Chapter 109: The Test of Strength, To be Qualified or not.
.
.
Madilim na gabi at kalmado ang hangin.
.
Patuloy parin ang patayan sa labas ng Forbidden walls. Ganun din sa panig ng DemonSpiritualist.
.
"wala parin akong natatanggap na balita sa dalawang iyon".
Nag-aalalang sabi ni Rhian sa kanyang sarili. Iniisip nya sina Ahri at Bliss. Nalaman narin nya na madami ang namatay sa Expedition at hindi na nakabalik ng buhay.
.
Napaka open naman ng himpapawid, at walang ulap na nakatakip. At napansin ni Rhian ang mga bituin sa kalangitan. ganun din ang tila gumagalaw na mga bituin.
.
-----
.
Sampung Green streak of lights ang tila papalapit ng papalapit sa Planetang ito.
.
At may mga ilan pang Dimmer streaks of Green Lights ang tila bumubuntot sa sampung ito.
.
Masasabing hindi mga Meteors ang mga ito dahil may anyo silang humanoid na nababalutan ng kakaibang armors----- melted and crafted Black Alien armors.
.
"It has been confirmed, the signal last time----".
Sabi ng pinaka una sa sampung ito.
.
"then lets make it as fast as we could, our brothers must be here somewhere---- this planet sure, is huge unlike other plantes we Destroyed and taken control".
Sabi naman ng babae na tila ang buhok ay mga galamay ng isang kakaibanh sea creature. (yuk!!)
.
Lahat sila ay may mga metallic Alien-masks at nagtataglay sila ng unknown auras at power.
.
Via calculation, masasabing may isang taon pa bago sila makapasok sa atmosphere ng planeta.
.
-----
.
Pagod na pagod na si Marie at ngayon ay nasa limit na sya ng kanyang lakas.
.
Swoooshhh!! -----bang!! ---(Heavy hit)
.
Tinamaan si Marie sa kanyang tiyan ng suntok mula sa isang UndeadCultivator.
.
'heto na ba katapusan ko? -----hindi pa ako ikinasal---gusto ko pa magkaroon ng mga apo--- gusto ko maging SageSaint kasama ang magiging asawa ko---- gusto ko pa maglibot sa mundong ito----'.
Nawawalan na ng kakayahang makakita ng maayos ang mga mata ni Marie.
.
May narinig syang boses----
.
Boses na tila pamilyar----
.
Naramdaman nya ang magaan at maingat na mga kamay na syang sumalo sa kanyang katawan.
.
"----Hoy!, sino may sabing sumuko ka!?".
Boses ito ni Chris.
.
Ipinilit ni Marie ng buong lakas na lumingon sa mukha ni Chris.
.
Pareho silang puno ng pasa ata Galos sa katawan.
.
"G-gago ka!, b-bat ngayon k-ka lang dumating?".
Buhos lakas naman nitong masabi lang kay Chris.
.
Agad namang tinakpan ni Chris ang bibig ni Marie.
"ssshhhh!!, mamaya ka na magsalita. Tatakas muna tayo sa lugar na ito".
.
Inilabas ni Chris ang TeleportCrystal na nagawa nya. At gumuhit ng 10meter radius na magic circle sa kinatatayuan nya habang buhat nya si Marie sa kanyang mga kamay.
.
Hong!! ------(energy)
.
Bago pa man makapag teleport ay----may dalawang anyo na umabot sa range ng magic Circle na iyon.
.
Sssshhhhiing!!! ----(Transmission aura)
.
-----
.
Sa Ancient city Pinnas, nagluluto si Jose ng isang pagkain na pamilyar na dahon ng malunggay ang huling inilagay nya sa Pinaglulutuan nyang Pot.
.
"hmmmm!, bango ng manok-----mukhang tama lang ang pagkakaluto ko".
Sabi nito at inilagay sa isang Bowl.
.
(tinola ba yan?)
.
"Bro, mukhang may bago ka nanamang naimbentong Magical Food".
Sabi ni Jegger at hindi nito kasama si Sully.
.
Inihipan naman ni Jose ang kanyang ulam.
"he he he. Tikman mo Bro. Masarap."
.
Binigyan naman nya si Jegger ng isang bowl.
"ahm salamat. Bro sa tingin mo musta na kaya si Chris?".
.
Natigil si Jose, at lumingon kay Jegger.
"sa tingin ko malapit na syang mag advance ulit ng level. Tutal ilang taon na syang nawala at kasama nya si Bianca sa paglalakbay patungong Northern Lands."
.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Jegger.
"sa tingin mo bro. Meron pang mga Lugar sa DarkNorth na maaaring may mga tao sa mga panahong ito?".
.
Huminga ng malalim si Jose.
"kung meron man tiyak, hindi sila tulad ng dati. At masasabi ko na may mga malalakas na Genuine cultivators dun kesa sa lupaing ito".
.
-----
.
Nag karoon ng Turbulence sa portal platform ng Southern Area ng Shangri-la.
.
Lumitaw naman sina Chris at buhat nito si Marie. Ganun ding may dalawa pa silang kasama.
.
Shing!! -----(Weapons)
.
Nakatutok ang mga sandata ng mga bantay ng Portal platform kina Chris at ganu din sa dalawang kasamahan nila.
.
"hey hey hey!!, sila yung dalawa na matagal ng pinaghahanap ng Zeddo Clan!! ----at sino naman itong dalawa?"
Curious na tanong ng isang Guard.
.
"hindi ko sila kilala pero, mga tao din sila at masasabing hindi sila kalaban"
Sabi naman agad ni Chris at lumingon konti sa dalawang napabuntot sa kanilang Teleportation.
.
"tama sya, mga tao din kami na nagmula sa-----"
Sasabihin sana ng babaeng ito ang isang lihim na bagay para sa kanyang Boss na babae.
.
"ahm----kami ay mga nawala sa Portal arrays---napadpad kami sa isang remotr area na nasira naman ang portal platform duon kaya heto napasama kami sa kanila"
Sabi naman ng tila boss ng babae kanina at itong dalawang ito ay walang iba kundi ang dalawang babae na nasa loob ng chamber sa catacombs.
.
(speaking of Stage level ano kaya lakas nila?)
.
*siguro experts, mga nasa Saint stage----*.
.
Sinuri naman ng mga guards ang kabuong taglay na aura ng dalawang babae. At na scan nila na nasa peak Epic stage lang sila.
.
"ok, makakapasok kayong dalawa dito sa Shangri-la, pero kailangan muna namin kayong dalhin sa Aming chief interrogator sa Headquarters----kayo naman ni Ms. Marie tiyak pinaghahanap na kayo ng HeadMaster ng Zeddo clan"
Sabi nito at lumingon kina Chris, napansin nyang walang malay si Marie at ganung tila napalaban ng husto ang dalawa ng matagal.
.
"Sige. Sasama kami-----Mister salamat sa tulong".
Yumuko ang dalawang babaeng ito na may mga long silvery Hairs. At darkBlue FairyMartial robes.
.
(woah tila galing sila sa isang Traditional Chinese Wushu clan)
.
*ang ganda nila parang Iris girls na may prideful brows, greenish eyes. ----those lips-----damn girl!!, ang ganda nila!! *.
.
-----
.
Papasok na si Chris at sinalubong sila ng ama ni Marie. Isang Nakakatakot na Pressure ang ibinalot nito sa katawan ni Chris.
.
Hindi nagpahalata si Chris na nahirapan sya sa pressure na ito mula sa aura at yumuko sya sandali sa Ama ni Marie.
.
"dalhin mo sya sa kanyang kwarto, may paguusapan tayo mamaya".
Sabi nito kay Chris na may Seryosong titig.
.
Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na si Chris sa kwarto ni Marie at sumunod namang pumasok ang tatlong babae na tila mga alagad ng Ama ni Marie.
"kautusan ng mahal na HeadMaster na kami na bahala kay Ms. Marie, kasalukuyan ka hinihintay ng mahal na HeadMaster sa Garden area".
Sabi ng nakakataas sa tatlong ito.
.
Ganun nga at nagtungo si Chris sa Garden na hindi parin nakapag papalit at nakapag linis ng mga sugat nito.
.
(kahit mang ilang sugat ang tumatak sa katawan ni Chris wala syang pake dahil meron syang ability na nakuha nya kay Dread. At ito ang self regeneration----kaso matatagalan nga lang dahil sa Current Stage at level nya sa cultivation)
.
*at isa pa bro, idagdag mo narin ang Insights nya sa paggawa ng ibat ibang Pills bilang isang Alchemist*.
.
-----
.
Nasa garden area ang HeadMaster at ama ni Marie.
.
"inatake ba kayo ng mga ibang Clan habang nagsasanay kayo sa labas?".
Nakatingin ng seryoso itong HeadMaster na ito kay Chris.
.
"hindi kami inatake ng ibang clan-----napadpad kami sa isang Unknown Lands sa Northern----ang IceTotem Lands."
Sabi ni Chris na walang emosyon sa mukha nito.
.
Swing!! -----
.
May tumagos sa mula dibdib at tagos sa katawan ni Chris, isang itim na dagger at bumaon ito sa Tiles sa likod ni Chris.
.
"hindi ako nagkamali-----isa kang Assassin Class, at gusto kong sabihin mo lahat ng totoo"
Sabi ng HeadMaster at lumingon sya sa isang anyo ni Chris na nasa 200meters away sa kanyang likod.
.
Ang nakatayong Chris sa harapan at tinamaan ng itim na Dagger ay naging usok. (isang Smoke Clone?!)
.
"ahm. Ipagpaumanhin mo Sir, pero base sa contract namin ni Marie, hindi ko maaaring ibunyag sayo ang lahat. Maliban sa isang bagay----".
Walang emosyon namang sinabi ni Chris.
.
Ngayon ay humarap na ang HeadMaster na ito kay Chris.
"buweno, ano namang bagay iyong masasabi mo saken".
.
Huminga ng malalim si Chris.
"ang pakay ko lang sa aking pagsunod dito sa Realm na ito ay para mahanap ang kinalulugaran ng MistyHandsClan-----o kahit anong impormasyon patungkol sa lugar na iyon".
.
Kumunot ang noo ng HeadMaster sa nasabi ni Chris. Itinapat nya ang kanyang kanang kamay kay Chris.
"Idaan natin sa taglay mong lakas, kung nararapat bang malaman mo ang tungkol sa Lupaing iyon".
.
Wham!! ----(Aura shockwave)
.
Isang Malakas na alon ng Aura ang sumalpok sa katawan ni Chris pero, ang gumulat naman sa HeadMaster ay ang ginawa ni Chris.
.
"Rraaaagghh!!".
Isang maka halimaw na sigaw naman ni Chris na tila galing sa isang Dragon.
(WarDragon skill)
.
Nabawasan konti ang lakas ng Shockwave mula sa atake ng HeadMaster, pero naroon at tumilapon parin si Chris ng ilang metro sa kahalamanan ng Garden.
.
"hindi ka pa handa-----tsk."
Tumalikod na ang HeadMaster at naglakad papasok sa Mansion.
"-----mag sanay kapa ng ilang Libong taon, hindi ka parin makakapasa, hanggat hindi mo nararating ang Ancestor stage----".
Huling mga salita na nag echo sa isipan ni Chris, na naka hilata sa bed of flowers at lumalabas ang dugo sa kanyang 7orifices (nose, ears, eyes at mouth)
.
'kung inaakala mong aabutin ako ng 'libong taon, khe!!, minamaliit mo ako masyado HeadMaster Long Zeddo'.
Sabi naman ni Chris sa kanyang isipan at tuluyan na syang nawalan ng malay.
.