webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · วัยรุ่น
Not enough ratings
71 Chs

Dead 15 (Part 1)

Aira POV

Matapos kaming ilibot ni Kuya Marcus sa buong training ground. Napagpasyahan naming bumalik na sa kasama namin at mgayon ko lang naagtanto na umaga na pala.

Dumaan kami sa tamang daan para makalabas ng walang nasasaktan. -_-

Hindi parin ako makapaniwala na mayroong training ground dito. Shocks! Namiss ko tuloy mag training and Guess what?! Pumasok kami sa isang silid na puro mga equipment at armas! I wanna grab one pero baka sabihin nila, ke bago-bago ko dito napaka demanding ko.

(~^O^~)

Pagkarating namin doon, nadatnan namin silang kumakain ng agahan.

"Ow bro! 'San ka galing?! Bigla kang nawala ah!" Bungad kaagad ni Lee

"Oy Aira! Ikaw rin! Kanina iniwan mo 'ko sa tent! At bakit kayo magkasama ni Kyler?!" Sabi pa ni Mia.

"Shocks! Don't tell me------." Pabitin nito at tiningan kami ni Kyler.

"It's not what you think Mia." Singhal ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Actually Guys, nahulog sila sa isang butas at natrap doon and luckily I nakita ko sila." Sabi ni Ace.

Napatahimik naman silang lahat na animo'y nagtatanong kung sino ang lalaking ito at bigla nalang sumulpot.

"Oh! Ace Mafriend!" Nagulat kaming lahat ng biglang tumayo si Lee at yinakap si Xander.

"Yuhooo! Hahaha. Lee mafriend!" Tugon naman ng isa.

Naiwan namang nakanganga ang iba naming kasama.

"Guys! This is our friend Xander. Xander those are my friends." Sabi nito at isa-isa silang nagpakilala well except me and Kyler.

Ito namang si Xander ay galak na galak. Saya-saya eh?

Pagkatapos nilang magpakilala. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain. 

Pagkatapos naming kumain. Naligo kami. Aba siyempre alangan namang magpabaho kami diba? Buti nalang may Cr dito and siyempre binabantayan namin ang bawat isa maligo baka mamaya may manilip. (e_e)

Pagkatapos naming maligo pinuntahan namin sina ate Mich sa tent nila. Tulad ng inaasahan ko bakas ang pagkamangha sa mga mukha nila ang pagkamangha.

Bumungad naman saamin si ate Mich na may ngiti sa labi.

"So I guess you are now ready para mailibot ko kayo sa buong lugar and lastly merong spot dito sa kampo na tiyak ay matutuwa kayong lahat, well except kina Aira and Kyler." Sabi nito at tinapunan kami ng tingin.

Is she referring to tha't training ground? Well maybe and I'm so very excited na bumalik uli roon.

Napatingin ako sa mga kasama kong nagtataka.  Nagkibit-balikat nalang ako at  binigyan ko sila ng awkward na ngiti.

Sumunod na kami kay Ate Mich at tulad ng sinabi niya inilibot niya kami sa loob ng kampo.

"Okay, ito ang tent na pinaka malaki sa lahat dahil dito lahat ng mga makabagong teknolohiya ang makikita mo. This is a place kung saan pwede kaming makipag-communicate sa labas ng bansa and by the way we are the ally of US Navy abroad."

Nagulat ako sa sinabi niya, so it means pwede akong makipag communicate kila Dad?! Nabuhayan ang loob ko sa aking narinig at naka ramdam ako ng excitement. Kakausapin ko mamaya si ate Mich tungkol dito.

"Ipinadala kami dito para humanap ng mga survivors" sabi nito.

Survivors? Ah naalala ko yung mga taong nadaanan namin noong napadpad kami dito. Pero asan na sila ngayon? Di ko na sila nakita at puro mga sundalo lang ang nakakahalubilo namin.

"Next is itong tent." Sabi niya at iginaya kami papasok. Puno ito ng mga pagkain.

"Ito yung stock room namin ng pagkain, so kapag kayo ay nagugutom you are free para kumuha dito." Sani nito.

"Wala po bang bayad?" Biglang tanong ni Rico. -____-

"Aray!" Daing nito ng batukan siya ni Wendel.

"Free nga diba?" Pambabara nito.

Tsk

Tumawa lang si ate Mich at iginaya uli kami. 

"San na po tayo pupunta ate Mich?" Tanong ni Denden

"Don't worry guys malapit na tayo." Sabi nito.

Umakyat siya sa isang sementadong hagdanan at feeling ko may something sa taas.

Napaamang nalang kami ng makita ang lugar. Huli ko nang napagtanto na nasa rooftop pala kami ng isang gusali and there were many people here. May mga bata at matatanda. May mga tent din na nakatayo sa bawat sulok and it's looks like a mini village.

"Those are survivors na na rescue namin." Sabi nito.

"Mahirap saamin ang bantayan sila dahil napakarami nila but we are trying out best para matugunan ang kanilang pangangailangan at proteksiyon."

"Oh, dito niyo pala dinadala ang mga survivors eh kami ate Mich 'bat doon niyo kami pinag stay sa baba?"

Biglang tanong ni Christine.

Oo nga no? I think mas komportable ang lugar namin kesa dito.

"Because all of you are Special anyways let's go and we are heading for the last spot here in the camp." Sabi nito at nag-umpisa nang maglakad.

Special eh? I don't think we are special, we are just ordinary teenagers who clearly survive this apocalypse by our self but I don't think if wa are able to survive in the next time around.

All of us followed ate Mich and as I expected we are heading to tha't training ground where Kyler and I--err nevermind.

Kahit nakapunta na ako dito kanina, hindi ko parin maiwasang mapahanga.

"Wow!/Woah!/Amazing!" Ilan lang 'yan sa maririnig mo dito sa loob ng kwarto. Katulad kanina, ate Mich instructed us to go wherever we want. She ask us to roam around the training room.

This training ground is very spacious. Pagpasok mo palang isang malawak na ground ang bubungad sa'yo. Pwede kang makipag sparring dito. Kung gusto niyo magbugbugan pa. Meron 'ding punching bag dito. Shooting range na sakto lang ang laki and mind you sound proof ito so hindi maririnig sa labas ang bawat putok ng baril na nagmumula sa shooting range. Meron ding archery room and I'm looking forward para magamit ito.

Ate Mich Instructed us to follow her. Nakaharap kami ngayon sa isang bakal na pinto and may kung anong pinindot si ate Mich at nag swipe sa card. For identification I guess? And  I was shocked no we are shocked dahil isa iyong elevator.

"Let's go guys."

"Ate Ano pong meron sa baba?" Tanong ni Abe

"We'll see it later." Sabi nito at kumindat.

Mahilig talagang manurpresa si ate Mich huh?

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng elevator.

*^O^*

Kung kanina ay napamangha kami, ngayon ay sobrang napamangha kami!

"Welcome to weaponery."

Shocks! Andaming weapons!

May iba't ibang klaseng baril, may mga granada, mga espada, dagger, shrukens and meron ding bow and arrow at kung ano ano pang klaseng mga armas!

As in wow na wow.

(♥o♥)

"Ate Mich!!! Pwede niyo po ba kaming turuang makipaglaban at gumamit ng mga weapons?" Biglang tanong ni Abe.

"Offcourse! Kaya nga ipinakita ko sa inyo ang kabuuan ng lugar because this will be your training ground."

Waaaa!!! Seryoso?!

Hindi ko napigilang mapayakap kay ate Mich ng sabihin niya iyon.

"Waaa! Salamat ate Mich." I said between out hugs.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Ate Mich kaya napabitaw ako sa kanya.

"Hello?---What?!---Papunta na kami diyan." Sabi nito at ibinaba ang tawag.

Tiningnan niya kami.

"Guys, I'm so sorry we have a problem." Sabi nito at umalis

Hindi na kami nagdalawang isip na sumunod sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ng elevator. Ramdam namin ang tensiyon na nanggaling kay ate Mich.

Hindi na namin siya kinausap dahil based sa kanyang facial expression. This is a serious matter.

Pagbalik namin sa taas. Mga nagkakagulong  mga sundalo ang bumungad saamin. Nagmadali naman kami sa pagkilos dahil meron talagang nangyari.