webnovel

PROLOGUE

Prologue

My phone keep on vibrating due to receiving amounts of notification. I didn't expect ganito pala kasikat ang librong Epiphany. Sure, madalas ko itong nakikita sa mga Soc Meds at marami ang nagrerecommend sa akin na basahin ko ito, pero hindi ko naman naisip na ang simpleng pag-post ko ng picture ng librong ito ay magiging trending in just a few minutes.

It was only 15 minutes ago nung nag-post ako sa Facebook ngunit ang likes ay nasa thousands na. Ang daming shares at ang daming comments na sobrang ganda daw ng libro— isa sa mga stories na nabasa nila na hindi nila makalimutan. Mostly sa mga comments ay nagtatanong kung saan ako nakahanap no'n. Ang dami ko ring natatanggap na direct messages.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga comments, na maya't maya ay nadadagdagan.

Ateeeee, pwede pakisabi saan mo nabili yan?

Kendria did you purchase the book through pre-order? May inorder kasi ako preorder sa isang store pero hanggang ngayon wala pa din 😭😭😭😭

Highly recommended yan! Paulit ulit kong binabasa. Ang gwapo ng character ni Donovan hihihi

Anyone na nakakaalam saan ako makakabili nyan please? Araw araw na akong nagbo-book hunting sa mga bookstores dito sa'min palaging out of stock. Please.

Baka meron sainyo nagpapa-rent ng book manlang? Willing to pay kahit magkano. The bookworm in me is so desperate na huhu. I've seen many teasers out there and lalo akong nae-entice basahin sya kaso paanooooo. Ang hirap hagalapin ng librong yan.

Mayayaman lang ata nakakakuha ng librong yan. Palaging out of stock. Paano nire-reserve ng mga bookstores sa mga influencers. Paano naman kami mga normal na mamamayan?

Hindi ko alam kung sino sakanila ang rereplyan ko at kung ano ang irereply ko.

Mayamaya lang naka-receive ako ng message mula sa bestfriend ko.

Halle: Girl! Finally, nakabili ka na. Swerte mo nakahanap ka. Saan ka pala nakabili?

Siya talaga yung pinaka-namimilit sa akin na bilhin ko yung libro. Sobrang ganda daw kasi. Pero ayaw naman niya ako pahiraman. Best friend niya daw ako pero di niya kayang ipagkatiwala sa akin yung libro. She said she can trust me for anything just not that book. Tss.

Sa NBS, sa SM Aura.

Reply ko sa kanya. Siya lang yung bukod tanging nireplyan ko. Hindi ko pinansin yung mga classmates kong nangungulit tungkol sa libro.

Halle: Bakla ka, dapat gumawa ka ng unboxing video nyan tas inupload mo sa Youtube. Kikita ka pa. Sureball daming views nyan.

Napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga, sayang. Char!

Anyway, this is the priciest book I ever have. Wala naman talaga akong planong bilhin ito lalo na nung nakita ko ang price which cost 2 weeks of my allowance. Sumakto lang na nakita ko ito sa National Bookstore habang nagtitingin tingin ng mga libro. Dahil ang daming hooked dito, na-curious ako kaya kinuha ko at ini-scan ang cover.

I will see you again in every quadricentennial of our marriage.

History will keep repeating itself until Epiphany.

Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng goosebumps nang mabasa ang mga linya na iyon. Babasahin ko pa sana ang blurb ngunit may humablot sa kamay ko ng libro.

"Mommy! Nakahanap ako ng Epiphany!" sigaw ng isang babae na kulay pula ang buhok. I believe she's 15-17 years old.

Nagkaroon ng commotion sa loob ng bookstore. Nakaagaw ng pansin ang babae. Lahat sakanya ay nakatingin. Dahan-dahan akong napaatras dahil tila nakikinita ko na ang mangyayare.

Bago pa dumugin ang babaeng kumuha ng libro sa kamay ko, tumakbo na ako palayo. Huminto ako malapit sa counter. Nagkakagulo sila, nag-aagawan. Nataranta naman ang guards at pilit inawat ang mga taong nag-aagawan sa libro.

May narinig akong mahinang tumawa sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya. He has a porcelain skin, red lips and a not-so-masculine jawline that fits perfectly the shape of his face. He's wearing shades which makes him so attractive plus his sexy fragrance. Nakausot siya ng white long sleeve at itim na jeans paired with Converse shoes. Walang pag-aalinlangan rich kid ang taong ito. Lalo kong na-assume ang bagay na iyon nang mapansin kung gaano ka-kinis ang mukha niya na tila walang pores at alagang alaga ng dermatologist. On top of it, ang bango niya. Amoy mamahaling pabango ang gamit. I couldn't deny he looks cool. He's the type of guy na magiging crush mo agad unang kita palang.

Not me, though. I already have a boyfriend.

Nakatingin siya sa mga nagkakagulo habang mahinang tumatawa. Gusto ko siyang ayawin at tanungin kung anong nakakatawa sa part na nagkakagulo ang mga tao knowing na mayroong nasasaktan? Plus, karamihan sa mga nagkakagulo ay mga teenager.

"You want the book?"

Bahagya akong nagulat nang bumaling siya sa akin.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Pasimple akong lumingon sa gilid ko at sa likuran para masiguro kung ako nga ba talaga ang kinakausap niya. Nakasuot kasi siya ng salamin kaya di ko makita kung sa akin nga ba talaga siya nakatingin.

Nang mapatunayan kong walang ibang tao sa paligid namin, tumingin ako uli sa kanya at sinagot siya.

"Nope."

The side of his lips curled up. "I know you do."

"Sir," tawag sakanya ng cashier sa kanyang gilid. Saka ko lang napansin na nakatukod ang kamay niya sa counter. Napa-wow ako sa isip nang makita kung gaano kaganda ang relo niya. Rich kid nga talaga siya!

Kitang kita ko kung paano matulala si Ateng Cashier sa lalake habang inaabot nito ang paperbag.

"Thank you," sabi ng lalake tapos humarap na sa akin.

And the moment he took my hand to give me that paper bag, I felt some kind of electricity in my body I can't explain. I have a boyfriend. And I hate to say I never felt this kind of thrill in my body kahit nung unang beses na hawakan niya ang kamay ko.

My heart started beating fast. Napatitig ako sa lalake.

He smiled.

Napatulala ako sa ngiti niya... at tila nakaramdam ako ng longing somewhere. Like I'm missing someone so much.

He grabbed my hand at hinila ako palabas ng bookstore. Saglit na nagdivert ang atensyon ko sa crowd na ngayon ay magkakahiwalay na. Napanganga ako nung makita kong punit punit na ang libro at ang mga reaksyon nila ay halos maiiyak na. Obviously they fought for nothing.

"Take care, Callista." Ito ang huling sinabi ng misteryosong lalake bago niya ako iniwan. Kendria ang pangalan ko. He must have mistaken me for someone. And the paperbag? Naglalaman ito ng libro na naka-box pa.

That's how I got this book. Medyo mahabang story at hindi ko alam paano ko iki-kwento sa mga nagtatanong kaya sinasagot ko nalang kung saan ko ito nakuha tulad ng tanong nila.

Mayroong nag-doorbell sa room ng hotel na tinutuluyan ko. Binaba ko muna ang phone ko at tumayo para buksan ang pinto. A staff with a cart smiled at me. May dala siyang foods at red wine. Siya na rin ang nagset-up non sa table.

Pagkaalis niya, kinuha ko ang librong Epiphany at naupo sa dining table. I started reading the story.

My phone beep. That's the sound I applied for my boyfriend's message. Para alam ko agad kung siya ang nagtext. Tumayo ako muli para kunin sa couch ang phone ko. Excited akong basahin ang message nya but I only got disappointed.

Love, I'm so sorry I can't make it. Nasa practice pa rin kami hanggang ngayon. Mainit ulo ni Coach, di ako makapagpaalam. Sorry talaga.

I replied, okay lang. I love you!

Okay lang pero hindi talaga. I feel so alone and lonely.

Tinext ko nalang si Halle kung available siya ngayon tapos bumalik na ako sa dining at napatitig sa red wine sa glass. Sinalin iyon ng staff bago siya umalis kanina.

Tinitigan ko ang wine bago ko ininom. Napapikit ako ng gumuhit ito sa lalamunan ko. Ngayon lang ako uminom ng alak kaya siguro nahilo ako agad kahit kaunti lang naman ang ininom ko.

Tumayo ako para magpuntang bedroom dahil pakiramdam ko gusto ng katawan kong humiga dahil sa sobrang hilo.

The next thing I knew, hindi ako nakaabot sa kwarto. I passed out.