webnovel

Death University [BOOK 1]

Si Hayden Zyrienne Reduxes ay isang babae na naniniwala na walang magbabago sa kanya at hindi niya matatakasan ang madilim na mundo kung saan nakasanayan niya. Atensyon sa pamilya ang gusto niya kaso hindi sa kanya naibigay dahil sinisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ng kapatid niya. Not until, na mapunta siya o pumasok siya sa school na tinatawag na Death University. Sa pagpasok niya dito ay makakaharap niya ang bagong pagsubok na kung saan kailangan ang katatagan. Magagawa niya ba ang katatagan kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya?

missHYchii · ย้อนยุค
Not enough ratings
14 Chs

Kabanata 5

(Hayden Zyrienne's POV)

Kanina lang natapos ang laro namin na 'Truth or dare', habang nakasandal ako sa ding-ding hindi ko maiwasang isipin na sino naman kaya ang mamatay sa amin?

Sana hindi kami maubos dito. Paano kung ako na ang mamatay ano namang klaseng pagpatay ang gagawin sa'kin?

Kung anu-ano na lang mga naiisip ko ngayon. Pero kung sakali na oras ko na talaga? Paano na si yaya Mariel?

Naalala ko na naman 'yung araw na iniisip ko kung mag-suicide pero hindi ko naituloy kasi nakita ako ni Yaya Mariel, sinabi niya sa'kin na hindi 'yun ang tamang paraan para matapos ang paghihirap.

'As long as the sun is shining, there is always hope'

'Yan ang lagi kong iniisip kaya hanggang ngayon patuloy pa rin akong lumalaban.

Napabuntong-hininga naman ako dahil naalala ko ang katagang laging sinasabi sa'kin ni Yaya Mariel.

Tama, lalaban ako hanggat may pag-asa. Hinahawakan ko ang suot kong kwintas at nangangakong gagawin ko ang lahat makalabas lang rito ng buhay.

Nagulat kami nang tumunog na ang school bell bilang tanda na 6 pm na.

"Guys magiging matatag tayo. Wala na dapat silang mahuli sa'tin." sabi ni Galvin yata.

Tumango naman sila bilang pagsang-ayon. Dahil sino ba namang gusto ang makaranas ng paghihirap nila kay Kurt?

Alam kong lahat sila ay natatakot. Pero, hindi naman ako natatakot sa mga nangyayari. Ayoko lang makakita ng taong namamatay sa harapan ko. May naalala lang ako na pilit kong kinakalimutan.

"Isa."

Nagsi-unahan kami sa paglabas. Saan ako magtatago?

"Dalawa."

Sabay kaming nagtago ni Crissa. Siya kasi ang nahila ko at akala ko pa naman ay si Kathleen. Hindi ko nga alam kung saan sila nagtatago. Sana hindi sila mahanap.

"Tatlo."

Nagtago kami sa gym.

"Apat."

Sa ilalim banda.

"Lima."

Nakapwesto na kami sa dapat naming pagtataguan at tinakpan ang mga bibig.

"Anim."

Ang bilis naman niyang magsalita. Mabuti naman at mabilis kaming makatago.

"Pito."

"Walo."

"Siyam."

"Sampu."

"Time's up!"

Naging masyadong tahimik ang paligid na kahit isang patak ng tubig ay parang kaya munang marinig dahil sa sobrang tahinik. Sumilip kami sa isang napakaliit na butas. Nakita namin ang isang nakatayong lalaki sa unahan namin.

Bakit kaya ang bilis niyang nakarating rito?

Sa tingin ko, napakarami nila. Pero kailangan naming maging mahinahon baka makita pa kami. Inilayo namin ang sarili namin sa butas ng napansin naming papalapit siya sa'min.

Tinakpan namin ang mga bibig namin para hindi niya marinig ang paghinga namin. Masyadong madilim dito sa pinagtataguan namin. Pero kagaya nang sa movie sumulip dito ang lalaki.

Nakapag-pigil hininga kami dahil baka makita niya kami at dahil na rin sa kaba. Pero, may napansin ako sa mata niya nang umangat ako ng tingin.

Napakunot naman ang noo ko. Bakit ganun ang mata niya?

"Pwede na kayo magsilabasan." sabi ng nasa speaker.

Biglang nawala ang lalaki sa harapan namin nang tumunog ang speaker. Lumabas naman kami ni Crissa sa pinagtaguan namin at nakahinga na rin kami ng maluwag.

Napag-isip-isip ko na, hindi pa 'ko pwedeng mamatay. Marami akong mga tanong na kailangan kong malaman, kasali naroon ang tungkol sa mga lalaking nanghuhuli rito at tungkol sa paaralan na 'to.

"Muntik na tayo." sabi ko habang hinihingal.

Buti hindi kami nakita.

"Oo nga. Grabe ang kaba ko." sabi ni Crissa habang hinihingal din.

Bumalik kami sa room nang nakita namin ang kaklase naming sina Clyde at si Jane.

Bakit dalawa silang nandyan? Akala ko ba isa-isa lang?

"Nagtatakha siguro kayo kung bakit dalawa sila? Okay. Ganito kasi 'yun. Simple lang, parehas kasi sila ng pinagtataguan kaya kinuha namin silang dalawa." sabi ng babaeng psychopath na nasa screen.

Katulad ng lagi niyang ginagawa tumawa siya ng sobra.

Humakbang paharap ang isang babae na mukhang galit at paiyak na.

"DIBA SABI MO TIG-ISA-ISA LANG ANG MAHUHULI SA ISANG ARAW?! TANGINA, ANO 'TO?!" sigaw ni Rhianne yata at tinuro ang dalawang nahuli.

Bakas sa mukha niya ang galit. Friend niya siguro si Jane kaya ganun na lang ang galit niya. Umiiyak naman ang mga kaibigan niya.

"Hindi ako tumutupad sa kasunduan. Dear, I have no mercy." sabi niya at tumawa pa.

Sa oras na malalaman ko ang lahat, humanda ka na. Walang awa rin kitang papatayin.

"Hayden. Kalma lang." Sabi ni Kathleen at hinawakan ako sa braso.

"Huh?" takang tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya. Ang labo na ring kausap ni Kathleen.

Napatingin naman ako kay Clyde at Jane na unti-unting ng nanghihina. Ewan ko nga ba kung bakit walang nababakas na emosyon sa mukha ko.

Ang tanging gusto ko lang gawin ay alamin ang lahat at para saan pa 'yung gusto kong maging detective diba? Gusto ko maging detective. Idol ko nga si detective conan.

Aalamin ko ang lahat kung sino ang may gawa nito. Hindi ako makakapayag na nanahimik lang ako sa tabi habang ang iba ay sunod-sunod ng namamatay.

This is a game Hayden and kaya kailangan mong manalo.

(Nicole's POV)

Wala na si Jane. Wala na 'yung taong laging nagpapatatag sa'kin. Wala na 'yung taong itinuring ko nang parang kapatid.

Wala na 'yung taong nagtuturo sa'kin ng Thai.

Biglang tumulo ang luha ko at dali-ali ko rin naman itong pinunasan. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Bwisit na paaralan to!

Bakit ko ba kasi ito ang napili kong paaralan? Sana hindi ko na lang pinilit si Jane na mag-aral dito. Napakamakasarili ko.

Napakasama kong bestfriend. Sising-sisi ako sa nagawa ko. Sana kung maibabalik ko lang ang oras mas pipiliin kong hindi rito mag-aral.

Nilibing na namin sina Jane ay Clyde. Nakatunganga pa rin ako sa puntod ni Jane habang umiiyak.

Si Clyde 2

Si Jane ay 3.

Sino na kaya ang susunod sa'min ngayon? Pesteng laro 'to. Ano? Matirang matibay?

"Nicole, magpakatatag ka hindi gusto ni Jane nang taong mahina." sabi ni Rhianne habang hinihimas ang likod ko.

Patuloy pa rin akong umiiyak dahil sa sobrang sakit.

May nagawa kaming kasalanan? Bakit nangyayari sa'min 'to? Wala akong matandaan na may atraso kami sa kahit sino.

Tumigil ako sa pag-iyak at nilingon si Rhianne.

"Rhianne, masama ba tayong tao?"

Napabuntong-hininga naman si Rhianne dahil sa tanong ko.

"Hindi. Paano mo na sabi?" tanong niya sa'kin.

Napangiti na lang ako ng mapait at ibinaling ulit ang tingin ko sa puntod ni Jane. Kahit na sinabi ni Rhianne na hindi kami masama ay hindi pa rin ako naniniwala.

"Kasi grabe naman ang parusa na binigay sa 'tin. Hindi ko kaya."

Muli naman akong umiyak. Hinimas ulit ni Rhianne ang likod ko para patahanin.

"Nicole, balik na tayo sa room?" pag-aya sa'kin ni Rhianne.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon pero bago 'yun tiningnan ko ulit ang puntod ni Jane at umupo para makapagpaalam.

"Phakphon yang songb suk Jen. (พักผ่อนอย่างสงบสุขเจน)"

Ngumiti ako nang mapait. Tumayo na 'ko at tumalikod. (Trans: Rest peacefully, Jane)

If I could go back the time.

(Someone's POV)

"Ate! Tatlo na ang namatay sa kanila." sabi ng kapatid ko.

Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.

Edi mabuti!

I want a blood from my hypocrite and bitch classmates. Ang tatanga naman nila. Wala silang kaalam-alam na may traydor sa grupo.

Sa bagay puro landi lang ang inaatupag nila kaya hindi nila napansin. Too bad for them.

"Sana nga maubos na sila agad! Nakakapagod kaya tsk!" sabi ko habang tinitingnan ang magaganda kong kuko.

Nakita naman sa peripheral vision ko na lumingon sa kapatid ko. Excited na excited na nga akong maubos silang lahat.

"Ate, chill lang. Kailangan mo pa ring mag iingat lalo na't may mga kaibigan kang alisto."

"Anong kaibigan? Hindi ko sila kaibigan. Kahit kailan hindi ko sila itinuring kaibigan."

Napailing namang ang kapatid ko.

" But, I can handle myself, sister." dagdag ko.

"Ate, ano ka ba? Syempre kailangan mo pa ring ipalabas na kaibigan mo sila."

Kahit kailan talaga sarap kaltukan 'tung babaeng 'to. Syempre naman 'no, kailangan ko pa ring ipalabas na kaibigan nila ako.

Ano kaya ang susunod kong gagawin?

(Hayden Zyrienne's POV)

Papunta ako ngayon sa cr. Masakit na kasi sa pantog. Kailan ko na 'tong mailabas.

Naiihi kasi ako, sasamahan sana ako ni Kathleen pero pinigilan ko siya. Ayaw ko kasing may kasama ako. Sila kasi laging nagpapasamang magcr.

Kaya ko naman mag-isa. Buong-buhay ko lagi akong mag-isa. Wala ngang kwenta ang pamilya ko.

Pero hindi ko maiwasan isipin na.

Bakit ganito ang buhay ko? Bakit kailangan na mag-isa lang ako? Nagseselos nga ako sa mga taong laging silang sinusuportahan ng mga magulang.

Pagkarating ko sa cr siyempre dapat ginawa ko na ang dapat kong kailangang gawin ay 'yun ang umiihi. Hindi ako yung tipong tao na magtatagal pa sa cr. Hindi ako naging miyembro ng tambay cr gang.

Aalis na sana ako sa cubicle nang may narinig ako.

"Anong gagawin niyo sa'kin?" tanong ng babae.

Teka? Parang pamilyar sa'kin ang boses niya.

"Hindi mo malilimutan ang gagawin namin sa'yo." sabi ng lalaki na parang masamang binabalak.

"PAKAWALAN NIYO 'KO! MAAWA KAYO SA AKIN! ISUSUMBONG KO KAYO KAY MHINE!" sigaw ng babae sa mga lalaki. Mukang marami kasi sila.

"'Yun kung kaya mo pa. Mamatay ka lang naman ngayon dito"

Mhine? Wala akong classmate na magjowa.

Ay ang tanga mo Hayden, paano mo naman nasabi hindi mo nga sila halos kilala.

Nasa cubicle pa rin ako. Ang tanging naririnig ko lang ay umiyak 'yung babae at tumatawa 'yung mga lalaki.

I need to help her. But how?

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng cubicle nang may nakita akong mop. Kinuha ko ang mop. Okay na siguro 'to para panlaban.

"TULONG!" sigaw ng babae.

Agad akong lumabas sa cr at tutulungan sana ang babae ngunit wala akong nakitang mga tao sa labas.

Ang weird, pero bakit may narinig akong nagsasalita kanina? Ano ba 'yun? Mga naririnig ko lang ba 'yun sa tv?

Lalabas na sana ako ng cr ngunit napahinto ako nang may narinig akong nagsalita.

"Mag-ingat ka, Hayden."

Bigla akong lumingon ng narinig ko 'yon pero wala akong nakitang tao at isa pa sinong tao ang may alam sa pangalan ko maliban sa classmates ko? Hindi ako mahilig lumabas ng bahay. Konti lang ang nakakilala sa'kin.

Sinampal ko ang sarili ko para matauhan. Nalaman siguro nila ang pangalan ko dahil pinag-uusapan nga nila ang pangalan ko noong first day of school.

Tumakbo ako pabalik sa room at lumapit kay Crissa.

"Any problem?" tanong ko sa kanila.

Napalingon naman sila sa akin. Kaya tinaasan ko sila ng kilay at hinihintay ang sagot nila. Ngayon lang ako nagtanong sa kanila at mukhang nanibago ata sila sa'kin.

Anong akala nila sa'kin pipi? Sa bagay, parang ganun nga ako.

"Hayden. May gusto kasi 'tong si Jeseryll kay Jameson." natatawang sabi ni Michael.

Salamat at hindi niya 'ko tinatawag na besh. Hindi ako sanay. Tska hindi kami close.

Napakunot naman ang noo ko.

"Sinong Jameson?" tanong ko sa kanila.

Nawala naman ang timpla sa mga mukha nila, napakamot naman ng ulo si Michael.

Bakit? May na sabi ba akong mali? Ang hina ko talaga pagdating sa mga pangalan.

"Yung kaibigan ni Christian." sabi ni Micca.

Pagkabangit ni Micca sa pangalan na Christian bilang namula ang tainga niya.

Ano 'yun? Blush? May gusto yata siya kay Christian.

And who's Christian? Hindi na nga lang ako magtatanong.

Sino kaya' yung babaeng laging nagpapakita sa'kin?

I need to know her more.