webnovel

Chapter 14

Faris' POV

"Anak, sumabog daw 'yong mall na pinuntahan niyo kahapon? Ano bang nangyari?" Tanong ni Daddy sa akin habang ako naman ay nagtatali ng buhok ko.

"Yeah, terrorist. No big deal naman, dad. Sa kanila naman 'yong mall, okay lang 'yan. Hindi naman tayo ang magbabayad eh" kalmang sagot ko rito at umupo sa tabi niya.

Masyado pang maaga, sabi kasi ni Sky na mamayang eight thirty na kami aalis, okay na rin 'yon sa akin kaysa naman maaga kaming aalis.

"Hija, alam kong may mga natatanggap kang threats---"

"Dad, wala pong connect 'yong mga threats ko sa nangyayaring pagsabog doon sa mall " saad ko at hindi na nagtanong kung bakit niya alam 'yong tungkol sa mga threats-threats na 'yan. He has his own ways.

Hindi ko na rin iyon problema. Wala akong kapro-problema.

"Ang gusto ko lang naman sabih---"

"Mag-ingat po ako? Opo, alam ko na po 'yan. Paano ko naman 'yan makakalimutan, iyan kaya 'yong best line niyo, dad. Paulit-ulit niyo na po iyan sinabi sa 'kin" pag-putol ko sa sasabihin nito

Bumuntong-hininga naman ito at tiningnan ako. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Nag-aalala lang ako sayo, hija. Your life is in danger. Kailangan ko na talaga makita 'yang pakikipag-sparring mo kay Sky. We need to make this fast" sparring? Gusto niyang makita?

"Gusto mong makita?" Nag-aalinlangan na tanong ko. Narinig ko naman na may naglalakad sa likod ko kay nilingon ko ito.

"Yeah, I just wanted to make sure that you're good enough to fight with your opponent"

Good enough, huh?...

"Dad, pwede naman na hindi muna ngayon eh. Marami pa pong mga oras. May trabaho ring naghihintay sa 'yo" sagot ko at lumingon kay Sky na nakatayo sa likod ko.

"Sige po, tito. Payag po ako" sabat naman ni Sky kaya pinandilatan ko naman ito ng mga mata.

"What?! No way! Wag ngayon!" Natatarantang sigaw ko sa kanila kaya naman tumawa lang ito.

"Don't worry, darling. You can do it" saad nito kaya naman inirapan ko siya at pinalo 'yong matigas nitong braso.

"No, I can't! Nahihibang ka na ba?!" Inis na tanong ko at marahan na kinamot ang ulo ko.

"It's okay, hijo. Sasabihin ko na lang sa inyo kung kailan ko gustong makita. May mga oras pa naman, pero mabutihin na nating na mas maaga" nakahinga naman ako ng maluwang nang sabihin iyon ng aking ama.

"Sige po"

Tumayo na ako at tiningnan ng deretso sina daddy tsaka si Sky.

"Alis na tayo?" Tanong ko kay Sky habang nagunat-unat ng aking mga binti at mga braso..

"Hmm, let's go. May ituturo ako sayo" ani nito at kinindatan ako, sumunod naman ako sa kanya ng sabihin niya iyon.

Naglakad kami palabas hanggang sa dumating kami sa sasakyan nito. Sumakay kami rito at pinaharurut niya naman ito papunta sa training hall.

Pero parang nagkamali ako, linagpasan lang namin 'yong training hall at lumiko kami malapit sa isang bahay at sa likod nito may may malawak na bakuran.

"Ano ba 'yang ituturo mo sa akin? What are we doing here?" Hindi man lang ito sumagot sa tanong ko

Kaya tahimik ko na lang itong sinundan habang naglalakad papunta sa isang bakuran.

Huminto naman kami sa harapan ng parang isang target board at marami na rin itong mga butas. I guess this is the place where they trained to shoot. Bakit niya nga ba naman ako dinala rito?

"Here" binigay niya naman sa akin ang isang baril.

GUN?! Ano ang gagawin ko sa baril na'to?!

Nanginginig naman ako habang dahan-dahan na inabot mula sa kamay nito ang isang baril.

"A-aanhin ko t-to?" Kinakabahang tanong ko. This is my first time holding this gun, mabigat pa naman.

"I want you to learn how to kill with gun's" aniya kaya mabilis ko namang binigay sa kanya ang baril at kaagad na naglakad paalis.

"Hey, where are you going?!" Tawag nito kaya huminto naman ako lumingin roon sa gawi ng kinatatayuan niya.

"I'm out. Yes, I'm rude, but I don't kill. Yes, I can injured, but I can't kill" sagot ko rito. Bahagya naman itong humalakhak sa sinabi ko.

Wala akong kaalam-alam kung bakit ito napahalakhak sa sinabi ko. Wala namang masama doon ah?

"Pfft... What I mean is not kill... like you're gonna to spill blood and like you're going to let them die in your own hands" tumatawang saad nito. Bigla nanang nangunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nito.

Eh, kung gano'n, ano naman ang ibig niyang sabihin?...

"Huh?"

"Ang ibig ko lang namang sabihin ay 'yong kailangan mong targetin 'yong paa or whatsoever para mahihirapan silang gumalaw. Hindi 'yong papatayin mo na talaga sila, pfft" napatawa naman ito habang sinasabi niya iyon. Napairap naman ako nang sabihin niya iyon.

Bahagya pa akong nahihiya sa sinagot nito kanina. Medyo naiilang pa rin ako, dahil nakangiti pa rin ito at parang gusto pa nitong humalakhak ng malakas.

Baliw...

"Give me that gun" ani ko at kinasa ito saka binaril 'yong target ko.

Boom Sapol!...

"Wah! Ang galing... Madali lang pala eh" Masaya kong sigaw.

Nagulat naman ito sa nagawa ko at binaling-baling niya pa ang kanyang tingin sa akin at doon sa binaril ko. Pfft, that's hilarious.

"How did you do that?" Nagkibit-balikat lang ako.

Ako mismo ay walang alam kung paano ko iyon naggawa, ang alam ko lang ay natamaan talaga mismo 'yong noo.

"Never tried this before, it's interesting" nakangiting saad ko. Bigla naman itong sumeryoso.

"You need to be serious when it comes to gun's. Gun's are not for playing. You need to memorize every parts of it and also it's functions. When you touch a gun you need to control yourself first or you'll blow out the person near you"

"To be specific, you have to have self control para pag nagalit ka hindi ka kaagad bubunot ng baril para patayin 'yang kaharap mo o kausap mo, para lang pagbuntungan mo ng iyong galit"

"Gun's are for crimes, not for killing innocent people, you need to use it carefully" ani niya habang naglalakad at isa-isang binaril 'yong mga water bottle na nakatayo mula sa malayo kaya naman napatakip ako ng tenga ko at napailing na lamang dahil sa ingay ng putok.

Nalaglag na lamang ang panga ko nang makita kong napatumba niya lahat ng mga water bottle. Mas lalo akong napahanga sa kanya sa sobrang galing nito.

Naglalakad lang ito at hindi tiningnan ang mga water bottle, pero napatumba niya ito lahat. Ang akala ko ay sa mga pilikula ko lang iyon makikita, totoo rin pala iyon?

Mala-action movie's 'yong ginawa niya kanina.

Ang galing niya!....

"Wear this" aniya at binigay sa akin ang earmuffs. Sinuot ko naman ito pati 'yong goggles. "You did it well" ani nito at tumayo sa likod ko.

"Let's do the shooting"

"Okay" kalamang sagot ko pero medyo naeexcite ako. Ewan ko lang, parang ang saya humawak ng baril.

"You need to shoot the part where you wanted to shoot the target" saad niya kaya kaagad ko namang tinaas 'yong baril at tinutok ito sa dibdib ng target board. Porma itong tao kaya may dibdib.

"Focus, pull the trigger and shoot" aniya kaya kaagad ko naman itong sinunod. Pinutok ko 'yong baril pero iba naman 'yong natamaan.

Aish! Ano ba 'yan. Tsamba lang pala yung kanina...

"Tch! I said focus" aniya at hinawakan 'yong kamay ko habang nasa likod ko itong nakatayo at halos magkadikit na 'yong katawan namin.

Nararamdaman ko 'yong mabango nitong hininga kada salita nito na humahaplos sa tenga ko. Medyo naiilang ako sa sobrang lapit namin at sa sobrang pagkadikit ng katawan nito sa katawan ko.

Damn! I can't focus!...

Hindi ako makaka-focus sa target ko kakaisip ng taong nasa lukod ko. Napalunok ako at dahan-dahan tiningnan siya.

Patuloy lang ito sa pagsasalita habang nakadikit sa akin, kaya medyo umusog ako ng kaunti dahil ilang na ilang na talaga ako.

"Focus" ani nito at lumingon sa akin kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

Oh My Ghad, ang lapit na ng mukha namin...

It's like there's is only one centimeter between us.

Kahit na hanggang balikat lang ako yumuko kasi ito ng kaunti para mapantayan ako.

Aish, ano ba yan. Ang lapit ng mukha niya...

"K-kaya ko na to. Ako na" kinakabahang saad ko at humakbang ng kaunti para naman malayo ako sa kanya.

"Hmm" humakbang naman ito papalayo sa akin kaya kinasa ko na 'yong trigger ng baril at tinutok sa balikat ng hugis tao doon sa target board.

Agad ko rin itong pinutok, ngunit laki ng pagkadismaya ko nang hindi ko ito natamaan.

Kanina pa ako nangangawit. Hindi na rin nakayanan ng aking mga kamay ang bigat ng baril.

"Focus, let me" aniya at kinuha 'yong baril mula sa nangangawit kong mga kamay.

Kinasa niya ito at ikalimang pintukot.

Natamaan naman nito ang parte ng dibdib, kaya mabilis akong napakurap-kurap nang makita kong isang butas lang ito. Sakto rin na ang gitna ng dibdib ang natamaan nito.

Napa-awang na lamanga ng bibig ko habang nakatingin doon sa dibdib na may butas.

WHAT THE HELL! SERIOUSLY?!

Isang butas, limang bala.

Naghahallucination lang ata ako. Hindi ako makakapaniwala na naggawa niya iyon.

"H-how did you do that?" Manghang tanong ko habang gulat na nakatingin sa kanya.

"Tss, simple" aniya kaya binawi ko 'yong baril at kinasa ito. Binaril ko naman 'yong tiyan pero 'yong balikat ang natamaan.

Tangina! Mamatay ka na!...

"C'mon, it's very simple and easy" aniya kaya naman pumwesto itl ulit sa likod ko at hinawakan 'yong kamay ko saka tinapat iyon sa dibdib ng target board. "Focus" bahagya rin naman akong napalunok bago tumingin sa harap.

"Shoot" aniya. Pinutok ko naman ito, malapit nga lang ito matamaan. Kailangan ko pa ng maraming training, gusto ko na matamaan 'yong target.

"Not bad, why don't you shoot the forehead?" Aniya at binigay sa akin 'yong isang baril. "This is Pistol" aniya kaya tinanggap ko naman ito at tinutok ito sa noo ng target.

"Paano ba to gagamitin?" Litong tanong ko.

Lumapit naman ito sa akin at hinawakan 'yong kamay ko ULIT, duh.. kinakabahan ako.

Bumuntong-hininga ako. "Focus" aniy kaya lumingon naman ako sa gawi nito at tiningnan ang mukha niya. Nakatingin lang ito sa harap. "Don't focus on me, I'm not your target. Focus on your target" seryosong saad nito habang nakatingin lang sa harapan.

Dali-dali naman akong napalingon sa harap at kaagad itong kinasa saka pinutok ito sa noo.

"WAH?! I got it!" Malakad kong sigaw at napatalon na lamang sa saya.

Wahh, I did it, I shoot 'em in the forehead...

"Great" saad niya at ngumiti sa akin. Sinuklian ko lang ito ng maliit na ngiti.

"Now, hit the shoulder"

"Now?"

"Hmm"

Kinasa ko ulit 'yong baril at tinutok ito sa balikat, kaagad ko rin naman itong pinutok.

"Woahh! That's good" masayang sigaw ko.

"Use this" aniya at binigay sa akin 'yong baril na may like magnifying glass?

Is that magnifying glass? May baril bang may magnifying glass?...

"What's this?"

"It's a sniper" maikling sagot nito. Tumango naman ako.

"Itapat mo 'to sa mata mo" aniya kaya tinapat ko naman sa mata ko 'yong bagay na parang magnifying glass, ewan ko lang kung ano ang tawag nito it's really like a magnifying glass.

"Saan naman ang tatamain ko?" Tanong ko sa kanya.

"Shoot the stomach" kaagad ko itong tinapat sa tiyan at pinutok. Madali lang itong gamitin lalo pa't may magnifying glass ito or what's that called.

"Ok, let's proceed to the training hall" 'yon lang?

"What?"

"Yeah, let's go. That's enough"

"No, I don't think that's enough"

"That's enough. We have some time"

"Tss, no! Last one"

"No, that's enough... Enough is enough, okay? Don't force me, kung ayaw mong pumunta sa training hall edi wag. Hindi kita pipilitin" aniya at naglakad paalis sa akin.

Mabilis ko namang binalik 'yong baril sa mesa at kaagad ko itong sinundan hanggang sa makarating kami ng sasakyan. "I thought you're not coming?" Seryosong tanong nito habang gamit nito ang kanyang baritong boses.

"Tss, let's go" sagot ko rito. Mahirap na kung makikipagtalo pa ako rito.

"Pfft"

Hindi ko na ito pinansin at sumakay na lamang sa kotse nito. kaagad niya naman itong pinaharurut.

Biglang pumasok sa isipan ko 'yong sinasabi niya na bibilhan niya ako ng damit.

"Mall"

"Later"

"Mall"

"Later"

"Mall"

"Later"

"Mall"

"I said later. Punta muna tayo sa training hall, before we go to the mall"

"No! Sparring na lang ang gagawin natin. Maaari na tayong pumunta sa mall. Tapos na tayo sa lahat, hindi ba?" Malumanay kong tanong rito.

"Okay, we'll go to the mall, but this is the last time. Hindi ka na pwedeng pumunta pa sa mall kahit kailan at kahit ako pa 'yong gusto mong kasama. Do you understand kid?" pinandilatan ko naman siya dahil sa sinabi niya na nag-papatigil sa akin.

"Tss, ewan ko sayo. Napakaunfair mo. You're unfair" maikling sagot ko rito at tumalima sa labas ng bintana.

"It's fair"

"It's unfair. Ginaya mo lang naman ang daddy ko. Pati ba naman ikaw tanggalan ako ng karapatang gumala? Maging masaya?" Malungkot kong saad at agad na yumuko.

Narinig ko itong bumuntong-hininga. "Fine, fine, fine. Payag na ako" sagot nito.

"Wah, thank you! I love you talaga" masayang sigaw ko habang naglalakad kami papasok.

Napansin ko naman tumigil si Sky sa paglalakad.

Bakit? May masama ba sa sinabi ko? Ano nga ulit 'yong sinabi ko?...

"Wah, thank you! I love you talaga"

Natigilan naman ako nang malala ko 'yong sinabi ko kanina. Nagsimula nang uminit ang buong mukha ko at dahan-dahan rin akong nakaramdam ng hiya.

"What did you say?"

Wah, ano ba ang isasagot ko? Jusmiyo Marimar naman oh. Pahamak talaga ang bibig na 'to.

Naiilang naman akong tumingin sa mga mata nito. "A-ano, sabi ko ano..."

"Ano?"

"Ano... Ano..."

"What? Ano?"

"Ano nga ulit 'yong sinabi ko? Nakakalimutan ko kasi eh" kunayaring sagot ko rito at umaakto na parang may iniisip.

"Ano? You said I love you" sagot naman nito sabay lapit sa akin.

"Sinabi ko ba 'yon? Bakit hindi ko man lang maaalala? Sinabi ko 'yon?" Pagpapanggap ko.

Napakasinungaling ko talaga. Patawarin niyo po ako, nagsisinungaling po ako...

"Yes, you just did"

"Ah, 'yon ba? Sabi ko... Ano..."

"Ano?"

"Ano.. sabi ko I love Mall, hindi ko naman sinabing I love you. Guni-guni mo lang 'yon. Bakit naman ako mag-I-I love you sa 'yo, tss, baliw ka talaga. Itaga mo pa sa bato, hindi ako mag-I-I love you sa 'yo" sagot ko rito at kinakabahang ngumiti, pero pinilit kong hindi kabahan.

"Well, sige. Hindi naman kita pipilitin. But seriously, I just want you to repeat it"

Ano daw? Anong repeat-repeat ba 'yan?...

"Hey, ang bagal mo. Dinaig mo pa 'yong paggong"

Nakita ko naman si Sky na nauna na sa aking maglakad kaya tumakbo ako papunta ng mabilis at tumabi rito.

"Ang bagal mo"

"Eh, ang bilis mo eh" reklamo ko naman.

"Tch, bilisan mo. Marami pa tayong gagawin"

"Ikaw lang, hindi ako" sagot ko kaya seryoso naman siyang tumingin sa akin.

"Faster, malapit na gumabi" nag-mamadaling saad nito kaya tinaas ko na lang siya ng kilay. Hndi ko alam kung ano ang inaasta niya ngayon.

Minsan talaga nakakalito ang lalaking 'to. Kahit kailan naman talaga.

"What's to rush?" Hindi ko na mapigilang tanong.

"Your life is in great danger kaya magmasid-masid ka naman sa paligid mo. They're just near you. Kung ayaw mo pang mamatay, nagdahan-dahan ka naman" napalingon naman ako sa aking paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba.

Pumasok na lamang ako ng butika at bumili ng mga damit at sapatos. Dinala niya naman ako kaagad sa training hall kaya sa mga oras na natira. We spend it for training.

The exact time for our resting is really four thirty pero ngayon, it's six. Ewan ko lang kung bakit ang tagal naming natapos ngayon. As in ang tagal talaga, like parang malalanta na ako kakahintay na matapos tong pisteng training.

"Let's go home?"

"Mabuti pa nga. Ang tagal kaya natin natapos" sagot ko at kaagad na naglakad papasok sa loob ng sasakyan. I'm not feeling well, I think I'm sick. I really feel groggy.

- - - -

Pagkarating namin sa bahay kaagad akong pumasok sa kwarto ko at sumalampak sa pagkakahiga. Tinatamad akong magbihis, tinatamad akong maligo, tinatamad akong tumayo... Gusto kong matulog ng isang araw.

Ang sakit na ng katawan ko, sumobra ata 'yong training namin.

Nag-kakandarapa na nga ako eh, tapos ito pa 'yong nararamdaman ko.

Nararamdaman ko na lang na medyo umiinit 'yong noo ko nang hipuin ko iyon. Mainit rin 'yong pisngi ko lalo na 'yong mga mata ko.

Kailangan ko na ata ng pahinga. Hindi pahinga na mamamatay na ako, but pahinga na rest.

Masyado nang bumigat na ng mga mata ko.

Nahihirapan na akong gumising. I'm really tired at parang mainit 'yong buong mukha ko at dahan-dahang bumaba ang init papunta sa aking buong katawan.

Parang gusto kong masuka. Sumasakit rin 'yong tiyan ko.

Sana hindi ako lalagnatin bukas. Sana lang talaga. Gusto ko nang matulog. Jusmiyo naman...

Hindi ko na lang napansin na unti-unti na palang sumasara 'yong mga mata ko at hindi na lamang nakapagbihis ng damit o kumain man lang ng hapunan.

Dahan-dahan na akong napaidlip at agad ring nakatulog.