Aira POV
"Kailangan mo na sigurong malaman ang lahat."
Napalunok ako sa sinabi ni tita chelle.
This is it.
"Si Alfonso ang kumuha sa inyo."
"Ano?!Pero--"
Hindi na natuloy ang aking sasabihin dahil pinutol ni tita chelle ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.
"Alam kong nagkaroon kayo ng amnesia dahil sa isang aksidente."
Napakagat labi ako dahil sa aksidenteng nabanggit ni tita chelle.
Tahimik lang kami sa pakikinig sa kanya.
"Naalala mo ba ang aksidenteng iyon?" Tanong ni tita chelle. Sabi ni Daddy car accident daw yung dahilan pero hindi ako naniniwala.
"Sabi ni Dad, car accident daw." May pan-alinlangang sagot ko.
"No, sinabi lang ng Daddy mo iyon para ma proktehan kayo ng Daddy mo sa kamay ni Alfonso."
"Alfonso? Diba siya ang namumuno sa star labs?" Tanong ni Abe
"Oo, matalik na magkakaibigan sina Alfonso, ang lolo ni Aira at ang lolo ni Mia. Nagkaroon sila ng isang eksperimento, eksperimento para mabuhay ang lola mo." Sabi nito st tumingin saakin.
Tila nanindig ang balahibo ko sa narinig.
"Dinala ng lolo mo ang lola mo sa star labs upang doon ipagpatuloy ang eksperimento. Sumang ayon ang dalawa sa plano ng lolo mo, ngunit may ibang plano si Alfonso, ginamit niya ang ekspiremento ng lolo mo upang maisakatuparan ang sarili niyang plano."
"Anong plano?" Magkapanabay na tanong naming lahat.
"Ang gamitin ang eksperimento niya para sakupin ang buong mundo."
"B-baliw siya!" sigaw ko.
Napaawang na lamang ang aming bibig sa aming narinig.
"Pero ano ang kailangan niya saamin?"
"The truth is..." Pagbibitin ni tita chelle kaya nakaabang ako sa susunod niyang sasabihin.
"Alfonso killed your grandfather and also Mia's GrandFather."
"Ba-bakit?" Hindi makapaniwalang saad ko.
" Dahil nalaman niya ang plano nito kaya pinatay niya ito upang walang hahadlang. And tha't is the time na naaksidente kayo."
Hindi ako makapagsalita, para bang walang salita ang lalabas sa bibig ko.
"Iyon ang dahilan ng aberya ng star labs and that is also the time na dinala kayo ng lolo niyo doon kaya nadamay kayo sa aksidente. Naroon rin ang lolo ni Mia na si tito Alfredo dahil tatlo silang scientist ang bubuo sa eksperimentong gagawin ng lolo mo."
Pigil hininga akong nakikinig kay tita chelle na animo'y kinakabahan na baka may mga detalye akong hindi maintindihan.
"Matagal nang alam ng lolo mo at ang lolo ni Mia ang plano ni Alfonso kung kaya't hindi tinapos ng lolo mo ang eksperimento niya kaya mayroong pinasaulo sayo ang lolo mo, iyon ay ang huling formula upang maisakatuparan ni Alfonso ang plano niya sa pagsakop sa buong mundo."
Napakunot ang noo ko. Wala talaga akong maalala.
"Binanggit ko na kanina na nagkaroon ng alitan ang dalawa. Hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayari ang alam ko lang, kayong dalawa ni Mia ang may alam sa mga pangyayari sa aksidente at kayo ring dalawa ang kailangan ni Alfonso sa kanyang huling plano. Nalaman niya na sa inyo ang kahuli hulihang formula ng lolo mo. Inakala niya na nasa dugo ninyo o ang dugo niyo mismo ang huling pormula pero nagkakamali siya dahil ang pormula ay nasa utak mo Aira."
Nabigla ako sa lahat ng narinig ko, hindi ko kayang iabsorb lahat ng mga nalalaman ko.
"How come na nasa utak niya ang formula?" Tanong ni Kyler.
"Nasa utak niya lahat ng kanyang nalalaman, kaya't hanggat maari Aira, kailangang makaalala ka na. Si Mia ay makakatulong din sa iyo upang makaala-la na kayo dahil bago pa man mamatay ang mga lolo niyo nagkaroon sila ng plano upang hindi matuloy ang plano ni Alfonso, si Mia ay may alam kung papano kayo tuluyang makakaalala, dahil may mga bahagi sa mga memorya ninyo ang sinadya upang huwag ninyo itong maalala pansamantala. Kaya hanggat maari ay dapat makaalala na kayong dalawa."
✖✖✖
Andito ako ngayon, nakatanga habang nakaupo at nakaharap kay Mia na ngayon ay hindi parin nagigising.
Hindi parin ako makamove-on sa mga nalaman ko. Ang hirap hirap itong iabsorb lalo na't marami pa akong iniisip. Arrgghhh! Napatingin ako kay Mia.
"Andaya mo naman eh!" Singhal ko sa kanya kahit hindi naman niya naririnig.
"Hindi mo ako dinadamayan dito! Tulog ka lang ng tulog diyan! Pinapabayaan mo na akong mag-isip dito!" Sigaw ko sa kanya
"Ang ingay mo naman."
O__O
Nanlaki ang mata ko ng biglang nagsalita si Mia.
Sheeezzz!
"Mia?! Mia?! Gising ka na?!"
Tanong ko sa kanya. Unti-unti naman niyang idinilat ang kanyang mata at dumeretsong tumingin saakin.
"May nagmumulat bang tulog?!" Mahina pero mataray parin niyang saad. Agad ko naman siyang yinakap ng mahigpit.
"Ano ba! Papatayin mo naman ako eh!" Sigaw nito at kumalas ako sa pagkakayap ko sa kanya.
"Penge nga muna ng tubig."
Isinalin ko sa baso ang tubig na laman ng pitsel at ibinigay ko sa kanya, agad naman niya itong kinuha at nilagok ng deretso.
"Isa pa." Saad nito kaya isinalin ko muli ang tubig sa kanyang baso at nilaklak niya uli ito.
Pagkatapos niyang uminom tumingin siya saakin.
Napabuntong hininga muna siya bago magsalita.
"Aira, may naalala na ako."
"Talaga?! Bakit ako wala pang naalala." Atungal ko.
"Haissstt! Hindi naman lahat!"
"Eh ano na yung naalala mo?! Importante yun Mia! Sabihin mo na!"
Pagpupumilit ko sa kanya.
"Grabe ka naman! Kakagising ko lang eh!" Reklamo niya.
"La akong pake gising ka na nga eh!"
Sabi ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya at tumingin ng seryoso saakin.
"Kailangan nating bumalik sa bahay mo."
"What?! Malayo ang bahay ko dito! At ano naman ang gagawin natin doon?!"
"Dahil nandon ang bagay na makapagbabalik ng tuluyan sa mga alaala natin."
Flashback... (Bago maaksidente sina Aira)
"Mia, come here." Saad ni Mr. Alfredo sa kanyang siyam na taong gulang apo na si Mia.
"Yes lolo? Pupunta na ba tayo kina Aira?" Tanong nito.
"Yes mia, but before that I want you to give this to Aira." Saad nito at ibinigay ang kulay itim na maliit na notebook.
"Lolo, what is this?"
"Babasahin niyo lang iyan kung mayroong nangyari sa star labs okay?" Tumango nalang si Mia kahit walang naintindihan kung bakit ibinigay ng lolo niya ito sa kanya, matalinong bata si Mia kung kaya't alam ng kanyang lolo na gagawin niya ito at tatandaan ang bawat sinabi niya.
"Yes lolo I promise." Sabi nito.
◽◾◽◾◽◾◽◾◽◾◽◾◽◾
"Aira!" Tawag ni Mia pagpasok palang ng kanilang bahay.
"Mia!" Sabi ni Aira at yinakap si Mia.
Pumunta sila sa kwarto ni Aira upang maglaro, bitbit-bitbit din ni Mia ang kanyang maliit na shoulder bag na naglalaman ng notebook.
"By the way Aira, I have something for you." Sabi nito at inilabas ang notebook.
"What's that Mia?"
"Binigay ito ni Lolo, he said na bubuksan lang natin ito if something happens to star lab." Saad nito.
"But why? What will happen to star labs?"
"I don't know pero feeling ko may masamang mangyayari talaga."
"Okay, I will keep this." Saad nito at itinago ang notebook sa pinakailalim ng kanyang drawer.
End of Flashback...
"Paano na 'yan? Malayo ang bahay ko at hindi ba delikado kapag pumunta tayo doon? Shocks Mia. I don't know what to do!" Frustrated kong saad.
"But Aira, we should do something! Baka tuluyan na tayong mabura sa mundong ito!"
Hinawakan ko ang sentido ko at nag-isip.
"Wala ka bang nalaman sa plano ng Alfonso na iyon?" Tanong ko.
Tumahimik naman siya at nag-isip.
"Yeah that's right! I over heard them, nagtayo sila ng isang system sa tuktok ng star labs! And tha't system ay gagamitin nila para tuluyan ng masakop ang buong mundo! Hinahanap nila ang huling sangkap saatin. Hindi ko lang alam kung ano iyon but I'am very sure na masasagot lahat ng mga tanong natin once na mahanap natin ang notebook na iyon."
"But how can we do that?!" Maiiyak na tanong ko.
"We're here for you Aira." Napatingin ako sa nagsalita.
Andito silang lahat.
Ang mga kaibigan ko.