54: Secrets, and the Unsealed Realm.
.
.
-------------
.
## ipag paumanhin sa huling updates, madaming mababago sa takbo ng kwento at sa limit chapter ng Book1 na ito ay maaaring abutin sa 200+ chapters--- salamat sa mga suporta at patuloy na pagsubabay sa kwentong ito. :) :D ##
.
-------------
.
Si Jane at Mocci ay nagkita sa isang PlanetBucks cafe.
(ha ha ha. Star sana yun eh kaso medyo ibahin natin guys.)
.
"Hi, halika kain tayu. 3pm na ng hapon, kaya Hot cake at Hot Choco drink nalang na order ko".
Maamong Artistahing Korean na mukha ni Mocci. (napaka bait nya oh)
.
*kiligin na girls, ang guwapo ni Mocci dito sa scene----*.
.
-----
.
Kapwa matching color ang kanilang winter outfits.
.
Ganun namang hindi na din gaano kalakas ang pagbuhos ng nyebe sa labas.
.
Madaming bakanteng tables sa loob ng PlanetBucks. Pero hindi alam ni Mocci at Jane na may nakasunod sa kanila.
.
'Ano na gagawin ko kung pagpipiliin din ako kung si Chris or si Mocci,----tutal hindi naman ako si Jane, pero. Napaka sweet nila ngayon ---na hindi naman nangyari ang ganitong kilig scene sa kanila ni Chris.----Jane, si Mocci na ba talaga ang gusto mo?'.
Tila nag-aalala lang si Blana kay Jane.
.
Dahilan kung bakit ganito kinakabahan at nag-aalala si Blana. Kung Mocci ay may malaking background at may nakakatakot na backer. Habang si Chris ay isang Hidden Monster na kayang mag-isa at protektahan ang sarili nito.
.
(monster nga naman talaga si Chris, kita namang masyadong advance ang knowledge nito sa cultivation, skills, talents, etc etc. Parang walang bagay na hindi alam ni Chris patungkol sa Cultivation. At isa pa cardinal rule: wag syang gagalitin)
.
*meron syang ilang bagay na hindi nya alam or hindi nya masagot----at iyon ay yung katanungan na: hindi ka na magkaka jowa bro?-----he he he. peace joke lang*
.
-----
.
Si Blana ay kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga tables sa loob. At ganun namang lihim itong sumisilip sa dalawa. At may takip na Scarf ang ibabang parte ng mukha nito.
.
Hindi nagtagal ay lumabas sina Mocci at Jane na magkahawak kamay.
.
Sumunod sya ng tahimik at maingat.
.
Sumunod sya sa alin mang shops pumasok ang dalawang magkasintahan.
.
Hanggang sa pumasok sila sa isang magarang hotel na may pangalang '10star hotel'.
.
'Bessie!!!, wag jan ---wag jan!! '
Tila gusto na talagang pigilan ni Blana si Jane sa pagpasok nito sa hotel kasama ang lalaking pinaka matinding magiging katunggali ni Chris sa tournament, na si Mocci.
.
(hindi nya parin 'gets' ang mga nangyayari, maske si Blana hindi rin nya gets. na si Mocci ang may pakana sa lahat ng mga problema na dumating sa nakaraang laban nila sa tournament rounds)
.
*naks naman girls, don't be blind--- pero malamang Love is Blind nga diba*.
.
-----
.
Hindi na pumasok si Blana at nakabalik na ito sa Condominium ng Team St. Cessia.
.
Kasalukuyang nasa sala si Ahri, na agad ikinagulat ni Blana ng magtama ang titig nila.
.
Si Ahri ay may hint, at mukhang nabasa nya ang pagkagulat sa mukha ni Blana.
.
"oh, musta si Jane?, akala ko kasabay mo sya lumabas".
Hint na tanong naman ni Ahri kay Blana.
.
Hindi agad nakasagot si Blana, at naiba ang baling ng mga tingin nito.
.
"ahm, naiwan sya sa Shop mamayang gabi na daw sya makakabalik".
Sagot naman ni Blana at kumalma ang anyo nito.
"----si Chris? ".
.
"ahh, si Chris?, hindi ko din alam, mukhang pumunta na sya sa kaibigan nyang si Denz at may pag-uusapan sila".
Sabi naman ni Ahri pero hindi tiyak kung saan nagpunta si Chris, matapos ang kanilang usapan kaamakailan lang.
.
-----
.
Dumidilim na ang paligid, at makapal ang pagbuhos ng nyebe sa kalangitan.
.
Nakatayo duon si Chris sa pinaka tuktok ng isang commercial building. May taas itong 30,000ft.
.
Tanging Red lights lang ang sa octalgon corners ng lugar na iyon ang nagsilbing ilaw nya.
.
'hindi ko inakalang, ganito kalamig sa tuktok ng Building na ito----pero ayos narin para mahanap ko ang Selfless state ng isipan ko'.
.
Nakatayo sya duon na parang kasing kalma ng lawa at kasing tatag ng ancient tree, at unti unting syang lumubog sa kanyang mental meditation state.
.
-----
.
Hindi makapaniwala si Denz sa ilang scroll na nasa loob ng kanyang Storage ring.
.
'binigyan ako ni Bro ng ganitong mga ka-advance at malalakas na Cultivation Techniques, at mukhang limit nito ang level 10 SageSaint stage! '.
Hindi parin huminahon ang puso at isipan ni Denz dahil sa ibinigay ni Chris sa kanya na Cultivation techniques, ito ay para sa kanyang mga kasamahan. At ibibigay nya lang ito pagkatapos ng World Tournament.
.
-----
.
Si Jose ay may hawak na Baril, at napulot nya ito sa isang maleta, sa loob ng isang Old container.
.
'hmmm. Mga kakaibang gamit----'.
Sinuri nya ang mga kakaibang mga gamit na mga nasa loob ng lumang Titanium container. At madami pang laman ito tulad ng mga machine guns, rocket launchers at iba pa.
.
(mga kagamitan ng present weaponry natin dito sa earth----woah mukhang naitago na ang mga ito sa well preserved underground bunker)
.
Sinilip ni Jose ang mismong butas ng silver DesertEagle. At nakalbit nya.
.
Baang!!! ----
.
Tinamaan si Jose sa noo pero---- nahulog lang ang yuping bulletHead sa lupa.
.
'hmmf?, isang laruan ng sinaunang sibilisasyon?, ayos to ah----pero mukhang kaya nitong galusan ang isang non-cultivator at Practitioner stage cultivator---'.
Tila nagustuhan ni Jose ang Baril at ipinasok nya lahat ng makikita nyang klase ng mga baril sa loob ng kanyang Storage rings.
.
(laruan?!!!, isa na sa pinaka deadly pistol yung DesertEagle!!, oh my Gawds!! )
.
*laruan nga lang daw eh, at mukhang hindi pa kayang saktan ang isang cultivator na nasa Advance stage na*
.
## iba ang density ng molecular structures ng katawan ng mga tao sa panahong iyan dahil narin sa mutated cells at genes na nakuha nila sa ibat ibang salin ng mga Ancient Cultivators ##
.
-----
.
Sa Pinaka timog na parte ng Lupain ng mga Tao, MagicalBeast at DemonSpiritualist.
.
Sa karagatan na kaytahimik at nag yeyelo ang ibabaw nito.
.
May isang itim na bundok at tila lumitaw ito sa kung saan mula sa ilalim ng nag yeyelong dagat. mapapansin na may malaking Inscriptions barrier ang naka takip sa isang kweba sa itim na bundok na ito.
.
Zzzziiiiinnngggg!!! ------(dis-spelled)
.
Sa madilim na Butas ng kwebang ito. May mga nilalang na unti unting lumabas at naglitawan sa labasan.
.
"ooooaaaahhhhh!!!, 100,000+ na nakakaraan at heto nakabalik na tayo sa lupain ng pangako!!!".
Sigaw ito ng isang babaeng may anyong humanoid DragonForm, at ganun ding nagsigawan ang mga kasamahan nito.
.
"mahal na Prinsesa Bianca, hindi ba natin ipapaalam sa mahal na Reyna ang pagbukas ng lagusan pabalik sa lupang pangako?".
Tanong ng isang DragonWarrior na may tangkad na 9'8" at naka humanoid Dragon form ito.
.
Nag-isip ang prinsesang ito sa sinabi ng alagad. At ganun din ang tila gustong malaman ng ilan pang mga tagasunod nya.
.
"kilala nyo naman si Ina, hindi nya iiwan ang Dungeon realm dahil naroon ang perlas ni Ama, ----tiyak naman akong kaya nating i-handle ang lumang empire ng ating DragonianClan dito sa mismong lupang pangako, ng LimangGodExperts".
Sabi ni Bianca na agad napangiti at lumingon sa dakong Lupain ng mga tao.
"---at mukhang wala na sila sa mundong ito, maaaring naka akyat na sila duon---".
.
*Bianca, Age 100,000+, nagmumukhang nasa edad na 20, Devilish seducing appearance o walang ilalayo sa kagandahan nina Ahri. Kaso may pagka pader lang konti guys---alam na dis. He he he. Scarlet sharp eyes, at Long redish black curly hair, nasa tangkad na 5'6"*.
.
Umangat silang lahat na may bilang na 300, sa likod nito Bianca. At ang pinaka malakas sa kanila ay ang 100 Saints, si Bianca ay tila suppressed ang aura nito.
.
Sumunod ay nag suot na ng Qi-Suppresion bracelets ang lahat. At nawala kasabay ng hangin ang kanilang presence sa lugar na iyon.
.
Ano kaya ang pakay ng Grupong ito, na naglalaman ng misteryo sa kanilang pagdating mula sa isang sealed mountain cave. Sa ilalim ng timog dagat na iyon.
.
(i feel waves of calamity-----and deaths awaits).
.
*i sense different bro. He he he. Ang hot babe nya promise---*.
.
## lahat naman ng cultivators maganda pangangatawan guys, walang fatso fatso sa kwentong ito, macho at achooh!! lang meron he he. ##
.
-----
.
Nanatili parin sa pwesto nitong si Chris at mukhang nagkaroon na sya ng panibagong kaalaman, sa puzzled memories nya patungkol sa kanyang nakaraang buhay-----at kung sino si Dread.
.
'hindi ako ang tunay, na dread ----kung ganon sino ako? ---sino talaga ako sa ngayon?! '.
Tila nawalan ng saysay ang buhay ni Chris sa mga sandaling iyon. At kung ano man ang kanyang nalaman o natuklasan---- ito ay sakanya na muna sa ngayon.
.
Nagsuot na ng paborito nyang Extreme-Black outfit, at ganung itinali na nya ang kanyang mahabang buhok. Tsaka sya nag suot ng faceMask para sa ilong at bibig nya.
.
Pabalik na sya sa Condominium ng biglang nakasalubong nya Ang dalawang babae sa pintuan ng Air-top. Sila ay may takip na veil ang kanilang mga mukha, at nakasuot ng Advance Assassin outfits.
.
"ano kailangan nyo?".
Walang emosyon na tanong ni Chris, at mukhang wala syang oras para mag duda, o kung ano ano.
.
"naparito kami para tignan kung bakante ang top area----".
Sabi naman isa sa dalawa. Naglalaman ang boses na nasa 23/25 yrs old ang babaeng ito.
"---mukhang paalis ka na kaya ok na".
.
"buweno, malamig sa labas at hindi nyu kakayanin yan----".
Sabi naman ni Chris at nagpatuloy na ito sa paglakad.
.
Ng makalayo na si Chris ay, nag tinginan ang dalawang babae.
.
"sya ba yung Chris na makakaharap natin? ----- parang napaka gloomy nya kesa nung nasa loob sya ng Arena".
Sabi ng babaeng naglalaman ng boses nasa edad na 20/21.
.
"hmmm. Hayaan na natin sya. Subukan muna natin kung tama lang ba ang lamig sa Roof top ng building"
Sabi naman ng isa.
.
Sinubukan nilang umapak sa nag yeyelong rooftop. At hindi sila nagtagal ng ilang segundo palabas ng pinto.
.
"Hindi ito ok p-para kay Ma'am, masyadong m-malamig----pero imposibleng nagtagal ng ilang segundo yung Chris na iyon dito".
Nanginginig na pakiramdam ng nakakatanda.
.
"ah eh, b-baka naman kakarating d-din n-nya dito kaya nag back-out din sya kaagad ng m-malaman nyang sobrang L-lamig dito sa taas".
Dagdag naman ng isa.
.
Pareho silang kinilabutan sa tindi ng lamig na naramdaman ng kanilang mga katawan. Masasabing kahit ang kakatulo lang na dura ay magiging Darkblue ice sa lugar na iyon.
.
(panu na kaya kung sipon? )
.
*bro tiyak magiging pangil ng ilong mo yung sipon pag nagkataon nakatayo ka dun----*.
.
## simpletons----##
.
-----
.
Sa DragonNest continent, sa Ancient Mountains ng Bansang Draconite, ito ang heart of DragonNest, sentro ng continente na may lawak na ----what!?, mas malawak ito kesa sa Coryet?!, ng dalawang beses or apat na beses?!.
.
(oh my gawd!!, yan ang pinaka malawak na inhabited country, or masasabing konti lang ang nakatira sa bansang ito---)
.
*ang Bansang Coryet ang pinaka malawak na modern, socially, technologically, urban, and trillions or residents and everyday new dwelling tourists---isang active na bansa, kabaliktaran ng Bansang Dragonite, na halos walang naninirahan sa mismong range ng Bansang ito----masasabing ghost country. Kaya masasabing declining ang DragonNest continent.*
.
-----
.
Dumating sa borders ng Bansang ito ang mga grupo na nanggaling sa Sealed Mountain. Lahat sila ay nasa HumanForm, at naka suot ng Ragged/Rough desert cloaks.
.
"nakabalik na tayo----ang lupain ng DragonianClan!".
Emosyonal na sabi ni Bianca. At ganun ding hindi maiwasang mapansin ang ilan sa mga kasamahan nito ang tinding emosyon na makabalik sa lupang sinilangan ng kanilang lahi.
.
Mga luhang hindi mapipigilan sa lakas ng emosyon.
.
Swwooosshhh!! -----(sonic boom)
.
"at sino kayo para pumasok sa Lupain ng aming pinunong DarkLord!!! "
Sabi ng isang Saint stage expert sa sampung dumating, at lima silang Saint sa grupong ito.
.
Lumingon lahat ng mga kasamahan ni Bianca sa mga sampung ito. At matamang nasira ang kanilang mood sa kanilang pagbabalik.
.
"Oh?, mukhang mga Epic lang kayong lahat at naglakas loob pa kaong pumarito!, pwes sakto ba naman ang ganda ng hita ko babe! ".
Lumapit ito kay Bianca, na nakasuot ng Ragged desert cloaks.
.
Ang pagkaka ramdam nila sa lahat ng 300 na mga ito ay nasa Epic stage----.
.
Crasshhh!!! -----Splurt!! ------(bloody destroyed/burst)
.
Nawasak ang katawan ng lalakeng nagtangkang hipuin ang mga hita ni Bianca.
.
May dalawang Babae ang nasa pagitan ngayon ni Bianca at ng bumagsak na pira-pirasong katawan ng Saint stage na iyon.
.
(badass!!! ---show them who you are girls)
.
"mahal na Prinsesa----"
Tila nag hihintay ng Killing command ang 300 na mga kasamahan ni Bianca.
.
"Kill".
Isang turo lang ni Bianca sa 9 natirang kasama ng lalakeng iyon. Ay agad namang nagsilabas ng mga armas ang mga kalabang mga ito.
.
At hindi parin naalis sa kanilang memorya ang nangyari sa kanilang kasama na nasa Saint stage pa.
.
"s-sino k-kayo?!! ".
Tanong ng lalake, at sa isang iglap ay sya nalang ang natirang buhay.
.
"ha-hayaan ba natin sya mahal na prinsesa?, oh papatakasin natin sya bilang banta sa pinuno nila".
Sabi ng isang lalakeng may malaking pangangatawan.
.
"Kill, wala ako pake sa pinuno nila----tiyak akong nakalabas na sina uncle sa sealed Realm at susunod na sila, anomang sandali---at pag nandito na sila walang sinu man ang makakaharap sa tulad nya".
Confidence at nagalaman ng nobility ang kanyang salita. At nagpatuloy na si Bianca sa loob ng Ghost Country na Dragonite.
.
At ang Bansang napakalawak at inakalang dead country ng halos 99,000 years----ano kaya magiging bansag dito sa hinaharap?.
.
.
.
## Heto yung unang pasilip sa mga bagong kaganapan, bagong enemy or bagong ally, pero tiyak may kaakibat itong kasagutan sa hinaharap na special chapters