webnovel

Easy To Get But Don't Regret

Babaeng siga, babaeng laging tama. Babaeng topakin, babaeng madaling paibigin. Isang babaeng nagngangalang Althea del Rosario, ang hindi naniniwalang pinatatagal dapat ang panliligaw. Mas dapat daw kasing pagtibayin at patagalin ang isang relasyon. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming beses na siyang niloko at nasaktan. Libo-libong pagsubok na ang kaniyang pinagdaanan, pero nananatili siyang buo at patuloy pa ding lumalaban. Ipinanganak siyang nag-uumapaw sa karangyaan. Anuman ang kaniyang naisin ay nalalapatan ng kaniyang kamay. Subalit sa kabila ng tinatamasang kaginhawahan ay nakakaramdam siya ng kakulangan, na tanging isang mapagmahal na binata ang maaaring makapuno. Marami nang lalaking nagdaan sa kaniyang buhay. Lahat sila'y hindi nagtagal. Paulit-ulit man siyang nabigo ay walang tigil pa din siyang nagmamahal. Ayos lang na masaktan, ayos lang na maging luhaan. Gusto niyang magmahal dahil gusto niyang maging masaya. Magawa pa kaya niyang makita si Mr. Right, kung nasa kaniya na ang lahat ng dahilan para iwan siya ng lalaking pinakamamahal? Hindi mahirap na pasukin ang kaniyang mundo. Sa simleng ngiti at titig—maaari mo na siyang mapa-ibig. Sa loob ng isang minuto ay maaari na siyang mapasa'yo. Babaeng espesyal, bagama't malandi sa paningin ng karamihan. Babaeng hindi daw dapat seryosohin, mas masaya daw kasing laruanin. Naghahanap siya ng taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kaniyang kahinaan. Maaari bang maging ikaw? Marami siyang pera. Seseryosohin mo naman ba? Selosa siya't mainitin ang ulo. Nagbago na ba agad ang isip mo? Malakas siyang sumampal, malakas sumuntok at marunong bumaril. Kaya mo pa din ba s'yang mahalin? Lahat ng naisin mo'y mapapasa'yo. Payag ka na ba na maging kayo? Hanggang kailan ka tatagal? Hanggang kailan mo kayang magtiis para sa taong gusto mong makasama habang buhay?

Tyo_Caloy · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
9 Chs

Kabanata VI: Matulog Para Makalimot

Nangyari ang kagustuhan ni David. Lahat ng mga pagkaing hindi niya naubos ay ipinabalot ni Theya, na ipapasalubong daw niya sa kaniyang aso. Kahit ang katotohana'y maaari na itong gawing hapunan ng kaniyang pamilya.

Mahaba pa ang araw, gusto pang makasama ni Theya, ang kaniyang bagong boyfriend. Kaya naman umalis sila ng restaurant, kasama ang napakaraming mga bodyguards para pumunta sa isang mall, sakay ng isang limousine.

Laking tuwa ni David, nang dalhin siya ni Theya, sa isang kilalang tindahan ng mga damit at sapatos. "Ma-magsashopping ba tayo?"

"Oo!" tugon ni Theya. "Lahat ng magustuhan mo—pwede mong kunin."

Nang madinig niya ang mga sinabi ni Theya, ay hindi na siya nagsayang pa ng oras. Mabilis siyang kumilos para kumuha ng mga gamit—gusto man niya o hindi.

"Hindi ka man lang ba magsusukat?" tanong ni Theya. Malaki ang kaniyang ngiti habang pinapanood ang kaniyang boyfriend na tuwang-tuwa sa kaniyang ginagawa.

"Hindi na."

"Huwag kang mahihiya. Kuhanin mo lahat ng gusto mo."

"Sige... sabi mo eh!"

Habang pinapanood ni Theya, si David, sa kaniyang ginagawa ay isang sales lady ang dumaan sa kaniyang harapan, bitbit ang isang puting nighties gown. Ipinagtataka niya kung sino ba ang magsusuot noon.

"Sandali nga miss." Wika ni Theya, bago kuhanin ang nasabing damit, para isukat. "Masyadong mahaba."

Isinampay ni Theya, ang nigthies sa kaniyang balikat bago siya lumapit kay David. Nakatalikod ito sa kan'ya na tila namimitas ng magustuhan niyang sapatos. Kahit sapatos na pambata ay hindi nito pinaligtas.

Kinalabit ni Theya, si David, para mapansin siya nito. "May kapatid ka bang babae, honey my loves?"

"Wala. Bunso ako sa aming lima." Sagot nito habang patuloy sa pagkuha ng magustuhan niyang sapatos, at iaabot niya sa isang sales lady.

Ang hindi niya alam ay nag-aapoy na sa galit si Theya. Walang sabi-sabi niyang sinipa ang maselang bahagi ng katawan ni David, habang nakatalikod ito sa kan'ya. Unti-unting napapaluhod ang binata habang humaharap kay Theya. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay nakakita si David, ng kamaong lumalapit sa kaniyang kanang mata. May lumapat din sa kaniyang bibig. Pakiramdam niya'y sabay na tumama sa kaniyang mukha ang dalawang kamao ni Theya.

Kaagad na dumugo ang labi ni David. Pakiramdam niya'y umiikot ang kaniyang paligid. Pero ang lahat ay panimula pa lamang. Hinawakan ni Theya, ang braided niyang buhok gamit ang dalawa niyang kamay. Nagmukhang kawawa si David, nang simulan ni Theya, na hilahin ang ulo nito patungo sa iba't ibang direksyon. Para siyang isang turumpo na pinapaikot gamit ang mga kamay.

"Manloloko ka din pala! Manloloko! Manloloko!"

"Sandali! Ano bang kasalanan ko?"

Tumigil si Theya, sa pananakit kay David, at ibinato sa mukha nito ang nighties. "Sino ang magsusuot n'yan?"

Nagdilim ang paligid ni David, dahil na din sa bagay na nasa kaniyang mukha. Hinawakan niya ito at pinagmasdan. Nakaramdam siyan ng takot habang nakatingin sa nighties na ibinato sa kaniya ni Theya. Alam niyang nagdududa ito kaya nag-isip na lang siya ng palusot. Wala siyang maisip na sagot. Nagtiwala na lang siya sa kaniyang dila.

"Na-nanay ko."

"Nanay—nanay mo?"

"O-oo!"

Napalunok ng laway si David, habang nakatingin sa mukha ni Theya. Dahan-daha'y nagbabago ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Dahila dito kaya naglaho ng dahan-dahan ang takot ni David. Nagmumukha na itong maamong tupa.

"Ga-gan'on ba?" nahihiyang sambit ng dalaga.

"Oo! Mahimbing daw kasi ang tulog n'ya kapag ganito ang suot n'ya."

Matapos magpaliwanag ni David, ay siya namang pagdaan ng isang sales lady sa gilid ni Theya. May dala itong mga t-back, bag na pambabae, at mga high heels shoes.

"Wag mong sabihing sa nanay mo din ang mga yun?"

"O-oo."

"Ilang taon ba ang nanay mo?"

"Seventy eight!"

Kinabahan na naman si David, matapos niyang sumagot. Hindi niya sinasadyang masabi ang tamang edad ng kaniyang ina. Para sa mga taong nasa ganoong gulang ay hindi na angkop ang ilan sa mga bagay na nakita ni Theya. Inakala niyang makakatanggap na naman siya ng parusa—pero hindi ganoon ang nangyari. Nakakita siya ng malaking ngiti mula sa labi ni Theya.

"Napakamaalalahanin mo palang anak! Pagpasensyahan mo na ako. Halika na! Tayo ka na d'yan."

Tinulungan ni Theya, na makatayo si David.

"Wala yun." Sagot nito, bago niya punasan ang bibig niyang may bahid ng dugo, gamit ang kan'yang damit. "Handa akong tanggapin ka... maging sino ka man."

Tila kinurot ang puso ni Theya, sa mga sinabi ni David. Mas lalo siyang na-inlove dahil sa kaniyang narinig. Naiyak ito at bigla na lamang niyakap si David, nang mahigpit. Ang kaniyang ulo ay nakalapat sa dibdib ng binata.

"Salamat! Sabi ko na nakatadahana tayong magkita para maging mag-asawa."

Napangiti si David—pero halatang napipilitan lang. Hinihimas niya ang ulo ni Theya. Habang ginagawa niya ito'y ilang ulit na nagpaikot-ikot ang dalawa niyang mata. Para bang hindi nito gusto ang kaniyang narinig. Hanggang sa maalala niyang hindi nga lang pala si Theya, ang kaniyang kasama. Nang makita niya ang mga bodyguards nito'y pare-pareho silang nakatingin sa kaniya—na pare-parehong may pagdududa. Kaya naman niyakap niya nang mahigpit si Theya.

"I love you so much, honey my loves," aniya, na sinundan ng paghalik sa noo ng dalaga.

Kumawang ang katawan ni Theya, sa katawan ni David, at hinawakan ito sa kamay. "May gusto ka pa bang bilhin?"

"Wala na. Marami na to."

"Sigurado ka ba?"

"Oo!"

"Baka nahihiya ka lang?"

"Pwede na siguro ang mga 'to?"

Dalawang credit card ang ibinigay ni Theya, sa isa niyang bodyguard. "Kayo na ang bahala d'yan."

"Yes Ma'am Theya."

"Halika, honey my loves. Bili ka na din ng bago mong cellphone."

Iniisip ni Theya, na nahihiya lang si David, na humingi ng mga gamit. Kaya hindi siya dapat magdalawang isip na ibigay ang mga bagay na makakapagpasaya dito.

Sumama si David, kay Theya. Nakayapos si Theya, sa kaniyang braso habang naglalakad. Pumunta sila sa pwesto ng Apple at Samsung, kung saan bumili si David, ng napakaraming gamit. Hindi pa ito nakuntento, dahil bumili na din siya ng napakaraming appliances, kagaya ng aircon, washing machine, electric fan, electric stove, gas stove, flat screen tv at iba pa. Milyun-milyon ang ginastos ni Theya, pero walang problema. Mayaman naman si daddy n'ya at masaya ang honey my loves n'ya.

"Wala ka bang nakalimutang bilhin?" tanong ni Theya.

"Kontento na ako dito. Nakakahiya na kasi."

"Sabi ko naman sa'yo 'wag kang mahihiya sa'kin!"

"Hayaan mo na. May next time pa naman. Alis na tayo!"

Lumabas na ng mall sina Theya at David. Pumunta sila sa harapan ng nakaparadang itim na limousine na ginamit nila kanina. Yapos-yapos pa din ni Theya ang kanang braso ni David. Hindi kalayuan sa kanila ay ang tatlong delivery truck na gagamitin para dalhin ang kanilang mga pinamiling gamit sa bahay nina David.

Habang isinasakay dito ang napakaraming mga appliances ay nakakita si David, ng mga magaganda't seksing mga kababaihan. Hinatak ng mga ito ang kaniyang paningin. Napakagat siya sa kan'yang labi nang makakita ng mapuputing binti.

Nakangiti ang lahat ng mga kababaihang natingin sa kan'ya. Hindi dahil sa gusto nila si David, dahil ito sa kan'yang itsura. Kulay ube na ang paligid ng kanan niyang mata. Namamaga na din ang ibabang bahagi ng kan'yang labi. Wala pa siyang kaalam-alam tungkol dito. Hindi pa kasi niya nakikita ang kaniyang sarili sa harapan ng salamin.

Ang hindi niya alam ay nag-aapoy na sa galit si Theya. Kumalas ito sa pagkakayapos sa kaniyang braso at nagpakawala ng isang malakas na upper cut. Tumumba si David, nang tamaan ng kamao ni Theya, ang kaniyang baba. Pero hindi pa tapos si Theya. Sinabunutan niya si David, at hinila ang ulo. Walang nagawa si David, kundi ang isunod ang kaniyang katawan. Hinila siya ni Theya, at buong lakas na iniumpog sa salamin ng bintana ng kanilang limousine. Nabasag ang salamin at pumasok ang ulo ni David, sa loob ng sasakyan. Hindi nagtagal at hinila niya ito sa damit at hinayaang bumagsak sa semento.

"Break na tayo!" bulyaw ni Theya. "Ibibili pa naman sana kita ng sasakyan!"

Iniwan niyang nakahandusay si David. Sumakay siya sa kanilang limousine. Kaagad naman siyang sinundan ng kaniyang mga bodyguards. Nagsimula na ang kanilang byahe para bumalik sa restaurant. Si David naman, ay inasikaso ng mga nagpaiwang bodyguards. Dinala nila ito sa ospital ng pamilya del Rosario, para ipagamot.

May pailan-ilan nang mga customer sa restaurant nang makabalik si Theya. Dahil natapos na ang date ng kanilang amo ay napagpasyahan ni Janice, na tumanggap na ng mga customer.

Si Janice, ang unang nakita ni Theya, nang pumasok siya sa loob. Nakaupo ito sa harapan ng bakanteng mesa na nasa pusod ng dining hall. Mabilis na nag-unahan ang dalawang paa ni Theya, kasabay ng pag-uunahan ng kaniyang luha sa pagpatak. Huminto siya sa gilid ng couch kung saan nakaupo ang kaniyang kaibigan.

Pakaliwa't pakanan ay nagsimulang gumalaw ang ulo ni Janice. "Huhulaan ko—wala ka na namang boyfriend, tama?"

Tumango si Theya. "Kailangan kita. Gusto kong matulog para pansamantalang makalimot."

Tumayo si Janice. Tumungtong si Theya, sa couch na kinauupuan nito para makasakay sa likuran ng kaniyang kaibigan.

"Bilisan mo," wika ni Janice.

"Sandali—heto na!"

Nang makasakay si Theya, sa likuran ni Janice, ay nagsimula na itong maglakad. Binuksan niya ang isang pintuang nagdala sa kanila sa likuran ng restaurant. Naroroon ang mga motorsiklo ng kaniyang mga empleyado at ang pulang kotse ni Janice, na iniregalo ng mga magulang ni Theya. Tumayo si Janice, sa harapan nito.

"Narito na tayo."

"Sandali lang."

Kinailangang magpatihulog ni Theya, para makababa mula sa likuran ni Janice. Pumunta siya sa harapan nitong may luha't kalungkutan sa kaniyang mga mata. Pinusan ni Janice, ang mga luha na yun gamit ang kaniyang hintuturo.

"Handa ka na?"

Hindi magawang sumagot ni Theya, dahil sa kalungkutang nararamdaman. Tumango na lang siya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Naramdaman na lang niyang sinakal siyang bigla ni Janice. Binuhat siya nito habang hawak sa leeg at ibinagsak sa hood ng kotse. Nayupi ang hood at may bahagi din ng salamin na nabasag. Nagdilim ang paningin ni Theya, at nawalan siya ng malay.

"Ilalagay muna kita sa sako para hindi matakot ang mga customer sa loob," wika ni Janice, bago niya iwan si Theya, para kumuha ng sako.

Nang bumalik si Janice, ay may dala na siyang sako kung saan niya isinilid si Theya. Nang naroon na si Theya, ay binuhat na niya ito. Nakasabit sa kaniyang balikat ang itaas na bahagi ng sako. Hawak naman ng dalawa niyang kamay ang bahagi kung saan niya pinadaan si Theya. Para lang siyang may bitbit na kalakal ng basura nang pumasok sila sa loob ng restaurant. Lahat ng kanilang mga customer ay nakatingin kay Janice.

"Mommy, nasaan na 'yung kasama niyang babae kanina?" tanong ng isang bata.

"Kumain ka na lang. Kung ano-ano pa ang napapansin mo."

Dali-daling naglakad si Janice, nang marinig ang katanungan ng nasabing bata. Napahinto na din sa pagkain ang lahat ng kanilang customer. Nakatingin na lamang ito sa kanila. Ang ilan naman ay kinuha na ang kanilang mga gamit at lumabas na ng restaurant.

Wala naman siyang balak na manakot. Sadya lamang wala siyang ibang maisip na paraan kung papaano ba niya dadalhin si Theya, sa ikalawang palapag ng restaurant, kung saan ito maaaring magpahinga, na walang natatakot na customer.

Nagmamadali siyang naglakad. Hindi na niyang nagawang tapakan pa ang bawat baitang ng hagdanan. May isang silid sa ikalawang palapag na ginagamit ni Theya, kapag hindi na siya nakakauwi. Mayroon doong malambot at malaking kama. Doon itinaktak ni Janice, ang kaniyang amo, na parang nagtaktak lang ng basura.

"Sweet dreams," aniya bago lumabas ng silid.