webnovel

Chapter 32

Faris' POV

Nagising ako nang mapansin kong sumasakit ang aking buong katawan.

Dahan-dahan akong umupo saka napahawak sa aking ulo.

Aish! Ang sakit naman talaga...

Naramdaman ko na may gumalaw sa aking tabi kaya liningon ko iyon.

Bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Sky.

Nandito siya buong magdamag?

Napansin niya siguro akong nagising kaya gumising rin ito. Napabalingkawas pa ito ng tayo saka lumapit sa akin.

Natawa na lamang ako sa reaksyon nito. Para siyang timang, Haha.

"Okay ka na ba? How are you feeling? Masakit ba 'yong katawan mo?" Ngumiti ako saka ito yinakap.

"I'm okay, hindi naman malaki" aniko.

"Are you sure? Wala talagang problema sa 'yo?" Tumango ako saka sumandal sa headboard ng aking higaan.

"Bakit ba ang OA mo? Hindi pa ako mamamatay no. Ano ka ba?" saad ko saka pinalo ito.

"I'm sorry, it feels weird. Salamat naman at okay ka na" anito at ngumiti sa akin. Hinawakan niya 'yong noo ko saka hinaplos ang aking buhok.

"Okay lang ako, okay?" Ngumiti ito at pinisil ang aking ilong.

"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo?" Bumuntong-hininga ako saka ito tinignan.

Hindi ko rin naman alam na set up pala 'yong nangyari kahapon. Wala akong kaalam-alam roon.

Akala ko talaga si Sky 'yong magpapadala ng minsahe, iba pala.

"Hey, okay ka lang? Do you want to talk it now or maybe later?" Umiling ako.

"Okay lang, okay lang ako"

"Okay"

Alam kong nag-aalala pa rin ito, dahil sa hitsura ng mukha nito.

Aww ang cute ni Mareng Sky...

Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa mesa saka hinanap 'yong minsahe.

Pinakita ko naman ito kay Sky.

Tahimik niya lang itong binabasa at bigla na lang ring kumunot ang noo nito. Napansin kong hinigpitan nito ang pagkahawak sa aking cellphone.

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry" anito saka ako yinakap.

Bakas ang pagtataka sa aking mukha nang yakapin niya ako. Wala akong kaalam-alam kung bakit bigla-bigla na lang itong nangyayakap.

Ano nanaman kaya ang nangyari kay Mareng Sky?

"Ang hilig mong magsorry ano?" Natatawang tanong ko rito.

Pfft, mukha siya ewan.

"Bakit ka ba kasi umaalis ng bahay? Hindi ka pa nga sigurado na ako 'yong nagmemessage sa 'yo. I never changed my phone number, okay? Huwag ka ngang magpapaniwala sa mga walang katotohanan" Nagsisimula nanaman itong manermon kaya napasimangot na lamang ako.

Ang bilis niya magalit. Kaunting pagkakamali galit agad, tss.

"Okay, pasensya na. Ang bilis mo namang magalit eh. Chill ka lang Mareng Sky, hindi pa ako mamamatay" saad ko saka tumawa. Seryoso lang ang mukha nito at nakatingin pang sa akin.

Tumigil ako sa pagtawa at umayos. Baka sesrmonan nanaman ako ng lalaking ito.

"Don't use everything as a joke. This is a serious situation. Pagmamamatay ka, mamamatay ka. Walang halong biro ang mga iyon" anito habang nakatungong nakatingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Okay, sorry" yumuko naman ako saka tumingin sa aking mga palad.

May sugat rin ang aking palad, medyo mahapdi ito ng kaunti, but I can manage.

Kumusta na kaya ngayon 'yong binaril ko sa binti? I'am wondering what happened to him right now. Baka kung saan pa 'yon napadpad.

"Kumain ka na, ipinagluto ka ni Manang Vilma. You should be thankful you're alive" napasimangot ako nang sabihin niya iyon. Tss, obvious naman eh.

Kinuha ko 'yong pagkain mula sa tray tsaka ito kinain. Panay sulyap lang ako kay Sky nang mapansin kong parati itong nakatingin sa akin.

Naiilang na ako sa mga tigig nito. He's like killing me on his mind.

"Huwag mo akong tignan" seryosong saad ko at nagpapatuloy sa aking pagsubo ng ulam.

"I can't take off my eyes on you. Kailangan kitang bantayan, baka sa isang iglap ko lang ay mawawala ka nanaman" napaismid naman ako.

Ay baliw si Mareng Sky...

"Tangik, hindi nga ako makakalakad ng maayo, mawawala pa kaya ako?" Inirapan ko ito saka uminom ng tubig.

Itinabi ko naman 'yong tray saka bumalik sa aking pagkakahiga.

"Iyon na nga. Baka lang naman, hindi ko naman talaga sinabing mawawala ka"

Aba!

"Huwag ka na ngang magsasalita" suway ko rito at humiga patalikod sa gawi nito.

"Why?" Naramdaman ko na lamang na may tumabi sa akin.

Lumingon ako roon saka kinunutan ito ng noo.

"Bumaba ka nga!" Inis kong usal at pilit siyang tinulak pababa mula sa aking kama.

Gago, tumabi ba naman sa akin.

"I'm also tired, baby. Please let me sleep" anito at humiga sa aking tabi.

Naku, kapag kami nakita ni Daddy. Makalagot ka talaga sa akin Sky!

"Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na dito ka sa hospital matulog?" Naiinis pa rin ako rito at tinulak-tulak ito pababa.

Nagmamatigas naman ang gago kaya sinuntok-suntok ko ang braso nito kahit na namamanhid ang aking braso.

"I want to stay here and watch you sleeping"

Wah, ang creepy niya naman...

"Ewan ko sa 'yo. Doon ka na lang kasi sa sofa matulog" umiling-iling naman ito.

"I want to sleep near my baby"

"Baby mo mukha mo. Tsupe! Layas!" Tinulak-tulak ko ito hanggang sa bumagsak ito sa sahig.

Napasalampak na lamang ako ng tawa hanggang sa makatayo ito.

Pfft, he's an idiot.

"Aray, ang sakit naman no'n. Baby, I'am sleepy, let me sleep. Wala akong ibang ginawa buong magdamag kung hindi ay bantayan ka" bumalik ito sa aking tabi saka humiga.

Wala akong naggawa kaya pinatabi ko na lamang ito sa akin. Tinalikuran ko ito at humarap sa bintana, siya naman'y nakaharap lang sa pintuan.

"Baby, don't worry. Your father will come here tonight. He settled something from his office" tumango-tango ako kahit na hindi ko naman talaga ito nakikita.

"Hindi naman ako nagtatanong" ani ko rito.

Nararamdaman ko na gumagalaw ito sa aking likuran.

"Tss, stop that" anito.

Dahan-dahan akong lumingon rito.

Nagulat na lamang ako nang mapansin kong isang dangkal na lang pala ang namamagitan sa amin.

Oh my gosh!...

Kaunting espasyo na lang at maghahalikan na talaga kami. Bakit ba kasi ang lapit niya sa akin?

Nakita kong may sumilay na ngiti sa mga labi nito.

"A-ano ang ginagawa mo?" Mangutal-ngutal kong tanong rito.

"Staring at my baby's face" sagot naman nito saka ngumiti.

Mabilis na dumapo ang aking nangangalay na kamao sa tiyan nito at kaagad ito g binelatan.

Aba, tumawa ang gago...

"Tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng baby ah. Hindi na ako bata" nakasimangot kong saad rito.

"Baby is not only for kids, I called you baby, because I want you"

Naestatwa ako sa aking kinahihingaan saka hindi nakaimik rito.

Ano raw 'yong sinabi niya? Pakiulit nga. Para kasing nabingi ako sa sinabi nito. Hindi ko narinig 'yong sinabi niya.

"Ha?"

Tumikhim ito. "I have a question" pagsisimula nito.

"Go on" sagot ko rito.

Tumahimik muna ito. "What are we?" Kumunot ang noo ko habang nakatingin rito.

Ano kami?...

"We're human. Tama, we're human" sagot ko rito sabat tango.

Nasapo nito ang kanyang noo kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

"You're literal. What am I?" Sagot nito and he tsked.

"You're a human, a person. You're a boy... I mean, you're a man, a guy" bumuntong-hininga na lamang ito sa naging sagot ko.

It seems like he wasn't satisfied. Ano ba kasi ang gusto niyang itanong? Why can't he be specific.

"That's not actually what I meant"

Ha?...

"Ano ba kasi 'yon? Be specific, hindi ako manghuhula" Inis kong tanong rito saka umupo ng maayos.

"Tss, nevermind. I'll wait 'til that day comes" sagot nito.

Anong day? Baliw na talaga 'tong si Mareng Sky.

"Baliw ka na ba? Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Okay ka lang ba? Ha?" Masama itong tumingin sa akin saka umupo.

Ano ba kasi ang guto ng lalaking ito?

"Wala. Hindi ko muna sasabihin sa 'yo. I'am waiting for you, baby. I'm waiting for your confession. I don't want you to be confused" natawa na lamang ako bigla sa mga sinasabi nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Natatawang tanong ko rito.

Mas lalong kumunot ang noo nito at linapit ang mukha sa akin.

Confession?...

"What?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na Pari ka pala. Kaya pala gusto mong magconfession ako ah?" natatawang saad ko rito.

Pari pala si Sky? Kaya pala hanggang ngayon wala pa ring jowa.

"Now you're playing slow" saad nito at sineryososhan ako ng mukha.

Ano ba talaga? Pari siya o naglalaro lang kami?

"Naglalaro pala tayo? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Anong tawag ba sa larong ito?" Nasisiyahan kong tanong rito.

"Damn" rinig kong bulong nito.

Bakit nanaman ba siya nagmumura?

"You're making me crazy as fvck. You didn't even get what I mean. Don't play like a fool, alam mo kung ano 'yong sinasabi ko. Alam mo kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi ko!" Medyo tumaas 'yong boses nito at napahawak sa bridge ng kanyang ilong.

Galit?...

"Bakit ka nagagalit?!" Sigaw ko rin dito.

"Hindi ako galit!"

"Bakit biglang tumaas 'yang boses mo?!"

"Tinaas mo rin 'yang sa 'yo!"

"Dahil tinaas mo 'yong sa 'yo! Hindi ko itataas ang aking boses kung hindi mataas sa 'yo!" Halos nagsisigwan na lamang kami rito sa loob ng aking silid. Sana makakauwi na ako.

Tanging malalakas na sigaw lamang ang tanging maririnig mo dito sa loob ng aking silid.

Halos magbabangayan na kami kakasigaw. Hindi rin naman kasi magpapatalo 'tong si Sky eh.

"Hindi ako galit!"

"Hindi rin ako galit!"

"Mas lalong hindi ako galit!"

"Mas lalo naman ako!"

"Tigilan mo na nga 'yan!"

Akala ko ba hindi siya galit?

"Okay, we're done. Rest and we'll go home tomorrow. Magpapahinga ka muna" mahinahong saad nito at umalis mula sa aking higaan.

"Okay" sagot ko at mabilis na lumundag. Inaantok na rin ako.

"Sleep tight, baby" saad nito sabay halik ng aking noo.

- - - -

"Tara na" lumingon ako sa gawi ng aking ama nang sabihin niya iyon.

"Where?" Tanong ko.

"Uuwi na tayo, bakit? Gusto mo bang maiwan?"

Ito talaga si Daddy, ang hilig magbiro. Hindi naman nakakatawa, tss.

"Tch" rinig kong usal ni Mareng Sky.

Kanina pa talaga ang lalaking ito. Kanina pa naiilang, akala niya siguro hindi ko mapapansin.

Tumayo ako saka linigpit ang aking mga gamit. Sumasakit pa rin ang aking katawan pati na rin ang aking ulo, pero kakayanin ko lang naman.

Kaya ko, basta uuwi lang kami.

Tinulungan ako ni Sky na magligpit ng aking mga gamit. Sabay kaming lumabas ng hospital saka sumakay sa aming sasakyan.

"Pagdating natin roon. I want you to clean my room, Manang Vilma" saad ko kay Manang Vilma. Kasama namin si Manang Vilma ngayon pati na rin si Michelle.

"Malinis na po 'yong kwarto niyo, ma'am. Nalinisan ko na po kanina"

"Mabuti naman kung gano'n" sagot ko rito.

Nakatungong nakatingin lang ako sa harapan. Nakaramdam na rin ako ng pagkagutom.

Napahawak ako sa aking tiyan at tumingin kay Daddy.

"Okay ka lang ba?" Lumingon ako kay Sky habang nakasimangot.

Mukha ba akong okay? Gutom na ako. Gutom na gutom na ako.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko rito.

"Hungry?" Tumango ako habang nakahawak pa rin sa aking tiyan.

Gutom na talaga ako. Paano ba naman, hindi ako masyadong kumakain roon sa hospital, tanging mainit na sabaw lamang at kaunting kanin.

Kaya ngayon nama'y medyo nagugutom na rin ako. Tanghaling tapat na rin ngayon. Kaninang umaga, kanin lang 'yong kinakain ko. Ang panget naman kasi ng ulam

"Tito, resto muna tayo. You're daughter is hungry" saad ni Sky kay Daddy.

"Sure, hijo. Mang Isko, huminto ka sa resto na makikita mo"

"Opo, sir"

Biglang huminto ang sasakyan sa isang resto, nagsibabaan naman kami at pumasok doon sa resto.

"Welcome Ma'am, Sir" ani nong gwardiya saka kami pinapasok.

Naglakad kami patungo sa isang mesa na may anim na upuan. Lumapit naman sa amin 'yong lalaking waiter.

"What's your order ma'am, sir?" Tanong nito at linahad sa amin 'yong menu.

Binaba ko 'yong menu at linapag sa mesa.

"Ikaw muna ang bahala, Dad" ani ko rito at bumuntong-hininga.

Alangan namang pipili pa ako, gutom na kaya ako.

"Ma'am, pumunta nga po pala sa mansion si... Ano nga ang pangalan no'n? Si.. si ano po, si Sir Worren. Oo tama, si Sir Worren ng po" mabilis pa sa alas kwatro akong tumingin kay Michelle at umayos ng aking pagkakaupo.

Bakit alam niya 'yong bahay namin?

"Anong sabi?" Mabilis kong tanong rito.

"Ano po, hinahanap ka po niya. Tapos, sinabi ko po na nasa hospital ka..."

"Tapos?"

"Tapos, pupunta raw po siya ngayon sa hospi---"

Oh my gosh!...

Nanlaki ang aking mga mata saka tumingin sa mukha ni Michelle. Nasapo ko naman ang akong noo.

Dali-dali kong binunot ang aking cellphone at dinial ang numero ni Worren. Kumunot ang noo ni Daddy nang sulayapan ko ito, pati na rin si Sky.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ng aking ama at binaba ang kanyang eyeglasses.

"Ano po, tatawagan ko muna si Ren" nakatingin lang ako sa aking cellphone habang dina-dial ang numero ni Worren.

"Who's theen?"

"Just a friend" napansin ko na sinagot na ito ni Ren kaya tinapat ko ito sa aking tenga.

"(Hello?)"

Bumuntong-hininga naman ako. "Hey, Ren. Nasaan ka pala ngayon?" Tanong ko na kunwari'y walang alam.

"(Faris, ikaw pala 'yan. Pupuntahan kita diyan sa hospital. I'am worried about you)" napakagat ako sa aking ibabang labi.

Baliw...

"Wala na ako sa hospital. Na discharge na ako kanina lang. Nandito kami ngayon sa isang resto malapit sa isang lodge" saad ko sabay silip sa labas ng bintana.

"(Oh, so... sa mansion na lang kita hihintayin)"

"Hmm, okay lang naman. Sige doon na lang"

"(Okay, babalik ako doon. Bye take care, baka mapaano ka pa)" palihim naman akong ngumiti.

"Bakla ka ba?"

"(No, but I can be gay to make you laugh)"

Boom Sapol!...

"Tse! Ang korny mo. Manahimik ka nga" bahagya pa akong napahalakhak at pinalo-palo ng mahina 'yong mesa.

"(Hahaha, tumatawa ka nga eh. Wala namang korny doon)" sagot naman nito.

"Sige na, bye. Kakain muna kami. Sa bahay na lang tayo mag-uusap"

"(Sige, bye)"

Pinatay ko 'yong cellphone at tumingin doon sa waiter na dala-dala ang aming mga pagkain.

Hmm, ang bango. Gutom na ako!...

Nilantakan ko 'yong pagkain hanggang sa maubos ko ito.

Hmm, ang sarap!...

"Ang raming naubus mo, hija ah?" Tanong ni Daddy. Ngumiti lang ako rito at pinahiran ng tissue ang aking bibig.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa aking ama.

"Sige" binayaran nito ang bill at agad rin kaming naglakad palabas ng resto.

Nang makalabas kami, nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na tao kaya napatitig ako roon.

"Tito Michael" tawag ni Sky rito.

Ngumiti ito sa amin saka lumapit sa aking ama.

"Hijo, hija" hinalikan nito ang aming mga pisngi kamay palihim ko itong pinahiran.

Beso-beso lang. Walang totohanan...

Ang isa sa ayaw mo talaga ay 'yong hinahalikan ang aking pisngi. Hindi ko talaga 'yon gusto.

"Nabalitaan ko, nahospital raw itong anak mo?" Tanong ng tito ni Sky.

Obvious ba?...

"Kaya nga po eh" sabat ko rito saka tumawa.

Hay, naiinis talaga ako. Chismoso ata 'tong tiyohin ni Sky. Palagi kasi itong nakakaalam sa tungkol sa amin pamilya namin, kahit hindi naman namin inaanonsiyo.

Napakalalaking tao, chismoso naman.

"Okay ka na ba, hija?" Kunwari ay nag-aalalang tanong nito.

"Okay lang po ako. Kayo po ba? Kumusta ang chismiss?" Syempre, bulong lang 'yong huling dalawang salita na aking sinasabi.

Baka kung ano pa 'yong sabihin nito.

"Okay lang rin ako, hija. Mabuti naman at okay ka lang. Naku sayang" bulong lang rin ang huling dalawang salita nito kaya palihim na nangunot ang aking noo.

Sayang? Ano namang sayang doon? Sayang na hindi ako natuluyan? Eh, kung ikaw kaya ang papasagasaan ko ng sasakyan?...

"Tito, naparito po kayo?" Sabat ni Sky rito.

"Oh, may pinuntahan lang akong meeting" tumango-tango naman ang pamangkin nito.

Meeting o chismiss?...

"Meeting with the board members?" Tanong ko rito at lumapit sa kanya.

"Y-yeah, gano'n na nga"

Pagkatapos niyong sumagot sa aking tanong, binaling nito ang kanyang tingin sa aking ama.

Nag-uusap naman sila samatalang nakatingin lang ako sa sahig at palakad-lakad ng pabalik-balik.

Hinihintay ko lang naman na matapos ang pag-uusap nila ng aking ama. Kanina pa ang mga ito g nag-uusap.

Mabuti na lang at hindi pa sumasakit ang kanilang mga binti kahit na matatanda na sila, dahil ako... Masakit na ang aking paa at binti.

Kanina pa kaya kami rito.

Ito talaga naman ang pinakayaw ko. Bakit pa kasi sila nag-uusap na nakatayo kung pwede namang umupo.

Kapag ako talaga hindi na makakatiis, lalayasan ko talaga ang mga taong ito. Ang hihinang magusap, dinaig pa 'yong sloth sa Zootopia.

"Excuse me, with all due respect. Pwede na ba tayong umalis, dad?" Magalang na sabat ko sa usapan nilang dalawa.

Sige ka, dad. Huwag mo talagang isasagot ang 'mamaya na'. Lalayasan ko talaga kayo...

"Alis na kami ah" saad ni Daddy rito.

"Sige, sa susunod na lang tao mag-uusap" sagot naman ng tiyohin ni Sky.

Naglakad kami papaalis sa harapan nito. Mabilis naman akong nakahinga ng maluwag.

Whew! I'm save...

Sumulyap ako kay Sky, he was staring at me habang umaangkas ako papasok sa loob ng aming sasakyan.

Ngumiti ako rito at umupo malapit sa bintana, sumunod naman ito sa akin saka ako tinabihan.

"What's up with you?" Hindi ko maiwasang hindi mapatanong rito. Kanina pa talaga 'to eh. Nakakainis na.

- _ -

"Wala, gusto lang kita titigan"

There's no wala there...

"Anong wala? Alam kong meron" mahinahong sagot ko rito.

"Wala nga. You're naive, you can't understand me"

Hindi ko raw siya maiintindihan? Eh, naiintindihan ko naman siya.

Pareho kaya kaming mga Pinoy, bakit naman hindi ko siya maiintindihan?

"I can understand you. Pinoy ka, Pinoy ako. Anong hindi ko maiintindihan do'n?" Tanong ko.

Napapikit naman ito at napahilot sa kanyang sintido.

Ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito?

"Nevermind" sagot nito saka tumingin sa harap.

Napakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo habang iniintindi ito.

I'm absolutely clueless. Wapang akong naiintindihan sa lalaking ito. He's acting really weird. A real weird.

Someone's POV

"Bakit hindi niyo nakuha?!" Sigaw ko sa tatlong lalaki na nasa aking harapan.

They are injured, 'yong isa nama'y bali 'yong buto.

"Ang talino po ng bata, Sir. Nahihirapan po kaning dakpin ito. Ang lakas" binagsak ko ang aking nakakuyom na kamao sa aking mesa rito sa loob ng aking opisina.

"Ano kayo? Mga bobo?! Ha? Bobo kayo?! Akala ko ba magagaling kayo?! Nasaan 'yong galing niyo?! You're a piece of shits. Magsilayas kayo sa aking harapan!" Mabilis ito lumabas sa aking opisina.

Tumahimik naman ang mga naririto sa loob, nagulat at natakot rin ang mga ito dahil sa malakas kong sigaw.

Palpak ang pinagagawa ng mga lalaking iyon. Mga palapak!

Hindi nila makukuha 'yong bata? Hmm, let's use a friend...