58: the D. Days.
.
Napabalita na dadalhin si Chris sa RoyalDungeons ng PurpleMoon, para mapa-imbestigahan sa naturang nangyari sa WorldTournament kamakailan lang.
.
Sumiklab na parang apoy naman ang mga rumors at usap usapan patungkol sa team St. Cessia na automatically disqualified dahil sa nangyari.
.
At ibinahagi narin ni Brian na bilang Representative ng Tournament, na Maitutuloy ang tournament sa susunod na 3 buwan. Dahil sa reconstruction ng Stadium. At ang maghaharap sa finals ay ang Team ScarletSwordsmen at BloodMoon team.
.
At ilang mga Top tier Sects ay nag-umpisa ng mag Recruit ng maaga sa mga naging participants ng WorldTournament.
.
At masasabing madami ang agad sumali sa kahit anong Top tier Sects na mga ito.
.
Kasalukuyang huminto sa pagbuhos ng nyebe sa tanghaling iyon. At lahat ng tao ay naka suot ng WinterOutfits.
.
"Guys, mauuna na ako, salamat sa lahat Bro Chris, kung hindi dahil sayo hindi kami makakatungtong sa aming pangarap".
Sabi naman ni Lucas, at mukhang paalis na ito para sumali sa isang Top Tier Sect.
.
"ha ha ha. Bro Lucas, parang magkapatid na tayong lahat. Kaya natural lang na magtulungan tayong lahat. Buweno huling paalala ko, wag kang maging chick boy sa Sect. Ha ha ha"
Umakbay naman si Chris, at lumingon naman kay Box.
.
"he he he. Sa totoo lang may ibibigay ako sayo Bro, hindi ko man alam ang gamit nito pero---- Heto lang ang maibibigay kong token bilang isang matalik na kaibigan. ha ha ha. Ingatan mo yan".
Lumapit si Box at umakbay kay Chris. May hawak itong Storage Box na kasing laki ng lalagyan ng singsing.
.
Agad namang tinanggap ni Chris ang kahon.
.
Lumapit na sina Ahri at Bliss kay Chris at nasa tabi nila si Rhian.
.
"so ano plano nyo?, girls? ".
Sabi naman ni Lucas.
.
"khe, kanina pa kayo hinihintay ng ka Sekta nyo duon---".
Turo naman ni Bliss sa dalawa.
.
At tila nagising sina Lucas at Box, at sabay kumalas kay Chris sa pagkaka-akbay.
"pano ba yan Bros, aalis na kayo. Till next time, sana nasa Ancestor Stage na kayo sa susunod na makita ko kayo. he he he"
Sabi naman ni Chris. Hindi man pansin pero malungkot sya sa pagkakawatak watak nilang lahat.
'mas mabuti na ang ganito, at mapapalayo sila sa panganib----'.
.
Nagtatakbo sina Lucas patungo sa kanilang mga kasamahang Sect members. At magkaiba sila ng Sect na sinalihan.
.
Ganun namang bigla nalang may umagaw sa pansin ni Chris na mga kamay, at isang halik ang kanyang natanggap. Hindi nya ito itinulak at hinyaaan nya ito ng ilang segundo.
.
"mamimiss kita, hic---".
Naiiyak na hitsura ni Bliss, kahit sabihing balik sa pagiging fierce ang ugali nito, ngunit para kay Chris malambot ang puso at damdamin nito.
.
"ah---eh, ako din naman. Mamimiss ko kayong lahat."
Lumingon ito kay Ahri at ganun din kay Rhian na tila biglang umiwas ng pansin, sa hindi malamang dahilan.
(i feel that, another fish takes the bait)
.
Lumapit si Ahri at hindi nagpatalo kay Bliss.
.
Mmmmuuaahh.
.
"eehh?, Ahri? ".
Ganun ding hindi maiwasang makaramdam ng inis at selos si Bliss.
.
"oh bakit?, jowa ka ba nya?, kaya shut up kana jan. Gagawin ko ano man ang gusto ko sa kanya. hmmmfp!!---Chris sa susunod bawas bawasan mo ang pagtawag ng gulo sa sarili mo. Ok?! "
Piningot naman ni Ahri ang kanang tenga ni Chris.
.
"aw awaw!!! --- oo na!!, oo na!!".
Bumitaw naman si Ahri, habang dumating naman si Brian para sunduin si Chris at dadalhin nya ito sa PurpleMoon Dungeon.
"mukhang magiging preso muna ako sa ngayon----"
.
Bago pa man makaalis si Chris ay may yumakap sa likod nya.
.
"Chris, mag iingat ka lagi, mamimiss kita sobrang sobra! Muah!".
Isang halik mula kay Vera ang natanggap ni Chris. At nasa lupa naman si Minty na tila nagka-Curious looks sa mga mata nito.
'ano meron sa labi ng lokong ito?, at pinag dadampi ng labi nina Ms. Vera.'
Sa isipan ni Minty naging normal na ang halikan ng babae at lalakeng tao.
.
"he he he. Ako pa syempre mag iingat ako lagi".
Sabi naman ni Chris at parang nagkaroon na sya ng Blood Bond kay Vera dahil sa pag-kagat nito noon sa leeg nya.
.
"heto, sana matanggap mo ang simpleng bagay na magsisilbing ala-ala mo saken"
Iwas tingin na may inabot naman bigla si Lanna kay Chris at kakadating lang nito para mag-paalam.
.
Isang mahabang bluish na kahon at may snow flakes na details. Halatang napaka mahal ang pagkagawa sa kahon na ito at may aura na Freezing effect.
.
"ah eh, hindi talaga kita makakalimutan, ---- ikaw pa".
Sabi naman ni Chris na tila nagbigay hint sa isang nakaraang pangyayari.
.
Namula ang mukha ni Lanna at nagmadaling umalis. nagtungo ito sa mga ka-Sect members nito.
'tsk!, mamboboso!! hindi kana magbabago!!, hokage ka parin pati sa pananalita!!'.
.
Napangiti lang si Chris at lumingon ito kay Ahri. Pero narinig nyang huminto sa paglakad si Lanna.
.
"kung iniisip mong makikita mo pa si Jane, sa tingin ko alam mo na kung nasaan sya sa ngayon".
Sabi naman ni Lanna na pahabol nito, at nagpatuloy na sa paglakad.
.
Ganun nga at tinibayan nalang ni Chris ang kanyang loob, at baka umiksena ulit si Dread kapag nanghinaan sya ng "Will".
.
"handa ka na ba Chris?,"
Tanong ni Brian sa kanya.
.
"ahm, saglit lang----".
Kumaway si Chris kay Ruby na tila nagulat sa paglingon nito sa kanya.
.
Nasa Malayo na sina Ruby kasama si Hannah at mukhang iisang Sect ang kanilang sinalihan.
.
Gusto mang lumapit ni Ruby kay Chris pero hindi nya magawa. At mukhang sa susunod nalang nya gagawin ang dapat nyang gawin.(halik)
'hanggang sa muling pagkikita---- Chris, tandaan mo andito lang ako para sa iyo'.
Sa isipan ni Ruby na hindi mababago. At hindi rin nya masabisabi kay Chris.
.
"mukhang matagal-tagal ulit bago tayo magkikitakita nina Chris----i think 25 years later or more. he he he".
Sabi naman ni Hannah na tila balik sa Jolly, sweet at inosenteng personality nito.
.
Sina Gilbert at Jake ay nakasali sa naunang batch ng gatherings. Nakapag paalam naman sila ng maaga kay Chris at sa iba.
.
Si Ahri at Bliss ay sasama kay Rhian patungo sa DemonSpiritualist alliance. At masasabing mas matagal silang hindi makikita ni Chris unless fruitful encounter sa wilderness o saan mang lugar sa mundo.
.
Si Vera ay ganun ding umalis kasama ang babaeng Sect Elder na pumili sa kanya.
.
Si Chris ay sumama na kay Brian patungo sa Dungeon. Isang SageSaint escort para kay Chris ay sadyang napaka swerte.
.
-----
.
Papasok na si Chris sa Dungeon at inalis sa kanya ang kanyang Storage ring, at nag suot ng suppression outfit. At naglagay sila ng black bracelets sa kanyang mga paa at mga kamay.
.
Sinamahan sya ng Dalawang Babaeng nasa Ancestor stages, papasok sa kanyang kulungan.
.
Habang nasa hallway sila, patungo sa kanyang Cell no. 1994.
.
Madaming mga nakatingin kay Chris sa bawat Cell rooms, at si Chris ay napiling ilagay sa dulo ng hallway na ito mula sa kautusan ng Department of Justice for Cultivators
.
A ikinulong sya sa isang Crystalized Barrier na Cell room, may isang kama, banyo na walang bintana, at ventilation.
.
'hmmmf, mukhang plinano talaga akong ilagay sa Safe Spot'
Sarcasm nya sa kanyang isipan, dahil alam nyang nasa Hallway sya ng mga most deadliest criminals ng PurpleMoon lists. Kung hindi deadliest then masasabing celebrities ng Kamatayan.
.
Karamihan sa mga nasa Cell room duon ay mga Babae.
(i feel nababagay sya dun, ha ha ha. Too many fishes, yet i see them as deadly hot super bomb sirens!!. )
.
*jan nababagay ang skills ni Bro, kaso suppressed naman silang lahat. Kumbaga para silang Non-Cultivators duon. ha ha ha ha*.
.
-----
.
Lumapit ang isang anino sa tapat ng crystal barrier ng kanyang cell room.
.
"ohohoho, mukhang ikaw nga yung bagong most wanted killer sa PurpleMoon, na pumatay ng madaming inosente sa isang atake lang??!!! ---well narito sa report eh, kaya mukhang totoo nga".
.
Sabi ng isang Sexy Hot na babae. At nasa edad na 28, may Officer black na outfit long sleeve na semi Fitted at mini skirt, Bluish short hair at dark blue eyes. May latigo sa kanang hip clip sa belt nito. At high boots with high stockings na black, at isang Chief cap.
(typical Navy officer style, isang torturer naman kung maiimagine natin guys)
.
"oh, thats too friendly officer Megan,".
Sabi naman ng babaeng nasa madilim na sulok ng katabing Cell ni Chris.
.
"shut up!, ngayong may pogi sa loob ng Dungeon ko, tsaka ka lang magsasalita!!, tsk, manahimik ka jan Tibo!! ".
Pasigaw na sabi ni Megan(Dungeon chief). Sa Babaeng nasa madilim na sulok ng katabing Cell ni Chris. (room 1995).
.
Natameme lang si Chris, at mukhang nakarinig nanaman sya ng bagay na iniiwas iwasan nyang ma-develop.
.
(Heavens loves you Chris, maske 300 yrs old man na babae, basta napaka bata parin ng pangangatawan at mukha nya---- Cultivators never age unless stuck up sila sa Stage ng matagal na panahon).
.
*Age doesn't matter sabi nga nila. Pero mas maganda kung sa mundong iyan hindi sa mundong Earth. he he he*
.
## slight simpletons----he he he ##
.
-----
.
"ok bilang bagong preso dito, nabasa ko din sa File mo na, isa ka sa Rare cultivators na sinaniban? ----ahem sinaniban ng DarkEntity sa kalagitnaan ng Tournament---oh!, dahil sa Team UltraLightning---eek?!, ----diba sila yung may mga guwaping na Guys!!!, ayieeehh!!"
.
Kinilig naman saglit si Megan at agad ding sumeryoso ang mukha nito, at naka tingin kay Chris.
.
"ah eh, yah. Ahm---hindi ba ako pwedeng mag cultivate dito sa loob ng Cell? ".
Tanong naman ni Chris kay Megan.
.
Napahawak sa sentido si Megan, at ngumiti kay Chris.
"impossible, dahil nakasuot ka na ng Qi-Suppressors.Pero pwede ka paring mag exercise syempre, may schedule kayo---at ganun din sa Play grounds nyo, maaari kayong mag mortal kombat duon sa mini Arena octagon. Ha ha ha ha. Bilang mga non-Qi users syempre mas may thrill ang laban diba".
Pagpapaliwanag naman ni Megan kay Chris. At napakagat labi ito habang nakafocus sya sa mga mata ni Chris.
.
"ah thanks, ahm ano pa mga dapat at hindi dapat sa Dungeon grounds?, Ms. Megan."
Kalmado at nakipagtitigan sa mga mata ni Megan si Chris.
.
Na torete naman si Megan pero agad ding umayos ng composure nito.
"do's, simple lang naman. Kailangan mong sumunod sa bawat sasabihin ko, o sa mga sasabihin ng alagad ko dito. In short kami ang batas. Ang don'ts naman ay----well pwedeng pumatay sa loob ng Dungeon grounds, kasi imposibleng makagamit din kayo ng Qi, kaya hindi rin easy killings dito. He he he. yun lang, at goodluck dahil schedule mo mamaya para sa walking duon sa play grounds".
Pagpapaliwanag ni Megan kay Chris.
.
"oh, he he he. Mukhang mag eenjoy ako dito ng ----teka kailan ako lalabas ng kulungan?".
Sumagi sa isipan ni Chris ang importanteng bagay at yun ay ang kanyang kalayaan.
.
"oh, kalayaan ba kamo?, ahm. Nakalagay na 'for further investigation' at magtatagal ka dito hanggat hindi binibigay saken ang sagot ng D.J.C. Department of Justice for Cultivators."
At akmang aalis na si Megan ng lumingon ulit sya kay Chris.
"maaaring hindi ka tatagal ng isang taon or dalawa----".
.
" you mean lalaya din ako agad?!,"
Ang malungkot na hitsura ni Chris Ay nabago agad ng tuwa at liwanag ng pag-asa.
.
"oo ---na hindi, baka maaga kang ma-dedo dito sa loob ng Dungeon Grounds---pero dont worry lagi kitang i-momonitor sakaling may mang-bully man sayo, ---inshalla---busy pa ako sa desk. Talk to you some other time."
Sabay kindat nito kay Chris at umlis na.
.
'oh thats great, hindi ko kailangan pag-isipan kung may mang-bully man saken dito------bully ba kamo?, ha ha ha. Baka ako pa ang maging Bully dito. ha ha ha'.
Pero ang labis nyang inaalala ay, ang naghihintay nyang swornbrother na si Denz.
.
-----
.
Si Denz ay nakatanggap ng message mula kay Chris, bago pa man ito dalhin sa PurpleMoon RoyalDungeon.
.
Kasalukuyang nasa Bansang Coryet, sa 12th city.
.
'bilang isang SwornBrother balewala sa amin ang paghihintay ng kahit ilang taon'
Nakaupo si Denz sa harap ng isang crystal screen at may plated keyboard sa desk, at mukhang may nilalaro ito duon na Game.
.
(hindi nawala ang Online games sa panahong iyan. ha ha ha)
.
*atleast wala ng FB-FB jan bro, super hi-tech na nga mga gadgets jan, kaso exclusively for cultivator uses only*.
.
-----
.
Si Chris ay lumabas sa kanyang Cell, at nagtungo sa 'Play grounds' na sinasabi ni Megan. Pagkalabas nya, isang nakakasinag na araw, blue sky, cemented flooring, malawak na Ground na ginawa ng isang Alchemist engineers, isang or spacial controlled grounds. At may lawak na 10km radius, madaming pagkaka-abalahan na bagay tulad ng swimming pools, Gym, exercising equipments, at TouchDown court.
.
Kung saan katulad din ito ng Stadium, medyo makikita nga lang ang araw sa loob nito, at may makapal na Barrier na hindi halata sa naked eye. Tumatagos ang nyebe sa barrier at ganun din ang klima sa labas.
.
Nakasuot lahat ng Winter Outfits na may Qi-Suppressors.
'oh, isang Play ground huh'.
Nakatingin si Chris sa lugar na kung saan sama sama ang mga kababaihan, at iilan lang ang mga lalake sa lugar na ganito.
.
"hey you!!, come over here man! "
Sigaw ito sa malayo. At lumingon si Chris.
.
Isang babae, na may tattoo sa kanang parte ng leeg. At nasa edad na 18, short Brunette hair, mini shorts, at base sa boses nito sya nga ang katabing preso ni Chris na nasa room 1995. Kasalukuyang nakaupo mag isa sa isnag bench area.
.
"oh?, ano kailangan mo?".
Sabi ni Chris at lumapit sya duon.
.
"call me Liza, Liza Grande, ikaw ano Name mo? ".
Tanong nitong si Liza the rebel, gothic at suplada na babae.
.
"Chris----Hernandez, teka familiar yang apelyido mo ah".
Pilit inisip ni Chris kung saan nya narinig ang apelyido ni Liza.
.
"ahhh, baka sa Banda, or sikat na Biker group, or kilalang artista. Thats me Liza the Rebellion. He he he. Ano namangha kana".
Sabi naman ni Liza na may pa-angas na dating.
.
Tila hindi natumpok ni Chris, pero tumango nalang sya.
"so, ilang taon kana dito? "
.
Natameme si Liza sa naging tanong ni Chris.
"ahm, 10 years. He he he. Pero malapit na ako makalabas. Mga 5yrs more".
At nabahiran ng lungkot ang mga mata ni Liza.
.
"ano ba dahilan ng pagkakakulong mo? ".
Tanong ni Chris. At naging curious sya sa tulad ni Liza.
(may something si Chris sa mga payat, flat at suplada. he he he)
.
*Liza Grande: Age 28, may mukhang nasa edad na 18, medyo payat, medyo flat, maputi, may 3 tattoo na butterflies sa kanang parte ng leeg(biggest to smallest) , may black heart tattoo sa kanang hita na may red roses, may tangkad na 5'5" *.
.
-----
.
Si Liza ay sumeryoso at tumitig ng matalim kay Chris.
"hindi mo na kailangan pang malaman yun----eh ikaw bat ka nakulong? ".
.
"ah eh, napagbintangan ako, at ini-imbestigahan palang ang nangyari".
Sabi naman ni Chris.
.
"oh, same here".
Umiwas pansin si Liza at nakatingin sa kalangitan.
.
"ah ganun ba, at anong isi-nisi saiyo? ".
Dagdag ni Chris.
.
"wag makulit, sabing hindi mo na kailangan pang malaman yun".
Balik sharp gaze naman si Liza kay Chris.
.
'parang addict ito ah, or masasabing rebel type talaga. Ganito din ako noon----sigh. Kaso malabong ako talaga ang Dread sa nakaraang buhay ko, at tanging sina Ahri nalang ang nagbibigay kahulugan ng existence ko'.
Napatingin din si Chris sa kailangitan.
.
-----
.
Sa unang linggo ni Chris sa Dungeon ay mas nakakasabay na sya sa routine at schedule na ibinigay sa kanya.
.
May mga araw din na bibisitahin sila ng mga kaibigan, magulang, mahal sa buhay, o Monk.
.
(ehh monk? ----why? )
.
*easy bro, syempre monk, kung sa mundong earth kapag binisita ka ng pari, surely na nasa death row list ka*.
.
## right ##
.
-----
.
Si Chris ay nag p-push up sa loob ng cell room nito. At mukhang routine nya ang hindi pagsayang ng oras para sa kanyang katawan.
.
"1,000----khuh!! "
Bumangon na si Chris at pawis na pawis ang katawan. Pumasok sya sa kanyang Banyo. At naligo ito duon.
'still, may improvement sa reflexes at lakas ng katawan ko----so pwede na ako bumisita sa Central District kung saan nagaganap ang mga labanan dito sa Dungeon'.
.
Hinintay ni Chris na bumukas ang Crystal barrier ng kanyang Cell room. At pagdating ng after lunch, nagkita sila ni Liza sa dating tambayan.
.
"oh, nagpagupit ka?! "
Ganun nga at hindi makapaniwala si Liza sa bagong hair cut ni Chris.
.
"pangit ba pagkakagupit ko?, o nasobrahan? "
Agad na tanong ni Chris, at hindi makahanap ng salamin o reflection item sa paligid.
.
"he he, ok ah. Astig ng eh. Ok na yan lalo na kapag mahangin, so saan tayo pasyal ngayon, ipinakilala ko na sayo mga top15 rulers ng districts dito, at ang nasa District natin ang pinaka mahina----"
Natigil si Liza ng mapansin nyang nag stretching si Chris na parang sasabak sa isang marathon o labanan.
"d-dont tell me! ----".
.
Lumingon lang si Chris kay Liza with smile. At kindat.
.
Naglakad na sila patungo sa central district. Isang isolated area na kailangan dumaan sa dalawang bantay na may aura na Ancestor stages. Isang babae at isang lalake.
.
"District? ----"
Tanong ng lalake kay Liza.
.
"District 123, 1994 and 1995".
Sagot naman ni Liza.
.
Mukhang magiging identity nila ang mismong numero ng kanilang cell room.
.
"ok, pasok na kayo, Ikaw na bahala mag explain sa kasama mo kung ano ang rules".
Sabi naman ng babae kay Liza.
.
"sure mate---".
Kinindatan ni Liza yung babaeng stand guard sa Gate ng central district.
.
Pagkapasok nila sa gate na iyon, ay ganun ding nabago ang environment sa loob. Isang MMA stadium este isang mini stadium hawig sa Tournament kaso no VIP rooms, at walang crystal desks. Normal Battle ground kumbaga naka base ang disenyo para lang sa mga preso at suppressed Qi-cultivators.