webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · แฟนตาซี
Not enough ratings
125 Chs

70: The Queen of Curiosity

70: The Queen of Curiosity

.

.

Hindi na alam ni Chris, kung panaginip ba ang lahat, at nasa loob parin sya ng Dungeon Cell room no. 1994.

.

"hoy, focus ka saken, wag kang mangarap ng gising diyan---sabihin mo saken lahat ng kasagutan sa mga itatanong ko" 

Sabi ng Reyna na ito, pero wala na ang noble aura at maging composure nito bilang isang reyna. Tila isang dalaga na curious sa katulad ni Chris. 

.

(Finaly. Idol, Goodluck ----ha ha ha)

.

"ahm, dipende naman mahal na Reyna".

Sabi naman ni Chris. At nagising na sya sa katotohanan sa tunay na kulay ni Bianca.

.

"walang dipen-dipende!!, ako ang batas dito!".

Proud na sabi ni Bianca.

.

"ahm, ok sige na ----Mahal na reyna ano ba mga katanungan mo?"

Sabi naman ni Chris na unagwat kay Bianca.

.

Ganun namang pumwesto si Bianca sa bakanteng parteng iyon ng kama. 

"ang una ay, ----anong ginagamit mo para ma-block ang aking TrueHeartSeer Ability sa iyong puso at kaluluwa?!"

.

Napalapit ang seryoso nyang mukha kay Chris. 

.

"Ahm, hindi ko alam, mahal na Reyna, wala naman akong Block o kakaibang ability na gaya ng sinasabi mo".

Inosenteng nakipag titigan si Chris kay Bianca. 

.

"ehh?, ahm ok, susunod na tanong----pano ka nakapag palabas ng InkyBlackDragon sa Stadium, tiyak akong hindi ganun ang skills ng isang DarkEntity".

Tila napunto nito ang isa sa mga iniiwasang topic ni Chris. 

.

"ah-eh!, wala akong maalala nung nang----!!!? "

Nagulat si Chris, ng biglang sumungab ng pagdikit ng muka ni Bianca sa dibdib nya. At tila hinahanap nito ang tibok ng puso ni Chris.

.

"hmmmfp, kinakabahan kaba?, base sa sagot mo, kinakabahan ka nga! "

Umangat ng titig si Bianca sa mukha ni Chris.

.

"mahal na R-Reyna, ahm sinu bang hindi kakabahan kung ganyan ka naka dikit at makakapit sa katawan ko----"

Nanginginig na sabi ni Chris, hindi dahil sa takot dahil, hindi maiwasang maalala ang anyo ni Ahri sa kanyang isipan, clingy and daring---seductive Demones. 

.

"buweno, hahayaan ko sa ngayon kung kinakabahan ka. Ang ikatkong tanong, ay tungkol sa Master mo ng Alchemy, gusto ko malaman kung anong stage sya at kung hanggang saan ang lawak ng kaalaman nya patungkol sa Alchemy".

Curious masyado si Bianca. At hindi maiiwasang mang-init ang katawan nilang dalawa sa lapit ba namang ganung ayos. 

.

(Idol, let it go. Anjan na si Bianca, meron na din si Ahri at Bliss. Kalimutan mo na si Jane ng tuluyan. Mas maganda mga yan!!!!! )

.

*pre, wala sa ganda o anyo ng babae ang basehan, nasa puso parin----kaya mahirap makalimut ang puso kesa sa utak eh*.

.

-----

.

Ganun namang naaamoy nila ang katawan ng bawat isa. Pero tila immune na si Chris sa mga amoy ng babae, pero si Bianca ay ngayon nya lang unang maranasan ang ganitong ka intimate at kalapit sa katawan ng isang lalake.

.

Masasabing 18 yrs old parin ang kanyang pag-iisip at hindi pa nag advance dahil narin sa strict Cultivation focus nya sa 100,000 yrs, masasabing talented sya kahit ganun ka sparse ang cultivation resources sa Sealed Dungeon realm. 

.

Kaya masasabi ding walang maaaring makakalapit na lalake o manliligaw si Bianca, dahil narin sa Status nito na tagapagmana ng Throne ng DragonianClan. 

.

Masasabing total focus sya sa pag-eensayo at pag-aaral sa pamumuno ng isang Domain, o Domains.

.

"ahm, tungkol naman sa Master ko, ahm, sa iyo ko kang ito sasabihin tutal ikaw lang naman ang pumilit saken. Mas mapapagkatiwalaan kita Mahal na Reyna. Ang aking master ay nasa Stage lampas ng SageSaint at kasalukuyang nasa labas ng Mundo----at ang kanyang kaalaman ay lampas narin sa stage ng kaaalaman sa mundong ito".

Sabi ni Chris, at walang mapapansing kaba sa tibok ng puso at sa mukha nito sa mga sandaling iyon. 

.

Natulala si Bianca na parang nakakita sya ng Dalawang planeta na nagsalpukan sa kalawakan. Ganun kagulo ang nararamdaman nito sa sinabi ni Chris. 

.

"Mahal na Reyna?, ok ka lang ba?".

Ganun namang niyugyog ni Chris ang nagkabilang braso ni Bianca.

.

"ah, oo ok ako syempre----kailan ang huling pagbisita nya?"

Ganun paring hindi kalmado ang isipan at puso ni Bianca sa kanyang huling narinig na sagot kay Chris. 

.

"ahm last 5 yrs ago, at magmula noon ay hindi na ako nakatanggap ng Telepathy mula sa kanya, Mahal na Reyna".

Ganun namang naghahanap ng pagkakataon para kumalas sa kapit ni Bianca.

.

Umayos naman ng tindig si Bianca sa kanyang pagkakadikit sa dibdib ni Chris. 

"buweno, sa susunod na araw nalang ang mga iba pang katanungan ko----may bisita ako ngayon, gusto mo sumama, sa Garden Grounds?".

.

Ganun namang balik maamo at noble ang tono ng boses ni Bianca at tumayo na ito. 

.

"ahm, mag papaginga muna ako ngayon Mahal na reyna."

Pilit ngumiti si Chris. Dahil sa pabago bagong ugali ni Bianca.

.

"ok, babalikan ulit kita mamaya"

Sabi naman ni Bianca at lumabas na ito ng silid ni Chris. 

.

Napansin ng ilang Guards ang paglabas ni Bianca sa silid ni Chris. 

'Guys, si Ate Queen?!!, dont tell me ipagpapalit nya si Mr.Mocci sa low stage na si Chris?! '

.

'naks, i cant accept this!!, may dahilan siguro si Ate Queen!! '

.

'manahimik nga kayo, sa tingin ko, bumisita kang si ate Queen'

.

'Bisita???, eh halos kagabi pa sya sa loob ng kwartong iyon----may kababalaghan ata nang----'

.

Ganun namang walang tigil ang usapin ng mga nakakita kay Bianca na kagagaling sa kwarto ni Chris. 

.

-----

.

Nasa Garden si Mocci ng 7:30am.

.

May dala itong rosas. At ganun ding Chocolates.

'sa araw na ito, liligawan ko si Bianca, tiyak akong magtatagumpay ako'

.

Lumabas sa pintuan ang isang Malaking katawan na lalake, at Alagad ni Bianca.

.

"Mr. Mocci ng UltraLightning sect, mula sa kautusan ng Mahal na Reyna. Wag ka nang babalik dito magmula ngayon" 

Naglabas ng tyrannical Aura sa peak SaintStage ang lalakeng ito para itaboy si Mocci. 

.

"ah?, what?!, mukhang may mali sa pagkakautos saiyo? -----".

Tila hindi na alam ni Mocci ang totoo at mali sa sandaling iyon. 

.

Inunat ng Lalakeng iyon ang kanyang kamay at itinulak si Mocci ng pressure ng malakas. At halos maging pirapiraso ang mga bulaklak at chocolates na dala nito. 

"umalis kana at bago pa kita kaladkarin palabas ng Domain! "

Seryosong killing intent ng lalakeng iyon kay Mocci. 

.

Wakang nagawa si Mocci kundi umalis sa back gates ng Fortress.

'may mali!?, imposibleng ganun si Bianca saken, matapos ng mga pinagsamahan namin!!!'.

.

Sa itaas ng bintana sa palasyo. Naroon si Elise at may matalim itong titig sa papalayong anyo ni Mocci. 

'kung ang anak ko ay na-silo mo, malabong mautakan mo ang ability ko'. 

.

Mukhang si Elise ang nag-utos sa Lalakeng iyon na itaboy si Mocci. 

.

Hindi nagtagal ay nagtungo na si Bianca sa Garden, at naroon na si Elise may tsaa itong iniinom at nasa Garden set ito.

.

"ma? ' asan si Mocci?"

Tanong ni Bianca sa kanyang ina. 

.

"ah?, yung kaibigan mong si Mocci?, umalis na sya sabi nyang may date sila ng Jowa nya kaya hindi sya magtatagal ngayon---halika anak samahan mo ako mag tsaa".

Inosenteng sabi ni Elise sa kanyang anak. 

.

Tila parang kumirot ang dibdib ni Bianca, pero gaya ng pagkakasabi ng kanyang ina, mukhang kaibigan lang talaga ang tingin ni Mocci sa kanya. 

"ah sige ma', ahm. Gusto ko ikwento mo saken ang tungkol sa MistyHandsClan".

.

"ayan, Buti naalala mong itanong anak".

Ngumiti naman si Elise, at alam nyang ayos na ang kalooban ni Bianca sa pagkawala ni Mocci sa lugar ng puso nito. 

.

-----

.

Si Chris ay kasalukuyang kausap si Denz sa loob ng kwarto nito. 

.

"so plano mong alamin, kung nasaan ang MistyHandsClan? Bro?".

Tanong ni Denz. 

.

"oo Bro, tiyak akong naroon ang kasagutan sa tunay kong pagkatao at makilala ko ang pamilya ko".

Nagkaroon ng karagdagang Goal si Chris at iyon ay ang makasama nito ang tunay nyang pamilya sa buhay nyang iyon. Bago pa man nya ipagpatuloy ang pagtulong kina Ahri sa kanilang Cultivation.

.

Ganun namang isina-plano na ni Chris ang kanyang paghahanap sa MistyHandsClan. At unang una ay kailangan nya ang isang bagay sa DragonianClan. 

.

"bago ang lahat, kailangan maging stable muna ang pwersa ng DragonNest sa hindi inaasahang mangyayari sa hinaharap".

Lumingon si Chris kay Denz. 

.

"ahm, kahit ano gawin mo Bro, susuportahan kita."

Thumbs up naman ni Denz. 

.

"he he he. Simple lang naman bro, tatanggap tayo ng DragonBloodBaptismal, at siguradong nasa plano ko na lahat" 

Ngumiti si Chris at ganun ding madaling nagets ni Denz ang plano nito.

.

"plano mo maging backer natin ang DragonianClan , at maging ang resources na taglay nila tama ba bro".

Tumapak nga ni Denz ang plano ni Chris. 

.

Sabay silang tumawa sa kanilang binabalak, pero tila plano rin nila magbigay ng kapalit sa bagay na kanilang hihingiin sa DragonianClan.

.

"yah, mas napapadali ito, dahil kay Bianca, Bro".

Sabi naman ni Denz. 

.

"yah, tiyak akong sasama sya sa paglalakbay natin para mahanap ang MistyHandsClan".

Nasa plano na talaga ni Chris ang isama si Bianca sa Adventure. O sadyang predictable lang si Bianca dahil sa curiosity nito kay Chris. 

.

-----

.

Natapos ang pagk-kwento ni Elise kay Bianca. At kung bakit hindi nabanggit ang tungkol sa clan na iyon kay Bianca simula pa nuong nasa Dungeon realm pa sila. 

.

"isang Legendary Clan, sa kauna-unahang sibilisasyon ng Mundong ito----"

At mukhang masasabing may mas malakas pa kesa sa mga Dragons na lumapastangan sa mga lupain noong panahon nila. At lalong mas malakas pa kesa sa limang legendary figures, namuhay ng millions of millions years ago.

.

"ahm, mukhang magandang discovery kung mahahanap natin ang clan, maaaring meron pa ito sa ngayon sa mga lupain sa norte----".

Tila napa isip si Denz. 

"----hindi kaya kailangan muna nating makatapak sa Ancestor stage bago maglakbay sa lupaing iyon?, Bro? "

.

Sumagi naman sa isipan nina Chris at Denz. Na maging mga Ancestors at Saint stage experts ay namamatay sa expedition sa pagtuklas sa mga lupain sa unknown Northern lands. 

.

"ahm, may naisip akong magandang idea pero, kulang tayo ng isa".

Sabi ni Chris.

.

"ahem, bakit hindi ba ako kasama? "

Sabi naman ni Bianca na nasa likod ng dalawa.

.

"What the!!! ---Mahal na reyna wag kang susulpot sulpot ng ganun, masakit sa puso! "

Sabi naman ni Chris, na tila halatang alan nyang darating sa tamang timing si Bianca.

.

"Bakit?, eh Palasyo ko naman ito ah".

Sabi naman ni Bianca na pilit nitong pinanatili ang Composure nito bilang isang Reyna. Dahil naroon si Denz. 

.

Tumingin si Denz kay Chris, at tila alam na nya ang nangyayari. 

'Bro nakakatakot ka, pano mo nasilo ang Mahal na Reyna?!, How to Be You bro?!!'.

.

Nag-isip naman si Chris, at sumagi sa isipa nya ang isang Array of inscriptions. At sa kanyang sea of consciousness naglutangan ang halos Millions upon millions of Inscriptions na may ibat ibang kulay, liwanag at may mga seals sa bawat inscriptions base sa ability nya At stage nya. 

.

'Hmmmmfp, ok rush in pero forbidden, maaari naming gawin ito para mabalanse ang aming cultivation stages, mas makakatulon din ito lalo saken. He he maaaring may backlash pero ako na sasalo lahat para sa kanila'. 

NaPaluhod sa kanang binti si Chris at yumuko sa harapan ni Bianca.

.

Nabigla si Bianca at maging si Denz sa ginawa ni Chris na wala manlang pasabi-salita.

.

"a-ano ibig sabihin n-nito Chris?! "

Namula ang magkabilang pisngi ni Bianca.

.

Pero itinapat ni Chris ang kanyang palad sa mismong sahig. Na tila may sinasagap itong bagay. 

'hmmmmfp, mukhang tama nga hinala ko, merong DivineMining area sa 39,000+ft ilalim ng Fortress na ito.'

.

Gamit ng kanyang Mind-intent searching ay nahanap nya ang mismong area ng Mining ng Divine stones ng DragonianClan.

.

"Ahm. May malaki akong Request Mahal na Reyna---- maaari bang makahingi ng 2,000 pcs ng DivineStones?".

Sabi naman ni Chris kay Bianca.

.

"eh?, may 5000 Divine Stones ako dito, sapat na ba? "

Ganun namang inilabas ni Bianca ang kanyang Savings sa loob ng PurpleGold storage ring. 

.

"ahm, sure ka ba na ok lang, Mahal na Reyna? ----masyadong mahal ang mga DivineStones sa mundong ito".

Sabi naman ni Chris. 

.

"hmmmfp, tatanggapin mo ba o hindi?! "

Tila nainis na si Bianca. At agad ding Tinanggap ni Chris ang 5000 pcs na DivineStones. 

.

(kaya na itong bumili ng 50 high-Ancestor stage artifacts)

.

*woooh. Yaman!!!,*

.

-----

.

"ngayon nasakin na ang primary material, susunod ay, hihingi ako ng DragonBloodEssence -----1galon Mahal na Reyna".

Direkta paring sinabi ni Chris kay Bianca na walang pag-aalinlangan o kaba. 

.

Agad ding inilabas ni Bianca ang isang 1 galon Crystal bottle na naglalaman ng DragonBloodEssence. At inabot jay Chris. 

"ano pa kailangan mo?, sabihin mo lang at gagawin ko lahat ng abot ng aking makakaya para makuha ito".

.

"ahm, Ang RoyalBlood mo----Mismong BloodEssence mo Mahal na Reyna---- 20ml lang sapat na".

Ganun paring walang kaba si Chris na nag-request kay Bianca.

.

Nagulat si Bianca dahil ang RoyalBlood nila sa DragonianClan ay limited na ipasa sa ibang saling dugo----at mahirap ding ibalik ang nawalang BloodEssence sa kanilang mga katawan kapag nabawasan sila ng kahit katiting na BloodEssence.

"ahm, ok-----".

.

Ganun ding agad hiniwa ni Bianca ang kanyang hintuturo, at kinontrol nya ang paglabas ng kanyang BloodEssence sa sugat nito.

.

Inilagay naman ni Chris sa isang Mini Bottle ang dugong ito ni Bianca.

.

Inilagay ni Chris lahat ng materials sa kanyang StorageRing.

.

"ok, Bro tara na, magpaalam na tayo sa lahat".

Sabi naman ni Chris na tila walang mannerisms sa harapan ng Reyna. 

.

Naglakad na palabas sina Denz at Chris at tulala parin si Bianca sa nangyari. 

'ehh?, parang may mali-----What!!!? '

.

Agad humabol si Bianca sa dalawa na kasalukuyang nasa labas na ng Fortress at naglalakad. 

.

"teka sandali!!!, saan kayo pupunta aber?!, hindi nyo pa sinabi saken ang dahilan nyo sa pagtanggap ng mga bagay na ibinigay ko! ".

Nawala na ang composure bilang reyna si Bianca.

.

"ah eh?, he he he. Pasensya na Mahal na Reyna, pero isasama ka sana namin kaso, Yun na nga ang problema eh----Reyna ka. Hindi ka maaaring umalis sa palasyo".

Ngumiti ng malaki si Chris, na tila nahulog si Bianca sa patibong nya.