webnovel

Distance (Love Untold)

Fate can be pretty playful sometimes. But most of the time, cruel. Life is not that different. It will give you one thing, to make you realize that there are other things you won't have. Power for dignity. Money for life. Pride for happiness. You will never have everything... I will never have everything.

SCRoyalty · สงคราม
เรตติ้งไม่พอ
4 Chs

Prologue

Distance

Prologue

"What will you do now? Hide?" seryosong tanong ng isang lalaki sa kausap. Matiim siyang nakatingin sa kanilang pinuno, bitbit ang mabigat na pag-aalala sa kalagayan nito at ng kanilang pangkat.

"I'm not a coward," sagot ng kausap at ininom ang hawak na shot ng bloody mary. "Why would I run?" Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Maamo ang mukha nito ngunit hindi naging dahilan ito upang mabawasan ang lamig na naroroon sa mga mata nito, isa sa mga dahilan kung bakit labis ang takot niya para sa kanilang pinuno.

"So you'll fight?" Tumitig siya sa kausap. Isang mala-anghel na ngiti ang sumilay sa labi nito, ngunit sa tagal niya ng kilala ito, alam na niya ang ibig nitong mangyari. "No, you won't..." Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, naaalala ang sinapit noon ng isang angkang sumubok kalabanin ang taong nasa harap niya. Hindi niya nanaisin pang maulit muli ang mga naganap, ngunit isa't kalahating mga bobo ang mga kalaban nila ngayon upang hindi malaman ang kakayahan ng kaniyang kausap na magbigay ng awa sa kaaway. Isang kilabot ang yumakap sa kaniyang buong pagkatao habang iniisip ang nakita niyang karumal-dumal na pagkaubos ng pamilya ng Horishita noon.

"Why? It will be fun!" Isang tawa ang kumawala sa kausap. Hindi ito katulad ng ibang malademonyo tumawa, napakasarap pa nga ng tawa nito sa pandinig. Ngunit hindi para sa kaniya. Dahil alam niyang dadanak na naman ng dugo. Kailan ba nawalan ng mamamatay kapag kumilos na ang kausap niya? Wala. Iyon ang dahilan kung bakit niya ninais na maging kanang-kamay nito. Upang pigilan ito sa pag-ubos ng mga kaaway. Ngunit ngayon ay matagumpay na nakuha ng kanilang kaaway ang atensiyon nito, hindi na niya kaya pang pigilan ang nalalapit na pagdating ni kamatayan. Napapikit na lamang siya ng mariin at yumuko.

"If that's what you wish, big boss." Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Mukhang madami na namang malilikom na kaluluwa si kamatayan.

"Kuya Dos, tawag tayo ni Dad. In-on mo din daw 'yung intercom dahil ang hirap mo daw tawagin." Nag-angat ng tingin si Dos at nakita ang magkambal na si Third at Four. Hindi magkamukha ang dalawa, magkaparehang itim ang buhok ni Third at Dos, habang si Four ay halong itim at kayumanggi ang buhok. Sa mata naman ay parehas si Dos at Four na asul ang kulay, habang kayumanggi ang kay Third, namana nito sa kaniyang ina. Si Third, bilang isang athlete at adventurous ay may pagkakayumanggi ang balat, ngunit lahat sila sa pamilya ay natural na maputi.

Apat silang magkakapatid, at siya ang pangalawa. Bunso naman ang kambal. Lahat sila nakapangalan sa numero, dahil na din sa ideya ng kaniyang ama. Panganay si Prim, o Primo, ang nag-iisang babae sa kanila. Sunod siya, at ang kambal na pinangunahan ni Third.

Tumayo si Dos mula sa pagkakaupo sa harap ng computer kung saan siya naglalaro at in-on ang intercom bago lumabas ng silid. Sabay silang nagtungo ng kambal sa study area ng ama nila sa ibaba. Ang bahay nila ay malaki kung tutuusin. May malaking hagdan sa gitna ng sala. Pagdating sa dulo ng hagdan ay nahati ito sa dalawa, isa pakanan, at isa pakaliwa. Dito nahahati ang kanilang bahay. Sa east wing ang lahat ng kwarto, simula master's bedroom, hanggang guest's rooms. Sa west naman ang ibang kwarto, tulad ng entertainment room, art room, music room at iba pang madalas nilang gamiting magkakapatid.

Hindi ganoon kayaman ang pamilya nila Dos, ngunit sapat ang kinikita ng magulang para matustusan ang pangangailangan nilang apat at mga luho ng hindi naghihirap. Hindi nila alam ang trabaho ng mga magulang ngunit sa kompanya ng pamilyang Lajardo, ang pinakamayang pamilya ngayon sa Pilipinas, ang mga ito nagtatrabaho. Hindi niya alam kung bakit ayaw parin ng mga ito magtayo na lang ng sariling negosyo, hindi na rin siya nagtanong.

Pagpasok nila sa loob ng study room ay agad nilang namataan si Prim. Nagbigay sila ng paggalang sa ama bago binati ang ate na isang taon ang tanda sa kaniya. Agad silang umupo katabi nito pagkatapos. Hindi niya alam kung ano ang dapat asahan sa kung bakit sila naroon ngayon sa opisina ng ama. Ngunit seryoso ang mukha nito, nangangahulugang may importante itong sasabihin sa kanilang apat.

"Now all of you are here, I just want to tell you that the daughter of a friend of mine will be staying here for a whole year or earlier. She will be studying at your school. She came from America and might have a problem in adjusting. Gusto ko na kayong apat ay makisama sa kaniya ng maayos. You will respect her just you all respect me, dahil importante siyang tao. Prim and Dos, kayo ang bahala sa kaniya sa school. Don't leave your eyes from here, lalo ka na Dos dahil kayo ang magkaklase. Do you understand me?" maiksi at walang paligoy-ligoy na paliwanag ng ama sa kanila. Napakunot ang noo ni Dos sa narinig habang mukhang tuwang-tuwa naman si Prim, dahil may kasama na itong babaeng malapit sa edad nito, habang neutral naman ang expression ng kambal.

Hindi malaman ni Dos kung sisimangot ba siya o hindi, gayung hindi niya maintindihan ang ama. Bakit parang sobrang importante ng taong ito sa pananalita ng kaniyang ama? Hindi niya alam, pero wala na din siyang magagawa. Iisipin na lang niya na may panibago siyang kapatid na dapat alagaan. Kapatid na hindi niya man lang alam kahit pangalan. Gustuhin man niyang magtanong tungkol sa babaeng sinasabi nito, mayroon silang rules sa opisina ng ama na hindi sasabat dito kapag nagsasalita ito at may inuutos. Sasabihin nito ang pwede nilang malaman, at hindi na dapat sila magtanong pa.

Nagsitanguan silang lahat bilang sagot sa tanong ng kanilang ama. "Opo, Dad."

"That's good. She will be arriving tomorrow. Welcome her warmly in my and your mother's stead. Aalis kami ng bansa, later, dahil sa trabaho, and will be gone for some months. I'm letting Prim take over the house." Tumingin ito sa panganay niyang kapatid. "I trust that you will watch over your brothers, yeah, Princess?" Ngumiti ng matamis ang kapatid niya sa palayaw ng ama para dito.

"Opo, Daddy." Hindi na bago sa kanila ang pag-alis ng magulang dahil busy lagi ang mga ito sa trabaho. Hindi nga nila alam kung ito na ba ang may-ari ng kumpanya o sadyang mataas lang talaga ang posisyon dahil laging wala ang mga ito. Hindi na lang nila pinansin dahil naglalaan din naman ng oras at linggo ang mga ito na makabonding sila. Minsan nga lang mangyari iyon, pero hindi naman nagkukulang ang mga ito, basta ay may oras lang.

"Thank you, Princess. That's all. You can have your free time. And also, don't forget to buy your stuff for your first day." Nagpaalam sila sa ama bago umalis at nagtungo sa kaniya-kaniyang kwarto.

"Kuya Dos, kilala mo ba 'yung tinutukoy ni Dad?" tanong ni Third sa kaniya habang naglalakad patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

"I don't think so. Siguro ay isa sa mga anak ng kaibigan ni Dad na matagal niya ng hindi nakikita o nakakausap because I think this is someone new." Nilingon niya ang nangungunang kapatid na kanina pa masaya sa binalita ng kanilang ama. "Ikaw ba, Ate Prim? You know some girl from America? Mga lalaki lang ang kilala ko, eh," tanong niya rito.

Lumingon ang kapatid niyang panganay sa direksiyon nila at ngumiti ng matamis sa kanila. "Nope! But I'm glad I won't be left with all you guys again starting from tomorrow. Yay!" Napailing na lang siya sa sagot ng kapatid na ngayon ay nag-ha-hum na sa sobrang saya. "'Wag niyo na lang isipin ang bagay na 'yon. Let's just think we have another member in our family, okay?" Walang umimik sa kambal at kay Dos. Nanatiling tahimik sa pagitan ng magkakapatid hanggang sa umabot sila sa kaniya-kaniyang pinto.

Sirado na ang pinto at nakahiga na sa malambot na kama, iniisip pa din ni Dos ang sinabi ng ama. "This is the first time Dad let someone stayed over here that long. Whatever, I'll just go with flow of things. I hope, this won't be a disaster."