Aira Pov
Bigla akong naalerto ng marinig na kalabog di kalayuan mula sa pwesto ko. Dali-dali akong tumayo dahil baka kung ano na ang nangyari kay Mia.
"Mia?" Tawag ko pero no response pa din.
"Mia?" Naging alerto ako paharap sa likod ng makarinig ng kalabog.
"Rarrrrr!!"
"HOLY CHESSEECAAKKEE!!! TAENAMO KA MIYA!!!!!!!!!!"
"Wahahahahahaha!"
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Napatingin ako kay Mia na patuloy parin sa pagtawa.
"Ouch!" Daing niya ng sinipa ko siya sa paa.
"Sadista mo talaga Aira! Tara na nga." Sabi niya at lumabas na kami ng mart dala-dala .
Paglabas namin doon, mukang tapos na sila sa pag karga ng Gas.
"Ba't antagal niyooo?!" Atungal ni Abe.
Hindi na namin siya pinansin at pumasok na sa kanya-kanyang sasakyan.
Kumuha ako ng biscuit at inabot kay DenDen.
"Okay ka lang?" Tanong ko habang inaayos ang seatbelt.
"Opo." Maikling saad niya.
Nagsimula na kami sa pagbyahe nasa hulihan kami, nasa gitna sina Mia at sa unahan naman ang bus. Hindi ko namalayan na magkasabay na kami ni Mia.
"Bakit?!" Sigaw ko mula sa bintana.
May pinakita si Abe saakin. Isang walkie-talkie.
"Catch!" Sigaw nito at biglang ihagis sakin?! Seriously?! Dahil sa gulat nagpagewang-gewang pa ang sasakyan at bumalik rin naman sa dati. Buti nalang nasalo ko ito. Napabuga ako ng hangin.
Tsk. Pwede naman sigurong ihinto ang sasakyan diba?
I gave Mia a Death Glare. She just shrugged her shoulder at nagpatiuna sa daan.
Mabilis ang pagbyahe namin at hindi namin alam kung saan kami nito pupunta. Biglang tumunog ang radyo I'm reffering to walkie-talkie.
Kinuha ko iyon.
"What?" Tanong ko.
"San tayo pupunta nito?" Sagot ni Mia sa kabilang linya.
"Di ko alam."
"Vans, do you copy?" Tanong ni Mia
"Yeah, bakit?"
"Kumusta na kayo diyan?" Tanong ni Mia.
"Maayos naman kami dito, so far wala pa namang problema."
"Good to hear that." Sabi ko
"Sa bahay niyo kaya?" Suhestiyon ni Mia.
"Hindi pwede, remember merong malaking event sa kalapit bahay natin before this shitty apocalypse start and tha't subdivision consist of 40 houses and it comes out na marami ang mga zombie doon." Paliwanag ko.
"Yeah right eh sa'n tayo ngayoo---"
*boggssh*
Napahawak ako sa noo ko at dumugo iyon. Shit. Nabunggo ko sila Mia.
"Den Den are you okay?" Tanong ko sa kanya.
"Opo ate, medyo naalog lang ang ulo ko"
Shocks. Nahihilo ako.
"Guys! Guys! Do you copy?!"
"Vans, anong nangyari?!
"There's a group of zombie's approaching our way!"
Magkasabay kami ni Mia na bumaba sa kotse at ayun nga there's a lot of zombies approaching us.
Bumalik na kami sa kotse.
"Vans, wala tayong magagawa kundi ang sagasaan sila, told everyone to hold tight. Kahit anong mangyari 'wag kayong hihinto bilisan niyo ang pagpapatakbo! Do you copy that?!"
"Oo!"
Umaandar na ang bus at sa aming inaasahan maraming zombie ang tumilapon kung saan saan.
Nagulat nalang ako ng biglang may humampas sa harap ng sasakyan and it turns out napahigpit ang kapit nito.
"Get off Moron!" Sabi ko at ipinagewang gewang ang sasakyan.
"Hold tight Den!" Sigaw ko at pwersahan kong iniliko and tumilapon din ito sa wakas.
"Yuck ate muntik na tayo ron!"
Maya-maya pa ay back to normal na ang aming pagbyahe. Ilang oras na kaming nagbabyahe and it's already 5:30 in the afternoon according to my digital watch.
Kinuha ko ang radyo at nakipag communicate sa kanila.
"Mia, kelangan na nating huminto at pagabi na."
Napansin kong huminto ang Bus. We are in the middle of highway pero malayo na sa siyudad.
Bumaba ako ng sasakyan at iniwan muna si DenDen sa loob.
"Aira, we should secure the area." Sabi ni Mia habang palapit ako sa kanya.
Napatawa nalang ako.
"What's funny?" Mataray na sambit niya.
"Wala lang, mukang kinareer mo na yung sitwasyon natin ngayon ah." Sabi ko
Nagkibit-balikat nalang ito at pumunta sa Bus. Sumunod narin ako sa kanya. Umakyat ako ng Bus at sinalubong kami ni Vans.
"Sigurado ba kayo na dito tayo magpapalipas ng gabi?" Tanong nito. Sinulyapan ko muna ang sakay tsaka ako nag salita.
"Oo, mahirap magbyahe kapag madilim." Sabi ko.
Tiningnan ko uli yung mga sakay. More on mga babae ang mga sakay at iilan lang ang mga lalaki. Pasimple ko namang binilang ang mga nasa loob. 25 Girls at 10 boys? Hmmm. Napansin ko rin na meron kaming mga kaklase dito at mga school mates pati na rin ang kabilang school. Actually ang capacity lang ng bus ay 20 kaya yung iba standing position nalang at ang iba ay pinagsiksikan nalang ang kanilang sarili sa kanilang mga katabi.
"Ay wait." Sabi ko at bumaba ng bus para puntahan yung sasakyan ko para kunin yung mga pagkain kanina.
"Den, dun nalang muna tayo sa Bus or doon ka nalang muna kay Abe sa kabilang sasakyan para may kasama ka." Sabi ko.
"Kay ate Abe nalang po ako." Sabi nito at bumaba ng sasakyan. Binigyan ko naman ito ng pagkain at bumalik sa bus. Binigay ko sa kanila ang isang plastic, marami rin naman akong kinuha at ibinilin sa kanila na itabi pa ang isang plastic para may makain sila kapag nagutom sila.
"Air, kain na."
"Ayoko, wala akong gana." Sabi ko
"Himala?! Si Aira ayaw kumain? Pwede na mag ka zombie--- ayt meron na pala."
I rolled my eyes at lumabas ng bus.
Malamig dito sa labas at nakadagdag lang 'yon ng kaba saakin. Sino naman ang hindi kakabahan?! Haler! Were not in the normal situation kaya! After an hour, hindi parin ako makatulog it's already 3:00 in the morning at hindi parin ako makatulog. Andito ako ngayon sa sasakyan at si Mia yung nagbabantay sa loob ng bus, pasalin-salin rin naman kami ng pagbabantay. Pati yung mga lalaki nagpresenta na upang magbantay.
"Aira, naiihi ako!" Reklamo ni Abe.
"Diyan ka sa labas umihi, madilim naman." Sabi ko.
"Aira naman eh! Samahan mo ako, nakakatakot kaya!"
No choice ako kung hindi samahan siya.
Nasa labas na kami ng sasakyan.
"Oh ayan umihi ka na." Saad ko
Wala na siyang nagawa at umupo na, nang may marinig akong kaluskos sa di kalayuan. Out of curiousity pinuntahan ko iyon and I was so shocked ng makita kung ano iyon.
Nanginginig ang buo kong pagkatao sa nakita ko.
Nagkandapa dapa ako sa pagbalik sa kanila. Buti nakita ko sila Mia at Vans sa labas ng Bus.
"Go! Go! It's not safe here! "Nanginginig kong sigaw sa kanila nang malapit na ako sa kanila. Buti nalang at hindi na sila nagtanong pa at kanya-kanyang pasok sa sasakyan. Nahagilap ko naman sina Abe at Denden sa sasakyan ni Mia. Pumasok na ako sa kotse at ini start ang kotse na nanginginig ang mga kamay, kasabayan kong umaandar ang dalawang sasakyan. But I heard a loud screechy sound that really gives chills down to my spine bago kami makalayo sa lugar na'yon.