webnovel

Chapter 16

"Nililigawan mo si Ai?" tanong ni Hera sa kanya.

Hindi siya sumagot. Tumingala siya sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. Dinama niya ang lamig ng simoy ng hangin. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ng dalaga.

"Nililigawan mo si Ai?" muling tanong nito.

Huminga siya nang malalim. "Natutulog na ba si Lynne? Past ten na, matulog ka na rin."

"Bakit mo iniiba ang usapan?"

Tintigan niya ito. Humilig ito sa veranda at tumingala rin sa langit. Nililipad ng hangin ang buhok nito. Nag-iwas siya ng tingin nang lumingon ito sa kanya.

Tatlong linggo na rin ang lumipas mula nang makitira ito sa kanila. Aminado siyang hindi naging maganda ang simula nilang dalawa. Kahit noong nakipagbati na siya rito, madalas pa rin niyang iwasan ang dalaga sa tuwing lumalapit at pilit nakikipag-usap sa kanya. Hindi kasi siya sanay na mahinahon silang dalawa at hindi nag-iiringan o nagbabarahan. Hindi rin siya sanay na hindi tumataas ang boses ni Hera o nagwo-walkout dahil napikon sa kanya.

Makalipas ang ilang beses na pag-iwas, naging mas bukas na siya sa posibilidad na maging magkaibigan sila. Gabi-gabi na sila halos kung mag-usap. About anything. Life, dreams, regrets… dumating na rin sa puntong pati mga alien napag-usapan nila.

Madalas na nga silang tuksuhin ni Lynne na ipinagkikibit-balikat na lang nilang dalawa ni Hera. He was trying to understand Hera, really understand her this time. Hindi na 'yong may kasamang panghuhusga. Hindi na 'yong may kasamang pag-alala sa lahat ng ayaw niya sa dalaga.

Maybe that almost-bring-the-house on fire incident did the magic. That was one extreme fight. Iyon siguro ang dahilan kung bakit parang bigla silang grumaduate sa pagiging aso't pusa. O baka naman 'yung pagsama niya rito sa Timog. O 'yung pag-uusap nila sa parke.

Naalala tuloy niya ang nangyari kinaumagahan pagkatapos niya itong samahan sa birthday party ng dating boss nito.

'Chase, I made you a coffee. Enjoy your day. – Hera'

Pinaglaruan niya ang kanyang labi habang binabasa ang note sa tabi ng tasa ng kanyang kape. Malamig na iyon ngunit sinaid niya pa rin ang laman ng tasa.

Sinipat niya ang orasan sa taas ng kanyang working table—alas syete. Alas onse pa ang unang klase niya. Habang inaayos ang kanyang kama ay biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag sa ikalawang ring.

"Hello?"

"Chase, are you free tomorrow evening? Let's meet?" Boses iyon ni Ai. "I'm sorry, ha? I know you're busy but I want to discuss something with you."

"About what?" Kumunot ang noo niya. Kagabi, tinanong siya nito kung kailan sila puwedeng magkita. Hindi kasi natuloy ang dapat nilang pagkikita dahil mas pinili niyang samahan si Hera.

"Hmm… ah, kinda work-related?" Tumikhim ito. "Kung puwede ka lang. 'Di ko nabanggit kagabi, nawala sa isip ko."

Tumango siya. "Sige, 7 PM? May klase pa kasi ako bukas until…"

"Of course, of course!" Agad na sagot nito bago pa man siya matapos sa pagsasalita. "Yeah, 7. Same place kung saan dapat tayo magkikita kahapon."

"Okay. Thanks. Bye."

"Bye. See you!"

Her voice sounded so… happy. O baka imahinasyon lang niya 'yun. He hung up the phone. Inilapag niya iyon sa gilid ng kama saka naglakad palabas ng kuwarto. Napaatras siya nang makitang nakasilip doon si Hera.

"Ay, kabayong buntis!" sigaw nito nang magkatitigan sila.

Binuksan niya ang pinto. "Maling makinig sa usapan nang may usapan, Hera," sabi niya nang makitang nakatingin ito sa kanyang cellphone.

Inilipat nito ang tingin sa kanya bago hilaw na ngumiti. "Napadaan lang ako."

Kinagat niya ang kanyang labi. "I don't think so. Maling makinig sa—"

"Nako, Chase, I'm sure nakikinig ka rin minsan sa usapan ng iba. 'Wag kang ganyan. Don't be a hypocrite," bulong nitong narinig naman niya.

"What?"

"Wala po." Hera made a face as if she had enough.

Ang aga-aga, nagsisimula na naman ito. Nagbuka siya ng bibig ngunit itinikom niya rin iyon. Ilang beses na niyang ipinaalala sa sariling tigilan na ang kaiisip tungkol sa logic kapag si Hera ang kausap niya, pero…

"O, ano? Wala kang maisip na fallacy, 'no? Aha! Tameme si Logic freak," asar nito.

Binasa niya ang kanyang labi. "Actually…"

Nagtaas ng isang kilay si Hera. "Ano? Wala, aminin mo na kasi, illogical ka rin minsan. Mali raw makinig sa usapan nang may usapan, e siya rin naman," bubulong-bulong pang sabi nito.

"That's a fallacy," hindi na niya napigilang sabihin. Old habits die hard. "Tu quoque."

Umawang ang labi ng dalaga. "W-walang ganyan. You're just saying that to save your face."

"Google it."

Hindi naman ito sumunod. Tumayo lang ito sa harap niya at kumurap-kurap. Napangiti siya sa itsura nitong naguguluhan.

"Tu quoque is appeal to hypocrisy. You are discrediting my argument just because you believe that I, too, have done it. Maling makinig sa usapan nang may usapan. Ang sagot mo, 'ikaw rin naman.' The validity of my argument shouldn't be tainted by that reason. Bottomline is, ginagawa ko man 'yon o hindi, mali pa ring makinig sa usapan nang may usapan," litanya niya.

"Ha?" Tumikhim ito at tumayo nang tuwid.

"My argument is valid."

"Okay," sagot nito.

Nailing na lang siya saka ito nilagpasan. Hindi niya alam kung nagkaintindihan ba talaga sila.

He snapped back to reality when he heard a voice. Napatingin siya kay Hera. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan siyang matulala.

"You are courting Ai," biglang sabi nito. Para bang iyon ang konklusyon nito matapos niyang manahimik ng ilang minuto.

Pinaglaruan niya ang kanyang labi. "I'm not courting anyone," bulong niya.

Nanliit ang mga mata nito, tila hindi naniniwala. "Really?"

Tumango siya.

"E, ano mo si Ai?"

Napaisip niya. Ano nga ba? Noong una, aminado siyang naiilang siya sa abogada kapag niyayaya siya nitong lumabas. Pero pagkatapos nilang magkita noong Martes, nalaman niyang gusto pala siya nitong co-author sa librong isinusulat nito tungkol sa batas at mga butas nito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakapagdedesisyon. Hindi siya sigurado kung sapat na ba ang kaalaman at karanasan niya upang makagawa ng libro tungkol sa batas.

"Textmate?" sagot niya sa tanong ni Hera.

Natawa siya nang malaglag ang panga nito. "Kadiri ka. Tanda mo na, may pa-textmate textmate ka pang nalalaman?"

"I'm kidding. She's a friend."

"With benefits?" Umarko ang kilay nito.

"No," pirming sabi niya. "Just a friend." Muli siyang tumingala at namangha sa ganda ng langit.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "You don't like her?"

"I do."

Nagulat siya nang umubo nang pagkalakas-lakas ang kausap niya. Tinapunan niya ito ng tingin. Sapo-sapo nito ang bibig habang patuloy sa pag-ubo.

"Okay ka lang?"

Tumango ito. "Y-yeah." Umubo pa ito nang ilang beses bago tuluyang huminto. "Okay lang…"

"Matulog ka na, malamig na rito. Baka kaya ka inuubo."

"Okay lang. So… you like Ai? Bakit hindi mo ligawan? Natotorpe?"

Ngumisi siya. "Bakit ang dami mong tanong?"

Nag-iwas ito ng tingin. Naglakad ito patungo sa pintuan. Akala nga niya'y papasok na 'to sa loob ng bahay. Isinarado lang pala nang maayos ang pinto.

"Wala."

Tumango-tango siya. "I like Ai as a friend. E, ikaw? I heard your ex wants you back?"

Umaliwalas ang mukha nito. "Sinong ex?"

Kumunot ang noo niya. "Madami nga pala, 'no? Ewan ko, sino ba?"

"Baka si Lucas." Hera snorted. "Wala, hindi naman 'yon nakikipagbalikan. He even got his girlfriend pregnant."

"How about your former boss?"

"Si Jon?" Nagkibit-balikat ito. "Never heard anything from him since his birthday."

Hindi na siya nagsalita. He nodded his head and let silence took over. Tumingin siya sa ilaw na nanggagaling sa poste sa tapat ng bahay nila.

"Alam mo, mas na-appreciate ko ang langit at gabi mula nang tumira ako rito sa inyo."

Tiningnan niya ang dalaga. Nakatingala ito, nakangiting pinagmamasdan ang malawak na kalangitan.

"Why?"

Tumingin ito sa kanya. "Before kasi, gimmick-bahay-gimmick ang routine ko. Now, I can say that watching stars at night became my new habit and of course, talking to you. I didn't know I could be this happy while doing this. Wala lang." Ngumiti ito.

Napangiti rin siya. Hera had so many stories to tell. Hindi ito nauubusan ng ikukuwento at hindi nauubusan ng komento. Her statements might be shallow at times but he still found himself being drawn. He listened attentively and he watched her every move. Pakiramdam niya, nanonood siya ng pelikula sa tuwing nagsasalita ang dalaga.

Tumikhim siya saka nag-iwas ng tingin.

"By the way, how's your day?" tanong nito.

"Tiring," aniya. "Teaching is one tough job. And I also had an emergency meeting with one of my clients."

Nakita niya mula sa gilid ng kanyang mata ang pagtango ito. "Wow, that was really tiring. Alam mo ba, muntik na rin akong mapasok sa academe noon but I refuse the offer. I mean, me, as a teacher? No way! Baka kung ano pa ang maituro ko sa mga estudyante." Humagikhik ito.

"Baka yayain mong mag-inuman."

"Oh my God, Chase, that's plausible. I might even justify it by saying they aren't minors anymore. Gulo 'yon panigurado." Pumalakpak ito. "How about you? You really want to be a professor?"

Umiling siya. "I don't. You know, I really want to be a lawyer because of my parents. Pangarap nila 'yon para sa 'kin, na eventually, naging pangarap ko na rin para sa sarili ko. Naging abogado ako… pero hindi na nila nasaksihan."

"I'm… I'm sorry," Hera said in a low voice.

He poked her right cheek using his index finger. "Don't be. I am still happy."

"Happy ka na sa lagay na 'yan? Poker face. You can beam, you know, kung talagang happy ka." Inalis nito ang daliri niya sa pisngi nito.

Ngumiti siya.

"Ayan! Ganyan ang masaya."

Sabay silang natawa. Si Hera ang unang nagseryoso. Tumikhim ito bago muling nagsalita, "Alam mo, ang weird."

"Weird?" tanong niya.

"Ikaw, ako." Huminto ito at ngumiti sa kanya. "Tayo."

Napalunok siya at bahagyang natawa. "What? Tayo? Lasing ka ba? Walang tayo, Hera," biro niya. Madalas niya iyong marinig sa mga estudyante niya at hindi niya akalaing darating ang araw na sasabihin niya rin 'yon.

Muli siyang tumawa nang suntukin ni Hera ang braso niya.

"Sira. That's not what I mean!"

Of course, he knew. Gusto niya lang talaga itong asarin. They both laughed. Ni sa panaginip, hindi niya naisip na darating ang araw na makakatawa sila nang ganito.

Pinagsalikop ni Hera ang buhok nito at tinalian iyon. "Ang lakas ng hangin, nakakain ko 'yung buhok ko," reklamo nito.

"Pumasok ka na kasi," aniya.

"'Yoko nga. Pag-uusapan pa natin 'yong plano natin para kay Lynne. So ano? Naglista ka na ba ng mga pangalan?"

Nailing na lang siya nang maalalang binigyan siya ng notebook ni Hera para ilista ang mga pangalan ng mga lalaking pinagkakatiwalaan niya at tingin niya'y makakasundo ni Lynne. Sinunod naman niya ang gusto nitong mangyari. Naglista siya ng tatlong pangalan.

"Huy, ano na? Natulala ka na d'yan." Tinapik ni Hera ang balikat niya.

"Wala, may iniisip lang."

Humakbang ito ng isang beses palapit sa kanya. "You're having doubts, aren't you?" Titig na titig ito sa mga mata niya.

Hindi siya sumagot. Nakipagtitigan lang siya rito hanggang sa ito na mismo ang unang magbawi ng tingin.

Nagbukas ng bibig si Hera ngunit naunahan ito ng isang boses mula sa gilid. Sabay silang napalingon ng kausap.

Naabutan nila si Lynne na kalalabas lang ng pinto.

"May sinabi ka, Lynne?" Hera asked.

Tumango ito. Lynne looks confused. Her eyes were puffy and sad but she managed to smile. "Payag na 'ko."

"Ha?" sabay nilang sabi ni Hera.

"Pumapayag na 'ko sa plano n'yo."