webnovel

Chapter 2

Marky's POV

Oo

Lumipas ang ilang mga buwan at nagkaayos na Rin kami Ni Nikki. Ang hirap pala niyang suyuin! Halos isang buwan ko rin siyang sinusundan at sinusuyo sa school nila. Hindi pala siya katulad Lang Ng ibang Babae Lang diyan na naka fling ko. Actually, Wala pa akong nagiging girlfriend simula nung Kay kyla, ex ko, naging kami for 2 years pero nagbreak kami Kasi doon na siya nag-aaral sa states, ilang buwan pa Lang Ng long distance  puro flings palang. Ayaw ko Kasi magkaroon Ng girlfriend na di ko Naman talaga Mahal. Hanggang fling Lang Muna or Fuck buddies. Pero lahat Yun nabago nung nangungulit na si Nikki sakin palagi. Halos lahat Ng atensyon ko nasa kanya na. Palagi kaming lumalabas. Hindi ko idedeny na masarap siya kasama Kasi Ang kulit Niya eh. At lalong Lalo na Hindi ko idedeny na nahuhulog na ako sa kanya Lahat Ng ayaw ko nagugustuhan ko dahil sa kanya. Nasabi ko na Rin sa kanyang nililigawan ko siya. Mamaya daw ay ipagpapaalam Niya sa kanyang mga magulang Ang panliligaw ko. Ngayon, nasa cafeteria kami Ng school namin, nagpunta siya rito eh. Buti nalang nakalusot kami sa guard kanina, ngayon, kumakain kami Ng siomai, tinusok ko Yung akin at inilapit ko sa bibig Niya.

"Say 'ahhh'." Sabi ko sa kanya.

"Ahhh." At tumawa siya. "O, ikaw Naman. Say 'ahhh'." Kumuha Rin siya doon sa lagayan Niya at hinarap sa bibig ko.

"Ahhh." Nagtawanan kami.

"Uy, pre, sweet Naman. Nga, pala may practice tayo maya-maya, sa gym daw." Si Robert, kasama ko siya sa team namin sa basketball. "Hi, miss beautiful, ako nga pala si Robert, pero Bert nalang Ang itawag mo sakin." At naglahad siya Ng kamay. Ilalapit na Sana Ni Nikki Yung kamay Niya pero hinarang ko Yung kamay ko at ako Yung nakipag-kamay.

"Siya nga pala si Nikki, Bert." Binitawan ko na Yung kamay Niya. Nilingon ko si Nikki at nakitang nagiging awkward na sa kanya. "Susunod na ako sa gym, pumunta ka na doon." Ngumiti ako sa kanya.

"Grabe ka Naman pre, napaka-seloso mo namang boyfriend." At tumawa siya.

"Uh, hin–"

"Syempre, mahirap na, baka maagaw pa sa akin." Putol ko sa sasabihin Ni Nikki. Tumawa Lang si Robert at umalis na.

"A-ano Yung s-sinabi mo kanina?" Tanong sakin ni Nikki. Nilingon ko siya.

"Uh, nakalimutan mo na? Nililigawan na kita, right? So, ibig sabihin, gusto kita.. so, balang araw magiging tayo Rin." Malapad na ngiti ang nakaukit sa aking mga labi.

Umawang Ang labi Niya. Kinuha ko Yung kamay Niya sa hita Niya at hinawakan. Pinaglaruan ko Yung mga daliri Niya. Ang lambot Ng kamay niya, Ang kutis Niya ay maputi, Moreno Kasi ako eh, may matangos na ilong, cute at malambot na pisngi, Ang labi niyang mapupula at thin, Ang kaakit-akit at maamo na hugis Ng kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo at niyakap siya Ng mahigpit.

Lumipas Ang anim na buwan na tuloy tuloy Lang kami sa pag-gawa Ng memories. Bukas Ang Valentine's day at sosorpresahin ko siya. Naka-graduate na Rin siya sa elementary, tuloy tuloy pa Rin Yung panliligaw ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa bahay namin at ka-text Lang si Nikki, Hindi Kasi kami nagkita ngayong araw. Naipakilala na Rin ako sa pamilya Niya. Grabe, challenging Yung pagpapakilala sa akin, ang strict pala Ng parents Niya. Kahapon, na-meet ko Rin Yung mga Tito at tita Niya. Ang strict din. Ganon pala siya ka-alaga Ng pamilya Niya. Sabi nila alagaan ko raw si Nikki, sa oras daw na umiyak siya ay lagot daw ako sa kanila. Lahat Ng pamilya Niya nakilala ko, nakilala ko rin Yung kamukha Niya na babae, pinsan Niya pala Yun , pero may isang pagkakaiba sa kanila, Yung belle Kasi na pinsan Ni Nikki ay Morena tapos lahat ng features Ni Nikki kapareho Rin Niya. Mabait din siya. Tapos nakilala ko rin Yung yumakap Kay Nikki na lalaki noong graduation niya, pinsan Niya pala Yun. Mas matanda siya Ng isang taon Kay Nikki. Aaminin ko nagselos ako nung niyakap Niya si nikki, pero nung nalaman Kong pinsan Niya Yun, nawala lahat Ng selos ko.

Nikki:

Marky.

Napangiti ako Ng Makita Yung message Ni Nikki. Tatawagan ko nalang siya. Dinial ko Yung number Niya at nag-ring Yun. Pagkatapos Ng mga limang ring ay sinagot na Niya Yun.

[Hi..] wait Lang..parang may Mali sa boses niya?

[May problema ba?] Tanong ko sa kanya.

[Uh.. Wala..malungkot Lang Kasi ako Kasi hindi kita nakita at nakasama..] natawa ako sa sinabi Niya.

[Okay Lang Yun, magkakasama Naman tayo bukas eh.. may date ka ba bukas?] Tanong ko sa kanya.

[Wala eh..] napangiti ako sa sagot niya.

[Uhm.. bukas..baka di ako makapunta sa school mo, uhm.. baka mga Gabi pa tayo magkita..] napangiti ako sa sarili Kong pag sisinungaling.. pupunta ako sa school nila at sosorpresahin ko siya. Ngayon pa lang natatawa na ako sa itsura niya. Siguro, nakanguso yun at malungkot.

[Ah, Ganon ba.. sige, okay Lang.. ibababa ko na naaantok na Kasi ako eh.] Sabi Niya.

[Uh, sige, bye!]

Hindi na siya sumagot at pinatay na Ang tawag. Natulog nalang ako Ng nakangiti.

Pagkagising ko, tiningnan ko Yung cellphone ko at nakitang ala sais y media palang pero bumangon na ako at naligo. Nagsuot Lang ako Ng red couple shirt na may nakalagay na 'i love her' meron ring ganon si Nikki at nakalagay na 'i love him' pinagawa ko Lang Yun kahapon. Umalis na ako sa bahay. Siguradong nandoon na sa Valentine's party si Nikki. Nang nakarating ako ay hinanap ko kaagad si Nikki. Nakita ko si Robert kaya siya Yung tinanong ko.

"Bert, si nikki, nakita mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko kanina doon sa terrace eh." Nagpasalamat Lang ako sa kanya at umalis na. Pinuntahan ko nga Yung terrace at nakita nga si Nikki na naroon, nakatingin sa tanawin sa labas Niya, nakatalikod sakin. Lumapit ako Ng tahimik at niyakap siya sa likod.

"Ahh!! Sino ka?!" Nagulat siya.

"Happy Valentine's day, ki." Bulong ko sa tainga Niya. Binitawan ko siya at hinarap sakin. Nanlaki Yung mata Niya Ng nakita Niya ako. Nakasuot siya Ng white highways short at naka red na plain t-shirt.

"Sabi mo Hindi ka pupunta? Na surprise mo ko!" Tumalon siya at niyakap ako. Niyakap ko Rin siya. Bumitaw siya sa yakap at ngumiti sakin. "Uhm.. ano yang dala mo?" Sabay tingin Niya sa paper bag na dala ko. Kinuha ko Yung laman nun at ipinakita sa kanya.

"Suotin mo." Sabi ko.

"Ang Ganda! Sige ah, magbibihis Muna ako sa cr." At tumakbo siya. Naiwan Lang ako doon na nakangiti. Nang dumating siya ay nakitang bagay sa kanya Yung t-shirt, medyo Malaki Yun kaya naka-tuck in.

"Tara?" Sabay lahad ko Ng kamay ko. Nilagay Naman Niya Yung kamay Niya doon at pinagsalikop ko naman Yun. Lumabas na kami sa terrace at nakisalo na Rin sa pagkain. Nang natapos Yun ay inuwi ko siya sa bahay nila.

Lumipas muli Ang isang panibagong buwan at Yun Ang araw Ng birthday Niya. April 20 Ang birthday Niya. Naligo Lang ako at nagbihis Ng gray na t-shirt at black na shorts. At nagpunta na sa bahay nila. Nagdoor bell ako at pinagbuksan ako Ni nikki.

"Happy 13th birthday!" Bati ko sa kanya. Hindi ko siya niyakap dahil naka tingin Ang pamilya Niya. Ngumiti ako sa kanila at nagmano. Naka sando at shorts palang si Nikki. Mukhang Hindi pa nagbibihis. Puro tawanan at kwentuhan Lang Ang naririnig ko sa matatanda. Nang matapos na tumulong si Nikki doon at lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Kumain ka na.." Sabi Niya sa akin.

"Mamaya na.. sabay na tayo.. Hindi pa Naman ako gutom." Ngumiti ako sa kanya.

"Uh.. okay. Maliligo muna ulit ako ah.. intayin mo ko Diyan." At umalis na siya. Makalipas Ang ilang minuto ay lumabas na si Nikki sa pinto Ng kwarto Niya. Napatitig ako sa kanya. Naka suot na siya ngayon Ng shining red tubed top dress na hanggang tuhod. Ngumiti siya.

"Huy!" Bumalik ako sa ulirat Ng marinig Ang matamis na boses ni Nikki. Nandito na pala siya sa tabi ko.

"Kain na tayo." Tumayo siya at kinuha Ng dalawang Plato at nilagyan Ng spaghetti at pansit at Ng lumpiang Shanghai. "Oh.." sabay bigay Niya sa akin Ng plato. Kumunot Ang noo ko Ng makitang spaghetti Lang Ang kinuha Niya para sa kanya.

"Bakit Yan Lang kakainin mo? O, eto oh lumpia." Sabay lagay ko sa Plato Niya Ng lumpia pero hinawi niya Yun at marahang nilagay ulit sa Plato ko.

"Wag na.. ayoko.." nag-iwas siya Ng tingin.

"Bakit?" Medyo tumaas Yung boses ko kaya napatingin siya sa akin.

"D-diet Kasi ako..." Umiwas muli siya Ng tingin. Napakamot ako sa batok ko.

"Bakit kailangan mong mag-diet? Ang payat payat mo oh." Turo ko sa katawan Niya.

"Sige na please? Pagbigyan mo na ako?" Nag puppy eyes pa siya.

Bumuntong hininga ako."sige na nga.." kahit labag sa kalooban ko.

"Yey.. thank you." Bulong Niya sa akin. Nang matapos Yung party ay alas diez na.

"Ihatid Muna yang manliligaw mo sa labas, Nikki." Utos Ng mama Niya.

"Opo.." hinila ako Ni Nikki sa labas. Nang makalayo na kami ni nikki Hindi kalayuan sa bahay nila ay tinitigan niya ako. Seryoso Ang mga mata niya.

"Yung matagal mo Ng hinihinging sagot sa akin ay matatanggap mo na ngayon.." tumingin siya sa mga Mata ko. Kahit Hindi Niya sabihin Alam Kong Yun Yung matamis na Oo Niya.

"Oo, marky.. pumapayag na akong maging girlfriend mo.." lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko Rin siya Ng mahigpit. Unti unting tumulo Yung luha ko. Di ko inaakalang ngayon Niya na ako sasagutin. Nang bumitaw na siya sa yakapan namin ay hinawakan ko Ang dalawa niyang kamay at hinalikan.

"Salamat.." tumulo na Ng tumulo Yung luha ko. Nakita ko ring tumulo Yung luha sa mata Niya. Hinawakan ko Yung pisngi Niya at pinunasan Yung mga luha Niya roon. Alam Kong mga Bata pa kami. Pero Wala Ng makakapigil sa pagmamahalan namin.

"Mahal na Mahal kita, ki." Bulong ko sa kanya.

"Mahal din kita." Bulong Naman Niya sa akin.

Kung panaginip man to Sana huwag nyo na akong gisingin please! Parang awa muna, Lord! Wag mo na akong gisingin sa panaginip na to!

++Don't forget to support my story++