webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · วัยรุ่น
Not enough ratings
71 Chs

Dead 22 (Part 2)

Chapter ²²

Third Person POV

"Guys, ngayon na natin simulan ang misyon." Seryosong bulong ni DenDen sa Dalawa niyang kasama.

"Anong una nating gagawin?" Tanong ni Chiena.

"Gumalaw tayo ng normal."

"Ano?"

"Bakit? Hindi ba tayo pwedeng gumalaw ng abonormal?" Agad naman na binatukan ni DenDen si Tyler dahil sa sinabi.

"Tyler! Seryoso eh!" Pagmamaktol ni DenDen.

"Okay!okay! Joke lang naman!"

"Papasok tayo sa office niya ngayon, kukulitin natin siya kagaya ng ginagawa ko dati. Hindi magagalit si Kuya Aries sa gagawin natin, kung si Kuya Aries talaga siya. Ano game?"

"Game!" Pagsang-ayon ng dalawa.

Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at patakbong pumasok sa opisina.

"Kuya Ariessss!!!" Makukulit nilang tawag at dumeretso sa sofa para tumalon.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" Nakangiting tanong nito sa mga bata.

"Wala Kuya! Wala naman kaming ginagawa eh! Pwede ba kaming maglaro dito?" Tanong ni DenDen.

"Pwede naman."

"Yesss!" Masayang tugon naman ng tatlo.

Inilabas ni Tyler ang kanyang bola at naglaro, sinadya niyang mapunta ito sa kinauupuan ni Aries at hinintay nila ang magiging reaksiyon nito.

Pinulot ito ni Aries at ibinalik kay Tyler.

"Kung gusto niyo ay sa labas na kayo maglaro para naman makapaglaro kayo ng maayos." Suhestiyon nito sa mga bata. Nagkatinginan ang tatlo.

"Dito na lang kami Kuya, nagsasawa na kaming maglaro sa labas eh." Ani ni Chiena.

Biglang nahulog ang vase na nakapatong sa maliit na mesa dahilan para makagawa ito ng ingay.

"Hala! Sorry Kuya!" Mangiyak-ngiyak na paumanhin ni DenDen.

"It's okay, pabayaan mo na lang diyan." Mahinahon na tugon nito.

Napabuntong hininga nalang si DenDen at nakasimangot na pumunta sa dalawa.

Nagkatinginan ang tatlo na nagpapahiwatig kung ano pa ang kanilang gagawin.

Tumungo si Tyler sa isang pinto.

"Anong meron dito Kuya?" Tanong nito at pipihitin sana ang Door Knob ng mabilis na nakalapit si Aries at tinapik ang kanyang kamay.

Napangiwi nalang si Tyler dahil sa sakit.

"Don't you dare to open this door." Seryoso ngunit may bahid ng galit na sabi nito.

Mabilis na lumapit naman ang dalawa at hinila si Tyler palabas.

"Pasensya na Kuya!" Sigaw ng mga ito at nagmadaling lumabas.

"Kinabahan ako 'dun ah." Daing ni Tyler.

Napangisi naman si DenDen sa kanyang naisip.

"Ano kayang meron sa kwarto na 'yun?" Pagtatanong ni Chiena.

"Ikaw Den? Nakapasok ka na ba 'dun?"

"Oo, ilang beses na. Mga baril lang ang nandun."

"Kaya siguro nagalit si Kuya Aries sakin kanina, kasi mga baril pala ang laman."

"Hindi rin, hindi nagbabawal si Kuya Aries na pumasok doon." Siguradong saad ni DenDen.

"Eh kung ganon bakit?"

"Yun ang aalamin natin."

"Kailangan nating sabihin kina ate Mia ito!"

"Anong sasabihin?"

Halos manlamig sila dahil sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Ah, w-wala Kuya, sasabihin lang namin na k-kung pwedeng m-maglaro sa labas."

"Oo kuya." Mabilis na sang-ayon ng dalawa pa.

"Ah ganun ba?" Sabi nito at hindi nakawala sa kanilang tatlo ang himig ng pagbabanta nito.

"S-sige kuya." Sabi nila at mabilis na umalis.

"My Gosh! Nakakatakot siya!"

"Hindi siya si Kuya at sigurado ako 'dun. Hindi ko man alam kung sino ito pero kailangan nating sabihin kina ate Mia ang hinala natin."

Sumang ayon naman sina Tyler at Chiena.

Malakas ang kutob ng batang si DenDen na hindi ito ang kanilang kinilalang Kuya.

Sa kabilang banda naman ay nag-uusap ang magkakaibigan.

"Hindi na ako mapakali sa nangyayari." Sabi ni Christine habang nakatayo at pabalik-balik sa paglalakad.

"Paano kung patay na sila?" Histerikal na tanong ni Mia at parang maiiyak na sa takot at kaba.

Hindi na napigilan ni Christine ang tumayo at humarap kay Kiera na nakatayo.

"Ikaw Kiera! Diba ikaw naman talaga ang habol ng mga 'yun simula palang?! Ikaw yung may kasalanan eh!"

"Christine." Pagpipigil ni Mia sa kanya.

Tahimik lang si Kierang nakikinig sa mga binabatong salita sa kanya ni Christine.

"Ikaw yung may kasalanan kung bakit wala na si Ace! Ikaw yung may kasalanan sa lahat! Kung hindi ka lang siguro sumama saamin hindi magiging ganito ang sitwasyon!" Saad nito at umalis.

Halos di makatingin si Mia kay Kiera ganun din si Kiera sa mga ito.

"K-kiera, pasensya na sa inasta ni Christine."

Hinawakan ni Mia si Kiera sa kamay nito ngunit dahan dahan na winaksi ito ni Kiera.

"I think tama siya, kasalanan ko ang lahat." Saad nito at umalis.

Nakaramdam naman ng guilt si Mia.

Tahimik lang ang binata sa tabi nito na para bang ang lalim ng kanyang iniisip.

Habag naglalakad si Kiera ay hindi nito maiwasang mapaisip. Hindi niya namalayan ang paghila ng kung sino sa kanya at ang pagyakap nito.

"Shit! Get off me!" Sigaw nito at nagpupumiglas pero bago pa man makawala sa yakap nito ay agad tumakbo ang misteryosong taong nakasuot ng itim na hoodie at biglang nawala.

Gulong-gulo si Kiera sa nangyari at halos mawalan siya ng hininga sa kaba. Hindi niya namukhaan ang taong iyon dahil sa bilis ng pangyayari.

"Shit! Sino yun?!" Naguguluhang tanong nito.

Nakatungong naglalakad si Mia upang hanapin at kausapin si Christine. Ang kanyang paningin ay nakatutok lamang sa daan na kanyang tinatahak ng bigla siyang mapaupo dahil sa pagkakabangga ng kung ano sa harapan niya. Sapong sapo niya ang kanyang noo ng tingnan ang isang tao na papalayo mula sa kanyang kinalalagyan.

"Sandali!" Tawag nito tsaka pinulot ang isang kapirasong papel na nahulog sa bulsa nito.

Dahil sa kuryosidad, binuksan niya ito at napakunot dahil sa nakasulat. Nagpabalik-balik siya ng tingin sa sulat at sa taong iyon na mabilis na nawala.

Sa kabilang banda naman ay ang pagpasok ni DenDen ng mag-isa sa Opisina ni Aries. Hindi siya mapalagay at gustong-gusto niyang makita kung ano ang naroon sa silid na iyon at kung bakit ganoon lang ang react ni Aries ng muntik ng makapasok si Tyler.

Napa "yes" naman ito ng makitang walang tao sa loob ng opisina at nagdali dali sa pagpunta sa sinasabing silid. Dahan dahan niyang pinihit ang doorknob nito at nagulat siya ng hindi ito naka lock.

Kinakabahan man ay nagpatuloy ito sa kanyang sadya. Hinanap niya ang switch ng ilaw at hindi siya nabigo at nakita ito.

Napapikit pa siya dahil sa silaw at pagmulat ng kanyang mga mata ay halos lumuwa ang kanyang mga mata sa nakita.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kanyang nadatnan.

"Kailangan na talaga nilang malaman." Sabi nito at bago pa man siya bumalik sa pinto ay isang malakas na bagay ang tumama sa kanyang ulo dahilan para mawalan ito ng malay.

Done