webnovel

Kabanata 3

Michael's P.O.V.

Naglakad na ako papunta sa baba para tingnan kung sino ang nagdoorbell. Nasa may pintuan na ako sa labas ng may isang maliit na bagay ang nahulog sa harapan ko. Pinulot ko ito at pinagmasdan. Iang piraso ng angel wings.

"Saan ito galing? Isang kulay puting pakpak? Baka sa manok lang ito. Baka sa 45 days ba, kaya kulay puti." Ang pagkakausap ko sa sarili ko saka inihulog ko na sa lupa ang aking napulot na pakpak at dumiritso na ako sa may pintuan para buksan ito.

Nandiyan na pala sina mom at dad. Sila 'yong nagdoorbell. Nakatayo si mom sa may labas ng pintuan ng bahay habang nasa loob ng kotse si dad.

"Anak naman, bakit antagal mo buksan ang pinto? Knina pa ako nagdoorbell dito?" Medyo galit na tanong ang sumalubong agad saakin mula kay mom.

"May ginagawa po kasi ako para sa online class namin kaya po hindi ko agad mabuksan kasi sobrang busy ko po." Ang paliwanag kong palusot sa kanya.

"Okey fine. Tumabi ka na diyan at dadaan ang dad mo." Ang sagot naman ni mom saka nagmaneho na si dad papasok ng bahay. Naglakad na din si mom papasok habang ako naman itong sumara ng pintuan pagkatapos ay pumasok na rin ako sa loob.

"Michael, ang kapatid mo nasaan?" Ang tanong saakin ni dad habang umuupo sila sa may upuan dito sa sala habang ako naman itong kapapasok lang sa pinto.

"Nasa kwarto na po, natutulog na." Ang sagot ko naman sa kanila. Sanay na ako na ang kapatid ko nalang palagi ang hinahanap nila pagkakarating nila mula sa trabaho.

"Ganun ba. Kumain na ba siya bago natulog?" Ang tanong naman ni mom saakin.

"Opo, kumain na. Sige matulog na rin po ako." Nagpaalam na rin ako sa kanila saka naglakad na ako paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

My life is so unfair. Lagi nalang sila concern sa kapatid ko. Lagi nalang siya ang tinatanong nila saakin. Kumusta ang kapatid mo? Kumain na ba siya? O baka naman inaway mo na naman siya?

"One day, ipagmamalaki niyo din ako. Ipagmamalaki niyo din na may anak kayong katulad ko." Ang tanging bulong ko sa hangin saka ko binuksan ang pintuan ng kwarto ko at pumasok sa loob.

Geno's P.O.V.

Madilim ang buong paligid at tanging mga ilaw lamang sa daan ang nagbibigay liwanag habang walang tigil ako sa pagtakbo dahil sa mga humahabol saaking mga nilalang na gusto akong kainin. Mga uri ng nilalang na sugatan ang mga katawan na duguan habang nakakatakot ang kanilang mga itsura na para bang mga zombie.

"Kahit saan ka pumunta, susundan ka nila! Wahahhahaha." Isang malaking boses ng lalaki ang narinig ko mula sa aking paligid habang patuloy lang ako sa pagtakbo.

"Sino ka? Magpakita ka saakin?" Ang matapang kong tanong na medyo pasigaw pa pero sa loob ko ay sobrang takot ang aking nararamdaman. Palingon-lingon ako sa aking likuran sa mga humahabol sa aking mga nilalang ng biglang hindi ko nakita ang nasa harapan ko.

Booshhhhh!

Napatihaya ako sa lupa ng mabangga ako sa isang lalaking nasa maputi na ilaw. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa liwanag nito.

"Huwag kang matakot. Nandito na ako at hindi ko kayo pababayaan basta maniwala ka lang saakin." Ang sagot niya kasabay ng pag-angat niya sa hangin at may mga anghel na mula sa langit ang bumaba ang may dalang mga matatalim na sandata ang nakipaglaban sa mga nilalang na humahabol saakin.

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang nawala ang maputi at nagliliwanag na lalaki sa aking harapan. Napasigaw nalang ako ng napakalas.

"Aaahh!" Ang napakalakas kong pagsigaw tapos biglang may naramdaman akong isang malakas na pagsuntok sa aking mukha.

"Geno! Nananaginip ka!" Biglang napadilat ako ng aking mga mata dahil sa biglang pukaw saakin ng kapatid ko. Napahawak ako sa may pisngi ko na namamaga pa sa sakit ng pagsuntok niya.

"Kuya naman! Bakit ka nanununtok? Ang sakit kaya!" Ang galit kong reklamo sakanya ng makita ko ang dugo sa aking kamay mula sa pinahid ko sa aking bibig ng suntukin ako ng kapatid ko.

"Pasalamat ka at ginising pa kita mula sa bangongot mo kasi kung hindi baka namatay ka na. Tapos ikaw pa itong galit saakin. Sa susunod kasi huwag ka ng sisigaw ng napakalakas para wala kang maisturbo" galit na sagot ni kuya saka siya humakbang na palabas ng kwarto ko.

"Siya pa ang galit gayon siya na nga itong nanununtok tapos pinadugo pa niya ang bibig ko. Ang sakit kaya ng ginawa niya, sobra." Ang sagot ko nalang sa hangin.

Kinuha ko nalang ang aking cellphone sa maliit na mesa dito sa tabi nitong higaan ko at kinulikot ito.

Screen Unlocked!

FB Lite, loading.....

Scrooll lang ako sa news feed ko ng may nakita akong isang post na kumuha sa aking atensiyon. Ang post mula sa isang FB page. Mga litrato na katulad ng nasa panaginip ko.

"You can't stop the future living in this world. They come even you don't wanted." Ang pagbabasa ko sa status na nakalagay sa picture ng post.

Hindi ko nalang pinansin ang post. Naglog-out nalang ako saka ko ibinaba ang cellphone sa tabi ko. Napaisip lang ako sa kung ano ang koneksiyon ng aking panaginip sa nakita kong larawan at sa totoong buhay?

"Nag-over thinking lang siguro ako." Ang sabi ko pa sa sarili ko saka tumayo na ako mula sa aking higaan at aktong hahakbang na sana ako palabas ng pinto ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Bullshit na cellphone naman na ito. Pati ba naman ang fuckshit na bagay na yan nakikisama din sa pagtakot saakin." Ang medyo kabado kong pagkuha sa aking cellphone. Isang text message lang pala mula sa kaibigan ko. Binuksan ko ito saka binasa.

"Dude, huwag ka na pumunta dito mamaya at ako nalang ang pupunta diyan sainyo kasi may mga bisita parents ko bukas dito may pag uusapan daw sa business." Ang laman ng text message mula sa kaibigan ko.

"Okey, as what you said." Ang reply ko naman sakanya saka naglakad na ako palabas ng bahay dala ang aking cellphone.

Naglakad na ako pababa ng bahay papunta sa may kusina para mag-inom kasi naman nauhaw ako dahil sa panginip kong yun saka nakisama pa ang newsfeed ko sa FB tapos nanggugulat pa ang ringtone ng cellphone kong ito.