webnovel
#ROMANCE
#COMEDY
#CEO
#TAGALOG

Doctor Alucard Treasure

Monina Catherine Alvarez, is a Journalist Student who is fond to her Father camera. She is a little witchy by selling some information and pictures wanted by her customers. The victim of her doesn't have idea that she is making a money about them. Knowing she have this stalker skills, her customer one day dare her to get a confidential information and pictures to a Mysterious Multi-billionaire, CEDRICK MARLAN WU. He is a doctor... but never be a real doctor. They called him, Dr. Alucard. Every Patient he handle is mysteriously pull away from death, and he do the surgical Operation during FULL Moon, only means ... Once a Month. He is not an employee.... He is not a natural doctor doing his solemly promise to do his part to save the patient. He is the person behind the Multi-billionaire GO Pharmaceutical Company. Monina accepted the challenge. The opportunity knocks to her kindly. But One day she wake up... She's carrying his heir. Who really he is? What he will do now... @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels ❤️ TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much ❤️

International_Pen · ชีวิตในเมือง
Not enough ratings
99 Chs
#ROMANCE
#COMEDY
#CEO
#TAGALOG

Chapter 28 Spoiled Brat

((( Monina POV's )))

Pumasok na nga ako sa building na puno ng urns.

Syempre nakaseparate din yung mga mayayaman. Masanay ka na sa mundong ito. Uso ang tatsulok.

Yung picture ni Mama, nakita ko. Medyo may kataasan siya. Kaya kailangan ko pa mapatiptoe. Nilagay sa paanan ng picture niyang nakangiti ang bulaklak. Saka napapikit ako para sabihin sa kanya ang report ko tungkol sa nangyayari sa amin.

Gruadiating na sa senior high ang mga chanak. Sanay na si Mama na tawagin ko silang chanaks.

Ako din Ma. At sana di nga pag-initan masyado ni Miss Ruby baka di ako masama sa deliberation of graduates.

Si Papa naman Mama, di ko parin kaya magtanong. Ngunit baka balang araw makausap ko siya kung ano ang nangyari sa kanya. Kahit mahirap, andyan parin ang justice dapat. Alam kong magsasalita si Papa balang araw.

Hanap ako ng trabaho, after nga ng graduation ko.

I love you Ma.

Lumabas na nga ako at napadaan sa area ng mga mayayaman. Sila na may mga private room. Edi wow. Pang ward lang kami.

Nang biglang tumunog ang phone ko. Si Cathriona. Sinabing nasa faculty si Caroline dahil nahuli sa pandaraya.

"Anong oras ka daw pupunta dito Ate."

"Ang sasakit niyo sa ulo. Punta na ako riyan."

Ibinaba ko na ang phone ko ng bigla akong dinaanan ng batang umiiyak. Hinahabol siya ng mga kamag-anak nito. Kaya naman napahabol din ako.

Bakit ako nakisali? Marathon lang? Sa kailangan lang at ng bata nang kausap. Naala ko lang noong napatakbo ako dahil di ako makapaniwala na yun nga si Mama.

Kaya baka ano pa mangyari sa bata, napahabol na din ako.

"Don't come near me!"sigaw niya sa akin. Nakapasok siya sa isang private room. Mayroong larawan ng isang babae na ang ganda. Nakita ko na sampung taon na ito namatay pero ang fresh parin ng mga bulaklak.

Siguro, araw-araw pinapalitan.

"Labas na tayo dito. Baka magising si magandang ate."

"No!"Ang spoiled ng bata. Bakit ganito siya kaarte. "Angel na ngayon yung Mommy mo."

"No! Sinunog nila si Mama!"

Mahirap nga dalhin ang bata sa fantasy world. Bakit pinakita ba nila kung paano icremate yung mama niya.

"Come here." dating ng pamilya nito. At Daddy niya ata. Napatabi ako bigla.

Ngunit nagulat na lamang ako ng kunin ng bata yung vase.

"This is such a stingy things!"at binasag nga niya. Saka nagmadali yung Daddy niya na puntahan siya. Tinitigan lang niya ako at lumabas ng private room.

Hala… yung abo… nagkalat sa sahig. Basag yung …

"Miss Ganda, wag niyo po ako mumultuhin kung iiwan ko din kayong nasa sahig lang baka ako pagbingtang—."pagbingtangan.

Narinig ko na lang na parang may nahulog.

Saka napalingon ako sa pinto.

Si Kuyang mature na gwapo.

At yung bulaklak sa sahig… yung inarrange ni Tiya Linda.