webnovel

Faces of Love (Tagalog/Unedited)

This is not only about a couple who fell in love with each other. This is not a typical lovestory that we encounter in every story. This is a story of sacrificing and choosing over love for your partner, love for family, love for friends and love for yourself. Hope you'll learn a lot from this story. Enjoy reading.

Danyan · สมจริง
เรตติ้งไม่พอ
10 Chs

CHAPTER 4:

CHAPTER 4:

"Cooper, uuwi muna ako." Agad na bumaling sa akin si Cooper na busy sa pagta-type sa kanyang laptop. He must be very busy this past few days, ofcourse I know. Bukod kasi sa Bar ay may resort din itong inaasikaso, he also has organization who's intended to help poor people.

Madaming humahanga sa kanya bukod kasi sa g'wapo ito ay matulungin din. Kung anong blessing ang natatanggap niya ay shini-share niya sa mga tao. Hindi siya nang insulto nang tao o nanakit man gamit ang pera niya. He's always humble.

"Handa ka ng masampal ulit?" seryosong tanong nito na may halong pang-aasar. Mahina rin itong tumawa, tuwang-tuwa sa pang-aasar niya.

"Wala ro'n ang magaling kong ama, nasa business trip siya," tanging turan ko, walang emosyon. Ganito ako kapag ama ko ang usapan. Nawawala ako sa mood at tanging madilim na emosyon lang ang pinapakita ko.

"Magugulat na ba ako na may alam ka sa pamilya mo? Concern ka parin sa kanila." Muli siyang humarap sa kanyang laptop at nagtipa. Parang wala lang sa kanya ang sinabi niya.

"Psh. Aalis na ako," paalam ko pero bago pa ako makalabas ng pinto ay muli siyang nagsalita.

"How's Mr. Montesillo?" Napalingon ako sa kanya nang nakakunot ang aking noo. Seryoso parin siyang nagtitipa sa keyboard ngayon, hindi man lang ako nagawang sulyapan. Ang unggoy na ito.

"Montesillo?" takhang tanong ko. Pilit inaalala kung saan ko ba narinig ang pangalan na iyon.

"The one you helped yesterday." Oh, yung pinagselosan din niya?

Nang maalala ko kung sino ang tinutukoy niya ay bigla akong nagtaka. Ako lang naman ang pinagsabihan niya ng kanyang pangalan bago siya umalis, pero bakit alam nang lalaking ito? Nakikinig ba siya sa usapan namin nang lalaking iyon? Ngunit, hindi gano'n si Cooper. Paano niya nalaman ang pangalan nang estrangherong iyon? Ang pormal pa nang pagkakasabi niya. Parang matagal na niyang kilala.

"You know his name?"

"Yeah. He's Caliber Montesillo, the owner of one of the most prestigious art museum in our country. When people heard the word art, Caliber Montesillo, comes out first to people's mind. That's how popular he is when it comes to art," paliwanag nito nang may paghanga sa kanyang mga mata. Psh.

A popular artist? Kung gano'n siya kasikat, bakit hindi ko siya kilala? Bakit hindi siya nakilala ng mga tao kagabi? Bakit nabugbog parin siya? That's fucking unbelievable! Kung sikat siya ay pinagkaguluhan na sana siya. But the other way happened.

"Makapuri naman ito, parang siya na ang pinaka-magaling sa buong mundo." I crossed my arms. "And, you're jealous of him," maarte kong saad.

"Ofcourse, I am. Sinong hindi magseselos no'n? Kung alagaan mo siya parang matagal mo na siyang kilala, akong matagal mo nang kasama hindi mo pa naaalagaan," usal niya na may halong pagka-disgusto sa tono ng pananalita niya. Halatang iritable siya.

"Kung gano'n siya kasikat, bakit hindi ko siya kilala?" kunot-noong pag-usisa ko. "Bakit hindi siya nakilala ng nga tao kagabi? Nabugbog pa nga siya."

"Dahil naka-disguise siya. Magaling siya sa art kaya alam niya rin kung paano babaguhin ang itsura niya sa mga ganitong pagkakataon. He's smart and you're just weird."

"Tss. Aalis na ako."

"Gusto mo ihatid na kita?"

"No. Gawin mo muna ang mga dapat mong gawin, nandiyan naman ang motor ko."

"Okay. Take care."

Inayos ko ang aking sarili bago tuluyang lumabas ng k'warto niya. Agad ko namang pinaharurot ang aking motor nang makasakay ako do'n. Binaybay ko ang daan patungo sa bahay ng mga magulang ko. Well, I can't call his house as mine, dahil hindi naman niya ako tinuturing na anak. At hindi naman ako nakatira sa kanila. I slept at the bar, iyon ang tahanan ko. Nasanay na ako sa ingay ng bar at gayon din sa tanawin roon, hindi na ako naninibago dahil iyon ang lugar na kinasanayan ko. Mas kabisado ko pa nga ang bawat sulok ng bar kaysa sa bahay namin.

Agad akong dumiretso sa k'warto ng aking ina nang makarating ako sa bahay. Nakita ko pa ang isang kasamabahay na naglilinis sa sala, takot na takot itong sumulyap sa akin ngunit hindi ko iyon binigyan pansin. I know how scary I am pero hindi pa naman ako halimaw para katakutan nila ng gano'n. Sa magaling ko lang na ama ako galit at hindi sa kanya.

"Anak..." agad akong niyakap ni mama nang makita niya ako sa labas ng kanyang k'warto. Mugto ang kaniyang mga mata at mukhang hindi pa nakakatulog nang maayos. Gulo rin ang kanyang buhok at halos hindi aakalaing mayaman sa itsura niya ngayon.

"Nag-away na naman kayo," hindi iyon tanong kundi isang statement na nagbibigay kasiguraduhan. Gano'n naman talaga, sa tuwing umiiyak si mama ay ang magaling kong ama ang dahilan. Ano pa bang bago?

Bago pa man ako umalis sa bahay na ito ay walang oras na hindi siya sinisinghalan ni papa. Kung minsan ay basta na lang niya iniiwan si mama at hindi inaayos ang problema. Gano'n siya ka-iresponsableng ama. Gano'n siya ka-walang kwentang asawa para pabayaan si mama.

"Hayaan mo na anak, konting tam---"

"Konting tampuhan na naman? Kailan ka ba magigising sa katotohan, 'ma?" Hindi ko mapigil ang pagtataas ng aking boses. Oo, masama akong tao, pero hindi sa mama ko. Maaaring napagsasalitaan ko siya pero ang mga luha niya ang kahinaan ko. Ito ang isa sa dahilan kung bakit namuhay akong may galit sa aking ama. Sa tuwing nakikita kong umiiyak si mama ay lalong nadadagdagan ang galit ko sa kanya. He's a jerk and irresponsible. "'Ma, alam kong mahal mo siya pero hindi ka ba napapagod? Palagi ka na lang niyang sinasaktan, oo nga't wala kang pasa o ano mang tanda na sinasaktan ka niya pero 'ma, mas matinding sakit ang iniiwan niya sa'yo. Bakit hindi ka gumising sa katotohanan na kahit kailan ay hindi ka niya minahal?"

Muli na namang nagbagsakan ang luha sa kanyang mga mata, hindi niya napigil ang sariling yumakap sa akin nang napakahigpit. Nuon ko lang ulit naramdaman iyon. Simula nang umalis ako sa bahay ay hindi ko na nakakausap nang maayos ang aking ina. Ngayon na lang ulit, ngayon na lang pero ganito pa ang madadatnan ko.

Malayo na siya sa dating nanay na nakilala ko, sobrang layo na. Hindi na siya tulad nang dati na masigla at puno ng ngiti ang mga labi, gayon din ang mga kumikislap niyang mga mata dahil sa saya. Lahat iyon ay naglaho na at lahat ng iyon ay dahil sa magaling kong ama. Kumuyom ang aking kamao sa katotohanang ama ko ang dahilan ng pagbabago ng sarili kong ina.

"Anak, kumain kana ba? Gusto mo ipagluto kita, tulad nang dati? Ipagluluto kita nang paborito mo." Inayos niya ang kanyang sarili, pinunasan ang kanyang luha at nagpakawala ng matamis na ngiti. Heto na naman siya.

Palagi niyang pinapakalma ang sarili matapos umiyak. Alam kong nahihirapan na siya pero nagawa niya paring ngumiti sa harap ko. Nagawa niya paring punasan ang kan'yang luha. She's strong and independent pero pagdating kay papa ay mahina siya, maybe he's her weakness. But my mama doesn't deserve this pain, she deserve someone better. Someone who can heal her pain.

Sumunod na lang ako sa kanya sa kusina, taas noo at parang walang pakaelam sa ibang tao sa bahay kahit pa pinag-uusapan nila ako. Umupo ako sa upuan habang pinapanuod si mama na nagluluto ng kare-kare para sa akin. Ang tagal ko narin siyang hindi nakikitang magluto, kahit tikman ang mga luto niya ay hindi ko rin nagagawa. Matagal akong umiwas sa kanya.

Nang matapos siyang magluto ay siya narin ang naghanda ng pagkain ko. Hindi niya ako pinakilos, sa halip ay pinagsilbihan niya ako. I saw a glimpse of genuine smile to her lips, it was priceless. Sumabay din siya sa akin sa pagkain, we act like there's no problem in this house. Parang normal lang tulad no'ng bata pa ako.

"How's life, Maxcien?" napaangat ako nang tingin nang banggitin niya ang pangalan ko sa malambing na paraan. Kahit iyon ay naging bago sa pandinig ko.

Gaano na ba ako katagal na nawala para makaramdam ako nang ganito?

"Better," tanging sagot ko, wala paring emosyon.

"Anak, pasensya ka na ha." Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Pasensya ka na kung hindi kita maipagtanggol sa papa mo. I'm sorry," hinging paumanhin niya habang unti-unti na namang lumalandas ang lungkot sa kanyang mata. "Pasensya na kung hindi ko kayang iwan ang papa mo. Mahal ko siya, anak, mahal na mahal ko ang papa mo kaya gagawin ko lahat para sa kanya, kahit pa kapalit no'n ay ang sarili kong kaligayahan." Her voice was too desperate.

"Umuwi lang ako rito para kumuha ng gamit at para kamustahin ka. Bukod do'n ay wala na. Wala rin akong pakaelam sa aking ama, ang gusto ko lang ay siguraduhing maayos ka pero mukhang hindi na mangyayari pa iyon." Mapakla akong napangiti.

"I hope you're doing fine. Araw-araw hinihiling ko na sana bumalik tayo sa dati. Sana masaya parin tayo bilang isang buong pamilya."

Mapait akong napangiti. She wish an impossible thing. Mabilis akong kumain at hindi na nagsalita pa matapos iyon. Hindi ko kayang magpanggap na ayos lang ang lahat. Hindi ako yung tipo ng tao na pepekein ang lahat para lang maging maayos. I prefer the messy life than having this fake one.

Malinis na ang aking k'warto hindi tulad nang huli ko itong nakita. Alam kong si mama ang naglilinis nitong k'warto ko. Wala namang ibang gagawa no'n kundi siya. I turned on the light and walked towards my bed. Nakita ko malapit ro'n ang isang family picture, It was taken when I was eight. Puno nang ngiti ang aming pamilya pero hindi na kami babalik sa gano'n kasaya. I wish we will but I know it'll never happened. Never. Never again.

"Aalis ka na naman?" tanong ni mama na kapapasok lang sa aking k'warto. Kasalukuyan akong nagliligpit ng aking damit na dadalhin ko sa bar na tinutuluyan ko.

"There's no reason for me to stay," sabi ko lang habang patuloy parin na nagliligpit. Hindi siya tinignan.

"Ako. I can be the reason for you to stay, am I not enough?" malungkot na saad niya. Naglakad siya papalapit sa akin at umupo sa gilid ng kama.

"'Ma, kahit gustuhin kong manatili sa bahay na ito hindi p'wedeng mangyari iyon. You know how I hate to be here. Kundi nga lang dahil sa iyo ay hindi ako pupunta rito."

"Bakit hindi mo na lang kasi pakisamahan ang ama mo? Magpanggap na lang tayo na masaya."

Tinignan ko siya, nagmamakaawa ang kanyang mga mata na sana ay magbago pa ang desisyon ko, na sana ay mag-stay ako sa bahay na ito. But, I already have decided, hindi na ako mananatili rito, if I do, it'll lead to war. Hindi ko rin kayang pakisamahan ang aking ama. Hindi ako magpapanggap.

"No, 'ma. I had enough, nakita ninyo kung paano ko pakisamahan ang 'papa' nang maraming beses. Naging bulag-bulagan ako sa mga nangyayari sa loob ng bahay na ito kahit pa labag iyon sa loob ko. Ayaw ko nang makasalamuha pa siya, he made me like this. Alam mong siya ang naging dahilan kung bakit ako ganito," saad ko na pinagdiinan ang salitang papa.

Lalong lumungkot ang kanyang mukha, nagbabadya ang mga luhang ano mang oras ay maaaring tumulo mula sa kanyang mga mata. Nararamdaman ko ang lungkot na kanyang dinadala.

"Hindi na talaga mababago ang isip mo..." Huminga siya nang malalim at malungkot ang mga matang tumingin sa akin. "... sige hindi na kita pipigilan pero anak mag-ingat ka ha, kung may problema ka, tawagan mo lang ako."

"I can handle myself, 'ma. Just protect yourself from papa, don't let him hurt you, again." Sinukbit ko ang backpack sa aking likuran atsaka siya tinignan. "Hindi ko alam kung kailan ako ulit babalik sa bahay na ito but if something happens call me, I'll be there."

Tango lang ang sinagot niya. Lumapit siya sa akin atsaka ako niyakap nang mahigpit. Dama ko ang inet ng kanyang katawan at ang mabigat nitong paghinga. Alam kong mabigat sa loob niya ang makitang aalis na naman ako ngunit hindi na mababago ang isip ko dahil do'n.

Hinatid ako ni mama hanggang sa gate ng bahay, napangiti lang siya ng makita ang motor na niregalo niya sa akin no'n. Iyon ang hiniling ko sa kanya sa halip na kotse, ayaw ko lang kasing natatakman ang mukha ko. I want them people to look at me with desire.

"Anak, mag-iingat ka, huwag mong pababayaan ang sarili mo," nakangiti ngunit may halong lungkot na saad niya. "Anak tanggapin mo---"

"I have my own money, 'ma," pagtanggi ko nang iabot niya sa akin ang pera. Hindi ko tatanggapin iyon dahil alam kong pera iyon ng aking ama. Ayaw kong magka-utang na loob sa kanya.

"Anak, sige na, tanggapin mo na. Wala ka namang trabaho kaya alam kong wa---" pagpipilit niya pero mariin akong umiling.

"'Ma, kahit anong pilit mo sa akin na tanggapin, hinding-hindi ko gagawin iyon. I have my own money, I can handle myself without his money," pagmamatigas ko. Umiling na lang siya at itinabi ang pera bilang pagsuko. Alam niyang wala talaga akong balak kunin iyon kahit ano pang pagpipilit niya. Kilala niya ako.

Niyakap niya na lang ulit ako bago ako sumakay sa aking motor, muli ko siyang sinulyapan at binigyan ng matamis na ngiti bago ko pinaharurot ang aking sasakyan papalayo sa bahay.

Nang makarating sa bar ay dumiretso ako sa k'warto ni Cooper, nakaharap parin siya sa kanyang laptop at nakakunot ang noo. Sa sobrang tutok niya sa ginagawa ay hindi niya naramdaman ang presensya ko, hindi nga ba o sadyang wala lang siyang oras para tignan ako kahit isang segundo? That monkey is too busy.

Naiiling na lang ako habang pinapanuod siyang magtipa. Inilapag ko na lang ang aking bag sa sofa atsaka ako tumungo sa kusina para ipagtimpla siya ng kape.

"You're here," takhang tanong nito ng mag-angat nang tingin sa akin, inilapag ko ang tinimpla kong kape sa table niya. "Kanina ka pa?"

"Napagtimpla na nga kita ng kape, mukhang masyado kang tutok sa ginagawa mo kaya hindi mo man lang naramdaman ang presensya ko."

He chuckled. "Huwag ka nang magtampo babe, alam mo namang lahat ng oras ko ay ibib--"

"Assuming ka, Cooper. Sinasabi ko lang na dapat nagpapahinga ka kahit saglit."

"My babe is worried," natatawang pang-aasar nito, inirapan ko na lang siya atsaka ako umupo sa sofa at inihilig ang aking ulo sa sandalan. "Babe, hindi yata mapula ang pisngi mo ngayon?"

"I told you nasa business trip ang magaling kong ama, si mama lang ang nando'n."

"How's she?"

"Been crying," walang gana kong sagot.

"Bakit hindi mo na lang muna siya sinamahan? She needs you." Sumimsim siya ng kape bago muling nagtipa sa kanyang laptop, nakakunot na ang kanyang noo.

"Tired?" pag-iiba ko ng usapan. Ayaw kong usisain niya pa ako tungkol sa pamilya ko. Ayaw kong pinag-uusapan ang problema ko kay papa o kahit na sino sa loob ng bahay na iyon.

Sa halip na sumagot ay tumango lang siya, hindi na lang ulit ako nagsalita. Hinilig ko na lang muli ang aking katawan sa sandalan ng sofa. Hindi ko na inistorbo pa si Cooper sa kanyang ginagawa, I know how busy he is to have chitchats with me. Alam kong marami siyang dapat asikasuhin.

Hindi ko namalayan na nakaidlip ako sa panunuod kay Cooper, nagising na lang ako na may kamay na dumapo sa balikat ko. It was Cooper who's smiling wide at me. Kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng kanyang buhok. Wala siyang suot na damit pang-itaas, halos mawalan ako nang boses habang nakabalandara sa akin ang katawan niya.

"Magbihis kana, aalis tayo," saad nito na ikinakunot ng noo ko. That monkey! Alam naman niyang kagigising ko lang tapos biglang aalis. "Huwag mo nang pagnasaan ang katawan ko."

"Where are we going, monkey?" inis kong tanong sa kanya, hindi pinansin ang kan'yang pang-aasar.

"Mall, I'll buy you some clothes," nakangiti niyang saad ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Ngayon pa talaga? Ngayon pa kung kailan nakakuha na ako ng damit sa bahay?

"What the fuck, you fucking monkey, ngayon mo talaga ako ibibili kung kailan naka-"

Hindi pa man ako nakakatapos ng aking pagsasalita ay tumakbo na ito palayo sa akin. Alam niyang kapag nagmura na ako ay mainit na masyado ang ulo ko. Nakakainis. Nagsayang pa ako nang effort para umuwi ng bahay gayong ibibili niya rin naman pala ako ng damit. That sucks.

Bago pa man siya tuluyang makalabas ay humarap siya sa akin.

"Let's have a date, babe."

D-date?