Chapter 27
Third Person POV
Nakaratay muli si Aira sa isang silid na puno ng mga aparatos. Habang ang tatlong scientists ay gumagawa ng tinatawag na antidote.
Napangisi nalang si Alfonso sa kanyang plano.
"Tama na ang paglalaro. Tama na ang ilang taon na pagdurusa. Ito na ang aking hinihintay na pagbabalik ng aking pangalan!" Halakhak nito.
"Ibebenta ko lahat ng antidote! Makikilala na ako sa buong mundo." Sambit muli nito at pumikit umarteng pinagkakaguluhan siya ng media.
Kahit marami na ang kanyang planong napalpak, patuloy parin ito sa kanyang ambisyon.
Napahawak siya sa kanyang dibdib ng bigla itong sumakit. Unti-unting naaagnas ang kanyang balat kaya nagmadali ito para kunin ang kanyang gamot at walang pakundangan na itinurok ang limang syringe sa kanyang balikat.
Pagkalipas ng ilang minuto ay kaagad itong bumalik sa dati nitong kulay.
Si Alfonso ay isang infected, napigilan niya ang pagkalat nito bago pa man umabot sa utak niya. Ngunit hindi ito magtatagal, kahit na napipigilan niya ito hindi parin ito sapat upang bumalik siya sa normal.
Kahit anong gawin niya ay isa na siyang infected at habang tumatagal, nilalamon na nito ang kanyang buong sistema at hindi kalaunan ay magiging isa na siya sa kanila. HALIMAW
Labis ang pagpaplano at paghahanda ng lahat para sa isang misyon. Misyon para iligtas ang kanilang kaibigan at ang buong mundo.
Naniniwala sila na hindi pa dito natatapos ang lahat.
Desidido ang lahat para mailigtas ang kaibigan.
"Lee, as much as possible gawin mo lahat ng makakaya mo upang ma hack ang security system ng buong lugar, hindi na ito kagaya 'nung dati sabi ni Aries." Serysong suhestiyon ni Kyler.
"Guys listen up!" Pagatatawag ng pansin ni Aries sa lahat.
"This mission is a silent mission, meaning kukunin natin ang kapatid ko ng palihim. Hindi natin kailangang lumaban, hindi pa ngayon at darating tayo diyan."
Mas magiging delikado ang kanilang misyon kapag umatake sila. Maaring may mapahamak nanaman sa grupo kaya't hangga't maari. Walang masasawi.
"Hindi natin kailangan ng tulong nila Daddy, gusto ko tayo mismo. May nakatakdang panahon para sila ay tumulong saatin, maging maingat na tayo ngayon. Ayokong maulit uli ang nangyari noon. Understood?!"
"Yes!"
Kinakabahan man ngunit kinakailangan nilang maging positibo at maging matatag.
This is their last chance, para baguhin ang nakaraan at maging matagumpay sa kasalukuyan.
Hindi alam ni Alfonso kung ano ang magiging kahihinatnan niya, all he want's now ay makabuo ng antidote at patayin ang dalaga sa kahit na anong paraan.
Humarap ito sa isang camera at umupo sa kanyang swivel chair.
Tumikhim ito at sinenyasan ang lalaki .
"Ilang taon na ang lumipas ng mangyari ang lahat ng ito. Mga halimaw na pagala gala at kumakain at pumapatay sa kapwa nila. Ilang taon rin ang aking pananahimik kaya napagdesisyunan kong gumawa ng aksyon. This pandemic will end dahil nakagawa na ako ng lunas para rito."
Nskangiti nitong tugon.
"Everything will be okay because of me." Buong buo na pagkasabi nito.
May isang scientist na mabilis na lumapit sa kanya.
"Sir! Lumalaban siya!" Hingal na hingal nitong sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat naman na tanong ng matanda habang nagmadali patungo sa silid na kung saan naroroon ang dalaga.
Bumulaga sa kanila ang walang malay na scientist at naibaling ang kanilang atensiyon sa isang babaeng ngayon ay nawawala na sa sarili.
"She's out of control sir."
"What?! Shut her down!"
"Sir-- I can't."
Dumating na ang mga armadong lalak para pigilan ito.
"Don't kill her!" Sigaw ni Alfonso.
Halos wala ng pakundangan si Aira kung lumaban.
Binalibag nito ang isang lalaki at inihampas sa matigas na mesa dahilan para mabali ang ulo nito.
Aira doesn't know what she's doing.
"Just shut her down now!" Nanggagalaiting utos ni Alfonso.
Mabilis pa sa kidlat at nanginginig ang kamay ng isang lalaki habang may tinitipa sa kanyang control at nakahinga naman ito ng maluwag ng makita ang dalaga na ngayon ay wala ng malay.
"Get her!" Sigaw ni Alfonso.
"You!" Turo nito sa kanyang kasama.
"Akala ko ba ay makokontrol mo siya?!"
"Y-yes sir but the nanomites are melting that's why."
"Gawan mo ng paraan! O di kaya'y kunin niyo na ito sa kanya!" Galit na galit ito at bumalik sa kanyang opisina.
"Pasalamat ka at kailangan kita ng buhay, kundi matagal ka ng patay!"
"Ate Mia, magiging ligtas po ba si Ate Aira?" Pagtatanong ni DenDen sa dalaga.
"Oo naman, hindi na namin hahayaang maulit pa ang nangyari noon."
"Uuwi kayo ng kompleto diba?"
Tumango lang ang dalaga at ibinaling ang tingin kay Tyler.
"Tyler paano mo nakilala si Aira--I mean Kiera?" Tanong nito sa bata.
"Nasa daan po kami noon at may mga masasamang tao ang humarang saamin, takot na takot po kami noon dahil wala kaming laban sa kanila at may dala dala silang mga baril." Pagkukuwento nito.
"Tapos po, may biglang dumating na babae sakay ng truck, huminto po siya malapit saamin pero hindi po siya bumaba, nilapitan po siya ng isang lalaki at tandang tanda ko po nun ang malakas na pagbukas niya ng pinto dahilan para tumilapon ang lalaki!" Dugtong nito sa kanyang kwento at bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha.
"Pagkatapos po 'nun ay naglaban na po at doon lang po kami sa isang sulok! Ang astig po niya noon dahil natalo lahat ng mga masasamang lalaki pero bigla po siyang nahimatay kaya dinala namin siya sa kampo namin."
Nakangiting sabi nito at hindi rin maiwasang mapangiti ni Mia.
"Sumama nga po siya saamin noong pumasok sa loob ng safe zone eh."
Sabi nito at bumalik uli ang pangyayari noon.
"May tanong ako Tyler " sabi nito.
"Ano po iyon?"
"May takip na ba talaga yung mukha niya noong unag pagkikita niyo?" Curious nitong tanong.
"Wala po! Sa katunayan yung tela pong nakatakip sa mukha niya ay mula saakin. Hiningi niya. Hehehe"
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit nakatakip ang mukha niya?" Tanong uli nito.
Umakto naman na parang nag-iisip si Tyler.
"Ako po, mukhang alam ko." Napatingin naman siya kay DenDen.
"Kinuha niya po yung takip niya noong naroroon ako sa silid na iyon sa loob ng opisina ni Kuya Aries, may peklat po siyang malaki sa mukha." Sabi nito at nakaramdam naman si Mia ng lungkot at panghihinayang.
"Ah opo! Yun nga po!." Pag-sang ayon ni Tyler.
Nakita naman ni DenDen ang pagbabago ng ekspresyon ni Mia.
"Pero ate Mia, hindi naman po nabawasan yung ganda ni Ate, siya parin po yung Aira na kaibigan niyooo!" Masayang sambit nito.
Done