webnovel

IKALABING-ISANG KABANATA:

Habang naka-upo sa sala si Zyra ay bigla niyang narinig ang malakas na ingay ng music na galing sa labas.Kaya naman sa curious niya kung ano ang mga ito ay lumabas siya sa balkonahe kung saan nandoon din ang kapatid niya.

"What's happening?"tanong ni Zyra, inulit niya ulit dahil hindi narinig na kapatid.

Hindi agad sumagot ang kapatid dahil focus na focus sa panonood.Nang lakasan ni Zyra ang boses at saka lang lumingon ang kapatid.Nagulat siya dahil kanina pa siya tinatanong ni Zyra, mukha na tuloy monster ang ate niya sa inis at namumula na.

"Sorry ate, ano ulit sinasabi mo?"naka-bungisngis na tanong ni Raphael.

"I'm asking what's happening!?"pasigaw na ulit niya sa tanong.

"Nakikita mo naman diba,"pilosopong tanong niya sa kapatid."Joke lang, maybe 'yan yung sinasabi ni kuya Diego yesterday."

Napatango si Zyra pero naiinis na din.

Bigla namang napasigaw at napatalon sa gulat si Zyra ng marinig niya ang iyak ng isang hayop.Paglingon niya ay binababa pala nina Diego ang baboy sa isang sasakyan.

"What they will gonna do with that?"natakot na tanong ni Zyra ng makita ang baboy na nakatali ang mga paa, nagtakip na din siya ng tenga dahil narindi na ito sa ingay ng baboy.

"Of course kakatayin,"sagot naman ng kapatid na hindi maistorbo dahil naka-focus ito sa mga banda na tumutugtog.

Hinayaan na lang siya ni Zyra at tumingin na lang sa baboy kung paano nila ito kakatayin. Kaso naman at napatakip na lang siya ng mga mata ng makita ang baboy.

Nang makatay na ay nagmadali namang bumababa si James para tumulong sa kanila.Hindi naman pumayag ang tita Lara dahil nakakahiya daw na pagtrabahuhin ang isang bisita.Kumontra naman si Ethan na bakit hindi nila ito hayaang tumulong sa kanila na parang bang naghahamon siya.

"Ano ka ba nakakahiya,"pabulong na bulyaw nito kay Ethan."Ah sige na kami na lang dito,"sabi niya kay James at saka ngumiti.

"Okay lang po talaga tulungan ko na kayo," pagmumulit nito, kaya naman hinayaan na lang siya.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din sila sa paghihiwa ng karne kaya naman itong kanilang tita ay kumuha na ng kaldero niya para mapakuluan na ang iba.Habang si Diego naman ay nagsindi ng apoy sa kalan.

"Ehemm...ehemm...,"naubong si Zyra ng malaghap niya ang usok.

Dahil wala na din namang gagawin doon si James ay bumalik na lang siya sa balkonahe kung saan sina Zyra at saka siya tumabi sa kaniya.

"Okay ka lang,"nag-aalalang tanong nito kay Zyra niyang makita niya itong wala tigil sa pag-ubo.

"Yes, okay lang ako dahil sa usok lang 'to," sabi nito ng matigil na.

Habang nagkukwentuhan sila at may narinig nanaman silang malakas ng mga tugtog.

"Ano nanaman 'yan?"tanong ni Zyra na naiinis dahil naririndi na ito sa sobrang lakas ng music, kahit naman naka-headset siya ay hindi naman 'yon ganoon kalakas.

Nang makita nila ay mga sumasayaw na at naka-costume pa.Mga street dancer pala ang mga 'yon.Si Raphael ay manghang-mangha siya sa mga sumasayaw dahil wala naman ganon doon sa kanila sa manila.

"Ang panget naman nila,"panglalait ni Zyra, punong-puno kasi ng mga uling ang mukha nila.

Umupo na lang siya dahil hindi naman siya interesado sa mga yun.Habang sina Ethan at Diego at nasa sala at nagkukwentuhan.

"Pansin ko parang iniiwasan mo si Zyra," isyosong tanong ni Diego, ilang araw na kasi niyang hindi sila nag-aaway ni Zyra at parang may naamoy itong kakaiba.

"Wala,"nalitong sagot ni Ethan."Bakit bawal ba?"napakunot na kilay na sabi pa niya.

"Asus!"medyo natatawa naman ang naging tugon niya,"Aminin mo na kasi may gusto ka sa kaniya," pilit na pagpapaamin niya.

"Ako? Sure ka?"natawang sabi ni Ethan."Sa sobrang sungit ng babaeng 'yon malabong magustahan ako este magustahan ko siya."

"Oo at hindi lang ang isasagot ang dami pang sinasabi,"nainis na sabi ni Diego.

"Malamang hindi!"supladong namang sagot ni Ethan.

Pagsapit ng tanghali ay naka-hapag na ang lahat sa lamesa para kapag dumating na ang mga bisita ay makakain na agad sila. Pero habang wala pang masyadong bisita ay sinabihan na ni Lara ang kaniyang mga pamangkin at anak na mauna ng kumain.

Papasok na sana si Ethan sa loob ng kubo pero napabalik siya ng makita niya sina Zyra at James na kumakain din doon.

Nagtaka naman si Diego kung bakit bumalik siya kaya pumasok siya at nakita na nandon din pala sina Zyra.Pinilit niya pa din ito na sa loob na lang sila kumain para may kasama naman sila.Umiling naman si Ethan ay ayaw niya talagang pumasok.

"Selos ka ba sa kanila?"biglang namang tanong."Ay oo nga pala meron kang ibang gusto."

"Siya ba yung nakita natin kahapon?"isyoso na sabi ni Raphael, nagulat naman ang dalawa nang marinig nila ang boses nito dahil hindi nila napansin na nandon pala siya.

"Sinong kahapon?"hindi matandaan na sabi ni Ethan sa kanila.

"Yung sa peryahan,"pagreveal ni Raphael, dahil wala naman itong nasasabing may girlfriend siya.Hindi naman niya obligasyon na sabihin pero hindi talaga nila akalain na meron siya.

Naalala na ni Ethan ang sinasabi ng dalawa sa kaniya.Napanganga na lang siya dahil hindi niya naman 'yun girlfriend tulad ng nasa isip nila.

"Ah 'yun ba?"sabi niya ng mapagtanto niya ang tinutukoy nila."Mga kaklase ko lang yun ehh,"paliwanag pa niya.

"Eh bakit isa lang nakita namin,"curios naman na tanong ni Raphael.

"Sumakay sila ng rides noon kaya siguro hindi niyo sila nakita,"paliwanag naman niya."Loyal kaya ako sa gusto ko."

"Uy sino ba yan share mo naman,"sabi ni Raphael at kinulit ito ng kinulit, pero kahit anong gawin nila ay hindi nila ito mapaamin.

Habang nagkukwentuhan naman sila ay naputol ito dahil pinaki-usapan sila ng kanilang tita na kung pwede ay ang mga bisita muna ang maupo doon dahil wala ng puwesto sa labas kaya naman pumasok na muna sina Raphael sa kwarto habang sina Ethan at Diego ay lumabas muna.

Pagsapit naman ng gabi at tinawag silang lahat ng kanilang tita Lara at pinagbihis niya sila dahil magsisimba daw.Hindi siya pumayag na may maiiwan kaya ang lahat ay sasama.Pagkatapos ng misa ay nakaayaan nanaman sila na bumalik na peryahan.

Pagdating nila doon ay agad naman ni-request ni Zyra na sumakay ulit sila sa roller coaster.Pumayag naman silang lahat dahil minsan lang ito mag-aya ng ganon dahil madalas ay bad mood siya.

HAPPY NEW YEAR TO ALL, BEFORE THE YEAR END I JUST TO GIVE YOU A LITTLE GIFT (CHAPTER 11

STRAWBERRY_FACTORYcreators' thoughts