webnovel

Narinig ng Dios ang aking dasal

Isang araw nanalangin ako sa DIOS na bigyan niya ako ng hushband na mabait , mapagkatiwalaan , responsible at salamat sa DIOS narinig niya ang dasal ko , kaya nakilala ko si almarjo calumpang, mabait ,matulongin at responsible at ehemmm gwapo... Kaya habang lumalalim ang aming pag iibigan nakabuo kami ng isang anak na lalaki si bruce... Kami dalawa nagtatrabaho dati non sa gaisano mall sa gensan.. Pero tumigil ako nong nabuntis niya ako kaya naman umuwi ako sa bahay namin sa maasim na malaki na ang tiyan ...Pero hindi nagtagal tumigil na din ang aking mylove sa pagtatrabaho kaya sumunod na rin siya sa akin sa maasim ...At dahil nasa probinsya kami nahirapan kami sa buhay namin dahil bagong karanasan lang niya sa panghuhuli ng isda, yes naging mangingisda ang aking mylove ,, at dahil bago lang niyang natutunan ang ganitong gawain nahirapan din siya sa umpisa dahil konti lang ang isda na kanyang nahuhuli ,hanggang ipinanganak ko ang bunso namin na si bruce sa bahay lang ako nanganak dahil sa wala pa kaming naipon nong time na yon... kaya wala pang isang buwan nagsakit si bruce ,halos mangingitim na siya kapag umuubo na siya pero hindi namin siya maipadala sa hospital dahil wala talaga kami kahit pamasahi man lang ,,mabuti si Lord dahil ang kapitbahay namin pumunta at tiningnan niya si bruce habang umuubo at naawa siya sa kalagayan ng bata dahil halos hindi na makahinga kaya sabi niya mag ambag ambag sila mga kapitbahay namin para lang mapadala siya namin sa hospital,, kaya nakapunta kami sa hospital at ang findings ng sakit niya , bronchitis ,, laking pasalamat ko sa DIOS dahil gumaling nadin si bruce sa sakit niya at ang nagbayad pa ng gastosin sa hospital ang mama ni mylOve na nasa abroad nung time lang niya nalaman na nag asawa na pala ang anak niya...Laking pasalamat ko din sa LORD na tanggap niya ako at mabait siya sa akin...Hanggang nakaabot na si bruce na isang taon sinubok ako ng panahon dahil sa kahirapan ng buhay namin lagi na kami nag aaway ng hushband ko kaya umaabot na din sa punto na nagkahiwalay kami ..Kaya nag desisyon ako na mangibang bansa opo ,nakapunta po ako sa kuwait pero nung nakauwe na ako dito sa pinas nagbalikan naman kami ng mylove ko ,,, umabot na naman ng isang taon ang pagsasama namin at nagkahiwalay na naman kami olit dahil natukso siya sa isang babae ,grabi subrang sakit po ,halos guguho na ang mundo ko at gusto ko na ring mawala sa mundong ito ,, dahil sa kanya lang ako masaya at mahal na mahal ko pa siya ,halos araw araw ako umiiyak ,lagi ako nag pray sa LORD na ibalik niya sa akin ang mylove ko , pangako ko sa LORD kapag ibinalik niya sa akin ang mylove ko magbabago na ako , at paglilingkoran ko si LORD habang ako ay nabubuhay...Laking pasalamat ko sa LORD pagkatapos ng isang taon naming paghihiwalay sa wakas ibinalik na din niya sa piling ko ang mylove ko at ngayon na sapiling ko na siya Ngayon kasama ng dalawa naming anak na si bruce at si precious , magkasama na din kaming boung pamilya na naglilingkod sa LORD ,magkasama kaming magsisimba ,, biniyayaan na din kami ni LORD ng sariling sasakyan pangdagat para sa pangingisda niya at marami na din siyang huling isda sa tulong ni LORD,, kaya ngayon masasabi ko sa sarili ko kapag nasa puso mo Si LORD at palagi mo siyang inuuna sa buhay mo.. Uunahin ka din ni LORD... At ibibigay niya sayo lahat ng kailangan mo at pangangailangan sa physical man , o spiritual man ito... Bibigyan ka ni LORD, ng kaligayahan , kapayapaan at kasaganaan kaya ngayon masasabi ko na maligaya na ako ngayon kasama ni LORD at mga mahal ko sa buhay... GODBLESS po sa inyong lahat...Mahal kayo ni LORD... JESUS LOVES YOU....