HIROSHI'S POV
Kanina pa ako text ngtext at tawag ng tawag kay Cassandra pero hindi pa rin siya nagrereply. Ginagantihan ba ako nito? Pero alam ko namang hindi siya ganun dahil hindi niya ako matitiis.
Last na tawag na 'to, kapag hindi pa rin niya sinagot pupuntahan ko na talaga siya bukas sa kanila.
The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try you call later.
Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Baka nagalit na talaga yun saken. Chat ko na lang yung kaya yung friend niya. May kilala naman ako na friend niya sa Japan.
After one minute ay nagreply na ito.
Umuwi siya ng Pilipinas. Hindi mo alam?
Umuwi siya ng hindi nagsasabi saken? Puntahan ko na lang siya bukas sa kanila. Alam ko naman address niya.
-
6 am pa lang ay gumising na ako dahil aagahan ko ang punta kina Cassandra. Linggo naman ngayon kaya okay lang. After 30 minutes, nakaligo na ako at nakapagbihis.
6:30 pa lang. Magpapahatid ba ako kay Kuya Bert? Sobrang aga naman baka nasa kalagitnaan pa yun ng panaginip. Commute na lang ako.
Bago ako pumunta sa kanila ay bumili muna ako ng bulaklak para sa kanya. Peace offering na rin. Naging mabilis naman ang byahe dahil maaga pa.
"Boss, nandito na po tayo," sabi sa akin ni kuyang driver. Buti na lang kilala niya sina Cassandra.
"Salamat, kuya ha. Ito bayad ko," sabay abot sa kanya ng bayad ko.
"Nako, boss. Barya lang sa umaga. Wala akong panukli sa isang daan."
"Okay lang. Keep the change na lang po."
"Maraming salamat, boss. Hulog ka ng langit."
"Sige, boss. Ingat," pagkaalis ng driver ay nagdoorbell na ako.
Naka-limang doorbell na ako pero wala pa ring nalabas. Dito ba talaga nakatira si Cass o baka naman walang nakatira dito.
Magdo-doorbell pa sana ulit ako ng may marinig akong boses.
"Teka lang! Hindi makapaghintay? Natutulog pa mga tao, agang-aga mambulabog," natawa na lang ako sa sinabi ni Cass. Kahit kailan talaga ayaw niya na nasisira tulog niya lalo na kung may manggigising sa kanya maliban na lang kung ako yung dahilan.
Hindi pa niya ako nakikita dahil medyo nakapikit pa siya at nagkukusot pa ng mata habang papunta sa gate nila. Pagkatingin niya sa akin ay napatigil siya sa paglalakad at nagkusot ulit ng mata.
"Hiro?!"
"Good morning, Cass," sabay ngiti.
Tumakbo naman siya palapit sa gate para buksan ito. Pagkabukas niya ay bigla niya akong niyakap.
"I miss you so much."
"I miss you too," bumitaw naman siya sa pagkakayakap, "Flowers for you."
"Thank you," sabay pout.
"Tama na ang pacute. Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob?"
"Ay! Hehe tara na sa loob."
Simple lang ang bahay nila pero maganda. Wala silang second floor pero malawak sa loob.
"Paano mo nalaman na nakauwi ako dito?"
"Text kaya ako ng text sayo kagabe. Hindi mo rin sinasagot tawag ko kaya chinat ko yung friend mo sa Japan," sagot ko habang may hinahanda siya.
"Umupo ka muna diyan. Ano gusto mo coffee or milk?"
"Ikaw," sabay ngiti.
"Mr. Jin para kang aso kung ngumiti," inirapan pa ako.
"Gwapo ko namang aso. Infairness, may lahi pa."
"Grrr! Umupo ka na nga lang dyan. May kasalanan ka pa saken."
Umupo na lang ako katulad ng sinabi niya. baka mag-transform pa 'to bilang dragon. Alam kong may pagkamaldita si Cass pero kaya ko naman siya ihandle.
"Here's your coffee, Sir," sabay abot sa akin ng dala niyang tasa.
"Thank you. Nga pala. Sorry kung hindi ako nakakareply sayo kahapon. Busy lang kase sa report para sa report na tinatapos namin."
"Sus, ang sabihin mo baka may ibang babae ka na," sabi niya habang palapit sa akin. May dala-dala siyang cookies.
"Wala nho. Loyal kaya ako sayo."
Umupo naman siya sa tabi ko, "Ang daya naman eh. Ako dapat magsusurprise sayo na umuwi ako pero mukhang ako yung nasurprise."
"Kailangan mo pa magpractice ng kauntian," sabay tawa.
CHANDRA'S POV
7:15 am na pala. Late na kami nakatulog ni ate dahil naggawa pa kami ng cookies. Bumangon na ako at nag-ayos ng higaan. Pumunta na akong banyo para maghilamos at mag-toothbrush. May sarili nga pala akong banyo sa kwarto ko.
Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ay may narinig naman akong natawa. Boses lalaki.
"Kailangan mo pa magpractice ng kauntian."
Lumabas na ako nagpuntang salas naming para makita kung sino yun. Kuya Hiro?
"Good morning, ate and Kuya Hiro," sabay ngiti.
"Gising ka na pala, sis. Halika papakilala muna kita kay Hiro."
"Kilala na naman niya ako ah."
"Syempre sa videocall yun. Iba kapag sa personal," lumapit na ako dahil alam kong hindi titigil si ate kapag hindi siya nasunod.
Tumayo si ate at lumapit sa akin, "Chandra si Hiro, boyfriend ko. Hiro, si Chandra kapatid ko," kinamayan ko naman siya.
"Ang formal naman," sabay tawa ko.
Siya pala si Hiro. Mas gwapo siya sa personal. Buti na lang nakatagal siya sa ugali ni ate.
Nakita ko naman yung cookies na nasa table, "Natikman mo na kuya yung cookies? You know what, si ate naggawa niyan kagabe. Ginabi na kami ng pagtulog dahil dyan."
Kinurot naman ako ni ate sa tagiliran, "Aray! Bakit?"
"Masarap. Gawa mo pala 'to. Kaya siguro hindi ka nagrereply sa akin kagabe nho?"
"Oo, kuya. Nagpalipas muna yan ng inis sayo kasi hindi ka nagrereply," sinamaan naman ako ng tingin ni ate. Nag-peace sign naman ako sa kanya.
*ding dong*
"Ako na, ate. Mukhang ito na si Ash," lumabas na ako ng bahay para tingnan kung sino yung tao. Hindi nga ako nagkamali, si Ash.
"Good morning, Ash."
"Good morning," walang sigla na bati nito.
"Oh, bakit ganyan itsura mo?"
"Kasi naman napaka hapdi ng sugat ko ngayon sa tuhod. Meron pa sa siko."
"Gagaling din yan. Huwag mo lang hahayaang mabasa. Lagyan mo lagi ng betadine."
"Ito nga pala yung order mong pandesal," sabay abot sa akin ng isang paper bag.
"Naks, naka-paper bag pa ha."
"Syempre special customer ka eh."
"Yieee, pasabi sa ate mo thank you ha. Ito bayad ko."
"Sa akin, walang thank you?"
"Sus, tampuhin mo. Thank you so much BFF," sabay yakap ko sa kanya.
"May pagbibigyan ba kayo niyan? Mukhang madami eh," siguro itong pandesal tinutukoy niya.
"Wala naman. Gusto ko lang patikim kay ate. You know, kakauwi lang niya. Nandito rin boyfriend niya eh. Gusto mo ba pumasok para makilala ka ni ate ng personal?"
"Naku, next time na lang. Kailangan ko na umuwi eh."
"Ganun ba sige. Thank you ulit ha. Ingat ka."
Inintay ko lang makaalis si Ash tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Pinatikim ko na kina ate at Kuya Hiro ang pandesal.
"So delicious."
"Ang sarap naman nito."
"Sabe ko sa inyo eh masarap yan. Sana makilala mo sila ate, malay mo maging business partners mo si Ate Asami."
"Sana nga, sis. Sana nga."