya maiwasang mapapikit kaya yumakap siyang lalo rito. Dahil nakakarelax ang hatid ng amoy na iyon ay nakaramdam na naman siya ng antok.

Hindi naman alam ni McKenzie ang gagawin dahil nagising na lang siya nang may maramdaman siyang mabigat na nakadagan sa kanya. Ni hindi rin siya makakilos dahil mahigpit itong nakayakap sa kanya.

Pupungas-pungas niyang tiningnan kung ano ang bagay na nakadagan sa kanya.

Ni...Nixon?!

Kaya nang mapagtanto niyang si Kale 'yon ay biglang sumakit ang kanyang ulo at nanumbalik ang nangyari kagabi.

What the?! Oh my god! No, no, no! sigaw ng kanyang utak ngunit ang kanyang puso ay parang tinatambol sa sobrang bilis ng tibok sa isiping hinalikan niya ang taong nakayakap at nakapatong sa kanya ngayon.

Kakaiba rin ang hatid ng magkadikit nilang katawan kaya lalong kinabahan si McKenzie. Sa ngayon hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng pinagsaluhan nilang halik ngunit isa lang ang tiyak niya, kakaiba ang halik na iyon. Napatingin na lamang siya sa maamong mukha nito lalo na sa labi nio na kagabi ay kanyang sinakop.

Para mawala na sa isipan niya ang nangyari ay tinapik-tapik niya itong ginising. Nang dumapo ang kanyang palad sa mukha nito ay mabilis niya itong binawi dahil tila napaso siya sa sobrang init nito.

"Nixon, Nixon, wake up!" Bigla siyang nabahala dahil nag-aapoy ito sa lagnat at pinilit na niyang kumawala sa pagkakayakap nito ngunit bigo siya. "Nixon!" patuloy niyang panggigising habang niyuyugyog ito.

Ilang saglit ay dahan-dahan itong gumalaw sa ibabaw niya saka lumayo at bumangon.

Aalis na sana ito papuntang pinto nang mabilis itong pinigilan ni McKenzie.

"Wait! Saan ka pupunta? We're going to the hospital now. You have a fever."

"Ayoko. May pasok pa ako—" pag-alma nito ngunit pinahiga niya ulit ito sa kama. Nagmadali nang magbihis si McKenzie at nagdala na ito ng panibagong damit pamalit ni Kale.

"Take this at magbihis ka na. We're leaving," at iniabot niya ang isang plain na tshirt at jogging pants dito.

"Malamig. Wala ka bang jacket o hoodie?" malamig na sagot ni Kale habang namumungay ang mga matang nakatingin sa kanya.

Pinigilan niyang mapairap sa kasama kaya agad na siyang tumalima para makaalis na sila.

"Oh, ayan na kaya dalian mo na," at ibinato na niya rito ang isang blue na hoodie na regalo sa kanya ni Silver noon.

Bigla namang napatanga si McKenzie sa pag-aakalang pupunta pa ito sa cr upang magbihis ngunit agad itong naghubad sa harap niya. Wala sa sariling natulala siya sa katawan nito dahil ngayon lang niya ito nakita.

"Pwede na ba akong magbihis?" may himig na pang-aasar na pukaw niya kay McKenzie dahil ramdam niya ang panonood nito sa kanyang katawan. Inirapan lang siya nito at hinila na paalis.

Nang makasakay na sila sa kotse ni McKenzie ay 'di niya muna ito pinaandar dahil hinihintay niyang mag-seatbelt ito ngunit 'di ito nag-seatbelt kaya no choice siya.

May sakit lang siya pero kung makaasta parang baldado, maktol ng kanyang isip habang hinihigpitan niya ang seatbelt nito.

Pagdating nila ng St. Avitus Medical Center ay dumiretso na sila kay Dr. Thompson, ang family doctor nina McKenzie at pina-check si Kale.

"Your foot, malala ang sprain. Ilang araw na 'yan? Matindi ang pamamaga. May trangkaso ka rin, maaaring mula sa matinding pagod at puyat. Kailangan mo munang lumiban ng isang linggo o depende sa kondisyon mo. Ia-admit na rin kita rito sa ospital para mamonitor ang iyong kalagayan. Kumain nang sapat nang hindi mangayayat," mahabang paliwanag ni Dr. Thompson kay Kale matapos itong suriin at bumaling naman kay McKenzie.

"Ms. Henderson, ito ang reseta ng mga gamot niya. May pharmacy sa baba at iabot ito, kung may 'di available na gamot, meron sa labas. Mura lang din." Ipinaliwanag pa ng doktor ang mga kakailanganin at dapat gawin kay McKenzie. Nang matapos ay inasikaso na nito si Kale at sinimulan nang gamutin ang sprain nito habang inaasistihan ng isang nurse.

Habang ginagamot si Kale ay bigla namang tumunog ang phone ni McKenzie. May tumatawag.

"Hello. Why are you calling?" iritadong sagot niya sa kausap.

"Ang aga-aga Mc, napakasungit mo. Nasaan ka na ba?"

"None of your business and I'm fine. Papasok na ako."

"Okay. 'Di ko rin naman tinatanong kung okay ka. Bye, ma-flatan ka sana."

Nakasimangot si McKenzie matapos ang tawag. Naka-receive din siya ng ilang chats mula sa gang, hinahanap at itinatanong kung buhay pa ba siya.

Tumingin muna siya kay Kale ngunit parang nabasa naman nito ang kanyang iniisip.

"Kailangan mo nang pumasok. Pumasok ka na. Okay lang ako rito sa ospital. 'Wag na 'wag mo ring sasabihin sa mga kaibigan ko lalo na kay Ashley kung nasaan ako."

"Pero wala kang—"

"Gusto mo akong maging kaibigan 'di ba?" at ibinaling na nito ang atensyon sa nurse.

Bahala ka diyan. Nagngingitngit na lumabas si McKenzie at umalis na ng ospital para pumasok.

Pagpasok niya ay late na siya sa klase at pinagsabihan ng professor.

"Ms. Henderson, I don't tolerate students who are always late in my class. Nag-quiz na kami and no more special quiz or retake. The scores obtained will be added to the computation for your final grades. So, class, it's either you attend on time or zero. You choose."

What a fucking bitch! Ngayon lang naman ako na-late, as if namang um-absent ako. 'Di naman ako nala-late except when there's an emergency. Tsk, nakakagigil! himutok ng kanyang isip.

Matapos ang kanilang klase ay nagtungo na agad siya sa cafeteria upang maalis ang kanyang pagkabadtrip simula kanina.

Nadatnan niyang nakapwesto na ang kanyang mga kaibigan sa kanilang famous place at siya na lang ang hinihintay.

"Zie! Sup?" bati sa kanya ni Black habang nakangiti namang kumaway si Reign at Tyler.

Imbes na batiin din ang mga ito ay diretso siyang umupo sa tabi ni Aubrey na nagseselfie.

"Hello naman sa aming Ms. VIP lagi. Ba't nakabusangot ka na naman? Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Hulaan ko, na-flatan ka siguro 'no?" pang-aasar namang banat ni Silver sa kanya.

Sinamaan agad niya ito ng tingin ngunit nakangisi lang ang huli.

"You know what, bumili na kaya kayo ng lunch natin hindi 'yong nakatunganga lang kayo rito. God, nag-iinit lalo ang ulo ko sa inyo! At pwede ba Eiji, nakakairita kang lalo dahil ang dami-dami mong tanong daig mo pa ang sirang plaka!"

"Eh sa 'yon nga ang purpose ko rito, pake mo ba. Si Nat na lang pabilhin mo tutal kanina pa 'yon nasa counter oh. Nat! Bumili ka raw ng pagkain! Marami!" sigaw nito na siyang ikinasimangot ni Natalie saka siya tinaasan ng middle finger.

"Pakyu kayong lahat lalo ka na Pilak! Ipagsigawan ba naman ang pangalan ko at 'di niyo alam kung anong klaseng kahihiyan ang inabot ko! Nagmukha akong waitress sa dami ng pagkaing dala ko habang pinagtitinginan ng lahat! Nagmukha akong kaawa-awa mga walang puso! Ni isa wala man lang lumapit para tulungan ako!" sigaw sa kanila ni Natalie matapos nitong maipatong ang mga pagkaing inorder para sa kanilang lahat.

"Keri lang 'yan Nat. Deserve mo naman and at least napasaya mo kaming lahat 'di ba guys? Pa'no ka pala nakabili? May pera ka?" nang-aasar na saad ni Silver habang kinukuha na ang kanyang pagkain.

"Sa ganda kong 'to, walang pera—"

"Guys, c'mon, let's eat na. We're just wasting our time for nonsense chitchats and masamang pinagwewait ang food right?" sabat ni Aubrey at nanguha na rin ng pagkain nilang dalawa ni Black. "Take note guys, if there's someone pretty and gorgeous here, it will only be me and Kenzie. Period." Nagsimula nang kumain ang magkasintahan.

Ngunit 'di rin nagpatinag si Natalie. "May jowa ka lang, bitch. If I'm not mistaken, kung di dahil kay Black 'di ka sana magmumukhang tao."

"Shut the fuck up, you two! Can we just eat in silence? Kanina pa kayo sumasabay sa init ng ulo ko!" awat ni McKenzie sa mga kaibigan at napahilot na lang sa kanyang sentido. Nanahimik na sila at inabutan na siya ng pagkain ni Reign.

"Ayan kasi, madadala. Basta kayong mga babae talaga kahit kailan ang iingay. Pagandahan pa kayo eh pare-parehas lang naman kayong pangit. Nagpapataasan pa," wika naman ni Reign habang busy sa pagkain. Agad siyang sinamaan ng tingin nina McKenzie na pigil na pigil, Aubrey at Natalie habang tinapakan siya ni Black.

Abala silang pito sa kanilang pagkain nang biglang dumating sina Allison, Ian, Johansen at lalong-lalo na si Ashley na seryoso ang mukhang lumapit agad kay McKenzie.

"Where's Kale Nixon?" diretsang tanong agad nito sa kanya ngunit mabilis at mataray din siyang sumagot.

"Ba't mo hinahanap sa 'kin ang taong wala? Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?"

"Ikaw daw ang kasama niyang umuwi kagabi galing sa bar. So, where is she?"

Ngayon ay nag-aabang at nakatutok na sa kanya ang atensyon ng kanyang mga kaibigan lalo na sina Silver, Natalie at Aubrey. Si Johansen naman ay nakikain na sa kanila at tumabi pa kay Black. Tila wala lang dito ang pakikikain niya at mukhang nag-eenjoy pa siya sa nangyayari sa pagitan ng magpinsan.

Pinakalma niya muna ang sarili at nanatili sa kanyang sagot.

"I don't know what you're talking about. At sinabi ko na hindi ko alam kung nasaan ang taong hinahanap mo. Which part of that don't you understand huh, Ms. President?"

"I'll ask Tito Augustus na lang," at umalis na ito. Saktong naubos na rin ni Johansen ang ilang pagkain nila at nagpasalamat na.

"Thanks for the food, my fafi Black. Next time pakainin mo ulit ako ha or ako naman ang kakain sa 'yo. Bye fafi!" sabay kindat dito at sumunod na kay Ashley gayundin sina Allison at Ian.

"Just go away, you shitty black pony!" pahabol na sigaw ni Aubrey kay Johansen ngunit ikinaway lang nito ang kanang kamay.

"Babe, shh, calm down okay? Just ignore him."

"So, what was that Mc? Galing ka ng bar kagabi and you went home with...Kale? How come na—ba't di mo kami niyaya?!" tanong agad ni Silver.

"Oo nga Kenz! How dare you to forget us, your fucking real and loving friends. 'Di mo man lang kami naalala, how could you—tapos kasama mong umuwi si Nic ko?! Sumosobra ka na!"

Nic ko

Nic ko

Nic ko

Bigla na naman siyang nakaramdam ng pagkainis dahil paulit-ulit sa kanyang isip ang sinabi ni Natalie.

"McKenzie? Seriously? You were with that les...I mean...you were with that person? When did you become close, girl? Hey, are you listening ba?"

"Huh? Nagsasalita ka pala. I thought nagpapatugtog ka," wala sa sariling tugon niya nang kalabitin siya ni Aubrey. The latter just rolled her eyes at her friend's remark.

"Kenz! Sagutin mo na kasi 'yong tanong ni bruhilda! Pa'no nangyari 'yon? 'Di ba you hate Nic and ayaw mo sa mga you know kasi straight ka so how come?" sigaw na naman ni Natalie kay McKenzie at niyugyog-yugyog pa ito.

Kanina ka pa Nic nang Nic. Nakakairita at napakatsismosa talaga. "I need to go guys. I have my classes na. Thanks sa lunch, bye," at nauna na siyang umalis. Tinatawag pa siya ni Silver at Natalie ngunit 'di na niya pinansin ang mga ito.

Nang matapos ang kanilang klase at palabas na ng room upang uuwi na, bigla siyang hinatak ni Aubrey.

"Girl, where do think you're going? Maglinis ka," sabay abot nito ng mop sa kanya.

Maglilinis sila ng cr ngayon habang ang mga lalaki naman ay magwawalis at magkukumpuni ng mga sirang gamit at upuan. Silang tatlo lang na babae ang magkakasama sa cr.

"I think I'm gonna die ugh! Kanina pa ako nagpipiga ng mop at nag-iigib. Ang sakit-sakit na ng katawan ko tapos nauuhaw at nagugutom na ako! Kailan ba kasi tayo matatapos magganito! Gusto ko nang umuwi!" reklamo ni Natalie na ngayon ay nag-iscrub na ng tile floor.

"If you're freakin' thirsty, then take a sip on the toilet bowl. No need to worry, I pour some powder so it's clean. What are you waiting for, bitch? It's a taste of a lifetime," pang-aasar ni Aubrey kay Natalie matapos niyang linisin ang huling inidoro.

"Girls, I'm done na! Mauuna na ako sa inyo and happy cleaning!" Nagmamadali na siyang umuwi dahil gabi na rin silang natapos.

Pagkauwi sa kanyang penthouse suite ay naalala na naman niya ang nangyari sa kanila ni Kale lalo na ang malambot nitong labi kaya wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi saka napasandal sa pinto.

It was nothing right? Yes, that's right. I was drunk that time and hell I'm straight as a pole!

Bago pa siya malunod sa kanyang iniisip ay nag-ayos na siya ng sarili. Nang matapos siyang maligo at mag-blower ng buhok ay humiga na siya, handa na sa pagtulog nang biglang tumunog ang kanyang phone.

Sino na naman kaya 'tong nambubulabog? I swear if this is Nat, Eiji or Aubrey—subukan lang talaga nila!

"Hello?! What do you want—"

"Hija? McKenzie? Pwede bang magdala ka ng extrang damit at pagkain pati prutas dito sa ospital ngayon?" sagot ng nasa kabilang linya.

"S-sorry Dad but gabi na—" Hindi na siya hinintay pang sumagot at binabaan na.

Very perfect timing, Dad. So perfect, aniya sa isip.

Nanguha na siya ng mga damit at inilagay sa bag at dumiretso na siya sa supermarket. 'Di na rin siya nag-abalang magpalit pa ng damit. Kahit anong suot ko, lagi naman akong maganda so why bother?

Pagdating sa supermarket ay namili na siya ng kung ano-anong prutas. Wala namang sinabing specific na prutas. Dumampot na siya ng kung ano-anong prutas at bago magbayad ay nanguha rin siya ng isang bote ng gatas na kanyang iinumin at kape naman para sa kanyang Daddy.

Pagdating niya ng St. Avitus Medical Center ay tumungo na agad siya sa private room kung nasaan si Kale. Nadatnan niya ang kanyang Daddy na nakaupo sa isang upuan sa gilid ng kama habang nagbabasa ng magazine.

"Daddy, nandito na 'yong mga extrang damit and 'yong mga pinabili mong fruits. I also bought coffee for you, Dad." Inilapag na rin niya ang dalang bag.

Ibinaba na nito ang binabasang magazine at inabot ang supot ng kanyang mga pinamili. "Thanks, hija lalo na rito sa pakape mo," at niyakap siya nito. "Ang sweet sweet talaga ng anak ko," nakangiti pang turan nito.

"Dad, ano ba. You're acting like a child again. Magsi-cr muna ako, Dad," paalam niya. Binitiwan na siya nito at umalis na.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa isang cubicle dahil madulas. Naghintay lamang siya sa tapat nito. 'Di niya inaasahan na pagbukas ng pinto ay biglang may patakbong lumabas na bata.'Di siya nito napansin kaya nabunggo siya nito dahilan upang mapaatras siya. Dahil sa lakas ay na-out of balance siya ngunit may dalawang bisig ang maagap na sumalo sa kanya. Bigla siyang kinabahan dahil pamilyar sa kanya ang amoy ng taong 'yon kaya mabilis siyang lumayo rito.

"Miss, mag-iingat ka palagi," at walang ano-ano'y iniwan na siya nito. Naiwan siyang nag-iisa sa cr habang sapo-sapo ang kanyang dibdib na parang nakikipagkarera.

Pagbalik niya ay nadatnan niyang nag-uusap ang kanyang Daddy at si Kale. Hinanap agad niya ang supot upang kunin ang gatas na kanyang binili para sa kanyang sarili nang hindi niya ito makita.

Nasaan na ba 'yon? Alam kong inilagay ng cashier 'yon dito eh pero where is it? wika niya sa sarili.

"Hija, I'm leaving. Mag-istay ka pa ba rito o sasabay ka na sa'king umuwi? Kale, mauuna na ako. Mag-iingat at magpagaling ka. Don't worry about your classes and for now, prioritize your health."

"Opo, Mr. Henderson. Mag-iingat din po kayo pauwi. Maraming-maraming salamat po rito sa prutas at gatas," nakangiti ring paalam ni Kale at itinaas pa nito ang bote ng gatas na hawak saka uminom.

Ngumiti rin ang ginoo bilang tugon at lumabas na ng silid. Hindi naman makapaniwalang tumingin si McKenzie kay Kale lalo na sa hawak nitong bote nang maiwan na lang silang dalawa.

"Hoy lesbi! Ba't mo kinuha 'yang gatas ko ha?! Sa akin 'yan at prutas lang ang sa'yo!" Bigla namang natigil si Kale sa pag-inom at napatingin sa kanya.

"Eh binigay sa'kin ni Mr. Henderson 'yong plastic. Para sa'kin daw. Saka wala namang nakalagay na pangalan mo kaya paano magiging sa'yo?" Iniabot na niya kay McKenzie ang bote. "May natira pang kaunti. Sa'yo na. Pakitapon mo na rin at umuwi ka na. Isama mo na rin 'yong mga prutas."

Napamura at nanggigigil na tiningnan ni McKenzie si Kale na ngayon ay nakakumot na at handa na sa pagtulog.

Bullshit talaga 'tong lesbi na 'to! Ako na nga ang nagmagandang loob na bumili, siya pa 'tong may ganang mamili! Choosy na rin pala mga lesbi ngayon.

Palabas na sana siya nang bigla siyang lumingon kay Kale at malakas na ibinato rito ang plastic bottle na hawak niya. Bigla itong gumalaw at dumilat saka lumingon sa kanya.

"Hoy unicorn! Ba't mo ako binato ha? Umuwi ka na nga, 'di 'yong palaboy-laboy ka pa rito. Nakakasagabal ka nang natutulog na pasyente."

Sarkastiko naman siyang sumagot, "Ah, sabi mo 'di ba itapon ko na 'yong bote eh wala ka namang sinabi kung saan kaya sa'yo ko binato tutal mukha ka namang tapunan."

"Mukhang 'to, tapunan? Eh hinalikan mo nga," nakangisi namang tugon nito sa kanya na ngayon ay gigil na gigil na. "'Wag kang mag-alala, 'di ko sasabihing unicorn ka."

Pagkasabi no'y sinugod niya ito at hinampas-hampas. "Teka lang! Hoy, masakit—'wag 'yang paa ko! Tama na, 'yong damit ko!"

"Wala akong pakialam kahit maputol pa 'yan! Bwisit ka!" Nagrambulan na silang dalawa nang biglang dumating ang nurse. Nadatnan nitong nakapatong si McKenzie kay Kale habang ang tshirt nito ay nakalislis na. Tumikhim ito upang pukawin ang atensyon ng dalawa.

"Excuse me po. Pasensya na po kung naistorbo ko kayo. Ichecheck ko lang po ang pasyente," nakangiting sabi nito. Mabilis at nahihiya namang tumabi si McKenzie sa gilid.

"Kale, medyo bumaba na ang lagnat mo at 'yong paa mo naman unti-unti nang gumagaling. Kailangan mo na lang magpahinga at 'wag masyadong magkikilos para 'di na lumala pa."

'Di na kumibo pa si Kale habang ang nurse naman ay bumaling kay McKenzie. "Miss, dito na rin po ba kayo matutulog? Kung may kailangan po kayo ay tumawag lang po kayo. Magpahinga na rin po kayo," at umalis na ang nurse.

"Pakisarang maigi 'yong pinto paglabas mo," inaantok na sabi ni Kale sa kasama at nagkumot na. Kumulo na naman ang dugo niya rito.

"Aba, walang kwentang lesbi, lalo ka sanang magkasakit! 'Di ka sana gumaling na hinayu—"

"Unicorn, ang ingay."

Sinamaan niya si Kale ng tingin. Tangnang lesbi 'to, napakakapal talaga ng mukha! Malakas na kalabog ng pinto ang maririnig nang tuluyan nang makaalis si McKenzie.

"Unicorn talaga, may balak pa atang gibain 'yong pinto. Ang yaman-yaman, 'di marunong kung paano isara nang maayos ang pinto." Napatingin naman siya sa bote ng gatas na ibinato sa kanya kanina at kinuha ito.

"Sayang din 'to, ang sarap pa naman tapos ibabato niya lang," at ininom na niya ang natitirang gatas.

***

"Good morning Kale, ito na ang breakfast mo. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot," nakangiting bati sa kanya ng nurse nang gisingin siya nito. Pupungas-pungas naman siyang sumagot at inaaninag pa ito.

"Salamat po." Iniwan muna siya ng nurse habang siya nama'y dahan-dahang bumangos at inayos ang tray ng pagkain. Dahil 'di naman siya nag-aagahan at walang gana ay pinilit niyang kumain para makainom na ng gamot.

Nang matapos siyang makainom ng gamot ay tumungo na siya sa cr para maglinis ng sarili. Pagkatapos ay nagbukas na siya ng TV upang magtingin ng mapapanood ngunit wala siya ng nagustuhan kaya pinatay na lang niya ito. Sakto namang dumating ang nurse.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Kale? May masakit pa ba?" Chineck naman nito ang paa niya. "Ingatan mo 'yang paa mo at dahan-dahan lang sa paglalakad."

"Nurse, pwede po bang lumabas? O baka po may playroom kayo rito sa ospital? Ang boring po kasi."

"Meron, pediatric playroom. Sasamahan na kita." Habang sinasamahan siya ng nurse papuntang playroom ay tinanong siya nito.

"Pwede bang magtanong kung ayos lang?"

"Ano po 'yon?" nagtatakang sagot niya habang naglalakad na may saklay.

"Uhm, girlfriend mo ba 'yong babae kagabi?" nag-aalangang tanong naman nito. Bahagya naman siyang napaisip sa tanong nito.

"Anong babae—ah, katulong namin 'yon," pasimpleng tugon niya sa nurse.

'Di naman ito inaasahan ng nurse dahil sa isip nito ay malayo ang itsura ng babaeng tinutukoy niya upang maging isang katulong lamang. "Ay gano'n ba? Ang aga niya kasing pumunta rito kanina. Nagbilin na bantayan ka raw nang maigi, baka gumaling ka at kung 'di pa raw gumagaling 'yong paa mo eh putulin na. May iniwan pa siyang note kanina. Inilagay ko na lang sa gilid ng kama mo."

Huminto na sila sa isang silid. "Nandito na tayo sa playroom. 'Wag kang aalis o lalayo para in case na sumama ang pakiramdam mo ay 'di na ako mahihirapang hanapin ka."

"Sige po nurse. Maraming salamat." Dahan-dahang naglakad si Kale habang tinitingnan ang pwedeng laruin sa playroom. Mangilan-ngilang bata ang naroroon na masayang naglalaro at naghahabulan habang ang iba ay nakasakay sa rocking horse. Mayamaya ay napahinto siya sa isang foosball at sinubukang maglaro. Dahil first time niyang makapaglaro nito ay nalibang agad siya at hindi na namalayan ang kanyang paligid.

Abala siya sa paglalaro habang inaaral ito nang biglang may tumapat sa kanyang isang bata at sinimulan na ring galawin at ikutin ang handle sa tapat nito kaya naging listo siya nang magsimula nang maagaw sa kanya ng bata ang maliit na bilog na nagsisilbing bola ng gaya sa football.

"Teka, ang bilis ata! Paano mo agad nakuha 'yong bola? Wait, wait!" bulalas ni Kale habang lumipat na siya sa kabilang handle upang harangan at maagaw ang bola sa bata.

"Ang ingay mo naman ate—yey goal! Score ko! 1-0!" masayang sigaw ng bata habang patuloy pa rin sa paglalaro habang si Kale naman ay nakikisabay sa galaw ng batang babae dahil bumibilis ang kanilang paglalaro.

"Naka-goal ka na naman?! Anong klase—argh!" Enjoy na enjoy siya sa kanilang paglalaro at hindi na malaman ang kanyang reaksyon. Nakangiti, biglang manggigigil na kukunot ang noo. Sa huli ay natalo pa rin siya ng bata.

"Isang game pa ulit?" masayang yaya sa kanya ng bata nang matapos ang kanilang laro. Sa itsura nito, mukhang 'di man lang ito napagod o nangawit. Pumayag naman siya at naglarong muli. Makalipas ang isang oras na paglalaro at pag-aasaran ay natalo ulit siya.

"Ang galing mo naman, bata," wika niya nang matapos silang maglaro. Nakaramdam siya ng pagkangalay kaya sumandal muna siya sa gilid ng mesa hawak ang kanyang saklay.

"Gano'n po talaga kapag matagal na rito," nakangiti pa ring tugon nito. 'Di na siya sumagot pa at dahan-dahan nang umalis. Naglakad-lakad muna siya hanggang sa umupo siya sa isang bench upang magpahinga.

Malungkot siyang nakatanaw sa malayo at walang pakialam sa mga pasyente, doktor at nurse na dumaraan. Inaalala ang kanyang buhay noon at kung ano ang parte ng ospital sa buhay niya.

"Kale, tara na. Kailangan mo ng magpahinga," pukaw sa kanya ng nurse. Pinapabalik na siya sa kanyang kwarto.

Pagbalik nila ay iniwan na siya nito. Napansin niya ang note na tinutukoy ng nurse at katabi nito ay isang bote ng gatas. "Magtae ka sana," basa niya sa note. Nailing na lamang siya at ininom na ang gatas. Pagkainom ay natulog na ulkt siya.

Tanghali nang siya ay magising. Medyo nanlalabo pa ang kanyang paningin nang mapansin niyang nandoon si McKenzie, kausap ang nurse.

"Siya na ang mag-aasikaso sa'yo, Kale. Naibilin ko na lahat," paalam ng nurse nang mapansin siya at umalis na.

Alanganin naman siyang napatingin sa pinto lalo na kay McKenzie dahil sa kakaibang itsura nito ngayon lalo na't dalawa na lang ulit sila.

"Dahil ako pala ang katulong mo, ako na ang nagpresintang magpakain sa'yo," madiin at malapad ang ngiting sabi ni McKenzie sa kanya habang hawak nito ang isang bowl ng umuusok pang lugaw. Napangiwi siyang lalo nang mapansin na maraming paminta at may mga buto pa ng kalamansi ang lugaw. Nakangiti itong hinalo ni McKenzie at tila enjoy na enjoy sa paghahalo.

"Lesbi, masarap 'to," at sumandok na ito na siyang ikinabahala niyang lalo at bahagya pa siyang lumayo mula rito.

"Parang halik ko ba 'yan—" Walang ano-ano'y sinubuan na siya ni McKenzie kahit mainit pa ito. Ramdam niya ang gigil at diin sa pagsubo nito sa kanya ng kutsara.

"Dahan-dahan naman, ang init no'ng lugaw! Hipan mo naman!" daing niya dahil napaso ang bibig pati dila niya. Naidura niya tuloy ang lugaw ngunit sinubuan na naman siya. Nanggigigil siyang pinakain nito at kulang na lang ay ipaligo nito sa kanya ang lugaw.

"Alam mo lesbi, pwede ring ihilamos itong lugaw sa mga makakapal ang mukhang tulad mo. Gusto mong i-try?" pigil na pigil na sabi nito sa kanya.

"Sure unicorn, basta sabay tayo," pasimpleng asar niya na lalong ikinapula ng mukha nito sa inis. "Uy, wala pa nga, namumula ka na. Kinikilig ka agad, hay."

"Fuck you, lesbi! Kadiri ka!" at ibinuhos nito sa damit niya ang lugaw.

"Unicorn!"

"Hindi ako unicorn! Apat ba ang paa ko ha at may sungay ba ko? Eh kung dagdagan ko 'yan?" Akmang kukunin na nito ang kanyang saklay nang mabilis niya itong

binato ng unan. Nagsagutan pa sila bago tuluyang umalis si McKenzie dahil may klase pa ito.

Pasakay na si McKenzie sa kanyang kotse nang biglang tumunog ang kanyang phone.

"Hello?"

"Mc, saan ka na ba?"

"Tsk, I'm on my way. Papasok na ako," at binabaan na niya ang kausap.