webnovel

Kabanata 7

Albert's P.O.V.

Ito na ang pinakahihintay ko sa lahat, ang makagawa ng solusiyon para sa epidemya na kinahahaharap ng mga tao sa buong mundo. Pagkatapos nito, ako na ang magiging pinakasikat na Scientist sa mundo.

"Young Scientist from the country of Philippines have cured human through his HIZVID vaccine creation, di na mapipigilan ang pagtayog ng aking pangalan dala ang aking bansa" masayang sabi ko sa aking sarili habang hawak ko sa aking mga kamay ang isang vaccine para sa Covid-19 na aking ginawa na susi sa epidemya na ito.

"Good morning son, maitanong ko lang, kumusta na pala yung ekspiremento na ginagawa mo?" tanong saakin ni dad na kapapasok lang sa may pintuan nitong laboratory ko.

"dad naman, di kayo kumakatok sa pintuan, what if natapon ko ito eh di uulit na naman ako, ang hirap kaya gawin ito" sagot ko sakanya saka humakbang siya palapit saakin.

"yan na ba yun anak?" interested na tanong ni dad saka kinuha niya saaking kamay ang ginawa kong vaccine at pinagtitingan niya pa ito.

"yes dad, yan na nga, yan na ang magiging susi para malunasan ang walang lunas na sakit ng mundo" nagagalak ko naman na sagot sakanya.

"very good, kailangan na natin itong ipakita sa management para masubukan na natin ito agad, ang dami ng nasasayang na buhay ang nawawala sa mundo at kapag ito naging matagumpay, di lang ikaw ang magiging sikat kundi maging ang buong pamilya natin ang pag-uusapan sa buong mundo" sobrang saya ni dad habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Wala naman akong ibang gusto kundi ang maging proud siya saakin kaya nga sobra kong pinaghihirapan ang mga pinagagawa niya na mga utos saakin kahit alam ko sa sarili ko na di ko naman talaga kaya pero pinipilit ko pa rin kasi ayaw kong ma-disappoint siya saakin.

"halika na, samahan mo na ako, pumunta na tayo sa management laboratory office" sabi pa ni dad saka naglakad na siya palabas ng laboratory ko saka sumunod naman ako sakanya.

Pagdating namin sa Management Laboratory Office ay nakita agad namin ang mga nasa matataas na puwesto na busy sa mga ginagawa nilang ekspiremento pero napahinto sila ng magsalita na si dad.

"magandang araw sainyong lahat, maaari bang maisturbo ko muna ang inyong ginagawa sapagkat kasama ko ang aking genius na anak para buong puso na ialay ang susi sa Covid-19 na kinahahaharap ng mundo" masayang balita ni dad sa mga kapwa Scientist namin na nasa matataas na puwesto.

Nagpalakpakan naman sila at kita ko sa kanilang mga mukha ang saya dahil sa sinabi ni dad kahit nga hindi pa namin talaga ito nasusubukan.

"genius talaga ang anak mo, bukas din susubukan na natin yan, ipaghahanda ko na ng pasyente na maaring mapagtest niyan at kapag naging successful yan, hindi lang ang kumpanya ang sisikat kundi ang pangalan niyo at ang bansa natin" ang nagagalak na sabi naman ng pinakamataas na puwesto sa lahat.

"maraming salamat po" sagot ko naman sa kanila.

"sige, excuse me lang muna, may lakad lang akong kailangan asikasuhin para sa kumpanya" paalam niya saka umalis na siya.

"Okey, maaari na kayong bumalik sa ginagawa niyo, back to work" sabi naman ni dad saka nagsibalikan na sila sa kanilang mga ginagawang ekspiremento.

"dad, excuse lang po, may date pa kasi kami ng girlfriend ko, baka po maleyt ako" paalam ko sa dad saka nagsmile lang siya.

"sige na anak, lagi mong tatandaan na sobrang proud sayo ang dad, I'm so thankful na meron akong anak na katulad mo at di kagaya ng kapatid mong si Carlo na walang laman ang utak kundi hangin siguro" sagot ni dad na dina-down pa talaga ang sarili niyang anak sa mismong harapan ng anak niya.

Hindi ko man maipagtanggol ang kapatid ko pero sa loob ko nasasaktan ako kapag ikinukumpara kami na ako ang mas magaling kaysa sakanya. Hindi ko man maamin pero alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako kapag nasasaktan ang kapatid kong si Carlo lalo na kapag nasasabihan ko siya ng mga masasamang salita.

Ang hirap lang kasi na parang tinatago ko ang sarili ko sa totoong ako na para bang nakakulong ako sa sarili kong kulungan. Pinipilit na maging magaling sa harap ng iba kahit di ko na kaya. Hindi katulad ng kapatid ko na pinapakita ang totoo sa sarili niya. Sobrang naiinggit ako sakanya kasi malaya siya di katulad ko.

"anak, ayos ka lang ba? akala ko ba may date kayo ng girlfriend mo?" tanong saakin ni dad na pumukaw sa malalim kong pag-iisip.

"ah- opo, sige po alis na ako" paalam ko saka lumabas na ako ng silid na iyon. Hinubad ko na anh uniporme na suot ko saka iniwan iyon sa aking laboratory room. Pumunta na ako sa may parking area nitong building saka tinungo ang aking sasakyan.

Pumasok na ako sa loob pero di ko pa rin maiwala sa isipan ko ang mga masasaya at masisiglang reaksiyon ng kapwa ko mga expert at professional sa agham dahil sa ekspiremento na nagawa ko. Hindi ko alam kung magiging successful nga yun pero sana kahit anong mangyari ay wag naman sana lumalala ang sitwasiyon dahil sa ginawa ko.

Binuhay ko na ang makina ng aking sasakyan saka nag-drive na ako para puntahan ang girlfriend ko sa bahay nila para sunduin. Biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag saakin...

(Calling: Carlo) dinampot ko ang aking cellphone na nasa tabi ko lang naman saka sinagot ang tawag pagakatapos ay ipinatong ko lang sa may harapan ko sa may tabi ng manibela habang kausap ko sa kabilang linya ang kapatid ko.

"oh, napatawag ka? anong problema, meron ba?" pagsusungit kong bungad sakanya.

"wala naman, ubos na kasi ang grocery dito sa bahay eh baka naman pwede ka dumaan sa mall bago ka umuwi" magalang na sabi ng kapatid ko saakin.

"okey, sige na nasa daan ako nagdadrive baka maaksidente pa ako" sagot ko sakanya saka pinatay ko na ang ang cellphone ko. Nagpukos nalang ako sa aking pagmamaneho papunta sa bahay ng babaeng mahal ko.