webnovel

CHAPTER 1

Chapter 1

"Is this how comfortable you are to me? You always end up sleeping when I'm beside you."

Ayun ang una kong narinig nang magising ako. Nalaman ko nalang na nakasandal ako sa balikat niya kaya lumayo ako at kinusot ang aking mga mata dahil medyo malabo pa ang vision ko.

Ilang segundo bago bumalik sa normal na linaw ang mga mata ko, nakita ko ang isang lalake na nakaupo sa tabi ko habang nakatingin ng seryoso sa'kin at nakakunot ang noo.

Nasa harap ko ang sa tingin ko ay trese anyos na lalake. He has tousled dark hair, white skin, charming eyes, prominent nose and plump lips. Napakagwapong bata!

Natauhan ako ng batuhin nya ako ng mga dried leaves na dinampot niya sa sahig. "Stupid!" he hissed.

"Ayos ka, ha!" Pasalamat siya, hindi ako pumapatol sa bata.

Inirapan ko nalang siya at bumaling sa harapan. Hindi ko napigilang mapa-wow sa pagkamangha. Para akong nasa paraiso. Nasa tapat kami ng malinis na ilog at maraming puno ang nasa paligid na lalong pinaganda ng mga makukulay na bulaklak. May mga nagliliparan rin na mga paru-paro! On top of it, there's this glorious rainbow that seemed to stretch across the entire sky. Ganitong lugar ang nakikinita ko noon kung walang global warming na nagaganap.

Nilingon ko uli ang bata. Nahuli kong namula ang pisngi niya nang titigan ko siya.

Natawa ako ng mahina sabay kinurot ang magkabila niyang pisngi. "Ang cute mo! Where's your mommy?"

Tinaboy niya ang mga kamay ko at lumayo sa'kin. "You are irritating!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Spoiled brat!"

Nakita ko kung paano siya mainis sa sinabi ko. Tumayo siya at tumakbo palayo, iniwan ako.

Saka ko napansin na kakaiba ang kasuotan niya. Ung outfit na kadalasan kong nakikita sa mga cosplay events... or sa mga palabas na may prinsipe.

Pagtayo ko, nanliit ako sa sarili ko. Parang may mali.

Yumuko ako para tignan ang paa ko, ang sarili ko.

AND WHY AM I EVEN WEARING A VINTAGE DRESS AS IF I'M SOME KIND OF A ROYAL PRINCESS?

Fudge! Saan ako pupunta? Iniwan ako ng batang kasama ko. Worse, wala akong makitang bahay. Puro puno, benches, at drift boats lang ang nakikita ko. Argh! Nagsisimula na akong mag-panic.

Bigla akong napatingin sa ilog. Lumapit ako rito at dahang-dahang sinipat ang aking sariling reflection sa malinaw na tubig.

"WHAT?" Napasigaw ako at napahawak sa aking magkabilang pisngi.

"Gosh, I look pretty cute," I said after pulling myself together in just a second. Ngunit nakaramdam na naman ako ng taranta, pagkabahala, at pagkalito. Nasaan ako? At bakit mukha akong 13-14 years old? Not that I'm complaining na bumata ang itsura ko, pero it does not go with my 21 years of age.

Am I dreaming? Or bangungot na 'to? Cause if it is, pwede paki-extend? Feel na feel ko kasi yung outfit ko. It's a vintage beige casual midi dress. Ito yung klase ng dress na nakikita ko lang sa Pinterest but rare makahanap kahit sa online. Kung meron man, napaka-pricey.

Humawak ako sa magkabilang gilid ng dress ko at nagsimulang sumayaw na parang prinsesa. Ah, ang sarap talaga sa feeling na maganda ang outfit mo. I feel so girl. I feel so classy. I feel so vintage.

I heard a small giggle so I stopped. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

"Clayton?"

That's my boyfriend. Although he looks younger. Well, we are years younger in this dream.

I really do claim it is a dream. And it's funny. I'm dreaming and I know it. Not lucid-dreaming, though.

The younger version of Clayton just stares at me. Di tulad ng unang bata na kasama ko kanina, Clayton is wearing a casual brown tunic-like.

"Mahal na prinsesa, hinahanap ka na po ng iyong ama," aniya matapos mag-bow.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"I miss you, boy." Nginitian ko siya.

Kumunot ang noo niya. "Huh?"

This time, kumunot din ang noo ko. "Do you not know how to speak English?"

"Prinsesa Callista, ipagpaumanhin po ninyo sapagkat wala akong kaalaman sa ibang lenggwahe," aniya.

Aww, sobrang cute talaga ng boyfriend ko. Kung hindi lang ako bata ngayon, hahalikan ko agad 'yan.

"Ah, pasensya na. Di ko alam," sabi ko dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Naguluhan din ako. Nagtataka ako kung bakit siya nagtataka sa sinabi ko. May sinabi ba akong kataka-taka?

Ang gulo!

Anyway, para hindi na lalong gumulo pa ang isip ko, nilibot kong muli ang paningin ko sa paligid. Natanaw ko sa kalayuan ang isang malaking... castle?

"Totoong castle yun?"

"Castle?"

"I mean palasyo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa castle na may matataas na pader at towers.

Hindi ako nakarinig ng sagot kay Clayton kaya tiningnan ko siya. He is looking at me, bewildered.

"Bakit?"

"Ya'n po ay ang inyong palasyo. Paanong hindi po kayo sigurado?"

My mouth turns "O".

Lumapit sa akin si Clayton at sinuri ang mukha ko. Dinampi niya ang palad niya sa noo ko. Napangiti ako sa ginawa niya. Napaka-cute talaga ng boyfriend ko. I met him when I was 18 and he was 19 so hindi ko naabutan yung mga panahong nagsisimula palang ang puberty niya. And I'm so happy right now because I'm able to witness how cute he is when he's younger.

"May sakit ka po ba, kamahalan?"

"Do you even have the right to touch the princess?"

Nagulat kaming dalawa nang may nagsalita. Ung bata kanina bumalik.

"Have you forgotten where to stand?"

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa talas ng dila ng batang spoiled na iyon. Gusto ko sana siyang pagsabihan at pangaralan nang may biglang nag-sink in sa utak ko.

Napatakip ako ng bibig. Those lines... those are so familiar.

"Especially when she's my fiance."

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko napigilang mapasinghap. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na halos mabibingi na ako.

Ang mga linyang iyon... ay nabasa ko sa libro.

Sa Epiphany.

Paanong...

Paanong napunta ako sa libro ng Epiphany?!

At sino ako?

Si Callista?