webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · วัยรุ่น
Not enough ratings
71 Chs

Dead 16 (Part 2)

Chapter ¹6

Someone's POV

"Where is she?"

"According sa tracking device nasa Safe Zone po siya."

Safezone? Hmmm.

Napangisi nalang ako habang inubos ang alak na nasa kamay ko.

Wala na nga akong kailangan sa'yo ngunit malaki ang tulong mo saakin at meron 'pang isang bagay na hindi dapat mapunta sa kamay ng iba.

At ikaw 'yun project zero.

"You can control her right?"

"Yes sir. The nanomites is still inside her body and tha't nanomites is now being upgraded it can now control the body and mind of tha't person who is being implanted by the device."

"Then try it! Prove it"

"Y-yes sir."

"How's the Bait?"

"Doing good Sir."

"Good."

Mia Pov

Dilat na dilat parin ang dalawa kong mata. Naantok na ako pero hindi ako makatulog.

Napagdesisyunan kong bumangon at lumabas ng silid. Umakyat ako sa malapit na puno at umupo sa sanga.

Napatingin ako sa baba ng may mapansin akong tao. Naningkit ang mata ko ng makilala ito.

"Where are you going?"

Dahan-dahan akong bumaba at tahimik itong sinundan.

Daan 'to papuntang likuran na bahagi ng safe zone ah?

"Keira!" Tawag ko ngunit hindi parin siya lumilingon .

Delikado na dito. May electricity current ang bakod at kung sino man ang makakahawak ay makukuryente.

"Keira!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.

"Delikado diyan!" Sigaw ko uli.

Ng maabutan ko siya ay agad ko siyang hinawakan sa braso ngunit nagulat ako ng bigla  niya akong ibinalibag at tiningnan siya ng puno ng pagtataka buy her eye's is blank.

"A-nong nangyayari sayo." Tanong ko ng may puno ng pagtataka. Ngunit hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Keira, bumalik ka dito!!"

Halos manginig ako ng akma ko siyang hahabulin. Wala ng isang metro sa kanya ang bakod.

Napapikit na 'lang ako ngunit nakarinig ako ng kalabog.

"Kyler." Bulong ko at pinuntahan silang nakahiga sa lupa.

"Ayos lang ba siya hindi niya nahawakan?!" Tarantang tanong ko.

"She's okay. Ewan ko kung bakit siya nahimatay. What happened?"

"I don't know. Sinundan ko lang siya dito at dito siya dumeretso. Sa tingin mo nag sleep-walk siya?" Tanong ko at napabuntong hininga lang siya at binuhat ito.

"Let's go ihahatid ko na kayo." Saad nito at nagsimula ng maglakad.

"Gosh!" Saad ko nalang at humabol sa kanya sa paglalakad.

"Thanks Kyl." Saad ko ng mailapag na niya si Kiera sa higaan niya.

"Kung hindi ka dumating baka kung ano ng nangyari sa isang 'to eh."

"Bakit ka nakadapa kanina?" Tanong niya.

"Binalibag ba naman ako 'nung pinigilan ko siya! Ang weird talaga ng babaeng 'to." Napakamot nalang ako ng ulo.

"Keep an eye on her." Utos nito at agad na lumabas ng silid.

Napahiga na lang ako ng wala sa oras at napatingin sa natutulog na si Kiera.

Nacucurious na ako sa'yong babae ka. Hindi ka nga nagsasalita nakatakip pa 'yang mukha mo! Tsk. Ano bang meron sa mukha mo na 'yan? 

May sumpa ba 'yan? Tsk Tsk.

Idagdag mo pa 'yang magulo mong buhok na nakatakip sa mata mo! Mukha kang bruha!

Pinikit ko na ang mga mata ko.

Bigla nalang akong napamulat  wala at nanlaki ang mga mata ko na umaga na pala! Bakit napakadali ng oras?! Pumikit lang naman ako ah. Napabalikwas ako ng bangon ng malaman ko na wala ng tao dito sa silid. Agad akong lumabas at bahagyang napatakip ng mukha dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

Nasaan sila?

"Mia!" Napabaling ako sa boses ni Lee na ngayon ay malawak na nakangiti saakin at kumakaway.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at para bang nagslo-slow mo ito palapit saakin.

Bigla 'kong tinampal ng mukha ko pero napalakas ata. Hinimas himas ko ito para 'bang maiiyak ako sa sakit. Jusko! Kung ano-ano naman kasi 'yung pinag-iisip ko.

"Anong problema? Tara!" Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng bigla niya akong hilahin at tumakbo ng mabilis!

"Hoy Teka! Huwag ko nga akong hilahin! Malilintikan ka talagang lalaki ka!"

Lumingon lang ito saakin at bahagyang ngumiti.

"H-hoy! Anong nginingiti mo diyan?! Lagot ka talaga sakin mamayang damuho ka!" Gigil na singhal ko.

Agad kaming napatigil sa harap nilahat.

"Uyyy! Ano yan? HHWR?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Abegail.

"HHWR?! Pinagsasabi mo!"

"Holding Hands While Running. Yieee!" Tukso niya at ngayon ko lang narealize na magkahawak pala kami ng kamay kaya marahas ko itong binitawan na may kasamang panggigigil! Grr!

"Upo na Mia. Kumain na tayo." Sabi ni Christine. Umupo naman ako sa tabi ni Kiera. Wait! Speaking of this Girl!

"Kiera, anong nangyari sayo kagabi?" Deretsong tanong ko at kumain ng  biscuit.

Tiningnan niya naman ako ng may pagtataka.

"Kagabi?" Tanong niya..

"Oo, bigla bigla ka nalang lumabas ng room tapos deretso kang pumunta sa dulong bahagi ng safe zone, kamuntik ka pa ngang makuryente kung hindi dahil kay Ky--" Naputol ang sasabihin ko ng pandilatan ako ng mata ni Kyler.

"Kamuntik ka ng matusta doon! Alam mo ba 'yun?!"

"Totoo ba 'yun Keira?" Tanong nilang lahat. Oo nilang lahat.

Agad na nilapag nito ang kutsara.

"Ewan ko." Mahinang saad niya at napabuntong hininga.

"Wala ka talagang maalala?" Tanong ko uli sabay kagat ng biscuit.

"Sa bagay, hindi mo nga natandaan na binalibag mo ako kagabi." Natatawang sambit ko at nagulat naman silang lahat.  Napatingin ako kay Keira na nakatingin din sakin.

"Ginawa ko yun?" Takang tanong niya.

Tumango lang ako.

"P-pasensiya na hindi ko talaga alam." Paumanhin niya. Nag sleepwalk na talaga siguro siya.

"Hahaha. Okay lang atleast 'di ka natusta." Natatawang saad ko.

Napatingin ako kay Tyler na kumakain. Naalala ko sa kanya si DenDen. Speaking of DenDen, kumusta na kaya 'yung batang iyon? Nakalimutan kong itanong kay Kuya. Pwede ko naman sigurong puntahan? Hahaha.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Alam kong pilit lang 'yung mga ngiti nila. Nakita ko na 'to dati eh. Yung pinipilit nilang magmukhang masaya sa harap ng ibang tao pero ang totoo ay may tinatagong lungkot.

"Masaya siguro kung andito si Ace no." Saad ko at nakita ko naman ang pag-iiba nila ng emosyon.

Pilit na ngiti naman ang pinakita ni Christine.

"Lokong 'yun. Ang hina kasi eh!" Natatawang saad ni Vans.

"Gusto kong maghiganti sa gumawa sa kanya 'nun. Pero hindi ko kaya." Mangiyak-ngiyak na wika ni Xander.

Napatingin ako sa katabi ko na tumayo at lumakad palayo sa amin.

"Saan punta ni Kiera?" Tanong ni Abe.

"Teka, susundan ko." Pagpapaalam ko sa kanila at agad sinundan ito.

Nakita ko siyang umakyat sa rooftoop ng isang gusali dito.

"Hey, bakit ka umalis?" Tanong ko. Napatingin naman siya saakin.

"I feel Guilty." Saad nito na ikinanuot ng noo ko.

"Guilty for what?" Tanong ko

"Because your friend died." Sabi niya.

"Sinisisi mo ba sarili mo?" Pagkokompirma ko.

"Yeah, kung di dahil saakin, hindi siya mawawala. Kung di dahil saakin hindi kayo masasangkot sa gulo na ako naman talaga ang puntirya." Mahabang saad niya.

Wala akong pakialam kung siya ang dahilan ang alam ko lang wala siyang kasalanan.

"Sinisisi ka ba namin Kiera?" Tumingin naman ito saakin.

"Diba hindi? Hindi ka namin sinisisi dahil hindi mo naman ginusto 'yung nangyari. Ang tanging alam lang namin ay 'yung mga lalaki ang kasalanan. Ikaw man ang puntirya, wala kaming pakialam dahil hindi naman ikaw yung pumatay sa kanya." Mahabang litanya ko at bigla siyang tumayo.

"Salamat dahil sa katiting na oras nagkaroon ako ng kaibigan, salamat dahil pinaramdam niyo saakin na may mga tao pa palang mababait kagaya niyo na handang tumulong at ang naiisip ko lamang na paraan para makabawi sa inyo ay ang paglayo ko."

Hindi ako nakaimik.

"S-sige hindi kita pipigilan kung 'yan ang gusto mo pero paano si Tyler?" Tanong ko.

"Sa inyo na muna siya, sigurado naman akong hindi niyo sana papabayaan." Saad nito at lumakad palayo.

Nakatayo lang ako dito. May nag didikta saakin na 'wag ko siyang paalisin.

"Keira, please don't go." Mahinang saad ko pero alam ko naman na hindi na niya ako maririnig pa.

Napapikit na lamang ako at winaglit sa isipan ang kanina pa gumugulo.

"She's sounded like Aira while saying those words "

Hahakbang na sana ako ng biglang may malakas na pwersa ang tumama saakin at ang pagtilapon ko sa kalayuan. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin.

A-anong nangyari? Nakaramdam naman ako ng pagyugyog saakin at ang nag-aalaang mukha ni Lee ang  nakita ko at ang mga paang nagmamadali sa pagtakbo.

Done