webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · แฟนตาซี
Not enough ratings
27 Chs

Unang Kabanata

Sampung Napiling Estudyante

Unang Kabanata

Tulala ang dalagang nakamasid sakanyang pagkain. Tahimik lamang nitong pinagmamasdan ang bawat galaw ng kamay ng kanyang ina sa pagsubo. Halatang wala siyang ganang kumain. Ang mukha niya'y namumutla. Ang kanyang labi ay nanunuyo.

Bawat patak ng segundo ay bumibigat ang kanyang paghinga. Marahan niyang iginalaw ang kanyang kamay para magsalok ng pagkaing nasa kanyang plato. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit nga ba nangyayari ito sakanya, pero isa lamang ang alam niya. Nagsimula ito noong araw na iyon.

"Hija." tawag ng ina sa dalaga. Nagising ito sa katotohanan matapos siyang tawagin nito. "Ayos ka lang ba, anak?" pag-aalalang tanong nito. Sinuklian niya ito ng tipid na ngiti. "Ayos lang po ako. Walang po talagang gana ngayong araw." bigkas niya, garalgal ang boses, na para bang may bumabara sa lalamunan nito.

"Walang gana? Ilang araw ka ng ganyan? Ano bang nangyari?" muli ay nagtanong ng kanyang ina. Napailing ito. "Totoo, Ma. Promise. Ayos lang po ako." bigkas niya.

"Sigurado ka ba? Kaya ko nga niluto 'yang paburito mo dahil akala ko ay gaganahan ka." saad ng kanyang ina. Mabagal na hinarap ng babae ang pagkaing nasa hapag-kainan. Oo, alam niyang paburito niya ito. Pero naweiweirduhan na siya ngayon sa itsura at amoy nito. Pakiramdam niya'y masusuka siya ano mang oras.

"Hindi ba't paburito mo ang dinuguan? Sige na anak, kumain kana. Kahit konti lang. Para may sigla kang pumasok sa eskwelahan mo." ani ng kanyang ina. Pinagmasdan niya lang ito. Inabot niya ang bowl ng dinuguan atsaka iyon ipinatong malapit sa kanyang plato. Marahan niyang hinawakan ang kutsara atsaka sumalok nito atsaka isinubo.

Sa puntong malasahan niyang pagkain, nagsimula na siyang maduwal. Kaagad ay tumakbo siya sa banyo atsaka doon isinuka ang sinubong pagkain. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba anak?" panic na tanong ng kanyang ina habang hinihimas ang likod nito. Sunod-sunod na ubo ang inilabas ng dalaga.

"Hindi ba masarap ang niluto ko?" tanong ng kanyang ina. Umiling muli siya. "Wala po talaga akong ganang kumain. Pasensya na po." bigkas nito atsaka na tumayo at pinunasan ang kanyang bibig gamit ang kanyang panyong hinugot niya mula sa kanyang bulsa. "Sa eskwela nalang po ako kakain." bigkas niya. Nag-ayos na siya ng kanyang sarili atsaka inihanda ang kanyang gamit.

Matapos gawin ang lahat ng ito ay humalik na siya sa pisngi ng kanyang ina atsaka naglakad papalabas ng kanilang bahay. Gayunpaman ay hindi parin matanggal ang kaba at takot na nararamdaman ng kanyang ina. Ano nga ba ang naging dahilan ng pagkawala ng gana nito?

--**--

Someone's POV

The university was so huge. It has a lot of trees around it that it feels so cold, even without air conditioner. Magkahalong takot at kaba lang akong naglakad papasok ng kwarto ko, salubong ng mga mukhang naipinta sa mga hitsura ng mga kaklase kong hindi ko maipaliwanag. Pagkatapos kong umupo ay mabilis na nawala ang mga tingin nila saakin.

Lahat ay may ginagawa. May nagsusulat ng kung ano-ano sa papel. Meron 'pang nagchachant ng words, na nakakatakot kung pagmamasdan. Mayroon din namang may hawak na lapis atsaka mabagal na paulit-ulit niya itong itinutusok sa larawang nakapatong sa taas ng kanyang lamesa.

Nagsimula ito noong araw na iyon. Ang unang araw ng pagkakaluklok ng bagong head na lalaki ay inakala naming magdudulot ng mabuti saamin. May ilang program pa nga itong inilunsad, at isa narito ang nagpabago sa pagkilos ng mga estudyante.

Tinawag nila iyong, "Oplan Sagip Kalusugan, Para sa Kinabukasan ng Kabataan." Ngunit mukhang hindi magiging malusog kinabukasan ng mga estudyante dito. They started acting wild, minsa'y nagkakagatan na para bang mga hayop. Ang lalalim ng ng kanilang mga tingin. Mga agresibo ang bawat galaw. Nakakatakot, sobrang nakakatakot.

Ilang buwan na akong nandito, ngunit hindi ko lubos maunawaan kung bakit walang lumalapit saakin at gustong makipagkaibigan. Sinubukan ko naman pero pilit na lumalayo saakin ang mga tao. Ano bang ayaw nila saakin? Alam ko sa sarili ko that I am friendly enough to be their friend, pero bakit ganun padin ang way ng pakikitungo nila saakin?

This university is quite, yet when you already saw what's inside, it will drive you insane. Students here are not just ordinary students. They are somewhat possessed by something. Sometimes, I think, this is like a Hell University, but nah. It is like a bit of normal universities, students having fun chatting in the grass, students eating their meals at the canteen, and students in corner who listens to music silently.

But as the days were passing so slowly, their attitude are also slowly changing. As you can see, they are not the healthy students. By that, I mean, they are not late taking their classes (except me and others I think), they are not having a healthy classroom competition, and mukhang walang pakialam ang mga professors kahit anong mangyari. Ganun araw-araw ang sitwasyon dito.

At ngayon lamang ito nangyari sa loob ng university ito. Kapansin-pansin ang pagbawas ng bilang ng mga teachers namin. Halos estudyante na lamang ang nakikita ko, at minsa'y kapag nakakasalamuha ako ng isang guro ay aligaga ang mga ito. Maging sila'y natatakot din sa mga pangyayaring ito.

One day, an announcement was held at the covered court. Students were gathered, so that they will be informed. Wala akong kaalam-alam kung ano ang inaannouce nila. Pero sa mga kinikilos ng mga kaklasi ko, para ba silang natatakot. The announcement has something to do with their fear, para bang ikanatatakot nila ang announcement na 'yon, that made me more curious kung tungkol saan ba 'yon.

May iilang nagbalewala sa announcement at nanatili sa mga classrooms nila. Tiyak na kapag nakita sila ng Supreme Student Government (SSG) ay mapaparusahan at madadala ang mga ito sa principal's office.

I heard the Head of the university coughed before he spoke his words. Everyone was shaking, everyone is somewhat nervous. Pero ako wala at all. Hindi ko man kasi narinig kung tungkol saan ba ang announcement. Tanging nasa harapan ng stage ay isang bowl, kung saan may nakalagay na mga pangalan.

Narinig kong gumalaw ang mic ng ipasa ito ni manong konduktor sa Head. "Good afternoon, students." panimula nito. Mariin niyang pinagmasdan ang mga estudyante, bago ibinaling ang tingin sa hawak niyang papel.

"So, I am happy to annouce you, whoever are the students who will be picked and join the 10-day camping on the university, will be spending their days, by living with limited number of items. As what mentioned, camping. You should learn how to live in case you got stucked on a island or something. Luckily, this is a university, so you have the chance to survive. This will be broadcasted live in television, so I think these students are lucky." rinig kong announce ng Head na sobrang saya nito. Wala namang nakaka-kaba sa sinabi niya, sa totoo lang nakakaexcite nga ito eh. Pero hindi ko alam kung anong ikinakatakot ng ibang estudyante. Mayroon naman akong nakikitang students na mukhang excited at halos ikamatay kung hindi masasali dito, lalo na live broadcast sa TV. A lot of people will be watching.

"Here are the lucky students, who will be joining the Camping." sabi ng Head atsaka na ipinasok ang kamay sa bowl para makabunot ng iilang maswerteng estudyanteng makakalahok in such a big event. This is really something. Why would they shut down the university for ten days para lang sa isang event na 'to?

"These students that I will be mentioning will come forward." atsaka na siya nakabunot ng papel.

"Melona Liza Romero." anunsyo ng Head atsaka isang babae ang naglakad papalapit sa harap. Nginitian lang siya ng guro.

Ang babaeng iyon, si Liza. Medyo may kaliitan, pero maganda. Medyo slim ang katawan, mukha siyang buhay na barbie doll. Sa hitsura nito, mukha siya 'yung tipo ng maingay, pero ngayon tahimik lang siyang nakatayo doon.

"Ismael Jackques Mendoza."

Itong isang 'to, may pagka-good boy side pero at the same time, para bang mangbebreak ng school rules. Siya 'yung medyo may katangkaran at kagwapuhan. I heard his name sa isang liga ng school, kasali yata ito sa sports. Basketball to be specific.

"Mikee Santillan."

Heto naman yung tipong open book na talaga and no more explanations. Blonde hair, blue fingernails na nagpabagay sa kulay ng balat niya. White skin tone, maganda at has a personality na ayaw magpatalo. Parang 'yung mga mapapanood mo sa mga teleserye.

"Jerome Manalastas."

Medyo may pagka-cool. Mukha namang nasa ranggo sa klase at parang siya yung tipong kakausapin mo palang, parang ka-close mo na siya.

"Ashley Kim Montenegro."

Medyo timid personality. Maganda siya, meron itong big, round, brown eyes. Nakasalamin ito, that made her look more cute. Tahimik lang din itong pumunta sa harap. Ito yung tipong kapag ginulat mo mapapamura ng mathematical equation.

"Nathaniel Crisostomo."

May pagka-spanish ang name. Mukha itong nagmula sa mayaman na pamilya. Gwapo, isa siguro sa mga kilalang hearthrob ng school dahil may narinig akong iilang nagsigawan sa kilig. Naging desperada ang iilan sa mga estudyante dahil gusto nilang makasama ang mga taong hinahangaan nila.

"Maria Lyneth Roque."

Malamang isa nanamang bookworm. Medyo may katangkaran din at kayumanggi ang balat. She has the unique smile, dahil nakita ko siyang ngumiti. Siguro ay nasa mga tinawag sa harap ang taong gusto niya.

"Rinnah Sebastian."

The Bangsie girl. Medyo mukha siyang japanese and she's cute, 'yun nga lang, she possesses a timid personality. Siya 'yung tipong madalang lang magsalita. She's a hugging monster. Sweet and caring child, a very unique personality.

"Mark Joseph Canasa."

He's a gay. Kung maglakad ito, pang babae. He seems to be a cheerful, hype, and friendly type of person.

"And the last lucky student." banggit ng Head na mukhang excited sa naturang activity ng school. Hindi ko alam, nakaramdam ako ng kaba.

In a split of seconds, it felt like the world stopped revolving. My heart stopped, the moment I heard my name.

"Rebecca Natividad." tawag ng Head, eyes and smile, more widened.