Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!
Chapter 5
Mia Pov
Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.
"Sumusobra na 'yung mga magnanakaw na 'yun kanina."-Abe
"May mga bantay naman diba?" Tanong ni Christine.
"Yeah, pero mabilis ang mga kilos nila. May mga natagpuang mga bantay kanina at wala ng buhay." -Ace
"Wala ng buhay?! Grabe naman!" Sigaw ko
"Hindi nila inakala na susulong uli yung mga magnanakaw na 'yun." Xander
Isang linggo na rin noong huli silang nagparamdam ngunit ngayon ay mas grabe.
"Nadinig ko kanina si Kuya Aries na palalabasin na daw 'yung Platoon 1 tsaka 2 sa labas ng pader." Biglang singit ni Vans.
"Chismoso ka pala."
As usual -___-
"Chismoso kaagad? Hindi ba pwedeng narinig lang?" Pagtatanggol ni Vans sa sarili.
"Tama na 'yan." Singit ko magsasalita pa sana si Christine eh. Hahaba pa ang diskusyon nila.
"Bakit sila lang? Di ba pwedeng tayo rin?" Reklamo ni Lee.
"Mas una sila dito saatin."-Xander
"Hindi naman 'yun yung basehan eh."-Vans
"We can't do anything, sa taas yun nanggaling. Gustuhin man ni Aries na lumabas tayo, hindi rin papayag ang General." Saad ni Kyler.
Napatahimik kaming lahat. Hindi na kami umangal dahil tama si Kyler. Wala rin naman kaming magagawa.
"Let's go guys, mag-aayos pa tayo."-Kyler
Mag-aayos kami ngayon sa mga kalat kanina. Tutulong kami sa pag-ayos ng mga nasira. Haist.
Nang makalabas na kami, tuluyan na naming nakita ang buong lugar na naapektuhan.
Hindi na namin nakita ang ibang platoon dahil agad na silang pinadala sa labas ng safe zone. Mukhang hindi na nga safe ang zone na ito. Tsk
Ano bang ginagawa nina tito at mukhang napapabayaan na ang safe zone?
Nilapitan ko si Kuya Aries.
"Kuya Aries 'nasan ba si tito?" Tanong ko.
"Pumunta ng North America, meron silang conference para sa pagplano ng susunod na hakbang." Sabi niya.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Ang North America ay may sarili ring safezone, meron din ang russia.
✖✖✖
Kami na ngayon ang naatasang mag libot sa buong safezone and also the other soldiers ay narito rin. Iilan nga lang. Kasama ko ngayon si Kyler na naglilibot. Napatingin ako sa kanya. Wala paring pinagbago si Kyler yun ngalang mas lalong lumala pagiging cold niya. Kung buhay pa sana si Aira I'm definitely sure na magkakatuluyan silang dalawa, alam ko naman kasi na meron silang something isa't-isa eh pero hindi na 'yun mangyayari. Haiisst.
"Do you miss her?" Basag ko sa katahimikan.
"Who?" -!-
"You know who I'm reffering to." Sagot ko.
Napansin kong napabuntong hininga siya.
"Yeah, so much." May bahid ng lungkot sabi niya.
Napangiti nalang ako ng mapait.
"Kung buhay man siya, ano 'yung sasabihin mo?"
"Tha't I like her." Deretsong sagot niya.
"But it will never happen, only in my dreams." Dugtong niya pa.
"Malay mo bigyan ka ng pagkakataon na makausap siya, baka mamaya magmumulto 'yung babaeng iyon. Sabi niya mumultuhin niya daw ako pagka namatay siya." Biro ko para naman mabawasan ang mabigat na awra saming dalawa.
"Yeah, sana magmulto siya." Seryosong saad niya. Kinilabutan naman ako. Huhuhuhu.
Airaaaa! Kung na'san ka man! Huwag mo 'kong tatakutin ha?! Pag-ako namatay! Papatayin talaga kita! Wait?! Paano ko papatayin ang patay na? Ano 'yun Double Dead?
"Hoy Mia! Andaya niyo ni Kyler! Tumulong naman kayo dito!" Sigaw saamin ni Abegail.
"Oo na!" Sigaw ko pabalik. Ang atat eh.
No choice ako kundi ang tumulong sa pagbubuhat at pag-aayos. Parang training lang namin eh. Nakakapagod.
"Tara guys, kumain na muna daw tayo!"
Hay salamat!
Ang sakit ng mga katawan namin, we need some rest okay? Psh. -__-
Ng makarating na kami sa cafeteria, marami na rin ang mga sundalong naririto upang kumain, rumami ata sila ah. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumunta na ng counter para kumuha ng pagkain.
Nagkakagulo na ang mga halimaw sa tiyan ko. >_<
"Hindi naman halata na gutom na gutom ka eh no?" Biglang sulpot ni Christine sa tabi ko.
"Remember hindi pa tayo nag-aalmusal kanina?" Saad ko naman.
"Nga pala, ba't dumami ata ang mga sundalong naririto?"
"Hmmm, mga bagong dating 'yan galing sa labas. Bumalik sila para magreport."
"Ah okay."
Matapos kung kumuha ng pagkain bumalik na ako sa upuan ko at sinimulan na ang pagkain.
Tutok na tutok ako sa pagkain ko at yung iba naman ay kumukuha pa.
Napagitla nalang ako ng merong kumalabog sa may kalapit mesa ko.
Merong sundalong bumagsak sa sahig.
"Medic!!!"
Binuhat nila ang sundalo ngunit hindi namin inaasahan ang nangyari. Biglang sinakmal ng sundalong bumuhat sa kanya. Napatayo ako dahil sa gulat.
"Guys!!!" Sigaw ko sa kanila.
"Mia!!!!"
Huli na ng napagtanto ko na dinaganan ako ng infected. Agad kong sinuntok siya sa mukha ngunit napakalakas niya. Sinipa ko ito sa sikmura at tumayo ng makawala ako.
*bang*
Bumagsak ang infected dahil sa tama ng bala.
"How come na hindi na detect ng sensor ang mga na infect?"
"May black out kanina 'nung dumating kami at hindi na kami dumaan sa sensor."
Ba't ba sila nagpabaya?!
"Mia, okay ka lang?" Lapit sakin ni Abe
"Yeah, I'm okay."
Napagdesisyunan kong bumalik ng aming quarters at maglinis ng katawan. Hindi pa nga ako nakakaligo kamina tapos nadumihan pa ako tsk.
Kinuha ko ang keycard ko ay ini-swipe para makapasok ako.
Kumuha ako ng damit sa aking cabinet at dumeretso sa banyo.
Binuksan ko ang shower at hinayaan na dumaloy ang tubig sa buo kong katawan.
Bigla uli't sumagi sa isip ko ang babaeng nakaengkwentro ko. Kung hindi siya kasama sa mga magnanakaw, residente ba siya dito?
Pero mukhang hindi, posible kayang may iba pang pumapasok sa loob ng safe zone?
Haiisstt! Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at nagbihis. Lumabas ako ng quarters at nadatnan ko sina Abe na papunta din ng banyo at may dalang damit.
"Grabe naman si Mia eh, hinintay mo sana kami." Sabi ni Christine.
"Nanlalagkit na kasi ako." Sagot ko naman.
"Kung sa bagay, nangangamoy ka na kanina eh---aray!"
Binatukan ko nga. Ambastos ng babaeng 'to!
"Maligo ka na nga! Nangangamoy ka na rin!"
Tsk.
Done