webnovel

Doctor Alucard Treasure

Monina Catherine Alvarez, is a Journalist Student who is fond to her Father camera. She is a little witchy by selling some information and pictures wanted by her customers. The victim of her doesn't have idea that she is making a money about them. Knowing she have this stalker skills, her customer one day dare her to get a confidential information and pictures to a Mysterious Multi-billionaire, CEDRICK MARLAN WU. He is a doctor... but never be a real doctor. They called him, Dr. Alucard. Every Patient he handle is mysteriously pull away from death, and he do the surgical Operation during FULL Moon, only means ... Once a Month. He is not an employee.... He is not a natural doctor doing his solemly promise to do his part to save the patient. He is the person behind the Multi-billionaire GO Pharmaceutical Company. Monina accepted the challenge. The opportunity knocks to her kindly. But One day she wake up... She's carrying his heir. Who really he is? What he will do now... @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels ❤️ TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much ❤️

International_Pen · สมัยใหม่
Not enough ratings
99 Chs

Chapter 63 Someone Smell like

((( Secretary Lee POV's ))

Basang-basa nga si Miss Monina at walang malay na inakyat sa silid. Agad naman hinanda ni Master Cedrick ang sarili para tignan ang kondisyon niya.

Si Rhoa ang madaming ginawa para malinis na maihiga si Miss Monina sa kama. Di ko alam kung saan niya kinuha ang mga damit nito. Pero napathumbs-up na lang ako sa kanya. Halatang nairita bigla. Di naman talaga siya official katulong dito. Ngunit wala naman siyang magagawa. Di naman kami maari ni Master Cedrick ang maghubad, magpaligo at magbihis ng di inaasahan na bisita ng boss namin.

Sa ayaw ni Rhoa ng mga babae. Tomboy ata ito. O baka nasobrahan ang tinatawag nga nilang Princess Syndrome. Ang nag-iisang babae sa training nila noon. Syempre kasama ako sa kamag-aral niya. Same age with me at di ko alam kung bakit umiiwa siya sa grupo ng mga babae. Tipong merong allergy.

Dumaan na naman sa akin at siniko akong palihim. Sarap gumanti kung di lang babae. Saka nasa paligid lang si Rhio.

Pumasok na si Master Cedrick kasama ang dalawa niyang alalay sa operasyon. Pero wala naman kailangan na operation diba?

Lumapit yung isang kasama niya, si Dr. Elvis kay Miss Monina at ito nga ang tumingin dito.

Ahhh… ayaw niyang hawakan ang pinapasok niyang babae dito. Halata naman sa mukhang nag-aalala. Heto na ata ang pinagdarasal ng ilang tauhan niya na balang araw may darating na tao sa kanyang buhay na papa-amuhin ang isang kagaya niyang Lion.

Speaking Lion, yung alaga niya pumasok at napahikab. Lumapit sa kanya. Saka naman niya itong hinimas. Parang magkapatid lang. Mga nilalang na mapanganib sa mundong ito.

"Increase of 0.5 to the normal body temperature."

Nilagnat nga dahil hinayaan lang niyang nakatayo si Monina boung limang oras. Mainit at biglang umulan. Heto talaga ang magiging resulta.

Tinignan ni Master Cedrick ang kanyang relo.

"Call Rhoa. Tell her na ipaghanda ng makakain ang babae. Magigising siya by five o'clock."

Agad naman akong napatango. Bago pa man ako lumabas ng silid, narinig ko na lamang dahil parang dumami ata ang tao dito sa pamamahay niya.

"You may leave all of you."

Kaya pagdating ko sa kusina. Pwet ng isang frying pan ang sumalubong sa akin.

"Anong ginagawa mo?!"

"Tungkol saan?"

"Anong ibig sabihin ng mg aka-adnormalan na nangyayari sa paligid?! Sa Master Cedrick may pinapasok na babae?!"

"Ah. Di mo ba alam Rhoa, noong nakaraan na ilang linggo may hinalikang babae si Master Cedrick." nanlaki ang mga mata niya. "Yun ang babaing yun. Kaya ipaghanda mo daw ang bisita ng makakain. Na-guilty ata sa ginawa niya. Atleast tao parin pala si Master Cedrick. "

"Ikaw! Talagang nagtataka ako kung bakit ikaw ang kinuhang secretarya ni Master Cedrick."

"Di man ako gaano magaling sa pamamaril, may maitutulong naman ako kay Master Cedrick pagdating sa negosyo niya."

"Tss. Ikaw lang naman ang naligaw sa klase namin noon."

"Whatever. Atleast napunta din naman ako sa tamang paglalagyan."

"Nangangamoy ka Secretary Lee! May binabalak ka no?!"

"Binabalak? Tss. Ako lang naman ang pinaka-loyal at honest na secretarya sa mundong ito."

"Anong balak mo kay master Cedrick?" Napangiti ako. "Ikaw ang mas malapit sa kanya."