webnovel

LESSON #3

Arevalo Series #1

"Weh? Di nga? Pinsan mo siya?" Tinakpan ko ang bibig ko dahil medyo napalakas ang pagkasabi ko nun.

"Oo nga" Tipid na sagot ni Joshua, Nakita ko siya kanina sa labas nang school naka-usap yung guard. Mukhang ayaw pa nga siyang papasukin dahil tiga-ibang school siya. Nakauniform din siya ng school nila. Akala ko nga namamalikmata lang ako, pero totoo talaga siya nung lumapit ako.

Bakit ba hindi ko napansin na Arevalo nga pala yung apelyido ni Sir Franco, tapos Arevalo din 'tong manliligaw ng bestfriend ko! Hindi man lang sumagi sa Isip ko na magka mag-anak sila!

Kaya pala pamilyar talaga yung apelyido ni Sir.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ibabalik ko lang 'tong Laptop na hiniram ko" Napatingin naman ako sa Laptop bag na nakasabit sa balikat niya. "Nasira kasi yung akin..." dagdag niya pa.

Pansin ko naman na pinagtitinginan ng mga babae estudyante si Joshua. Ngayon lang naman siya napunta dito kaya sure akong hindi nila kilala kung sino siya pero grabe na agad yung atensyon na nakukuha niya mula sa mga babaeng estudyante rito.

Ganyan ba talaga kapag Arevalo?

Nilingon ko ang grupo ng mga babae na nagpapapandin kay Joshua, Lalo silang nabuhayan ng sulyapan ni Joshua ang Direksyon nila.

Anong kaartehan yan?

Natigilan lang sila nang makita nilang nakatingin din ako sa kanila.

"Magaganda ba talaga lahi nyo?" Out of no where kong tanong dahilan para tumawa naman 'tong katabi ko.

"Saan ba yung faculty dito?" Di naman niya sinagot yung tanong ko.

Tinuro ko ang kabilang building.

"Caina!" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko, Nakangingiting lumapit sakin si Irene. Yung ngiti niya abot hanggang tenga. Kumapit siya sa braso at binulungan ako "May gwapo ka palang kasama" bago malisosyong tumingin kay Joshua.

"Hi, I'm Irene Cortez and you are?" Nilahad niya pa yung kamay niya kay Joshua. Napailing nalang ako. Irene Basta talaga gwapong lalaki.

"Joshua Arevalo" inabot naman ni Joshua yung kamay ni Irene at nakipagshake hand sa kanya.

"Arevalo? Relative mo si Sir Franco?"

"Cousin" Joshua replied.

Irene looked surprised but the playful smile immediately replaced her lips.

"May Girlfriend na yan" sabi ko kahit wala naman talaga dahil hindi pa naman sinasagot ni Althea si Joshua.

"Sino? Ikaw?"

Parehas kaming na gulat ni Joshua dahil sa tanong na yun ni Irene. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti ni Irene.

"Kayo ah!" Tinusok tusok pa niya yung tagiliran ko dahilan para makiliti ako at lumayo sakanya. Wag dyan!

"Ngayon convince na kong hindi mo talaga crush si Sir-" Bago pa may masabing chismis tinakpan ko na agad yung napakadaldal niyang bibig. Tinignan ko muna siya nang masama bago hinila paalis.

"Sige Joshua, sasamahan ko muna 'to sa Clinic mukang masama yung pakiramdam eh. Kung ano ano sinasabi"

"Ang sama mo Caina. " Bulong ni Irene. Binalik niya ang tingin kay Joshua at nagpacute ulit.

"Wait, samahan mo muna ako sa faculty" hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila. Nilingon ko si Irene na hindi pa din nawawala ang ngiti. Binaba niya ang tingin niya sa kamay ni Joshua na nakahawak sakin.

"Hintayin na lang kita sa room Caina" She said. Ngumiti muna siya sakin bago tuluyang umalis.

"Wag mong pansinin yung sinabi ni Irene, sira kasi ulo nun"

Natatawa naman siyang umiling. Binawi ko ang kamay ko at nauna nang naglakad. Nasa kabilang building pa yung faculty kaya medyo mahaba habang lakaran pa 'to.

Tumigil naman na siya sa pagtawa at sumabay sakin. Mabagal siyang naglakad at palinga-linga sa paligid. Para siyang naamaze na ewan.

First time niya lang din daw makapunta dito dahil nga kalilipat lang din ni Sir Franco. Kwento niya pa na si Sir talaga ang madalas niyang natatakbuhan pagdating sa mga school work.

Naisip ko din na tanungin siya ng ilang bagay tungkol kay Sir.

"Close kayo ni Sir?" I ask.

"Oo"

"Bakit siya nag-teacher?

"Ewan? Basta ang alam ko dating teacher ang mommy niya"

Tumango ako. So dating teacher pala ang Mother ni Sir.

"Kilala mo si Marco?" Natawa siya sa pang-bobo kong tanong.

"Malamang" He laughed.

"May girlfriend ba si Sir?" Tumigil siya sa pagtawa at nilingon ako. Kumunot ang noo niya. He looked at me with a determined eye. I gave him a Curious-lang-ako-look.

"Ang alam ko wala"

Hindi na ako nagsalita. Baka kung ano pang matanong ko.

"May iba ka pa palang close na kaibigan maliban kay Althea" sabi niya habang nililibang ang sarili sa mga nakikita. Katulad ni Sir Franco. Naaagaw din ni Joshua ang atensyon ng mga babaeng estudyante.

"Actually Magkakilala din sila si Althea. Ilang beses ng nag-over night si Irene samin habang nandun din si Althea kaya naging magkaibigan na din sila"

Tumango lang siya.

Nang medyo malapit na kami sa faculty ay bigla siyang napahinto. Huminto din ako at nagtataka siyang tinignan. May nginingitian siya mula sa malayo kaya napatingin ako kung saan man siya nakatingin.

Oh great.

Marco

"Marco" Bati niya kay Joshua nang makapalit siya samin. Parang hindi niya ako nakita.

"Kailan ka pa umuwi? Wala man lang pasabi ah" Sabi naman nung isa.

"Last Sunday lang, Hindi na ko nakakapunta sainyo kasi naghahabol ako nang mga lesson at activities ngayon. Sa weekend ko pa planong magpakita " Ngumiti siya. Simula nung pumasok siya iisang emosyon lang ang nakikita ko sakanya. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti mas lalo Kong nakita ang Resemble nila ni Sir Franco dahil sa pagngiti niya.

"Bago yan ah, schoolworks ang hinahabol mo ngayon" Tawa naman ni Joshua.

"Gago! Seryoso na ko ikaw nalang ang Hindi"

Great, What a view. Reunion. I should go now. Pwede namang si Marco na yung magturo kay Joshua kung nasan yung faculty tutal malapit na din naman.

Kakalabitin ko na sana si Joshua nang biglang bumaling ng tingin sakin si Marco. Ang lamig ng tingin niya kaya medyo napaatras ako. Ang bilis niyang magpalit ng emosyon.

Napansin naman ni Joshua ang pagtingin sakin ni Marco.

"Anyway Theds, This is Caina a friend of mine"

Pilit akong ngumiti, gusto kong sabihin kay Joshua na kilala ko na siya pero walang lumabas na boses sakin.

"I know her and please stop calling me Theds we're not kids anymore"

Tumawa lang siya Joshua pero agad din bumawi nang marealize niyang magkakilala na kami ni Marco.

"You know her?" Tanong niya na para bang malabong mangyari na magkakilala kami kahit magkaparehas kami nang school na pinag-aaralan.

"She's my classmate " Sabi ni Marco na Hindi pa din inaalis ang malamig na titig sakin.

Anong problema nito?

"What do I expect" Nagpabalik-balik ang tingin ni Joshua samin. Tinaas ko lang siya nang kilay.

"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ni Marco na finally inalis na ang tingin sakin.

"Ibabalik ko lang 'to kay Sir, Gusto mo ikaw na lang magbigay?" pinakita niya ang Laptop bag na nakasabit sa balikat niya.

Umambang manununtok si Marco, tinawanan lang siya ni Joshua.

"Mauna na ako, kita na lang tayo" Paalam niya

Walang sabi-sabi siyang naglakad palayo samin. Pinanood namin siya hanggang sa nawala siya sa panigin namin. Ang gaspang ng ugali.

"Bakit ganun ugali nun?"

Hindi niya ako sinagot at nagkibit-balikat lang.

After kong samahan si Joshua sa Faculty ay nagpaalam na din akong papasok na sa klase ko. Hindi ko nakita si Sir Franco hinayaan ko siyang pumasok mag-isa sa faculty.

Ang light lang ng mga subjects ngayon. Walang masyadong ginawa. Wala din klase si Sir Franco samin kaya hindi ko talaga siya nakita buong araw.

"Nagcommute ka na naman"

Napatingin ako kay Jane nakalalabas lang mula sa kusina niya. May dala siyang mga Junkfoods. Binalik ko ang tingin ko sa TV naghahanap ako nang magandang series or movie sa Netflix na panonoorin namin.

Nandito ako ngayon sa Condo unit niya, magssleep over ako. Ngayon lang kami nabakante. Parehas busy sa school.

"Well, I use to it na"

"Kaya ka nga may kotse at driver para may maghatid at sundo sayo"

Ngumiti nalang ako, ayaw niya talagang nagcocommute ako dahil di daw ako marunong. Halos isang taon na kong nagcocommute di niya lang Alam.

Bumalik siya sa kusina para kunin naman ang Juice. Sinet up ko na ang TV para makanood na kami. May mga nakalatag na blanket, comforter at unan na sa sahig nang sala kung saan kami manonood. Sa kwarto sana kaso pupunta din ata si Joshua kaya dito na lang.

"Bakit wala yung manliligaw mo?" Madalas ko na kasing naabutan yung lalaking yun dito. Manliligaw palang yun pero kung makapasok na nang bahay. Mapagsabihan nga yun minsan.

"Pupunta daw siya dito maya-maya may tinatapos lang na schoolwork" Sagot niya mula sa kusina. Kumuha ako ng unan at humanap na nang kumportableng puwesto.

"Nakita ko siya kanina sa school namin" Sabi ko pero mukhang Hindi naman niya iyon narinig dahil wala lang siyang reaction.

Ilang minuto pa bago siya lumabas nang kusina na dala dala na ang Juice.

"Anong sabi mo?" pinatong niya sa may gilid ang Juice at tumabi sakin.

"Sabi ko nakita ko si Joshua kanina sa School"

Kunot noo siyang tumingin sakin.

"Anong ginawa niya don?"

Kinuha ko ang isang Piattos at inistart na ang movie. Umupo ako nang maayos binalot ko ang sarili ko ng comforter.

" Pumunta siya don para ibalik yung Laptop na hiniram niya sa pinsan niya and guest what, Pinsan niya pala yung Prof ko"

"Sinong Prof? Yung sinasabi mong gwapo? "

Napatingin ako sa kanya. Nasa movie na ang atensyon niya. Sinabi ko ba yun? Oo sinabi ko.

"Oo basta yun" binalik ko ang atensyon ko sa movie. Narinig ko siyang tumawa. Hindi ko nalang yun pinansin. Wala naman ako matatago dito Alam niya lahat nang kilos at reactions ko. Madalas mas kilala niya pa nga ako kaysa sa sarili ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang dumating si Joshua, tumabi siya kay Jane at nakipag-agawan na nang comforter. Bali nasa gitna namin ngayon si Jane.

"Ano ba! Nakajacket ka na magcocomforter ka pa" Iritadong sabi naman nung isa.

"Maginaw" Sabi naman ni Joshua at mas lalo pang siniksik ang sarili kay Althea. Napailing nalang ako. Kumuha ako nang isang unan at binato iyon kay Joshua.

"Makadikit ka naman!"

Tinignan ko siya nang masama pero hindi naman siya natinag. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa movie.

Minsan ay naririnig ko ang mga pabirong hirit ni Joshua kay Althea. Bulong lang yun pero nadidinig ko pa din. Hindi naman natitinag si Joshua sa mga paglingon-lingon ko sa kanila.

Kailangan ko na din bang maghanap ng love life? Na out of place lang ako sa dalawang 'to.

Magaalas dos na nang madaling araw ng natapos namin ang pangatlong movie. Tinignan ko ang dalawa. Bagsak na si Joshua at mukang malalim na ang tulog. Si Althea naman ay nakapikit na nakahilig na sa sofa. Dumilat siya ng tumayo na ako para patayin ang TV.

"Hayaan mo na yan" Bilin niya at umayos na nang higa sa tabi ni Joshua na may yakap yakap pang unan.

Tumabi na din ako kay Jane at humiga nang maayos. Pinikit ko ang mata ko at hinintay na dalawin nang Antok.

Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay ni Jane. Nilingon ko siya, ginigising niya si Joshua na hanggang ngayon ay naghihilik pa din ata.

"Josh! May mga tao sa labas ng unit mo. Hinahanap ka"

Umaayos ako ng upo at pinanood silang dalawa. Gumalaw lang si Joshua niyakap ulit yung unan na kagabi niya pa yakap yakap. Mukhang mas mahal na niya yung unan na yun kaysa kay Althea.

"John Joshua! Bumangon ka na!"

Tumingin ako sa orasan, quarter to 10 na pala.

"Hayaan mo sila" Napapaos na sabi ni Joshua.

"Mga pinsan mo ata yun, tumayo ka na"

Gulat akong tumingin kay Jane, nilingon naman niya ako.Binigyan ko siya nang are-you-serious-look, tinaasan niya lang ako ng kilay at balik na ulit sa pag-gising kay Joshua.

Pinsan? You mean mga Arevalo?

Tumayo ako at agad na nagpunta sa Bathroom inayos ko ang sarili ko.

Kumuha ako nang extrang toothbrush. Naghilamos ako at nagsuklay na din nang buhok. Tinignan ko ang suot ko, shorts short at nakaover size Black T-shirt.

Lumabas na ako nang Bathroom. Naabutan ko yung dalawa na nasa sala pa din. Nakaupo na si Joshua ngayon pero nakapikit pa din mukhang antok na antok pa. Parang puyat na puyat samantalang nauna pa siyang natulog samin.

"Friday na nga pala ngayon, I forgot" Rinig kong sabi ni Joshua ng dumaan ako sa kanila.

Pumunta ako sa pinto. Titignan ko kung may Tao talaga.

Magkatapat lang ang unit ni Althea at Joshua. Ang swerte ni Joshua at kapitbahay niya lang ang pinakamamahal niya.

Bahagya kong binuksan ang pinto at doon palang ay narinig ko na ang tawanan sa labas. May Tao nga.

Mas binuksan ko na ang pinto para mas makita kung sino ang mga nandoon. Agad nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki, nawala ang ngiti niya ng napatingin din siya sakin.

Ano ba talaga problema ng lalaking 'to sakin? Lagi nalang siyang nakasimangot!

Napaayos ako nang tayo ng bigla siyang lumapit, nawala ang mga tawanan dahil sa ginawa niyang paglapit sakin.

"Pasabi kay Joshua tama na pambababae kanina pa kami naghihintay dito" sabi niya sa malamig na tono.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinago ko naman ang sarili ko sa likod nang pinto.

"Wag mong tinatakot Par! Gago ka talaga" Biro nang lalaking hindi ko kilala.

Napatingin ako sa kanila, may limang lalaki pang-anim si Marco at may apat na babae lahat sila ay nakatingin sa direksyon ko. Pinasadahan ko ulit sila nang tingin baka may hindi ako nakita. Pero wala talaga siya. Walang Sir Franco dito.

"Wala si Sir may klase pero hahabol siya mamaya" Sabi ni Marco na para bang nabasa niya ang iniisip ko. Napatingin ulit ako sa kanya, Normal nalang ang tingin niya sakin hindi na kasing lamig nung mga nauna niyang tingin.

Nag-iwas ako nang tingin sakanya.

So what? Hindi ko naman siya hinahanap.

"Sumama nga kayo" Bahagya kong sinara ang pinto at humarap sa likod ko. Nakita ko si Joshua at Althea na papunta na dito.

"Hindi na Josh, aalis din kami ni Caina" Binigyan ako ni Jane nang makisama-ka-look. Bumaling naman ng tingin sakin ni Joshua para ikumpirma. Tumango lang ako dahil wala naman ako magagawa.

"Alright, pero dito lang naman kami maghapon pag-uwi nyo katukin nyo ko, Ha?" Tinuro pa ni Joshua ang pinto.

Tumango lang si Althea at pinagtulakan na si Joshua palabas. Alam ko naman na wala na siyang balak puntahan pa si Joshua sa unit niya dahil ayaw niyang nakikihalubilo sa maraming tao lalo na at mga pinsan pa yun ni Joshua.

"Punta ka ah" Bilin ulit ni Joshua bago buksan ang pinto. Narinig ko ulit ang mga tawanan sa labas.

Umalis na ako don at dumiretso na sa kusina. May nakahanda ng mag almusal mukhang hinanda ni Althea kanina. Medyo lumamig na ang Kape.

Naupo ako sa upuan. Tatlong Plato ang nasa mesa para kay Joshua sana ata ang isa.

Pinanood kong magmartsa si Althea papuntang kusina. Umupo siya sa harap ko.

"Problema mo?" Tanong ko dahil mukha siyang iritado na ewan.

Kumuha ako nang bread at kinagat iyon.

"Samahan mo ako"

So totoo palang aalis kami?

"Saan?"

"Sa Airport"

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Tinanggal ko ang kagat-kagat kong bread. Seryoso siyang nakatingin.

Nakipagsukatan siya ng tingin sakin. Bumuntong hinginga siya. Nagdadalawang isip kung magsasalita ba o hindi.

"Hindi ka pa din ba okay?" Tanong niya nang napansin na hindi na ako nakapagsalita.

Nag-iwas ako nang tingin at pinagdiskitahan ulit ang bread na kinakain ko.

"Don't worry Caina, uuwi lang siya dito dahil may pinapaasikaso yung Tito ko"

"Ok na ko Jane, sasamahan kita" Ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay na talaga ako. Totoo naman, magdadalawang taon na din naman. Nakalimutan ko na nga yun kaya okay na. Wala nang problema kung makita ko ulit siya.

I'm okay now, I have nothing to worries because I'm fine now. I'm doing well. I'm way way better now.

So I'm fine.

Why it's sound like your just convincing your self Caina Gail.

The hell! I'm fine!

Nang magtanghali ay umalis nga kami. Tinawagan ko ang driver ko para sunduin kami sa Condo ni Althea at ihatid kami sa Airport.

Sinuot ko ang kamay ko sa bulsa ng Jacket ko. Nandito na kami ngayon sa lounge hinintay ang pagdating niya. Hindi ko Alam kung bakit ako kinakabahan at naglalamig ang kamay.

I look at Althea. Naramdaman ko ang titig niya sakin. Alam kong nag-aalala siya para sakin dahil hindi maganda ang pagtatapos namin ng Kuya niya. Pero wala naman na siyang dapat ipagalala dahil okay naman na ang lahat. Siguro akong maayos na din siya dahil nakaya na niyang umuwi ng pilipinas.

"Ok lang naman kahit di mo ako samahan" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"I'm fine Althea don't worry" Niready ko na ang sarili ko sa mga ganitong scenario. Hindi ko naman tinatak sa isip ko na hindi ko na siya makikita kahit kailan dahil parehas lang kami ng mundong ginagalawan. Isa pa bestfriend ko ang kapatid niya.

"If you don't feel comfortable sabihin mo lang" Tumango ako.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.

Pumikit ako at kinalma ang sarili.

Kanina pa kami naghihintay dito Isang oras na ata.

"Thea!"

Kumabog ang puso nang marinig ko ang pamilyar na boses. Lumingon si Althea sa tumawag sa kanya. Hindi ko naman Alam kung lilingon ba ko o hindi.

Tumayo si Althea at sinalubong ang kuya niya.

"Kuya Anton"

Tumayo ako dahang-dahan lumapit sa kanila. Agad niyang niyakap si Althea nang makalapit ito sa kanya.

Nang bumitiw siya kay Jane ay agad nagtama ang tingin namin at on cue na parang may tumusok sa dibdib ko. Tingin pa lang yan Caina.

Fuck! Okay ka na Caina Gail Di ba.

Nag-iwas ako nang tingin para hindi niya makita ang reaksyon ko. I even tried to smile. Hanggang ngayon ba naman Caina. Hindi pa din ba?

"Caina"

Napapikit ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya.

Anthony Javier Garcia, Fuck you.

************